"Ang mga bilin ko sa'yo, 'wag mong kalilimutan!"
Utos yun ni Issay kay Nicole.
"Una maghanap ka na ng kursong gusto mo.
Pangalawa maghanap ka ng school na meron yang napili mong kurso.
Pwede ka rin mag aral dun sa dati mong school, pero kung ayaw mo dun kailangan mong kunin ang mga rekord mo sa school na yun!"
Hindi nagsasalita si Nicole tahimik lang itong nakikinig. Me gusto syang itanong pero nagaalanganin sya.
Issay: "Bakit hindi ka magsalita dyan? Ano bang iniisip mo?
Kung ang iniisip mo ay ang mga gagastusin, wag ka ng magaalala dahil may sponsor ka na, si Ames! Natuwa sya sa ginawa mo kaya ng sabihin kong ikaw ang magiging teacher ni Erica, nagprisinta rin syang mag sponsor para sa pagaaral mo!"
Nangiti si Issay.
Ang totoo, kinausap nya si Ames at sinabi nya ritong dapat nyang bigyan ng reward si Nicole at ang pinaka magandang reward ay pagaralin nya ito.
Tumango si Nicole tanda ng naintindihan nya ang mga bilin ni Issay.
Issay: "Gusto kong matapos mo yan bago ako bumalik!"
Nicole: "Po?"
Napamulagat si Nicole sabay
nagakamot ng ulo.
Issay: "May problema ba?"
Nicole: "Wala po!"
Napakagat na lang sa labi si Nicole.
'Ang lupit nya! huhuhu!'
Batid nyang hindi nya ito kayang gawin ng dalawang araw lang.
Vanessa: "Tara na friendship, baka matrapik tayo!"
At nagpaalam na sila kay Nicole.
Vanessa: "Sis, bat ba ang lupit mo kay Nicole? Malaki na naman ang pinagbago nya ah!"
Issay: "Kailangan eh, gusto ko syang matutong maging mahusay at matatag para sakaling ...."
Vanessa: "May problema ba?"
Issay: "Hindi ko pa masabi pero pinagiingat ako ni Enzo, ang papa ni Nicole, may malaki atang problema sa asawa at biyenan nya! Ayaw nitong makita nila si Nicole!"
Vanessa: "Paano sya magaaral kung ganun?"
Issay: "Uso na ngayon ang home schooling, Kaya magagawa nyang pagsabayin lahat yan! Gagabayan ko sya!"
Vanessa: "Pero wag kang magaalala kay Nicole Sis, andyan si Madam Zhen, hindi nya pababayaan ang bata. Parang anak na ang turing nya dun!"
Joel: "Ate Issay ba't parang namumutla ka ngayon?"
Walang make up si Issay kaya madali nitong napansin ang pamumutla nito.
Vanessa: "Oonga Sis, may sakit ka ba?"
Issay: "Wala ito, siguro sa sobrang puyat at pagod ng mga nagdaang araw. Saka sumusumpong na naman ang pananakit ng tyan ko, lately!"
Vanessa: "Kaya ba hindi ka na naman gaanong makakain?"
Issay: "Oo, ayaw minsan tanggapin ng tiyan ko parang punong puno sya!"
Vanessa: "Sis magpa check up ka na kaya baka kung ano yan!
Napansin ka din ni Mama Fe kagabi pero mas maputla ka ngayon!"
Panay nga ang pagsumpong ng pananakit ng tyan nya nitong mga nagdaang araw, tinitiis nya lang pero mas masakit sya ngayon, hindi sya halos makatulog.
Joel: "Ate, wag mong tiisin ang sakit, magpacheck up kana! Baka kung ano na yan!"
Issay: "Pagkatapos ng selebrasyon!"
"Si Anthon kamusta? Ilan beses ko syang tinawagan pero hindi nya sinasagot!"
Joel: "Nasa bahay, lasing, maaga na ng umuwi kaya tulog pa ng umalis ako!"
Hindi maintindihan ni Issay ang mararamdaman sa ginagawa ni Anthon pero alam nyang kailangan na nilang magkausap bago mahuli ang lahat.
*******
Sa isang silid ng hotel kung saan sila nag me meeting...
Napapansin nila Issay at Tess si Belen na kanina pa tila may iniindang sakit sa balakang.
Tess: "Ano ho bang nangyari sa inyo Madam, nirarayuma ho ba kayo?"
Belen: "Ano bang rayuma ka dyan. Hindi pa ako ganung katanda!"
'Lintek ka Gene kasalanan mo 'to! Hmp!'
Edmund: "May bisita sya kagabi kaya masakit ang katawan nyan!"
Belen: "Isa ka pa! Damuho ka!"
Binato nya si Edmund ng hawak nitong stapler na nasalo naman nya. Saka nagpaalam sa takot na baka mapagalitan.
Issay: "Bakit kasi tinatago mo pa, tanggap naman namin si Gene!"
Tess: "Oonga Madam kung saan ka maligaya, maligaya na rin kami!"
Belen: "Hindi naman sa gusto kong isekreto kaya lang ... hindi ako sigurado!"
Issay: "Anong ibig mong sabihin? Katawan lang ang gusto mo kay Gene?!"
Tess: "Mataas kasi ang standard ni Madam Belen sa lalaki!"
Issay: "Kunsabagay tama ka dyan. Magkaroon ka ba naman ng isang Mayor Gilberto Perdigoñez na ama, tataas talaga ang standard mo!"
Oo, tama si Issay. Totoong katawan lang ang gusto nya kay Gene pero iba ngayon.
Hindi katulad ng dati nilang pagniniig wala syang malay sa nangyari pero kagabi naramdaman nya ito ng buong buo, hindi lang isang beses, kundi maraming ulit nyang naramdaman.
Mulat na mulat sya habang ibinibigay ni Gene ang buong pagkalakali nito sa kanya, hindi nya ito makalimutan dahil pag gising nya, nagpabaon pa ito ng isa pa sa kanya. Kaya paano nya ito makakalimutan kung sa bawat sakit na nararamdaman nya naalala nya ang ginawa ni Gene sa kanya.
Belen: "Teka, paano nga pala nalaman ni Gene ang tungkol sa pagbubuntis ko?"
Tess: "Hindi ako ha!"
Na guilty si Issay.
Belen: "Sabi ko na ikaw na naman ang dahilan!"
Issay: "Pasensya na Ate Belen!"
Belen: "Hayaan mo na! Buti na rin nalaman nya! Hindi ko nga alam kung paano sasabihin sa kanya!"
Pagagalitan pa sana nya si Issay pero nakita nyang namumutla na ito at butil butil ang pawis.
Belen: "May sakit ka ba? Kanina ko pa napapansin na parang nanghihina ka saka namumutla ka!
Gusto mo i re-sched na lang natin ang selebrasyon kung masama ang pakiramdam mo?"
Issay: "Wala ito, sumusumpong lang ulit ang tyan ko!"
"Saka hindi natin kailangan mag re-sched, kahit anong mangyari matutuloy ang anibersaryo!"
Belen: "Buti pa magpahinga ka na kami ng bahala dito!"
Hindi na tumanggi si Issay dahil hindi na nya maintindihan ang pananakit ng tiyan niya. Baka kung ipapahinga nya mawala rin ito.
Kaya nagpunta na sya sa silid nya ngunit hindi pa sya nakakatagal na nakahiga may dumating na syang bisita.