下載應用程式
63.38% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 135: Wala Na Tayong Dapat Pagusapan

章節 135: Wala Na Tayong Dapat Pagusapan

Kagabi pa sumumpong ang pananakit ng tiyan ni Issay. Hindi sya halos makakakain.

Kaninang hapunan, sinubukan nyang sumubo pero nakaka isang subo pa lang sya, nawalan na sya ng gana dahil humilab ng husto ang tiyan nya. Nahupa lang ito ng kaunti pero hindi na nawawala ang sakit.

Para syang may kabag at punong puno ang tiyan, samantalang puro tubig lang ang laman nito.

'Jusko! Ano po ba itong nararamdaman ko? Sana humupa na ito hanggang sa matapos ang selebrasyon.'

Kaya ng sabihin ni Belen na umakyat na sya at magpahinga, hindi na ito tumanggi dahil baka sakaling mawala ang sakit pag naka pahinga sya.

Pagdating sa silid, agad itong kumuha ng mainit na tubig at inilagay sa bote ng mineral upang idampi sa tiyan nya. Ganito ang ginawa nya kagabi kaya humupa ang pananakit.

Agad nyang inipit sa tiyan ang bote kahit mainit at humiga sa kama na parang bola. Hawak hawak ng mahigpit ang mga binti at naka dampi sa tuhod ang ulo upang maipit ng husto ang tiyan.

Saka sya pumikit at sinubukan nyang umidlip sa ganuong posisyon.

Nang makaramdam na sya ng antok, biglang may kumatok.

Issay: "Sino yan.."

Hirap nitong bigkasin ang salita at tila namamaos ang boses dahil nahihirapan sa sobrang sakit ng tyan.

"Si Anthon ito!

Buksan mo ang pinto!

Gusto kitang makausap!"

Paalisin na sana niya ang kumakatok dahil ayaw nyang umalis sa pwesto nyang parang bola. Nagaalala syang baka pagumalis sya sumikdo na naman ang sakit.

Mapapansin ang ga munggong pawis sa kanyang mukha at ang sino mang makakakita sa kanya ay mararamdaman din na may iniinda itong sobrang sakit.

Pinilit nyang bumangon upang buksan ang pinto.

Pagbukas, agad na pumasok si Anthon sa loob at iniwan sya sa pinto. Ni hindi man lang sya tininingnan.

Anthon: "Issay, gusto ko na magsama na tayo!"

Nakatingin ito sa may bintana at nakatalikod kay Issay ng sabihin ito.

Issay: "Gusto talaga kitang makausap tungkol sa atin dalawa pero mukhang hindi ko kaya sa ngayon ang makipagusap."

Pwede bang pagkatapos na lang ng selebrasyon?"

Anthon: "Hindi pwede! At hindi ito isang hiling, sinasabi ko ito bilang asawa mo na dapat kang sumunod sa akin at pagsilbihan ako!"

Pero hindi humaharap si Anthon, nakatalikod lang ito habang kinakausap si Issay.

Kung humarap lang sana sya, makikita nya na nahihirapan na ito at namimilipit sa sakit.

Nagaantay ng sagot si Anthon ngunit ang tangi lang nadidinig nito ay maliliit at mahinang ungol na wari nya naiinis at nagmamaktol sa kanya si Issay.

Ang hindi nya naintindihan ang mga maliliit at mahinang ungol na nadidinig nya ay dahi sa sinisubukan nyang pigilan ang sakit kahit konti.

At ng hindi na nya kaya, muli itong nahiga sa kama at pumwesto ng tulad kanina.

Nang mapansin ni Anthon na hindi na tumutugon ito, saka sya inis na lumingon.

At nakita nya si Issay na nakahiga sa kama tinutulugan sya.

'Bakit ba tila wala na syang pakialam sa akin ngayon? Ako ang asawa nya, nakalimutan na ba nya? Wala na ba talaga akong halaga sa kanya?'

Muling nyang naalala na nakipagkita si Issay kay Miguel at masaya itong nakikipagusap sa taong iyon. Tapos sya na asawa nya binabalewala nya!

Nanggigil na si Anthon.

Anthon: "Bakit ayaw mo akong kausapin? Wala na ba talaga akong halaga sa'yo?"

Pero wala pa rin sagot si Issay.

Kung sana hindi sya nababalutan ng galit at pride, disinsana makikita nya ang pamumutla nito.

Galit sya dahil binabalewala sya ng asawa nya. Pero hindi nya nakikitang nahihirapan na ito.

Hinawakan ni Anthon ang pulso nito at hinila para bumangon.

Anthon: "Bakit Issay! Bakit mo ako binabalewala, dahil ba kay Miguel?!"

Issay: "Anthon, pakiusap, hindi ko na kaya....."

Anthon: "Anong hindi mo na kaya? Ang makisama sa akin, ganun ba?Bakit, sabihin mo sa akin ang totoo! Dahil ba kay Miguel, sya ba ang bagong lalaki mo?!

Sya na ba ang ipinalit mo sa akin kaya nakikipaglandian ka sa kanya?!"

Sumisikdo ang sakit ng tiyan ni Issay pero kahit gaano ito kasakit, naiintindihan nya ang tanong ni Anthon. At napipikon na sya.

Issay: "Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin?"

"Nabuhay akong magisa na walang hiningan ng tulong ng iba.

Nag sikap ako para umangat. Ginawa kong lahat ng magisa tapos sasabihin mo dahil lang sa lalaki?"

Naiiyak na si Issay.

"Iniinsulto mo ba ako Anthon?

Sa tingin mo ba, lalaki lang ang magpapasaya sa akin?

Hindi ko akalain na sa lahat ng tao sa'yo ko madidinig yan!

Sa tingin mo ba kailangan ko ng lalaki para mabuhay sa mundo?"

"Pwede ba umalis ka na!

Hindi ka na nakakatuwa!

Sa ibang araw na lang tayo magusap pag nasa katinuan ka na!"

At pinilit nitong kumawala sa pagkakahawak ni Anthon pero mahigpit ito at wala na syang lakas sa sakit na nararamdaman.

Anthon: "Kung hindi dahil kay Miguel, sino? Sino ang dahilan bakit mo ko binabalewala ng ganito?! SUMAGOT KA!!"

Issay: "Dahil sa akin! SA AKIN!!!

Mahal kita Anthon, pero mahal ko rin ang sarili ko!

Nagiisa lang ako sa mundo kaya sino pang magmamahal at magiingat sa sarili ko kung hindi AKO!!!"

Sumisigaw na si Issay dahil sa magkahalong emosyon at sakit na nararamdaman.

"Mali ba yun Anthon, mali bang magtira ako ng pagmamahal para sa sarili ko!"

"Kung hindi mo naintindihan ang ibig kong sabihin, wala na akong magagawa sa'yo makakaalis ka na, wala na tayong dapat pagusapan!"

Pero lalong nagdilim ang paningin ni Anthon. Hindi nya matanggap na hindi sya kailangan ni Issay sa buhay nya. Na kaya nitong mabuhay ng mag isa.

"Hindi, hindi dapat ganito! Hindi ito ang gusto ko, Dapat dumipende sya sa akin dahil ako ang asawa nya!'

Sarado na ang isip ni Anthon at hindi nya matanggap ang paliwanag ni Issay.

Ang tanging pinaniniwalaan nya lang ay ang nasa isip nya.

Ang paniniwalang asawa sya ni Issay kaya may karapatan sya dito at kailangan nyang sunduin si Anthon sa ayaw nya at sa gusto.

Kitang kita nya sa mukha ni Issay ang pagka dismaya. Gigil na gigil na ito at tila sinusumpa na sya.

Ang hindi naintindihan ni Anthon kaya ganun ang mukha ni Issay ay dahil sa matinding pananakit na nadarama na hindi na nya maikubli dahil parang nadoble ang sakit.

Hinawakan nya sa leeg si Issay at pwersahang inihiga sa kama, pero pinilit lumaban nito

Sa inis ni Anthon kinuha nya ang sinturon nya at itinali ang dalawang kamay nito sa bakal sa ulunan ng kama saka hinubaran.

Issay: " Pakiusap Anthon hindi ako nagbibiro hindi ko na kaya... aahhhh... ang sakit!"

Nagsisigaw ito habang namimilipit.

Anthon: "Wala pa akong ginagawa sayo nagiinarte ka na dyan!"

Saka inalis na rin nito ang suot at sinimulan halikan si Issay.

Issay: "Anthon, tumigil ka! Aaahhh!"

Masakit, Anthon masakit! Parang awa mo na hindi ko na kaya ang sakit, dalhin mo ako sa duktor!"

"AAAAHHHHH!!!"

Pero hindi na sya nadidinig ni Anthon. Tila nauulol na ito.

Patuloy na nagpupumiglas si Issay at nagmamakaawa pero imbis na maawa si Anthon natuwa pa ito.

Walang magawa si Issay kung hindi ang umiiyak at sumigaw dahil sa sakit na nararamdaman na hindi na nya matagalan.

"AAAAAAAHHHHHH!!!"


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C135
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄