下載應用程式
16.43% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 35: Blacklisted

章節 35: Blacklisted

Hindi na alam ni Nadine ang gagawin.

Pati mga magulang niya ay kinausap na din sya upang tulungan si Nicole na makapasok sa kompanya ni Luis para mag OJT(On the Job Training).

Ayaw talaga ni Nadine na pumasok duon ang kapatid dahil gusto nyang magkaroon ng space sa pagitan nilang dalawa.

Pakiramdam nya kasi pagmumulan lang ng sakit ng ulo nya pag nagkasama silang magkapatid.

Pero wala syang magawa dahil sa utos ng mga magulang nya.

Isinabay nya sa pagpasok kinalunesan si Nicole para makausap si Belen, ang Tiya ni Edmund. Pero mukhang ma le-late daw dahil napagod sa byahe galing ng San Roque kaya hindi nagising ng maaga.

"Ate, ang tagal naman niya!Tawagan mo na kasi!"

Pagmamaktol ni Nicole.

"Tumawag na si Madam kanina, ma le-late daw!"

Paliwanag ni Nadine naiinis na sya dahil maya't maya syang kinukulit ng kapatid.

"Hindi naman sya ang inaantay ko, si Edmund! Asan ba kasi ang numero nya bakit ayaw mong ibigay sa akin para ako na lang ang tatawag?"

Pangungulit ni Nicole sa Ate niya.

Naririndi na si Nadine sa ugali ni Nicole lalo na sa kawalan nito ng respeto sa kanya at sa mga tao sa paligid nya kaya sa sobrang inis, bigla itong tumayo at iniwan ang kapatid.

Dahil nilayasan si Nicole ng ate nya, nainip na rin ito, kaya naisipan nyang hanapin ang silid ni Edmund.

At ng makita ang silid, papasok na sana ito pero bigla nyang narinig ang pagbukas ng elevator sakay si Edmund.

Pagkakita ni Nicole kay Edmund dali dali itong tumakbo patungo sa binata at saka agad na ikinawit ang braso nito sa braso ni Edmund.

"Edmund...."

Anitong may lambing.

"Pwede bang dito na lang ako mag OJT? Please!"

Pagsusumamo ni Nicole, pinaamo pa ang mukha na animo'y isang tuta.

Samantala, ng madinig ni Nadine na tumunog ang elevator agad itong tumakbo patungo ruon para salubungin ang dumating pero naabutan nya roon ang kapatid na nakakawit ang kamay kay Edmund habang kausap ito.

Nang makita ni Edmund si Nadine nginitian nya ito at saka sinagot si Nicole ng hindi tumitingin dito.

"Oo naman, bakit hindi."

Yehey! Salamat Edmund"

Buong tuwa ni Nicole na napalundag pa.

Saktong bumukas ulit ang elevator at dumating si Belen ng madinig ang pagpayag ni Edmund sa kahilingan ni Nicole.

"Edmund, magusap tayo!"

agad na sabi ni Belen sa pamangkin at sabay na pumasok ang dalawa sa silid ni Belen iniwan ang magkapatid sa labas.

"Oh ayan Ate sabi ko sa'yo papayag sya! Haaay! Edmund ko!"

Masayang masaya si Nicole at sa sobrang saya nagpaalam na ito sa kapatid na magsho-shoping para sa gagamitin na pang OJT.

Hindi nakaimik si Nadine, simula ng dumating si Edmund hanggang sa iniwan sya ng kapatid napako na sya sa kinatatayuan nya.

Hindi ito ang naiisip nyang mangyayari. Batid nya kung gaano kahigpit ang patakaran sa pagpili ng OJT sa kompanyang ito pero ganun lang kadaling pumayag si Edmund.

Nagrerebelde ang kalooban ni Nadine pero wala syang magawa.

Sa loob ng silid ni Belen.

"Edmund, bakit ka naman pumayag agad, agad sa pakiusap ni Nicole?

Alam mong bawal ang palakasan dito sa kompanya! Kahit si Nadine na kinuha mismo ng iyong ama dumaan din sa proseso, tapos nilambing lambing ka lang ni Nicole pumayag kana!"

Singhal ni Belen sa kanya

"Tiya, OJT lang naman po yun, saka, ginagawa ko po ito para na rin kay Nadine."

Katwiran ni Edmund.

"Kahit na OJT lang yan!

At paano mo nasabing para kay Nadine? Bakit tinanong mo ba sya kung ito ang gusto nya?"

Kanina, pagbukas ng elevator, sigurado sya na pagkadismaya ang nakita nya sa mata ni Nadine kanina ng madinig nitong pumapayag si Edmund.

Hindi na nakaimik si Edmund. Hindi nya kasi naintindihan ang ibig sabihin ng tiyahin.

Kanina bago sya pumayag nakita nya si Nadine at parang nagaalala ito.

Totoong nagaalala si Nadine dahil hindi nya inaasahan na maunang dumating si Edmund kesa kay Belen.

Nagaalala sya at natatakot na baka pumayag si Edmund sa pakiusap ni Nicole.

At nagkatotoo nga.

"Mula ngayon pwede bang iwan mo na sa akin ang pagdedesisyon sa pagtanggap ng bagong empleyado kahit na OJT!"

Sabi ni Belen.

At saka nito tinawagan si Nadine para pumasok sa silid.

"Nadine, ikaw ang tatanungin ko, anong masasabi mo sa kapatid mo?"

Walang paliguy ligoy na tanong ni Belen.

"Madam pasensya na po kung hindi ko kayo nasabihan agad. At pasensya na rin po sa inasal ng kapatid ko!"

Buong pakumbabang sabi ni Nadine.

Madam ang tawag nya dito pag nasa opisina sila.

"Pumayag na si Edmund kaya wala na tayong magagawa. Pero gusto kong magpunta pa rin sya sa HR para dumaan sa tamang proseso at sila na rin ang bahalang maglagay kung saan pwede si Nicole."

"Naintindihan ko po Madam!"

Sagot ni Nadine na may halong lungkot. Lungkot na wala syang magawa kundi tanggapin na pumayag na si Edmund.

Napansin ni Edmund na biglang nalungkot si Nadine.

"Pero Tiya, di ba mas maganda kung magkasama silang magkapatid?"

Sabat ni Edmund sabay ngiti nito kay Nadine.

Akala nya tinutulungan nya ang kaibigan kaya sinabi nya ito ang hindi nya alam lalong naiinis si Nadine sa gustong mangyari ni Edmund.

Kya sinuklian sya ni Nadine ng seryosong tingin.

Napatanga naman si Belen sa sinabi ng pamangkin.

'Hindi ba nito nararamdaman na ayaw makasama ni Nadine ang kapatid?'

"Hindi maari! Hindi sya maasikaso ni Nadine dahil magiging abala sya! Si Nadine ang ilalagay kong makakasama ni Isabel!"

Sagot ni Belen na sumeryoso na rin.

Hihirit pa sana si Edmund pero biglang sumabat si Nadine.

"Si Ms. Isabel? Talaga po?!"

Buong galak na sabi ni Nadine.

"Oo Nadine at padating na sya! Ikaw na ang bahala sa pagdating nya at paki dala agad dito sa opisina ko pag nakita mo!"

Utos ni Belen.

"Opo Madam!"

Buong ngiting sagot ni Nadine, hindi na hinayaan na sumabat pa si Edmund.

Gusto nyang ipakita sa kaibigan na ITO ang gusto nya at hindi ang gustong mangyari ni Edmund.

*****

Sa baba.

"Nabalitaan nyo ba? May meeting daw ang mga heads! Tungkol kaya saan?"

Papasok nuon si Issay sa lobby at dumiretso ito agad sa reception desk.

"Magandang umaga! Pwede ba kay Mr. Edmund Perdigoñez?"

Nakangiting tanong ni Issay sa receptionist.

Si Edmund ang hinanap ni Issay dahil nagkausap sila ni Belen at alam nyang ma le-late ito.

"Sino po sila?"

Magalang na tanong ng receptionist.

"Paki sabi Isabel, Isabel delos Santos!"

"May appointment po ba kayo, Ms. Isabel delos Santos?"

"Naku Miss, wala e!"

Honest na sagot ni Issay

Saktong kababa lang ni Nicole sa lobby ng madinig ang pangalan ni Isabel.

'Ito marahil yung Isabel na nililigawan daw ni Edmund ko! Hmp!

Lumapit ito kay Issay.

"Bakit, anong kailangan mo kay Edmund? Bakit mo sya hinahanap?"

Mataray na tanong ni Nicole.

"Wala naman gusto ko lang sana syang makausap."

Sagot ni Issay

"Wala dito si Edmund! Saka wala kang appointment diba? Kaya makakaalis ka na!"

Nagtataka man si Issay pero hindi sya sumagot. Tiningnan lang si Nicole saka buong ngiting hinarap ang receptionist.

"Sige Miss babalik na lang ako. Pakisabi na lang kay Edmund na dumaan ako. Paalam!"

"Anong babalik? Wagka ng babalik!"

Sigaw ni Nicole habang papalayo si Isabel.

Pagkatapos ay hinarap nito ang mga receptionist.

"Wag na wag nyong patutuluyin yon! Pagbalik paalisin nyo agad!"

Utos ni Nicole sa mga receptionist na akala mo may karapatan syang magutos.

Walang nagawa ang mga naruon.

Namumukhaan nila ang kausap. Nakita nilang kasama ito ni Nadine kanina ng dumating kaya hindi man nila ito lubos na kilala buong pakumbabang silang tumango.

Natuwa naman si Nicole sa ginawa nila.

"Sino ba yang si Isabel sa akala nya? hmp! Ipapablacklisted ko yan para hindi na makabalik at makita pa ni Edmund!"


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C35
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄