下載應用程式
60% Trapped In His Arms / Chapter 12: Chapter Twelve

章節 12: Chapter Twelve

Katatapos ko lang mag order. Nakita ko si Jared na may kausap sa phone nya. Naupo ako sa pwesto namin.

"Sorry something came up." he said a pagkaupo nya. Ngumiti lang sya sa akin. Maya maya dumating ang order namin.

"How's work?" Tanong nya habang kumakain kami.

"Okay naman. Ayos lang." Parang hindi yun ang gusto kong sabihin. Gusto ko syang tanungin about sa madaming bagay about sa kanya.

"What is it?" Nagulat ako sa tanong nya. Binabasa ba nya ang isipan ko. Napahawak ako sa tenga ko.

"Wala.

Pinutol ko ang conversation namin sa sagot ko na yun. Bakit ba pag nasa paligid ko sya, hindi ako makakilos at makapagsalita ng maayos. Kinakabahan ba ako?

"You look gorgeous." Nagblushed ako sa sinabi nya. Hindi naman ako nag ayos masyado. Obvious ba?

"Talaga?" I said. Nahihiya ako pero ang sarap sa pakiramdam na madinig sa kanya yun.

"You've changed a lot Jela. I'm happy." he said and smiled.

"How about you? You said something nung nagkasakit ka about someone you like?" Finally nasabi ko din.

"Oh.

Medyo na speechless sya ata sa sinabi ko. Nasa ulirat ba sya nung kinwento nya yun?

"About her." He said. Madami pa akong gustong malaman about sa kanya. Including his secrets, his past his experiences.

"May balita ka ba sa kanya?"

Umiling sya. "And I hope I wont hear anything about her."

Nalungkot ako. Hanggang ngayon siguro masakit pa din sa kanya yun nangyari. Ibang iba naman kasi yun sa akin. Ralph never loved me back. But in his story.. the girl loved him so much pero hindi sya naiintindihan nito sa talagang gusto nya. Thats why they parted their ways.

Mas masakit nga iyun kung tutuusin.

"Makakalimutan mo din sya." I said at tinapik sya sa balikat nya. I smiled at him giving him hope na magiging masaya din sya.

"Thanks." he smiled sweetly at me. Hinawakan nya ang kamay ko. I feel his warmth.

Pinagpatuloy namin ang conversation na yun. Kumain at namasyal kami. Sumakay din kami sa ferriswheel.

---

Nakadistansya kami sa isat isa habang nakasakay sa ferris wheel. Nakatingin lang sya sa labas habang ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. I saw his other side. He's a sweet guy with an unforgettable past. Sinusubukan nyang ikubli ang lungkot na yun by working and giving time to her sister. Pero sapat na ba yun? Kung sana hindi ako sugatan babae, sana ako nalang ako nalang ang mahalin nya. Ako nalang ang minahal nya.

Habang nasa loob kami nun. Wala kaming ibang ginawa kundi ang magtinginan at tumawa sa mga nakikita namin. Ang sarap sa pakiramdam.

---

Gabi na ako naihatid ni Jared sa bahay. Sandali lang syang nag paalam at umalis na. Nakabalot sa akin ang long sleeve nya na kinuha nya sa kotse nya para ibalot ko sa sarili ko. Nilamig kasi ako habang nasaa byahe kami.

After nun pumasok na ako sa loob.

---

Umaga.

"DAMN!!!" I said pagkagising ko. Flowers again!!

Nakita ko ang dalawang bouquet ng tulips sa sala. Hinanap ko kung may note at wala akong nakita. Hindi na ako natutuwa sa ginagawa ng taong yun. Huhulihin ko na sya. Malalagot sa akin ang taong yun.

Dahil day off ko. Nagpalipas ako ng oras maghapon sa bahay. Naglaba. Naglinis. Nagluto at natulog. Hindi maalis sa isipan ko yun mga nangyari kahapon pero mas naiinis ako kapag naalala ko yun lalakeng nagdadala ng bulaklak dito. Malalagot sa kin yun. Makakatikim sa akin yun.

Biglang nagvibrate ang phone ko. Nasa lamesa yun at nasa couch ako nakahiga at nanonood ng tv. Kinuha ko yun at nakita ko ang pangalan ni Jared. Binasa ko ang message nya.

Hi. How was your day off?

Naupo ako at nagreply sa kanya.

Okay lang ako. Ikaw ba? Nasa work ka?

Mabilis syang nagreply.

Nasa bahay lang ako. Uhhh.. We have camp next week. Gusto mo sumama?

Nagulat ako sa reply nya. Inisip ko kung may schedule ako next week.

Wala. Sige sasama ako. " I replied back. Nagreply lang sya ng smiling face. Nawala ang pagkabadtrip ko sa mysterious admirer ko. Bigla tuloy naexcited sa darating na next week.

---

Around 3AM.

Nakarinig ako ng kalabog. Nagulat ako. Nasa kwarto ako at tulog na tulog. Nakasuot lang ako ng mahabang tshirt at undies ko. Napasilip ako sa phone ko at nagcheck ako ng oras. 3AM palang. Dahan dahan akong tumayo saka humanap ng pwede ipamukpok sa taong yun. Nahawakan ko ang walis tambo sa gilid ng pinto. Kinuha ko ang phone ko at inipit yun sa undies ko.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. Madalim sa kusina. Naalala ko pinatay ko ang ilaw bago ako matulog. Pero maliwanag sa sala. Nakabukas kasi ang ilaw sa labasan. Bumaba ako sa hagdan at sumilip ako sa sala. Hawak ko mabuti ang tambo.

Napansin ko ang isang anino sa may pintuan. This time naaninag ko ang dala nya. Isang box na hindi ko alam ang laman at isang bouquet ng sunflowers. Hindi ko makita ang mukha nya pero malaking tao sya. Matangkad. Pansin ko sa suot nya nakashorts lang sya at tshirt. Sino ang taong to!

Matapos nyang ilapag ang mga yun sa mesa hindi nya sinasadyang nabangga ang vase na nilagay ko dun. Sinadya ko talagang magpatong ng vase dun.

BLAAAGGGHG!!

Nabasag ang vase at bigla syang nagpanic. Pagkakataon ko na. Mabilis akong tumakbo papuntang sala ng makita ko syang papalabas na ng bahay ko. Saka ko malakas na hinampas ng tambo ang katawan nya.

"Magnanakaw ka!!" sigaw ko sa kanya. Kahit na alam kong wala syang ninanakaw sa bahay ko. Trespassing sya!

"Stop it.. Stop.." narinig kong sinabi nya. Pamilyar ang tono nya. Pero hindi ko na pinansin yun. Gusto ko sya matuto at ipakulong.

Pinaghahampas ko sya ng tambo. Hinanap ko kaagad ang switch ng ilaw.

"Stop it." he said sabay nakuha ang braso ko na may hawak ng tambo. Kinabahan ako.

"Rapist!!" sigaw ko naman at bigla nya akong binitawan. My chance para mabuksan ang ilaw and..

CLICK!!!

Nagliwanag ang buong sala. And I saw the guy..

"JAREDDD!!!" sigaw ko. I saw Jared. I saw him.

"Why are you here!! And why did you do this!!" sunod sunod na question ko.

Hindi makapagsalita si Jared.

"I'm here because of this." he said at tinuro ang mga dala nyang bulaklak.

"Why? Bakit mo kailangan magtago? I mean trepassing ang ginagawa mo." I said.

"I know. I commited a crime. But this is the only way I know to cheer you up." nagulat ako sa sinabi nya.

"Jared.." I said. Bigla tuloy akong nahiya sa ginawa ko. Bakit hindi ko man lang na appreciate yun ginawa nya? Pero hindi ko naman alam na sya yun.

"Jela.. I want to court you." Mas lalo akong nagulat sa sinabi nya. Mas lalo akong nahiya sa sinabi nya.

"I'm sorry." he said at lumabas na.

"I promised hindi na ulit ako magdadala ng flowers here. I'm sorry Jela." he said at umalis na. Hindi ko sya napigilan. Hindi kasi agad ako makapag isip sa sinabi nya. He wants to court me..

Unti unti akong nagblushed habang naiisip ko yun. Napaupo ako sa couch. Nakakainis. Paano na yan?

---

Jared's POV

Naramdaman ko ang sakit ng pagkakahampas sa akin ni Jela kanina. Tinamaan nya ako sa bandang likuran ko at braso. Masakit pala sya mamalo. Napaka awkward ng ginawa ko. Bakit ba ang tanga at bopols ko sa ganun? Bakit nga naman kasi ako nagtetrespass sa bahay nya? Tinakot ko pa tuloy sya. Ngayon nasabi ko pa na gusto ko sya ligawan. Tsk. Nakakahiya.

Pagbukas ko ng pinto. Hihiga sana ako sa couch pero napahiga ako sa carpet. Para kasi akong naghina. Baka mamaya makaapekto sa relasyon namin yun ginawa ko.. Niyaya ko pa naman sya sa camp then ganito pa. Magtext kaya ako?

Hinawakan ko ang phone ko. Wala syang text. Galit ba sya? Napahawak ako sa noo ko. Ang tanga mo talaga Jared. Sobra.

---

Jela's POV

Hindi na ako nakatulog after nun. Nasa sala ako habang yakap yakap ko ang bouquet na iniwan ni Jared. Hindi ko alam bakit ganito ang pakiramdam ko. Kikiligin ba ako o magagalit? O maiinis. Tsaka why me? Pero diba ito naman yun gusto ko bakit pa ako nagrereklamo.

Napailing ako. Gusto ko sya makausap ng maayos. Gusto ko malaman sa kanya, kelan pa to? Kelan pa nya naisip na gusto nya ako? Napahawak ako sa phone ko. Iniisip ko kung tatawagan ko ba sya pero baka hindi nya sagutin. Pinahiya ko sya kanina at nakakainis yun.

What should I do? Papayag ba ako?

Napahinga ako ng malalim.

--

iamnyldechan ❤️


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C12
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄