Nang mabaril ni Oscar si Belen natitiyak nyang tumama sya. Hindi man nya ito napatay tyak na mamatay din ito kung di sa pagkalunod malamang sa pagkaubos ng dugo. Kaya kampante syang nagpatuloy na sa paglalakbay.
Malapit na syang makatawid ng bayan na ito kaya maghahanap muna sya ng masisilungan, dumidilim na, ipagpapabukas na lang nya ang paglalakbay.
Sa paanan ng bundok, duon nag aantay ang inupahan nyang magtatawid sa kanya sa kabilang isla.
Pero ang hindi nya alam naghihintay din duon ang mga tauhan ng anak nyang si Miguel na pinamumunuan ng tiyuhin nya.
Inanod si Belen ng agos ng tubig matapos mabaril. Tinamaan ni Oscar ang braso nyang may hawak sa sanga na nakalawit sa ilog.
Nabitawan nya ito at dinala sya ng tubig sa malayo. Pinilit nyang maghanap ng makakapitan, gabi na at lumalakas na ang daloy ng tubig.
"Kailangan kong makaalis dito agad!"
kaya ng mapansin nya ang malaking bato pinilit nyang kumapit dito pero nakabitaw sya sa sobrang lakas ng pag ragasa ng tubig.
Sinubukan nyang umikot patagilid para mapalapit sya sa gilid ng ilog! Ginamit nya ang natitirang lakas para makaikot.
Hindi na nya nararamdaman ang sakit ng sugat nya, manhid na ito. Marahil ay sa lamig ng tubig o sa kagustuhan nyang maka ligtas.
Hanggang sa may nahawakan syang isang baging. Hindi nya ito binitawan at pilit na hinatak. Ng masigurong hindi na sya dinadala ng agos, sinubukan niyang lumuhod at pagapang na umahon sa pampang.
Nang makalayo na sa tubig humiga ito. Hindi nya sinubukan tumayo dahil ramdam nyang bibigay ang katawan nya.
Tatlong araw na syang nawawala at gutom na gutom na sya.
Buti na lang marami na syang nainom na tubig.
Puro galos at sugat na sya at may mga pasa na rin sa ibang parte ng katawan. Wala na syang lakas at nanginginig na sa ginaw, pati paghinga nya ay tila humihina na.
Nakaligtas sya sa kapahamakan pero wala na syang lakas. Hanggang saan ang swerte nya?
Aabutin pa ba sya ng bukas?
Unti unting ng bumibigay ang mga mata nya.
Napatingin ito sa langit.
Nagdidiliryo na ba sya? Bakit mukha ni Gene ang nakikita nya?
Nangiti ito.
At tuluyan na syang pumikit.
Binagtas ni Gene ang dinadaluyan ng tubig. Habang dumidilim palakas na ng palakas ang daloy nito. Palakas din ng palakas ang takot na nararamdaman nya.
Nahihirapan na syang makakita sa dilim. Hindi malawak ang naiilawan ng flashlight.
Paano kung nasa kabilang pampang sya?
Kung hindi man pano kung dinaloy na sya sa talon?
Sari sari ang pumapasok sa isip ni Gene. Habang tumatagal alam nyang lumiliit ang tyansa niyang makita syang buhay.
Pero hindi siya tumigil sa paghahanap kahit isang saglit.
Kahit abutin pa sya ng umaga.
"Belen, asan ka na?"
*****
Samantala ....
Habang nangyayari ang lahat ng ito nasa presinto naman si Anthon.
Pag gising nya napansin nyang wala si Issay at ng mabasa ang sulat agad itong tumayo at sinundan sya.
Mamaya maya tumunog ang cellphone ni Anthon.
"Boss may masamang nangyari kay Mam!"
Boses ito ng isa sa mga tauhan ni Gene na inutusan nyang sumunod sa dalawa.
Anthon: "Tumawag ka agad ng pulis!"
Pagdating ni Anthon naruon na ang mga pulis.
Nakita nya si Issay na binibigyan ng lunas ng isang medic upang magkamalay.
Nilapitan nya agad ito at inalalayan.
Pagdating sa presinto itinanggi ng anim na lalaki ang paratang sa kanila.
Sumunod si Anthon at Issay sa presinto para magbigay ng statement.
Pagkabigay ng statement pinayagan na silang umalis para makapagpahinga si Issay.
Ipinaubaya ni Anthon sa mga tauhan niya ang lahat.
"Chief, may patunay ako sa ginawa nila!"
Sabi ni Leon, isa sa personal bodyguard ni Gene.
Ipinakita nya ang video at mga pictures na nakunan niya at ng mga kasama nya.
Leon: "Yang babaeng yan Chief, ang nagutos sa kanila!"
Tiningnan sya ni Chief. Nagtataka kung bakit parang marami syang alam.
Chief: "Sino ka ba?"
Leon: "Isa po ako sa mga personal bodyguard ni Gen. Gene Santiago at matagal na namin silang sinusundan!"
Nagulat sya sagot kaya napataas ang kilay nito.
Chief: "E, ba't ka andito, at ba't mo sila sinusundan?"
Leon: "Unang araw pa lang nila Boss Anthon dito sa Boracay napansin nya na may sumusunod na sa kanila, kaya pinabantayan sila sa akin ni General!"
Lalong nagulat si Chief.
Anong relasyon ng mga ito kay General?
Chief: "Bakit?"
Leon: "Dahil pakiramdam nya nasa panganib ang kapatid nya at ang fiancé nya!"
Napanganga si Chief hindi makapaniwala, lalo na ang mga lalaking inupahan ni Winnie.
Kung alam lang nila na malapit kay Gen. Santiago ang dalawang iyon hindi sila papayag sa gusto ng babaeng iyon!
Inis na inis sila kay Winnie, dahil sa kanya napahamak sila!
Kaya sa bandang huli wala silang nagawa kundi umamin at sinabi na inutusan sila at binayaran ni Winnie para gawin ang mga bagay na iyon.
Agad kumilos si Chief at hinanap si Winnie na sa mga oras na ito ay nasa kamay pa ng mga tauhan ni Gob.
Nagtungo sila sa hotel at sinabi ang sadya nila sa manager.
'Jusko, ano bang kamalasan ito! Ang babaeng ito na naman,
hindi ko pa tapos imbestigahan may kasunod na kaso na naman!'
Manager: "Pasensya na pero wala sya dito sa ngayon!"
Chief: Anong ibig mong sabihin, e naka check in pa rin sya dito!"
Manager: "Oo naka check in sya pero may nangyari kanina at ngayon ay iniimbestigahan din sya!"
Napakunot ang noo ng lahat sa sinabi ng manager.
Chief: "Bakit anong nangyari?"
Manager: "Hindi ko kayo masasagot! Ang masasabi ko lang nasa pagiingat sya ng isang mataas na opisyal!"
Ayaw ng magsalita ng manager baka lalo pang masira ang hotel nila.
Nagpupuyos ang damdamin ni Anthon ng malamang hindi nila nakita si Winnie dahil nasa pangagalaga ito ng isang mataas na opisyal.
Anthon: "Leon alamin mo kung sino ang opisyal na iyon!"
Hinding hindi nya mapapalampas ang ginawa ni Winnie kay Issay.
"Pagbabayaran mo 'to!"