下載應用程式
25.6% Ang Bahay sa Burol / Chapter 21: 21 Mga Likha ni Amihan

章節 21: 21 Mga Likha ni Amihan

Hila-hila ni Amihan ang ina palabas ng tindahan ng mga sining. Nang makalayo sila doon, saka pa lamang tumigil sila sa paglalakad. Habol hiningang tiningnan ni Ditas si Amihan na may halong inis.

"Ano ba ang pinagmamadalian mo? Halos madapa ako sa bilis ng lakad natin. May iniiwasan ka ba sa loob ng tindahan?" nagtatakang tanong ni Ditas. Naglabas ng panyo ito mula sa dalang bag at pinunasan ang pawis mula sa noo at leeg nito.

"Nagugutom na kasi ako," pagsisinungaling na naman ni Amihan habang hinihimas ang tiyan nito sabay ngisi sa ina.

"Hindi ba't kakakain mo lang bago tayo umalis ng bahay?"

"Parang may gusto pa akong kainin," sabi ni Amihan habang palinga-linga sa paligid, naghahanap ng makakainan. Ngunit wala naman talaga siyang balak kumain dahil hindi pa siya nagugutom. Ibig niya lang magtago sa isa sa mga tindahan upang hindi na muling makita ni Abel Bonifacio. Mula nang makilala niya iyon, natuto na siyang magsinungaling sa ina at iyon ang kinaiinisan niya. Naiinis din siya kay Abel dahil mukhang presko ito.

"Kung gayon maghanap tayo ng makakainan. Ako yata ang nagutom sa ginawa natin," yaya ni Ditas. At siya naman ang humila sa anak.

Ilang mga kainan ang dinaanan nila na hindi nila magustuhan. Sinubukan nilang bumaba sa susunod na palapag. Puro mga fastfood ang naroroon na hindi naman hilig ni Ditas. Sumunod ay sa unang palapag na sila pumunta. May nakita silang isang 'Japanese restaurant' at doon sila pumasok.

"Mukhang bago yata ang kainan na ito," pansin ni Ditas. Inilibot niya ang kanyang mga mata nang makaupo na sila.

"Mama, matagal na ito dito. Tatlong taon na." napatawang tugon ni Amihan matapos tanggapin ang menu sa isang serbidor. "Ganyan katagal ka hindi namamasyal sa lugar na ito."

Natawa rin si Ditas nang kanyang mapagtanto ang katotohanan na hindi siya nagagawi sa mga lugar na katulad nito. Mas matagal ang paglagi niya sa Hongkong kaya doon siya namimili. Hindi na siya gaanong pamilyar sa mga lugar na pinupuntahan ng kanyang anak.

"Maiba ako," inayos ni Ditas ang posisyon niya sa upuan at tinitigang mabuti ang anak. "Anak, gusto mo bang itanghal ang iyong mga ipinintang mga larawan sa darating na anibersaryo ng kumpanya?"

Napahigpit ang hawak ni Amihan sa menu na binabasa niya at natigilan ito. Hindi pa nga talaga siya nakakapagtanghal ng kanyang mga gawa kahit kailan. Kahit ang mga naipanalo niya sa mga timpalak ay nakatago lang sa silid kung saan siya nagpipinta. Napaisip siya. Para saan pa't kailangan niyang itanghal ang kanyang mga gawa.

Sinilip niya ang ina mula sa ibabaw ng menu. "Mama, bakit mo naman naisipang itanghal ko rin ang aking mga gawa?" Wala siyang alam sa iniisip ng ina.

"Ayaw mo bang makilala ka bilang isang pintor o kaya makilala ang iyong mga gawa? Magandang pagkakataon ito lalo na't maraming mga matataas na tao ang mahilig sa mga pinintang mga larawan sa Hongkong." Paliwanang ng ina. "Kapag nabili ang iyong mga gawa, may pera ka nang maiipon at matatawag mong sariling kita."

'Hmm. Magandang balakin iyon,' sabi ni Amihan sa kanyang sarili. Ibinaba niya ang menu sa harapan at tinitigan niya rin ang ina na nakangiti sa kanya. Kay ganda ng ngiti ng kanyang ina. Magandang ipinta ang mga ngiti nito.

"Mama, sapat na ba ang mga gawa ko para itanghal? Ilang piraso lang ang mga iyon. Maaari ko bang isama ang mga naipanalo ko noong nasa mababang paaralan pa ako? Baka pagtawanan lang nila ang mga gawa ko noon." walang kumpiyansang tanong ni Amihan. Kapag tinitingnan niya ang kanyang mga gawa noong bata pa siya, namumula lamang siya sa hiya. Hindi niya maunawaan kung paano niya nakukuha ang unang gantimpala sa mga timpalak sa sining. Basta sinusunod niya lang ang tema ng timpalak at ipipinta na niya iyon. Ngunit kung sa paraan ng pagpipinta ang tatanungin, mas magulo pa ang kanyang mga guhit at kulay sa mga gawa ni Pablo Picasso.

"May naisip kasi akong tema sa anibersaryo ng kumpanya. Dahil magsasampung taon na ito sa taong kasalukuyan, nais kong ipakita ang ebolusyon ng kumpanya. Kung papaano ito nagsimula sa maliit hanggang sa lumaki ito. Kaya tamang-tama ang iyong mga likha, Amihan. Ipapakita rin natin ang ebolusyon ng iyong pagpipinta," masayang sabi ni Ditas na may mga ningning sa kanyang mga mata. Pagkatapos magsalita ,biglang tumakbo ng mabilis ang utak ni Ditas sa inspirasyong dumating sa kanya. Naglaro ang maraming mga plano sa kanyang isipan.

Nangingislap din ang mata ni Amihan sa tuwa. Hindi niya akalaing natutuwa pala ang kanyang ina sa kanyang mga gawa. Biruin mo, magtatanghal na rin siya ng kanyang mga likha sa unang pagkakataon at sa Hongkong pa. Kung hindi ka nga naman pinagpala. At parang lumalaki ang tainga ni Amihan at pumapalakpak pa iyon sa mga papuri na nanggaling sa pinakamamahal na ina.

"Mama," mahinahong tawag ni Amihan habang tinatapik ang braso ng ina. "Salamat sa tiwala. Kaya mag-order na tayo ng pagkain. Kanina pa naghihintay ang serbidor."

Nagising ang diwa ni Ditas sa pagkakatapik ni Amihan. Siya namang pagkalam ng kanyang sikmura. Naalala niya na hindi pa nga sila nakaka-order. Kaya madali niyang sinabi sa serbidor ang mga pagkaing paborito nila ni Amihan.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C21
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄