"Initiation?"
"Ano daw?"
Lahat ng andun hindi maintindihan ang sinabi ni Ms. Lagundi maliban kay Ames at Miguel.
Napansin sila ni Issay kaya nagtanong ito.
Issay: "Parang alam nyo kung ano ang ibig nyang sabihin!"
Miguel: "Isa itong ritual na ginagawa ng isang fraternity!"
Naging myembro sila ng frat dati kaya naintindihan nila ang ibig sabihin ng salitang ito. Pero aminado silang ibang klaseng ritual ito.
Nadinig ng lahat ang paliwanag ni Miguel pero...
"Hindi ko pa rin maintindihan!"
Sabi ng isang magulang.
"Ako din! Anong ritual, ritual na yan! Bakit, requirements na ba yan sa school?"
Napatingin ang lahat sa principal.
Butil butil ang pawis nito ng makitang nakatingin lahat sa kanya.
'Juskolord save me! Gusto ko pang mabuhay!'
Ames: "Principal Neri anong masasabi mo? Ikaw ang namamahala sa school na ito kaya marapat lang na sagutin mo ang tanong! Ni required mo ba ito?"
Principal: "Hindi po Ms. Ames, wala po akong alam dito! Maniwala kayo!"
Hindi ito tumitigil sa pag iling habang nagpapaliwanag.
Ames: "Ibig sabihin sariling desisyon ito ni Ms. Lagundi?"
Principal: "Opo Ms. Ames!"
Miguel: "Bakit Ms. Lagundi? Bakit kailangan mong gumawa ng ganitong ritual? Ano ang dahilan mo?"
Ms. Lagundi: "Para tumino sila!
Para maging seryoso sa pag aaral at magkaroon ng matataas na grado!"
"Para hindi sila gumawa ng anumang kalokohan at malayo sa bisyo at ibang masasamang ehemplo sa paligid nila!"
"Hindi nyo man maiintindihan kung bakit ko iyon ginawa pero buo ang paniniwala 'kong para ito sa ikabubuti ng mga bata!"
Kung iisipin mo nga naman ang mga naging resulta ng ginawa nya, sa huli, totoong marami syang napatinong mga bata.
Simpleng solusyon pero malupit.
Napatanga ang lahat sa paliwanag ni Ms. Lagundi. May punto sya pero mali sya.
Lahat ng magulang at guro nais na mapabuti ang pagaaral ng mga kabataan pero hindi sa ganitong paraan!
"BULLSH**T!!!"
"Anong klaseng paliwanag yan?!
At anong klaseng pagiisip yan?!"
"At kailangan ba talagang paghubarin mo?!"
Ms. Lagundi: "Kailangan! Para sundin nila ako!"
Mas lalong Napakunot ang ulo nila.
"Hindi namin maintindihan ang sinasabi mo!"
Issay: "Master and servants! Tama ba ako Ms. Lagundi?"
Tumango ito kay Issay.
Sa wakas may nakakaintindi na rin sa kanya!
Vanessa: "Friendship, anong ibig mong sabihin?"
Napatingin din sa kanya ang lahat, nagaantay.
Issay: "Ang dahilan kaya pinaghuhubad nya ang mga bata pag hindi ito makasagot ay upang mapahiya ang mga ito!
Ang pagpapahiya sa isang tao ay matatawag na isa sa pinaka epektibong parusa sa lahat!
Sino ba naman ang gugustuhin na mapahiya?"
"Ngayon ang tungkol sa ritual! Ang dahilan kaya pinaghubad nya ang mga ito sa unang araw ng klase ay para ipakita sa mga bata ang superiority nya! Upang ipaalam sa kanila na seryoso sya at hindi nagbibiro at para maramdaman ng mga bata na wala silang magagawa kung hindi ang sumunod kung ayaw nilang malagay sa ganitong sitwasyon!"
Tumahimik ang lahat. Nagiisip. Tila kailangan ng mahabang proseso para maintindihan nila ang paliwanag ni Issay.
Simpleng paliwanag pero kay hirap lunukin dahil hindi matanggap ng isip.
Totoo ba ito?
Nangyayari ba talaga ang ganito?
Hindi ito makatao!
Issay: "Totoong nangyayari ito! Mahirap man tanggapin pero totoo ang lahat ng ito!"
Ames: "Ms. Lagundi, batid kong gusto mong mapabuti ang mga estudyante mo pero hindi tama ang ginagawa mo! Pwede itong magdulot ng hindi maganda sa isang bata!"
"Kaya kahit na maganda ang intensyon mo kung mali naman ang paraan mo hindi magiging tama ito kahit kailan!"
"Hindi ko ito pwedeng palagpasin! Kailangan kitang alisin sa pwesto mo sa lalong madaling panahon at kailangan kong I report ito sa kinauukulan!"
"At sa mga magulang na nabiktima, ako na po ang humihingi ng tawad. Malaki ang naging pagkukulang namin dahil masyado kaming naging maluwag!"
Madam Zhen: "Ms. Ames, gusto ko lang pong sabihin na hindi ko na pwedeng pagaralin dito ang anak ko at wala po kaming balak magdemanda! Pinatingnan ko sya sa duktor at sinabi nitong na trauma ang bata sa nangyari!"
"Hindi makakabuti sa kanya kung magdedemanda kami at hindi na rin makabubuti kung mananatili pa sya dito!"
"Kailangan kong isipin ang kalagayan ng anak ko!"
Ames: "Naiintindihan ko!"
Miguel: "Huwag kayong magalala Madam Zhen, sisiguraduhin kong mabibigyan ng katarungan ang nangyari sa anak nyo at makakaasa kayo gagawin ko ang lahat!"
At tiningnan nya ng matalim si Ms. Lagundi.
"Paano kami? biktima rin kami at gusto namin makulong yan!"
Ames: "Kung yan ang plano nyo hindi ko kayo pipigilan, tutulungan ko pa kayo!"
Natapos ang lahat ng dalhin sa presinto si Ms. Lagundi pero hindi sumama ang grupo nila Issay.
Naintindihan sila ng mga magulang at hindi na pinilit dahil mas malupit ang naranasan ni Erica at naawa sila sa bata at nagpapasalamat din at hindi nangyari sa anak nila iyon.
Gaya ng pangako ni Miguel na bibigyan nya ng katarungan ang nangyari kay Erica, tinawagan nito ang kapatid ni Ms. Lagundi at nangako ito na tutulong sya sa pagpapagamot kay Erica at magbibigay ng malaking halaga bilang kabayaran sa nagawa ni Ms. Lagundi sa kanila.
Ames: "Haaaay! Salamat naman at natapos na ang problema kay Ms. Lagundi!
"Meron pa ba tayong pagusapan?"
Issay: "Meron! Wala ka bang planong magpalit ng principal?"
Nagulat ang principal ng madinig ang sinabi ni Issay at agad itong lumuhod.
Principal: "Mam, patawad po! Patawarin nyo na po ako! Hindi ko po sinasadya! Hindi na po ako uulit!"
Issay: " Hindi mo sinasadya? Diba sabi mo impostor ako!"
Principal: "Sorry, sorry po Mam! Hindi ko po alam na ikaw yan! Sorry po talaga hindi ko kayo nakilala!"
Issay: "Papaano mo masasabi na hindi mo ako nakilala e nagpakita ako ng ID! Tapos sabi mo fake yung ID ko!"
Principal: "Waaahh! Sorry, sorry po Mam sorry na po talaga!"
Aminado po akong kasalanan ko!
Huwag nyo po akong tatanggalin! Please!!!"
Ames: "Hahahahahaha!"
******
Sa isang coffee shop.
Ames: "Buti naman naisipan mong manlibre!"
Issay: "Oy! last na yan, sa susunod KKB na!"
Ames: "Ang kuripot mo talaga!"
Miguel: "Sige, sa susunod ako naman ang manlilibre!"
Issay: "Pangako yan ha!"
Ames: "Uyyy!"
Issay at Miguel: "Umayos ka!"
Ames: "Hahahaha!"
At masaya silang nagkuwentuhan. Binalikan ang masasayang kabataan.
Wala silang kamalay malay na kanina pa may isang aninong nakamasid sa kanila.