Jungkook' Pov
Lumabas ako ng gaming room at bumaba para sundan si Lisa. Natigilan ako sa paglalakad at di ako makakilos sa nakita ko. Si Lisa may hawak na kutsilyo.
"Anong nangyayari dito?" tanong ko.
Lumapit naman si Jade sakin at lumingkis na parang ahas sa braso ko.
"Jungkook nakita mo, sasaksakin nya ako. Kanina din sinampal at sinabunutan pa nya ako." sumbong ni Jade.
Tinignan ko si Lisa. Napansin ko na nakayukom ang isang kamay nya. Halata mo na nagpipigil sya sa sinasabi ni Jade. Napansin ko din na umiiyak si manang.
"Bitawan mo ako Jade at umalis ka na.
Puro gulo lang ang dala mo dito sa bahay ko." sabi ko.
"Ako na nga sasaksakin ako pa paaalisin mo?" di makapaniwalang sabi ni Jade.
"Kilala kita Jade. Alam ko kahit nde magsalita sina Lisa at manang eh alam ko may nde ka magandang ginawa kaya umabot sa ganyan ang ginawa sau ni Lisa. Subukan mong magmatigas na wag umalis ng bahay ko, ipakakaladkad kita sa guard." sabi ko.
Napansin ko na umaayos na ang itsura ni Lisa di tulad kanina na galit na galit.
"Makakarating to kina daddy. Tandaan mong babae ka hindi pa tayo tapos." banta ni Jade.
"Sure sabihin mo lang kung saan at kailan." sabi ni Lisa.
Padabog na umalis ng bahay ko si Jade. Ano kaya nangyari sa kanila? Nilapitan ko si Lisa at niyakap. Umalis ako sa pagkakayakap at hinawakan ko ang magkabilang pisnge nya.
"Ayos ka lang ba Lisa. Ano bang nangyari?" tanong ko sa kanya.
" Ok lang ako. Salamat." sabi nya
Tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa pisnge nya at lumapit sa ref. Kumuha sya ng yelo at lumapit kay manang.
"Nay ok lang po ba kayo. Lagyan natin ng yelo ang magkabilang pisnge nyo para mawala ang pamamaga." sabi ni Lisa. Pinaupo nya sa upuan si manang at sinimulan gawin ang paglalagay ng yelo sa pisnge.
"Salamat nak." sabi ni manang.
"Teka ano bang nangyari manang?" tanong ko.
"Natapunan ko kasi ng bagoong ung damit ni Jade kaya nagalit. Pinagsasampal nya ako at aakmang hahampasin ng bag. Buti dumating si Lisa. Tapos ayun sinampal naman sya ni Lisa, kaya nagalit at sinabunutan sya. Tapos hanggang sa napunta sa nadatnan mong may hawak ng kutsilyo si Lisa. Pasensya ka na Master di ko naman sinasadya." paliwanag ni manang. Lumapit ako sa kanya at lumuhod. Hinawakan ko din ang kamay nya.
"Manang kilala kita. Alam ko naman na nde mo yun sadya. Hinding hindi ko matatanggap ang ginawa ni Jade sa inyo ni Lisa. Hindi ka nya dapat sinaktan." sabi ko.
"Pano kung magsumbong yun sa mga magulang nyo. Alam mo na man na di biro ang ama nya. Baka kung anong gawin kay Lisa." pag aalala ni manang
"Wag kaung mag alala manang handa ako sa kanila." sabi ko.
"Nay wag kang mag alala sakin. Magpahinga na po kayo. Ako na po ang tatapos ng iba nyong gawain." sabi ni Lisa."
Pumunta na si manang sa kwarto nya upang magpahinga. Nagsimula nang magligpit ng kalat si Lisa. Tumulong na ako sa kanya. Nang matapos ang aming paglilinis, sinabihan ko syang maupo muna at makapag usap kami.
"Lisa wag mo nang gagawin pa ulit yon. Ayokong mapahamak ka. Ayokong makita ulit kita na nasa ospital. Parang awa mo na. Ingatan mo ang sarili mo."
"Bakit Jk? Bakit ang bait bait mo sakin?" tanong ni Lisa.
"Di pa ba halata Lisa?" sagot ko
"Wag mong sabihing totoo nga na nahuhulog ang loob mo sakin. Gusto mo ba ako Jk?" tanong ni Lisa.
"Oo gusto kita. Di ko alam kung paano o bakit basta gusto kita." pag aamin ko.
"Jk nde mo pa ako lubusang kilala. Hanggat maaari pigilan mo ang nararamdaman mo sakin. Baka mapahamak ka lang." sabi ni Lisa.
Hinawakan ko ang kamay nya.
"Kaya nga Lisa gusto kitang kilalanin. Gusto ko mag open ka sakin. Pagkatiwalaan mo ako. Gusto kong malaman ang nakaraan mo. Walang magbabago sa pagtingin ko sayo kahit sino ka man." sabi ko sa kanya.
"Alam mo Jk minsan may mga bagay na kailangan kalimutan na lang para maging ok ang lahat." sabi ni Lisa.
"Basta Lisa lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Liligawan kita at kikilalanin." sabi ko.
Sa wakas nasabi ko din na gusto ko sya. Sana lang tanggapin nya ako sa buhay nya.