"Sila? ... Ibig mo bang sabihin kilala mo din ang panganay kong si Nadine?"
Nagtataka tanong ni Nelda kay Issay.
Issay: "Oo, natira din sya dito, nung lumayas sya sa condo nyo, dito ko sya pinagpatuloy."
Lalong tumindi ang nararamdaman nitong selos kay Issay.
'Bakit tila lahat ng anak ko gusto ang babaeng ito?'
'Anong meron sa babaeng ito na wala sa akin at close ang dalawang anak ko sa kanya?'
Napansin ni Issay ang nagtatanong na mga mata ni Nelda at mukhang alam na nya ang nasa isip nito.
Issay: "Marahil dahil nakakaramdam sila ng kaligtasan sa kalinga ko kaya kampante sila dito."
Nelda: "Huh?"
'Bakit parang nabasa nya ang nasa isip ko?'
Issay: "Huwag kang magselos sa akin Nelda, hindi ko inaagaw ang pagiging nanay mo sa kanila pero ... hindi mo sila masisi kung maghanap sila ng kalinga sa iba kung kulang ang nararamdaman nila!"
Nelda: "Anong ibig sabihin?"
Issay: "Alam mo ang ibig kong sabihin at alam mo din ang sagot sa tanong mo!"
"Kung talagang mahal mo ang mga anak mo di ba natural lang na gagawin mo ang lahat para sa kanila. Kahit na mahirap at pagtawanan ka pa ng lahat, hindi iyon mahalaga!
Ang mahalaga ang maibigay mo ang kalinga na kinakailangan nila!"
Naiintindihan ni Nelda ang ibig sabihin ni Issay. Malaki ang pagkukulang nya sa mga anak lalo na sa panganay.
Nelda: "Nandito rin ba si Nadine?"
Naluluha nitong tanong.
Issay: "Wala sya dito, nasa Singapore nagaaral! Pero lagi silang nagkakausap ni Nicole!"
Natutuwa sya ng sa wakas meron na rin syang nadinig na balita sa panganay nya.
Kita ni Issay ang pananabik nya kay Nadine, halata sa mga mata nito ang lungkot at pangungulila sa anak.
Issay: "Huwag kang magaalala maayos ang lagay nya at malapit na syang makatapos! Pangako patatawagin ko rin sya sa'yo!"
Labis na ikinatuwa at ikinainis ni Nelda ang pagkikita nilang ito ni Issay kaya habang papauwi silang magasawa may ginawa ito na ikinagulat ni Enzo.
Nelda: "Enzo, dumaan muna tayo ng ospital!"
Enzo: "Bakit may sakit ka ba? Anong nararamdaman mo?"
Bakas ang pagaalala sa mukha nito.
Nelda: "Wala akong nararamdaman pero mukhang kailangan ko ng tulong!"
Nakapagpasya na sya, magpapa tingin at magpapagaling sya para sa mga anak.
****
Samantala...
Roland: "Wala akong kinalalaman sa nangyaring pagsabog Detective! Ni wala nga ako dito sa siudad ng mangyari iyon!"
Detective: "Pero ikaw ang tinuturo ng mga ebidensya at ikaw lang ang may matinding motibo para gawin iyon!"
Roland: "Hindi nga ako ang gumawa at nagplano ng lahat ng iyon, kundi si Rowena!"
Detective: "E, paano mo naman nalaman at bakit naman gagawin lahat ng iyon ng tinatawag mong Rowena? Ano naman ang motibo nya?"
Roland: "Dahil gusto nya ang posisyon ng bise presidente na mapunta sa kanya at gusto rin nyang magkaroon ng shares sa kompanya ko!"
Detective: "Dahil lang dun gagawin nya ang isang karumaldumal na bagay?
Lampas ng isang daan ang namatay Mr. Ledesma kaya ang hirap paniwalaan ang sinasabi mo!"
Roland: "Pero iyon ang totoo! Wala akong kinalalaman dito!"
Hindi malaman ng detective na nagiimbestiga kung nagsasabi ng totoo si Roland o magaling lang talaga itong umarte.
Detective: "Ang ibig mo bang sabihin, plinano at ginawa lahat ng ito ni Rowena at wala kang kinalalaman dito? Kung totoo yang sinasabi mo, bakit? Anong ginawa mo sa kanya para ipagdiininan ka nya sa kasong ito?!"
Roland: "Bakit ba ako ang tinatanong nyo? Bakit hindi ninyo sya hulihin para malaman nyo ang dahilan?!"
Detective: "Tinanong na namin sya at sinabi nyang hindi ka nya kilala ng personal at ni hindi pa kayo nagkakausap!"
Roland: "Imposible! Ako ang nag appoint sa kanya bilang Bise Presidente kamakailan lang kaya papaanong hindi kami nagkakausap?!"
'Walanghiya ka Rowena, kung inaakala mong madidiin mo ako sa kaso na ikaw ang may gawa nagkakamali ka!'
'At kung inaakala mong aaminin ko na mag ama tayo mangarap ka ng gising dahil hindi mangyayari yon!'
Detective: "Mr. Ledesma, kung ako sa'yo aminin mo na lang ang ginawa mo at huwag ka ng magimbento ng kwento!"
Roland: "Hindi ako gumagawa ng kwento! Bakit hindi nyo gawing mabuti ang trabaho nyo para malaman nyo ang totoo!
Nasabi ko na ang lahat, hindi na ako muling magsasalita hanggat wala ang attorney ko!"
Walang magawa ang mga nagiimbestiga kung hindi tawagan ang abogado nya.
Hindi inaasahan ni Roland na ididiin sya ni Rowena sa ginawa nito. Totoong wala syang alam sa mga plano nito at mukhang matagal na nya itong plinano. Siguro, para makapaghinganti sa kanya sa hindi nya pagkilala bilang anak nya.
Hindi nya inakalang tatraydurin sya ng babaeng iyon pagkatapos nyang ibigay ang posisyon at ibang shares sa kanya.
Mabuti na lang naging maagap sya at nagawa nyang mabawi ang kontrol ng kompanya bago ito mapunta lahat kay Rowena.
'Walang hiya ka Rowena kung inaakala mong nakaligtas ka na, antayin mo ang ganti ko!'
Humalakhak ng malakas si Roland na ipinagtaka ng detective at mga naroon.
Detective: "Bakit, may nakakatawa ba?"
Pero nagpatuloy lang ito sa pagtawa.
Dahil sa isip ni Roland isinusumpa na nya si Rowena.
'Walanghiya ka Rowena, hindi kita mapapatawad sa ginawa mo! Kung inaakala mong sa ganitong paraan mo lang ako mapapabagsak nagkakamali ka! Kahit anong gawin mo hindi mapapasayo ang kompanya ko!'
Nang magkita sila ng abogado nya ang unang utos nya dito ay Kailangan nyang makausap si Belen pero hindi sya pumayag na makita nito dahil sa kundisyon nya kaya sa bandang huli si Issay ang hiniling nyang makita.
Alam nyang hindi sya papansinin ni Edmund dahil malaki pa rin ang galit nito sa kanya.
Hindi pa gaanong magaling si Issay at hindi pa nakakabawi ng lakas.
Nangiti si Issay ng sabihin ng attorney ni Roland ang pakay nya. Interesado rin syang makita nakakakulong ang taong pumatay sa kanyang ina.
Issay: "Pasensya na attorney, gusto ko man syang paunlakan pero kagagaling ko lang sa operasyon! Kung gusto nya kong makita, magantay sya!"
And now the end is near...
Please bear with me till the end.
I love you guys and thank you, thank you very very much.
trimshake.