下載應用程式
82.62% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 176: Patas Lang Tayo

章節 176: Patas Lang Tayo

"Anong ginagawa mo dito?!"

Sabay na tanong nila Issay at Nicole.

"Hindi nyo man lang ba ako kakamustahin?"

Tanong ng dumating sabay lapit sa dalawa.

Sa pikon ni Issay pinitik nito sa noo si Nadine.

Issay: "Hindi ba dapat mamaya pa ang dating mo, kaya bakit andito ka agad?"

Si Nicole na gusto din batukan ang ate nya dahil napikon din ito sa biglang pagsulpot, pero hindi nya magawa. Baka kasi batukan din sya ng Nanay Issay nya pag ginawa nya iyon.

Nadine: "Na miss kita Mama Issay!"

Sambit nito na may paglalambing habang kinukuskos ng dahan dahan ang noo na pinitik ni Issay kanina, upang mawala ang sakit. At saka inakap si Issay.

Nicole: "Teka, bakit Mama Issay ang tawag mo sa kanya?"

Nangiti si Nadine dahil may kahalong biro kaya nya tinawag si Issay ng ganun. Ayaw kasi nitong tinatawag syang Mama Issay ni Nadine at alam nyang susuwayin sya nito.

At na mimiss na nya kapag sinusuway sya nito.

Issay: "Hindi pa nya kasi alam. At ikaw, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag mo akong tawagin ng ganyan... Haaay! pasaway!"

Nicole: "Oonga Ate, mula ngayon Nanay Issay na itawag mo sa kanya! Utos yun ng Mama!"

"Saka ba't dimo din ako hina hug, hindi mo ba ako na miss?"

Reklamo nito sa kapatid.

Nadine: "Haaay naku ang bunso kong kapatid, hindi ka pa rin nagbabago! Halika nga!"

Sabay akap sa kapatid.

Issay: "Ngayon sagutin mo na ang tanong namin, anong ginagawa mo dito e mamaya pa dapat ang dating mo di ba?"

Nadine: "Uhmm... e ... kasi.....sumabay ako kay Jaime!"

Sabay tingin sa pinto.

Si Jaime na kanina pa pala nasa labas ay hindi makapasok dahil nahihiya ito kay Issay.

Issay: "Jaime pumasok ka na! Ano ba ang inaantay mo dyan? Pasko?!"

Pagpasok ni Jaime, dumiretso ito kay Issay at nagmano saka tumabi kay Nadine.

Si Nicole na ngayon lang nakita si Jaime ay naging interesado dito. Ngayon lang nya nakitang nagsama ng lalaki ang kapatid.

'Hmmm.... ano kayang gagawin ng Papa pag nalaman ito?'

Issay: "Bakit kayo magkasama?"

Sa kilos ng dalawa na hindi lang magkahawak ang kamay pati bawat daliri nila sa kamay magkadaop din, mukhang alam na nya ang sagot.

Jaime: "Ninang, inaaya ko na pong magpakasal si Nadine at pumayag po sya!"

Nicole: "HUH?!"

Nagulat si Nicole, hindi nya ito inaasahan.

Issay: "Nadine, tapatin mo nga ako, tinarantado ka ba ni Jaime?"

Nadine: "Ma, hindi po!"

Natatarantang sagot nya

Jaime: "Ninang, maginoo po ako!"

Depensa ni Jaime.

Issay: "Tama ka, maginoo ka nga parang katulad ng tatay mo!"

Hindi maintindihan ni Jaime bakit pakiramdam nya hindi isang pamumuri ang sinabi ni Issay.

Napaisip tuloy sya.

'May ginawa ba ang tatay ko na hindi ko alam?'

Issay: "Nadine, paano ka na naman nasisiguro na si Jaime talaga ang gusto mo? Paano na si Edmund?"

Napaubo si Nadine sa deretsahang tanong ni Issay.

Nadine: "Nay, hindi po naging kami ni Edmund, alam nyo yun. Aaminin kong nagka gusto ako sa kanya noon pero nung huli na realize ko na may pagka immature sya kaya na turn off ako sa kanya!"

Si Nicole na kanina tahimik ay biglang sumabat sa usapan.

Nicole: "Hoy teka, inaano ka ba ni Edmund?"

Nagtaka si Nadine sa reaksyon ng kapatid.

'May nangyari ba habang wala ako?'

Si Issay na hindi pinapansin ang mga reaksyon nila ay nagpatuloy sa pagtatanong.

Issay: "So, kahit makita mo si Edmund ngayon wala ka na talagang mararamdaman sa kanya?"

Nadine: "Opo Nay, sigurado na po ako, wala na po talaga!"

Issay: "Magaling! Sa lunes bumalik ka na sa opisina, kailangan ko ang tulong mo!"

Napakamot sa ulo si Nadine

'Bakit ba pakiramdam ko naisahan nya ako dun?'

Nadine: "Ma...."

Issay: "Ano ba talagang itatawag mo sa akin? Kanina ka pa!"

Nadine: "Nay, ... ano kasi ... Uhm.. Pwede po bang tulungan nyo kaming magsabi kilala Mama at Papa ng desisyon namin!"

Natawa si Nicole sa sinabi ng kapatid.

Nicole: "Good luck sayo Ate! Hahaha!"

Issay: "Huwag mong sabihing buntis ka?"

Nadine: "Hindi po Nay! Nangako po kami sa inyo diba!"

Issay: "E bakit pakiramdam ko nagmamadali kayong makasal?"

Jaime: "Madedestino po kasi ako sa malayo at hindi ko po alam kung kelan ako makakabalik. Gusto ko sanang makasal kami bago ako umalis!"

Issay: "Gusto nyo na ako ang magsabi sa mga magulang nyo ng plano nyo? Bakit? Hindi ba dapat kayo ang nagiisip ng paraan kung paano susuyuin sila!"

"Ikaw Jaime, ikaw ang lalaki, bakit hindi ikaw ang gumawa ng paraan para magustuhan ka ng pamilya ni Nadine? Bakit kailangan mong iasa sa akin?"

"Bakit hindi mo gayahin si Edmund na ginagawa ang lahat ng panunuyo magustuhan lang sya!"

Nakaramdam ng pagka irita si Jaime. Sa lahat ng ayaw nya ay ang ikumpara sya sa Edmund na yun. Parang nakakalalaki.!

Nagulat naman si Nadine sa narinig.

Nadine: "Bakit po nanunuyo si Edmund kila Mama at Papa?"

Tiningnan nya si Nicole.

Nicole: "Teka Ate huwag mo akong tingnan ng ganyan!"

"Ilang beses kitang tinanong kung gusto mo pa sya at ilang beses mo rin ako sinagot ng hindi!"

"Kaya sinagot ko na sya!"

Nadine: "Pero bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na nanliligaw pala sya sa'yo!"

Nicole: "E ano naman kung niligawan nya ako, hindi naman naging kayo! Saka ... e ano rin kung hindi ko sinabi sa'yo, hindi mo rin naman sinabi na may boyfriend ka na ah at engage pa! Kaya patas lang tayo!"

Sabay labas ng dila sa Ate nya.

Napikon si Nadine at sasabat pa sana pero kumuha na ng tsinelas si Issay at ipinalo sa mesa.

PAK!

"MAGSITIGIL KAYO!!!"


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C176
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄