下載應用程式
72.72% Man With Red Eyes(tagalog) / Chapter 16: XV

章節 16: XV

Lumapit ako at medyo tinulak ko yon at medyo bumukas sya. Mas tinulak ko pa at tuluyang bumikas yung pinto. Tumingin ako sa likod ko, hindi ko kita dito si Hazel dahil nasa gitna yung mga bookshelf. Tatawagin ko pa ba sya para samahan akong pumasok?

"Bahala na nga." Sabi ko at tuluyang pumasok. Kung malamig sa library mas malamig dito at dimlight lang ang gamit na ilaw dito. Naglakad ako papasok, nung nakapasok na ako sumara yung pinto. Lumingon lang ako at tinuloy ko na yung pag lalakad ko.

Dahil maliwag sa main library ay kinaylangan pa ng mata ko ng ilang sigundo para makapag adjast. Napayuko ako at pinikit pikit ang mata ko. Grabe ang lamig naman dito, parang nakatutok na sakin yung mga aircon.

Napabuntong hininga ako at napahawak sa dibdib ko, bakit parang kinakabahan ako. Naglakad pa ko ng ilang hakbang bago ako humarap sa harapan ko.

"Wow." Namamanghang sabi ko.

Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Dahil nakapag adjast na ang mata ko sa malamlam na ilaw dito sa loob ng kwartong to. Bumungad sakin ang isang napakagandang library na sa tingin ko ay mas malaki pa to kesa sa main library namin.

Pagkapasok ko ang unang nakita ko ay yung isang katamtamang laki na mesang gawa sa kahoy na sa magkabilang gilid nito ay may mas mahahabang mesa na gawa rin sa kahoy. Ang pag kakaayos nya ay parang pagkakaayos sa conference room dahil may mga upuan din sa gilid ng mga to.

Pero hindi yun ang nakapag pa wow sakin, kung di ang pagkakaayos ng library na to. Dahil doble ata ang dami ng mga libro dito kesa sa lahat ng librong meron ang main library. At ang pag kakaayos ng mga to per balcony, merong apat na balcony kaya mako consider na hanggang 5 palapag tong library na to pag kasama yung ground floor.

Lumapit ako sa mga mesang nasa gitna at hinawakan to. Ang kinis ng pag kakagawa saka mukhang alaga sa linis dito wala man lang alikabok. Tinignan ko yung bandang baba ng mga mesa, ang ganda nmn ng pagkakaukit ng mga disenyo ng mesa na to. Ang mahal siguro ng pag kakabili dito, pulido ang pag kakagawa saka mukhang gawa sa matibay na kahoy talaga.

Umalis na ako don at nag lakad lakad pa. Tumingala ako at nakita kong hindi lang isa kungdi tatlong malaking chandelier na gawa sa glass and kulay gold na metal. Tatlong chandelier na iba iba ang design ang nakita ko pero yung nasa gitna ang pinaka malaki.

Pumunta ako sa pinaka ilalim ng mga yun at tinignan ko sila mula sa baba. Yung isa sa kaliwa pag tinignan mo ang pag kakaayos ng mga glass ay parang kidlat na nagsalubong sila kaya naka X and dating niya. Tapos yung isa naman sa kanan hugis dulo ng sword na magkasalubong. At yung nasa gitna na pinaka malaki at maganda, parang ninja blade kung titignan pero mas marami lang yung parang patusok nya hahaha ang ganda. Basta ang ganda lalo na yung nasa gitna.

Nakatingala lang ako at tinitignan yung pinaka malaking chandelier nung bigla akong mapatingin sa

harap ko. Parang may narinig akong nag lalakad, may kasama ata ako dito. Kung sa bagay library naman to kaya natural lang na may makasama ako dito. Buti na lang, kala ko bawal pumasok dito.

Naglakad ako papunta sa lugar kung san ako may narinig na nag lalakad habang tinitignan yung paligid ko na puno ng libro. Mukhang matatanda pa sakin mga libro dito ah, saka mas malalaki sila kumpara sa libro ng History Section.

Nakarinig nanaman ako ng ingay kaya mas minadali ko na ang pag lalakad ko.

Sa dulo ng mga bookshelf may nakita akong babae na nakatalikod mula sakin at mukhang may hawak na libro. Naka white dress sya na lagpas sa tuhod, simple lang tignan yung damit nya pero ang ganda.

"Pano ka nakapasok dito?"

Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita. Hala bawal ata pumasok dito, kaya siguro hindi halata yung pinto papasok dito kasi mga piling tao lang nakakapasok dito.

"Hmmm, nakita ko po kasing bukas yung pinto kaya pumasok po ako." Nag aalangan na sabi ko habang napapahawak sa dulo ng buhok ko. Hindi naman siguro ako ma ga guidance diba? Wala rin naman nakasulat na for faculty or staff lang pwedeng pumasok dito.

"Nakabukas ang pinto?" Sabi niya sa nag tatakang boses. "Hindi bumubukas ang pintong yun basta basta." Sabi nya at humarap sya sakin.

At nung tumingin sya sakin ay nakita ko ang mga pares ng mata na sa tingin ko pinakamagandang kulay ng mata na nakita ko sa buong buhay ko.

Dahil hindi lang basta basta blue ang kulay ng mata nya. Sapphire blue eyes yung kulay ng mata nya, na parang nag go glow dahil dim light lang dito. Natural na kulay kaya tong mata nya, parang naka contact lens sya eh. Saka may contact lens ba na parang umiilaw?

"Yuki, ikaw pala yan." Nakangiting sabi nya sakin.

Kilala ko ba sya, parang wala akong maalala na nagkakilala na kami dati.

"Sorry, kilala po ba kita?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Nawala ang ngiti nya pero nakatingin lang sya sakin, nag aantay ako ng isasagot nya pero wala na syang sinabi.

Tumalikod sya sakin at binalik na yung librong hawak nya saka humarap sakin. Pero ngayon nakangiti na sya ulit sakin.

"Kilala ko ang lahat ng nag aaral dito. Sige na at tumingin tingin ka muna dito. Sa tingin ko naman ay matutulungan ka ng mga librong nandito." Nakangiting sabi nya sakin at nag lakad na sya papalayo sakin.

Napapakamot naman ako sa ulo ko, ang tindi naman ng memory nya kung kilala nya lahat ng nag aaral dito eh ang dami kayang pumapasok dito. Saka wala naman akong hinahanap na information para matulungan ako ng mga libro dito. Napatingin ako sa mga libro sa paligid ko ang dami nila.

Tinignan ko ulit yung babae kaso hindi ko na sya nakita. Naglakad ako papunta sa nilalakaran nya kaso wala na talaga sya. Tinignan ko ang buong paligid ko pero wala na akong nakitang tao pa dito.

"Hala asan na yon? Hindi naman siguro sya multo diba?" Nabulong ko na lang sa sarili ko.

Dapat ata lumabas na ko dito mamaya bawal pala pumasok talaga dito yung mga student.

Naglalakad na ako paalis sana pero napatingin ulit ako sa mga chandelier. Tignan ko kaya ulit mula sa baba. Ang gaganda kasi nila lalo na yung sa gitna, para sya kasing ninja blade na parang bulaklak eh.

Naglakad na ako papunta ulit sa ulalim nila at tumingala para makita ko ng mas maayos. Pero ang pinaka gusto ko talaga yung pinaka malaki na nasa gitna.

Hindi ko alam kung kano ako katagal na nakatingin lang don. Ewan ko ba, iba kasi ang dating sakin ng design nila.

Bigla akong napahawak sa may kaliwang balikat ko, pat parang pakiramdam ko painit ng painit yung balikat ko. At habang tumatagal, parang pinapaso na ang balikat ko. Ang hapdi ng pakiramdam ko at nangingiyak na ako.

Napatingin ako sa paligid ko baka kasi may kasama pa ako dito. Pero mas natakot lang ako sa nakita ko. Bat ang daming dugo sa paligid ko, kahit san ako tumingin may bagid ng dugo ako akong nakikita. Sa libro sa mesa kahit sa pader, lahat may dugo.

Napasigaw na ako sa sobrang takot ko dahil kahit san ako tumingin may dugo. Ano bang nangyayari dito kanina naman wala naman yung mga yon ah.

Sa sobrang tuliro at takot ko ay tumakbo na ako habang hawak hawak parin ang balikat ko dahil sobrang sakit na nito. Kung kanina napipigilan ko pa ang pag iyak ko ngayon ay umiiyak na talaga ako habang tumatakbo. Pero hindi pa man ako nakakatakbo ng malayo ay bigla na akong nadulat.

Napadapa ako sa sahig at naipikit ko ang mga mata ko dahil sa pagkadulas ko. Pero nung dinilat ko ang mga mata ko at tinignan ang paligid ko wala na yung mga dugo kanina. Mayos na ang lahat, yung mga libro, mesa saka pader okay na lahat. Unti onting nawawala na rin ang sakit ng balikat ko, ano bang nangyayari sakin? Wala na akong maintindihan.

Isinubsob ko na lang ang muha ko sa lapag wala na akong pakielam kung anong ayos ko pa ngayon. Basta ang gusto ko lang ay matapos na tong nangyayari na to sakin. Wala na akong maintindihan, hindi ko alam kung totoo pa ba tong nakikita ko or nagha hallucination na lang ako.

Naka dapa lang ako don habang umiiyak nang may marinig akong tumatakbo papalapit sakin. Nung tumingala ako ay nakita kong may lalaking papalapit sakin.

"Yuki ayos ka lang ba?" Puno ng pag aalala na sabi nya sakin.

Nung nakalapit sya sakin ay agad nya akong inalalayan na makatayo.

"May sugat ka ba? May masakit ba sayo?" Sabi nya habang tinitignan kung may sugat ba ako o wala.

Nakatingin lang ako sa mukha nya, ewan ko ba. Imbis na tumahan na ako mas lalo akong umiyak sa harapan nya mismo. Itinakip ko ang mga palad ko sa mukha ko at iyak ako ng iyak. Wala na akong pakielam kung anong itshura ko ngayon. Basta hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin, ano ba yung nakita ko kanina? Bakit ang daming dugo kanina dito, tapos ilang saglit lang nawala na yung mga dugo. Pag ba sinabi ko sa kanya o kahit kanino yung mga naririnig ko at nakikita ko may maniniwala ba? Sa tingin ko nga aakalain nilang baliw na ako eh.

Iyak lang ako ng iyak ng maramdaman kong may yumakap sakin ng mahigpit.

"Ayos lang yan, magiging maayos din ang lahat. Andito lang ako hindi kita iiwan."

At nung narinig ko yon, may kumirot sa dibdib ko. Bakit ayaw maniwala ng puso ko sa sinabi nya. Bakit mas lalo akong nasaktan sa sinabi nya?

Pinalipas ko ang ilang minuto at nung nakalma ko na ang sarili ko ay itinulak ko ng mahina si Sir Kumi papalayo sakin. Baka kasi pag may nakakita samin dito na nakayakap sya sakin kung ano pang isipin nila.

"Okay ka na ba?" Sabi nya, tumango lang ako ng iniiwas ang tingin ko sa kanya.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng palda ko at pinunasan ko ang mukha ko. Baka pag lumabas ako dito mahalata pa ni Hazel na umiyak ako.

Nung sa tingin ko naman ay okay na ay humarap na ako sa kanya. Nakita kong nakatitig lang sya sakin at wala akong mabakas na kahit anong emosyon mula sa kanya.

"Sige po Sir alis na po ako." Sabi ko at nag madali na akong pumunta sa may pintuan. Binuksan ko yun at lumabas na. Pero lumingon muna ako sa likuran ko at nakita ko syang nakatingin sa akin at unti unting sumara na ang pinto.

Nung nakasara na ang pinto may biglang pumasok sa isip ko na isang eksena na medyo malabo. Nakatingin ako sa isang lalaki na nakatalikod sakin habang nakahiga ako sa lapag. Pero hindi lang sya basta nakatalikod sakin kungdi nag lalakad sya papalayo sakin. Pilit ko syang inaabot pero di ko sya maabot.

Napapikit pikit ako, ano ba talagang nang yayari sakin. Kung ano ano nakikita ko tas mga eksenang biglang pumapasok sa isip ko.

Napailing iling na lang ako at nag lakad na papunta kay Hazel.

At nadatnan ko syang nakasibangot habang may katabing lalaki. Sandali pamilyar sakin yung lalaking yun ah. San ko nga ba nakita tong lalaking to?

Ah oo sya yung lalaking nasa hallway kanina. Magkakilala sila ni Hazel kaya siguro kilala nya ako. Pero wala namang nababanggit si Hazel tungkol sa lalaking to eh.

"Hazel." Tawag ko sa kanya. Bigla syang tumingin sa dereksyon ko at biglang tumayo at kumapit sa braso ko.

"Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap. Tara na alis na tayo dito na iinis lang ako eh." Sabi nya na nakasibangot pa.

Nag lipat lipat ang tingin ko sa kanya at dun sa lalaking katabi nya kanina.

"Sino sya? ikaw pala nag sabi sa kanya ng pangalan ko ah kaya pala kilala nya ako." Sabi ko sa kanya.

Tinignan ko yung lalaki at ngumiti ako sa kanya, at ngumiti rin sya at medyo tumango sakin.

Nung tinignan ko si Hazel na nakakapit pa rin sa braso ko ay nakita ko ang nag tatakang mukha nya.

"Anong sinasabi mong binabanggit kita sa kanya? Di ko nga yan kilala eh."

Nagtaka naman ako s asinabi nya, hindi sila mag kakilala eh bakit parang nag aasaran sila. At pano namn nalaman ng lalaking yun ang pangalan ko.

Napalingon kaming dalawa ni Hazel dun sa lalaking katabi nya kanina nung mag salita to.

"Hazel, alis na ako bukas na lang tayo ulit mag usap. Pag isipan mo yung sinabi ko ah." Sabi nya habang nakatingin kay Hazel na nakangiti na kita pa ang mga ngipin nya. Naglakad na to paalis at sinundan ko na lang sya ng tingin.

Nung nakalayo na to samin ay tinignan ko si Hazel. Nakatingin parin sya dun sa lalaking yun at wait lang namumula ang pisngi niya.

Napatingin sya sakin at mas lalo pa syang namula. Hmmm parang may kakaiba sa dalawang to ah.

"Bakit ka nakatingin ng ganyan?" Sabi nito at binitawan na ako.

Naglakad sya papalapit sa mga libro sa mesa at kumuha sya ng tatlong libro ay nag lakad papuntang bookshelf at binalik ang mga yon sa dating lalagyanan.

Nakatingin lang ako sa kanya na may nakakalokong ngiti s alabi ko. Hahaha kilala ko tong si Hazel, basta titigan ko lang sya kahit di ako mag tanong mag sasalita to ng mag sasalita.

"Pwede ba kesa titigan mo ako jan tulungan mo ko mag balik ng mga libro." Naiinis na sabi nya sakin.

Naglakad na ako papuntang mesa at kinuha rin ng libro. Pero isa lang ang kinuha ko at mabagal na nag lakad papuntang bookshelf na hindi inaalis ang malisyosong tingin ko sa kanya.

"Yuki, sisipain na kita. Wag mong sabihin na mas matanda ka sakin. Papatulan talaga kita." Sabi nito na nakasibangot na.

Kaya inalis ko na ang tingin sa kanya at binilisan ko na ang pag kilos ko. Pero natatawa ako ng mahina pag napapatingin ako sa kanya. Pano ba naman sobra syang namumula tapos nahuli ko pang hinampas nya yung noo nya ng mahina na may kasama pang bulong na di ko maintindihan dahil sobrang hina.

Nung natapos na kami sa pag babalik ng libro ay nag lakad na kami paalis ng History Section. Pag napapatingin ako sa katabi ko mas lalong kumukunot ang noo nya. Mag sasalita to maya maya lang.

Nung nakuha na namin ang mga gamit namin sa locker ay lumabas na kami. Nag lalakad kami papuntang Secret Garden (yung likod ng school na puro puno) nung bigla syang huminto sa pag lalakad. Napatingin naman ako sa kanya na naka ngiti parin na ang dating ay nang aasar.

Tinignan nya ako ng masama na mas lalong nag pangiti sakin ang cute nya.

"Wala naman syang sinabi nang iinis lang yun. Saka hindi ko naman kilala yung lalaking yun eh." Naiinis na sabi nya.

"Wala naman akong sinabi ah, ni hindi nga ako nag tanong eh." Painosenteng sabi ko naman sa kanya habang nakangiti pa rin.

"Totoo naman kasi, wala lang yun." Sabi nya na pati mga kamay nya ay nang gigigil na.

"Wala naman akong sinabing hindi totoo sinabi mo ah." Natatawa na nasabi ko sa kanya. Diba sabi sa inyo titigan mo lang sya mag sasalita yan kahit wala ka naman tinatanong.

"Eh yang mga mata mo naman yung ayaw maniwala."

After nya sabihin yun tawa na ako ng tawa. Napalakas ata tawa ko dahil napatingin samin yung mga student na kasabayan namin sa pag lalakad. At tong si Hazel naman nag rereklamo pa rin di ko na lang maintindihan kasi tawa ako ng tawa.

Tama kesa isipin ko ng isipin ang mga negatibong nang yayari sakin mas magandang itawa ko na lang. Alam ko na man na hindi man ngayon, mabibigyan ng sagot ang lahat ng tanong ko.


創作者的想法
Deirdre_Aileth Deirdre_Aileth

And again sorry at ang tagal bago ako nakapag update. Katulad nga ng sabi ko po last time na aayusin ko muna yung mga unang chapter ko and medyo busy kasi sa personal life ko po. BTW if gusto nyo makita yung design ng chandelier search nyo lang yung dhampir marks.

Sana po wag kayong mag sawa sa pag babasa ng story ko. And thanks sa mga nag cocomment and nag vovote and nag re rate nitong story ko. Kayo po ang dahilan kung bakit sinisipag po ako mag isip ng kwento thanks po ulit bye bye!!!!

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C16
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄