下載應用程式
44.6% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 95: Masinsinan

章節 95: Masinsinan

Nasa Davao na sila Anthon at Issay ng mabalitaan na narescue na si Belen. Si Gene ang nagbalita sa kanila.

Hiniling ni Belen kay Gene na huwag na munang sabihin sa publiko na rescue na sya.

Wala naman problema kay Gene dahil mas gusto nga nyang masolo muna si Belen.

Kailangan na nilang magusap na dalawa ng masinsinan.

Aminado si Gene na gusto nya si Belen at hindi na sya makakapayag na mawala ang babaeng ito sa paningin nya.

Hindi naman alam ni Belen kung paano sasabihin kay Gene na ayaw na nya munang makita ito dahil hindi nya maintindihan bakit sa tuwing nagkakasama sila may nangyayari sa kanila. Ang nakakainis nito mukhang hinahanap hanap na nya ang bisig ni Gene.

Kaya nagdesisyon syang wag ng makipagkita dito kahit kailan.

*******

Limang araw na ang nakalipas ngunit wala pa ring sagot ang kampo nila Issay at Belen sa sinabi ni Roland sa media.

Nagngingit ngit na ito sa galit.

Roland: "Ba't hindi nila ako pinapansin?! Pinagmumukha nila akong tanga!"

"Sir, malamang busy sila! Nakidnap si Ms. Belen at may dumukot kay Ms. Isabel! Kaya natural lang na hindi ka nila pansinin!"

Sabi iyon ng abogado nya.

'Ano ba itong taong ito parang kulang sa pansin!'

Pero hindi sya inintindi ni Roland.

Kinabukasan nag pa interview ulit ito.

Roland: "Bakit ba ang mga Perdigoñez ay hindi na lang ibigay sa akin ang kompanya, tutal ako naman ang tunay na may ari!"

Kaya ng magbigay ng update si Garry Perdigoñez, ang CEO ng Perdigoñez Corp. at panganay na anak ni Uncle Rem, tungkol kay Belen, hindi maiwasan may magtanong tungkol sa sinabi ni Roland.

Reporter: "Sir, ano po ang masasabi nyo tungkol sa claim ni Mr. Roland Ledesma?"

Napataas ang kilay ni Garry.

Garry: "Sa pagkakaalam ko, hindi parte ng Perdigoñez Corp ang LuiBel company!"

"At kung totoo ang sinasabi ni Mr. Roland, hindi ba dapat sa korte sya nag ko complain hindi sa media?"

Nang madinig ito ni Roland umusok ang ilong nya sa galit.

Abogado: "Sir, tama naman sya dapat sa korte tayo magpunta!"

Pero pano sya magdemanda kung hindi nya sigurado ang kalalabasan. Kaya ang ginagawa nya lang ngayon ay magingay para kahit papaano ay maapektuhan ang kompanya. Pero ang pinagtataka nya bakit parang walang nangyayari sa kompanya kahit wala ang tatlo? Bakit ganuon pa rin kalakas ang LuiBel company?

******

Sa Davao.

Ngayon lang nakarating si Issay sa lugar na ito kaya hindi sya pamilyar sa mga pwedeng puntahan.

Naalala nya ang kaibigang si Enzo ang ama ni Nadine, malapit lang sila dito at gusto nya rin makarating sa lugar nila.

Tinawagan nya si Enzo.

Enzo: "Kamusta ka na Issay? May balita ka na ba kay Nadine?"

Masaya ang boses nito pero halatang may dinaramdam.

Issay: "May sakit ka ba?"

Enzo: "Okey lang ako medyo stress lang!"

"Bakit ka napatawag? Tungkol ba kay Nadine?"

Halata sa boses nya ang pananabik sa anak.

Issay: "Nasa Davao ako, kasama ko ang nobyo ko. Gusto ko sanang magpunta dyan para makita ang hotel mo!"

Kaya gusto ni issay magpunta duon para kamustahin ang kaibigan at para bisitahin na rin ang pastry branch nila.

Sila Issay ang nagdedeliver ng pastries sa mga hotel ni Enzo.

Enzo: "O sige punta ka dito antayin kita!"

Sinabi ni Issay kay Anthon at pumayag naman ang nobyo.

Kaya kinabukasan maaga silang nagtungo sa bayan ni Enzo ang Zurgau.

Pagka kita pa lang ni Issay kay Enzo nagulat na ito sa itsura ng kaibigan. ang laki ng pinayat nito at akala mo may sakit.

Awang awa si Issay sa kanya.

'Dahil ba ito sa sobra nyang pagka miss kay Nadine?'

Kailangan nyang malaman kung ano ang tunay na dahilan.

Kinausap nya ng masinsinan ang kaibigan.

Issay: "Ano bang nangyari? Umamin ka nga, may sakit ka ba?"

"Pasensya ka na kung hindi na kita natawagan, madami kasing nangyari!"

Enzo: "Naintindihan ko!"

"Pero totoong wala akong sakit! Nalulungkot lang ako dahil na mi miss ko ang mga anak ko!"

Issay: " Mga anak ...?"

Nagtataka si Issay dahil si Nadine lang ang alam nyang nawawala.

Kaya ikinuwento na ni Enzo ang pagalis ni Nicole at ang di pag payag ng mga magulang ni Nelda na ipatingin sya sa isang espesyalista.

Sobrang nagaalala sya dahil sa wala syang balita sa mga anak nya pero mas magaalala sya kung narito sila kasama ang asawang si Nelda.

Issay: "Alam kong nagaalala ka sa mga anak mo pero alagaan mo naman ang sarili mo baka magkasakit ka nyan!"

Enzo: "Okey lang ako!"

'Lagi nyang sinasabing okey sya pero hindi naman halata!'

Issay: "Kaya kita gustong makita at makausap dahil may balita ako kay Nadine!"

Natuwa si Enzo. Biglang umaliwalas ang mukha nito.

Ito na ata ang pinakamasayang balitang natanggap nya!

Naiyak sya sa sobrang saya.

Nang makita ni Issay na ang reaksyon ni Enzo agad nya itong inakap.

Issay: "Pasensya ka na kung hindi ko agad nasabi sa'yo!"

Pero umiling lang si Enzo, hindi makapagsalita. Gusto nyang magpasalamat kay Issay pero hindi nya maisatinig kaya inakap na lang nya si Issay at humagulgol sa pag iyak na parang bata.

Nang mahimasmasan at nagawa ng magsalita, sunod sunod naman ang tanong nito.

"Kamusta sya?"

"Nasaan sya?

"Kumakain ba sya ng maayos?

"Anong lagay nya?

"Pwede ko ba syang makita?

Issay: "Teka isa isa lang!"

Natahimik si Enzo tila napahiya.

Issay: "Oo maayos ang lagay nya at nagaaral sya sa ibang bansa!"

Kitang kita ni Issay ang pangungulila nya sa anak

pero kabilinbinian ni Nadine na ayaw nyang malaman ng ama kung nasaan sya.

Pero kailangan na nyang gumawa ng paraan para maibalik sa ayos ang relasyon ng mag ama.

Issay: "Teka subukan kong kontakin si Nadine pero ipangako mo sa akin na hindi ka magsasalita hangga't hindi ko sinabi!"

Nag video call ito kay Nadine.

Nadine: "Ate Issay, kamusta kana, okey ka lang ba?"

Nagaalang sabi nito, mukhang nabalitaan na nya ang nangyari kay Issay.

Issay: "Okey lang ako wag kang mag alala saka kasama ko si Anthon! Hindi ako pababayaan non!"

"Ikaw kamusta ang pagaaral?"

Nadine: "Okey lang ako Ate, wag kang magaalala sinusunod ko lahat nang bilin mo, kumakain ako sa oras!"

Nakangiti nitong sabi.

Hindi mapigilang ni Enzo ang tuwa ng madinig ang boses ng anak gusto nya itong makita

pero naalala nya ang sinabi ni Issay. Kaya naghintay ito.

Napansin sya ni Issay.

Issay: "Nadine, may gusto makipagusap sa'yo! Sa tingin ko kailangan mo syang kausapin!"

Kinabahan si Nadine pero nagulat sya ng makita ang itsura ng ama.

Nadine: "Pa?"

At hindi na napigilan ni Nadine na tumulo ang luha ng makita ang itsura ng ama.

Issay: "Buti pa maiwan ko muna kayo!"


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C95
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄