下載應用程式
39.9% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 85: Gustong Masolo

章節 85: Gustong Masolo

Kinabukasan, nagulat si Vanessa ng magising syang katabi si Joel.

Matagal silang nagkainuman at sa sobrang kalasingan, hindi na nila namalayang ang nangyari pagkatapos.

'May nangyari ba sa amin?'

Sabay na tiningnan at pinakiramdaman ang katawan.

Wala syang nararamdamang kakaiba sa katawan pero kinakabahan pa rin sya.

'Naaalala kong naghahalikan kami pagpasok ng kwarto!'

At unti unti ng bumalik ang alaala sa isip nya.

Hinahalikan sya ni Joel papuntang sa kama habang inunti unti nitong inaalis ang damit nya. Pagkatapos nun wala na syang maalala.

Wala naman talagang nangyari sa kanila ni Joel dahil nakatulog sya at ng mapansin ni Joel na tulog na ang kasintahan inihiga nya ito at kinumutan saka nahiga na rin.

Kinakabahan na si Vanessa bakit wala syang maalala, kaya tumayo inayos ang sarili at hinanap si Issay.

Pero pagdating sa silid, nakabukas ang pinto nito at nagulat sya na wala duon ang dalawa.

Aalis na sana sya para hanapin sila pero napansin nya ang isang sulat sa kama.

Hello,

Wag nyo na kaming hanapin, nagtanan kami.

Issay at Anthon.

Tumakbo ito pabalik ng silid nila ni Joel at ginising ang nobyo.

Vanessa: "Honey babe, gumising ka, dali!"

Nahihilong nagkakamot sa ulo si Joel ng magising.

Joel: "Honey love, bakit ba? Pwede bang mamaya na nahihilo pa ako sa antok e!"

Vanessa: "Hindi pwede Honey Babe, nawawala ulit si Issay at Anthon, nagtanan!"

At ipinakita ang iniwan sulat ng dalawa.

Joel: "Hanep din talaga itong mag jowa na 'to, magtatanan lang magpapaalam pa!"

Vanessa: "Anong gagawin natin ngayon, Honey Babe?"

Joel: "Matutulog ulit!"

Sabay akap kay Vanessa at inihiga sya sa kama.

Vanessa: "Joel ano ka ba may problema tayo!"

Joel: "Hindi na natin problema yan malalaki na sila! Dito na lang tayo!"

Maya maya tumunog ang cellphone ni Vanessa.

Nasa kabilang linya si Jaime at hinahanap ang Papa nya.

Vanessa: "Honey Babe, kailangan mo na talagang bumangon dyan at hinahanap na tayo ni Mama Fe! Saka gutom na rin ako mag aala una na wala pa tayong kinakain!"

Nagtungo sila sa silid ni Gene para gisingingin ito.

Joel: "Kuya Gene, gising na hinahanap na tayo ng Mama!"

"Si Jaime naka ilang tawag na raw sa'yo hindi mo sinasagot!"

Inaalog na nito ang Kuya nya para magising, nakakaramdam na rin sya ng gutom at nakakahiyang makikain pa sila dito.

Nagmulat ng mata si Gene at pagbangon nya nagulat sila ng makitang may katabi ito sa kama.

Si Belen.

Vanessa: "Uhmm, sige antayin na lang namin kayo sa baba!"

Sabay hila sa nobyo na napako na ata ang paa sa pagkatulala.

Nagising si Belen sa ingay nila kaya napabangon ito at nagtaka ito ng makita sa tabi nya si Gene.

Belen: "Anong ginagawa mo dito?"

Tanong nya kay Gene.

Gene: "Hindi ko alam!"

******

Sa mga oras na ito malayo na sila Anthon at Issay, nasa eroplano na sila patungong boracay. Pareho silang lobatt pero hindi na nag abala pang mag charge.

Sinadya nilang magtanan para makaiwas sa mga tanong nila at para masolo nila ang isa't isa gaya ng pangako ni Anthon kay Issay bago ang selebrasyon.

Sising sisi naman si Issay dahil hindi nya dala ang pasaporte nya. Sa Maldives sana ang isasagot nya ng tanungin sya ni Anthon kung saan nya gusto magpunta. Isang piloto si Anthon kaya madali para sa kanya makukuha ng flight.

Anthon: "Pagkatapos nito Mahal, sa Davao naman tayo, tapos sa Cebu! Tapos Palawan! Hehehe!"

Masayang, masayang sabi nya.

Issay: "Parang wala ka ng planong umuwi, baka nakakalimutan mong may trabaho tayo, at may mga taong naghihintay sa atin!"

Anthon: "Hindi naman mga isang buwan lang kitang gustong solohin! Na miss kaya kita ng sobra, kaya humanda ka sa akin mamaya!"

Napakunot ang noo ni Issay pero sa kalooban nya kinikilig sya sa gustong mangyari ni Anthon.

'Grabe sya, hindi ko naman kasalanan ba't nya ko na miss ah!'

Naiintindihan ni Anthon ang tingin na yun ni Issay. Nilapitan nya ito at saka hinalikan. Walang pakialam kung pinagtitinginan sila.

'Jusko, bakit ba parang naging agresibo ngayon itong si Anthon ko?'

Nahihiya siya dahil pakiramdam nya may mga matang nakatingin sa kanila kaya pumikit na lang ito.

Nararamdaman ni Anthon ang lakas ng kabog ng dibdib nya kaya tumigil ito sa paghalik at saka inakap ang kasintahan.

Anthon: "Pasensya na Mahal. Pangako hindi kita pipilitin kung ayaw mo!"

Issay: "Hindi naman sa ayaw, naiilang lang ako!"

Napansin ni Anthon na namumula ito pati tenga pulang pula!

'Ang kyut nya pagnamumula sya!

Mas lalo akong naiin love!'

"Hello Captain Anthon, hindi ko inaasahan na makikita kita rito!"

Nagulat si Anthon ng bigla may bumati sa kanya. Ayaw nyang maistorbo. Boyfriend sya ni Issay at hindi isang piloto ngayon, yan ang sinabi nya sa mga katrabaho nya ba't parang hindi nito naintindihan.

Hindi sya pinansin ni Anthon, ni hindi inaalis ang tingin kay Issay pero sumeryoso ang mukha nito ng madinig ang boses ng bumati sa kanya halatang naiirita.

Si Winnie ang bumati sa kanya, isang stewardess na matagal ng may gusto sa kanya pero hindi man lang sya pinapansin nito. Sinadya nyang lakasan ang boses nya para maistorbo ang dalawa upang mapunta sa kanya ang pansin ni Anthon at mawala kay Issay. Pero ni hindi man lang sya sinagot nito kahit sulyap man lang.

Hindi binigyan pansin ni Issay ang babae ni hindi ito umalis sa pagkaka hilig kay Anthon bagkus ay sumiksik pa ito ng husto sa kasintahan na tila batang naglalambing.

Napahiya si Winnie sa hindi pag pansin sa kanya ni Anthon at nagpupuyos naman sya sa galit sa babaeng katabi nya.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C85
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄