Harris's POV
"So, What's your plan now" Leon asked.
Kasalukuyan kaming nandito sa field ng school at dahil gabi na ay gumawa kami ng isang malaking Bonfire sa harap.
"May dapat ba akong gawin?" nakatulalang sabi ko dito habang hawak ang Exchange Diary namin ni Euwielie.
"I thought you love her?"
Oo, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya na kahit masakit na itinuturing niya lang akong kaibigan ay nandito parin ako sa kanya.
Mahal ko siya kahit alam kong kaibigan lang ang maiibibigay niya sakin.
Mahal ko siya kahit pa paulit ulit at hindi ako mag sasawang ikwento sa kanya ang mga maliligayang pinagsamahan namin.
Mahal ko siya kahit na sobrang sakit sakin na may mahal na pala siyang iba.
Oo. Ako na ang tanga, martir at kung ano man sa mundo pero wala eh, Mahal ko siya pero wala man alang akong lakas ng loob na ipaglaban siya o umamin man lang sa kanya.
"You know bro, If you truly love someone then fight for it" he said.
"I don't know how to fight bro, co'z I'm weak" I answered.
Tumingin ako sa Exchange Diary namin ni Euwielie. Itong Note book na ito ang saksi sa magagandang pangyayari samin ni Euwielie. Gusto ko sanang iapagpatuloy pa ang nasimulan namin, kaya lang paano?
Paano kung iba na ang hinahanap niya. Alam kong sasaya na siya, kaya ayokong maging hadlang para don.
Sa huling sandali ay tiningnan ko ang Notebook at saka itinapon iyon sa apoy.
Tama, dapat akong magparaya dahil kung ipagpapatuloy ko pa ito ay hindi ko na makokontrol itong puso ko at baka sumabog na.
Saka masmapapadali ang pagalis ko kung kakalimutan ko na siya.
Tss. Sino bang niloko ko eh, alam ko namang hinding hindi ko siya makakalimutan.
***
Three months passed, sa tatalong buwan na yon ay hindi nanga ako tuluyang naalala pa ni Euwielie, para sa kanya isa lang ako sa mga kaklase niya sa room.
Ano pa nga bang magagawa ko ay nasunog na ang kaisa isang bagay na naguugnay samin, Kung wala na ang notebook ay hindi niya ako maaalala pang muli.
At mukhang naging maganda namna ang resulta dahil tulad ng inaakala ko ay naging sila nga ni Ace, Natagpuan na nya ang ga sagot sa nakaraan niya.
"Euwie!" rinig kong tawag ni Ace kay Euwielie. Huminto naman si Euwie at hinintay si Ace saka saby silang naglakad papuntang school.
Araw araw ganyan ang routine nila. Naalala ko noong gabing kinausap niya si Ace ay saktong biyernes iyon at hindi ko naibigay ang notebook para basahin niya sa Monday. Para san pa? diba nasunog naman na ang notebook, wala ng rason para makihati pa ako sa atensyon niya.
Simula noong Monday, lagi na nga silang magkasam kaya ang sabi ng iba ay sila na nga.
Euwielie's POV
It's been a three months simula ng magkaayos kami ni Ace, sa wakas ay naalala ko na ang nangyari way back when we are in a middle school.
Noong gabing naaksidente ako ay ang gabi na dapat ay makikipag tagpo ako kay Ace, noong nandon na ako ay bumungad sakin si Mayumi at ang dalawa sa kaklase ko. Kaibigan ko si Mayumi kaya nagtaka ako dahil galit siya sakin.
And then tumakbo ako sa takot na baka kung anong gawin nila, hindi ko na nga napansin ang papalapit na sasakyan at tuluyan ako nasagasaan.
Yun ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng Dissociative Amnesia sakit kung saan nakakalimutan ko ang taong nagiging malapit sakin paglipas ng isang lingo.
Naging normal namna ang ilang buwan na lumipas, tulad ng dati ay tikom ang bibigkong makipag kaibigan. Pero dahil ka Ace ay hindi na ako masiyadong nahirapan dahil nandyan siya lagi sa tabi ko.
"Euwie!" rinig kong sigaw ni Ace kaya huminto ako sa paglalakad at hinintay siya.
"Sorry sa paghihintay" mahina niyang sabi sakin at nagumpisa na kaming maglakad. Pero parang may nahagip akong pamilyar sa akin. Ang mga matang yun? Nakita ko na yon dati pa.
Hinanap ko ang lalaking nakatingin sakin kanina pero wala na ito.
***
Mabilis na natapos ang klase at breaktime na. Sabay lagi kami ni Ace mag lunch ayaw niya daw akong magisang kumakain kaya sumasabay siya sakin kahit busy siya sa training nila sa basket ball.
Naghintay pa ako ilang saglit sa bench na lagi naming pinupuntahan ni Ace pero wala pa ito.
"So how are you Euwielie" sabi ng boses sa likod ko kaya napahinto ako.
"L—Lea?" nauutal na sabi ko, hindi kasi ako sanay namakipag usap sa iba bukod kay Ace. Kilala ko siya dahil siya ang President naming sa Room.
"Mukhang masaya ka na at hindi mo na siya kailangan" sabi nito sakin na kinagulo ng isip ko. Sinong siya ang tinutukoy niya?
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. she just smiled.
"Tulad ng inaasahan hindi monga matandaan" sabi nito at saka tumayo na.
"Teka lang" tawag ko dito kaya napahnto siya.
"By the way, it's my turn. I'll make him mine at hinding hindi ko siya iiwan gaya ng pagiwan mo sa kanya " sabi pa nito habnag nakatalikod at saka tuluyan ng umalis.
***
Kasalukuyan kaming nag lulunch ni Ace pero hindi ko manlang magalaw ang pagkain ko dahil sa sinabi sakin ni Lea.
I'll make him mine, at hinding hindi ko siya iiwan gaya ng pagiwan mo sa kanya
Anong ibig sabihin niya na pag iwan? Wala akong matandaan.
"Euwie?"
Natiigil ako sa pagiisip ng marinig ko si Ace na tumatawag sa pangalan ko.
"Bakit?"
"Are you ok? Hindi mo man lang ginagalaw yang pagkain mo" sabi niya sakin.
"W—Wala may iniisip lang ako" sabi ko at nagsimula ng kumain.
***
Pagkatapos ng klase ay nauna na akong pumunta sa locker room dahil hindi makakasabay si Ace ngayon dahil may practice siya, kaya ao nalang magisa ang uuwi.
Dumiretso nalang ako sa Locker room at kinuha ang mga gamit ko dito. Pero noong buksan ko ang locker ko ay tumambad sakin ang kulay asul na payong. May kasama itong sulat kaya kinuha ko ito.
Today, It will rain like how I cried so badly,
When I look at the blue sky,
I remembered how you smile
The way you look at me it makes my Heart melts,
How I wish we can back time, the way it was before....
I missed you Euwielie
Pagkatapos kong basahin ang nakasulat sa papel ay hindi ko na namalayan ang unti-unting pagtulo ng luha sa aking pisngi na agad ko namang pinahid.
Tiningnan ko ang buong papel pero walang nakalagay kung kaynino ito nanggaling.
Kinuha ko ang asul na payong at saka tuluyan ng lumabas.
Hindi ko alam na sa bukas ko nito ay may maalala akong isang pangyayari na hindi ko kalian man makakalimutan.
Ang Firework Display, ang payong na to ay may design na firework sa paligid.
Malabo sa alala ala ko pero nararamdaman ko parin ang pagtibok ng puso ko noong gabing yon. Hindi malinaw sa aking isipan kung sino nga ba ang kasama ko noong gabing yon pero ang tanging na aalala ko lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"I have another umbrella I left at the clubroom, so I'll lend you this one"
Napalingon ako noong marinig ko ang mga salita na yon. Ang boses na yon, sobrang pamilyar sakin. Parang kilalang kilala ko ang taong nagmamay-ari ng boses na yon. Pero naisip ko na guniguni ko lang yon dahil wala naman akong ibang kasama dito.
Ngayon ko lang napagtanto na guniguni ko lang pala iyon dahil ako lang magisa dito. Kaya nagpasya na akong umalis at maglakas sa ilalim ng ulan.
Hindi manlang ako nakapagpasalamat sa taong nagpahiram sakin ng payong na ito.
Harris's POV
This is the day that they waiting for, Ang graduation. Pero para sakin isa itong malungkot na pangyayari sa aking buhay dahil tuluyan ko nang iiwan ang taong mahal ko na hindi manlang siya nakausap sa huling pagkakataon.
Ngayon ko napagpasiyahan na tapusin na ang manga naginagawa ko sa makapal na libro, para sa pa? hindi naman niya makikita ito.
"Gerald, Do me a favor" sabi ko.
"anong favor? Tanong naman nito,
Pinaliwanag ko sa kanya ang lahat at ayon pumayag naman siya, Dapat lang dahil madali lang naman ang pinapagawa ko.
***
"Congratulations Graduates!"
Hays buti naman at natapos na din ang graduation ceremony kailangan ko ng magmadali dahil mamaya na ang flight ko papuntang America. Oo aalis na ako ng bansa, may mabuting loob na nag sponsor sakin para sagagawing operasyion ko. I have heart diseases.
Yun ang matagal ko ng itinatago tanging si Leon at si Lea lang ang nakakalam nito.
"Congrats bro, and goodluck sa operation mo" bati sakin ni Leon at saka ako bahagyang tinapik.
"Congrats din bro, salamat"
"Harrish!!~~~"
Do I need to run now? Ayan nanaman kasi si Lea eh, simula noong nakalimutan na ako ni Euwielie ay lagi na siyang naka buntot sakin kahit san ako mag punta, kaya laking pasasalamat ko at graduate na kami.
"bye na bro, tatakbo na ko" nakangiti kong sabi kay Leon.
"Harrishhh! Naman eh, magpapasign lang naman ako" sabi nito bahang naka pout at saka binigay sakin ang year book. Nakangiti naman akong nagsulat doon.
Yun lang ang ginawa namin nagpalitan ng signs and messages para sa isat isat at saka umalis na sila.
Aalis na sana ako ng mahagip ng mata ko. Dapat kaya akong lumapit sa kanya at mag paalam sa huling pag kakataon?
Nakita ko kung pano siya ngumiti habang nag papalitan sila ng signs ni Ace. Kaya napaiwas nalang ako ng tingin.
Ano ka ba Harris, konti nalang at ma-aawardan ka na ng the most Martyr of the year niyan.
Hindi ko alam na ganito pala ka sakit, ang makita ang taong mahal mo na masaya na sa piling ng iba.
"Hanggang kelan mo ba siya titingnan mula sa malayo"
Napalingon ako sa taong nag salita.
"L-Lea?" ang buong akala ko ay umalis na siya, ganito na pala ako kamanhid sa mga taong nasa paligid ko.
Lumapit siya sakin habang naka crossed arm, ngayon ko lang siya nakitang ganon ka seryoso.
"Nakakatawa no, Love is like a dominos, I fall for him and he fall for another" mapait siyang ngumiti sakin.
"What are you talking about Lea?" I said and faced her. He just rolled her eyes as if she's getting annoyed.
"Kahit kelan talaga ang manhid mo" sabi pa nito.
"Ano?" gulo kong tanong. Hindi ko talaga siya ma gets minsan.
"I love you Harris" she said seriously
For the first time I hear from her the right pronunciation of my name, so she seems serious about what she's saying. She truly loves me.... What!? She loves me?!
"What!?"
"Mahal kita, pero noon yon dahil ang hirap palang magmahal ng taong alam mong may mahal na palang iba" sabi ni Lea na kinaluwa ng mata ko.
"Teka? Alam mo na? pero kelan pa?" sabi ko.
"Yeah, I already now ever since nung nakita ko yung binili nating notebook na para pala sa kanya, alam kong special siya para sayo. Kaya nasaktan ako, pero pinili kong itago to dahil alam kong mas kailangan ka niya dahil sa sakit niya" malungkot niyang sabi.
"S-Sorry Lea, hindi ko alam ang nararamdaman mo"
"No, it's not your fault, yung puso ko ang may kasalanan, dahil noong nalaman ko na hindi ka na niya naaalala kala ko may pag asa ng mapansin mo ko... hahaha, I even warned her that I will win you against her. Sino bang niloko ko? eh kahit na lumaban ako alam kong siya ang panalo" sabi pa nito, kita ko ang unti unting pag buhos ng mga luha niya kaya nataranta ako.
"L-Lea, I'm sorry"
"Wag kang mag sorry, alam kong makaka move on din ako, Salamat sa lahat Harris. Thanks you for being a good friend to me" nakangiti niyang sabi at saka tumalikod.
"Thank you Lea"
"If you truly love her that much, why you did not try to approach her for the one last time? Ganbare Harris!" sabi pa nito habang nakatalikod at kumakaway ang kamay habang naglalakad papalayo.
Parang tattoo na tumatak sa utak ko ang huli niyang sinabi.
"If you truly love her that much, why you did not try to approach her for the one last time"
Pinagmasdan ko si Euwielie at nandon pa din siya sa kinatatayuan niya ngayon, ang kaibahan lang ay wala doon si Ace, nakita ko naman na abala pala si Ace sa mga "Fan girls" niya.
Humakot muna ako ng malalim na buntong hinanga at saka naglakad patungo sa kinaroroonan ni Euwielie.
"E-Excuse me, Euwielie" I stammered.
Lumingon naman ito sakin at ngumiti sabay sabing " Yes? "
"M-My name is Harris Lei Villareal, were at the same class"
"Nice to meet you Harris, Congratulation" she smiled. My heart beats like there's no tomorrow.
"Congrats din, A-Ano, can I sign to your yearbook?"
Whew! Finally na sabi ko na din.
"Of course, wait pwede din bang pa sign ng sayo?"
"S-Sure!"
At ayon nag sulat na kami parehas, Sumilip naman ako sa kanya kaya lang nahuli niya ako kaya napabaling muli ako sa sinusulat ko.
"Here" sabay naming sabi.
Nabaling ang mata ko sa ballpen niyang gamit. Napangiti ako dahil yun ang ballpen na binigay ko sa kanya kasama ang Exchange diary. Tinago ko ang kulay asul kong ballpen na kaparehas ng sa kanya ang pagkakaiba lang ay ang kulay, dahil kulay pink ang sa kanya.
"hmm. Euwielie can I ask a question?"
"sure, what is it?"
"When did you start to use that ball pen?"
Napatingin muna siya sa ball pen at saka tumingin sakin "Hindi ko na maalala eh" pabi lang nito.
"Euwie!" tawag ni Ace sa kanya.
"Ah-Harris, mauna na ako hah? Bye!" paalam sakin ni Euwielie at saka nag tungo na sa kinaroroonan ni Ace.
Kita ko kung paano siya ngumiti kay Ace kaya napatalikod ako sa kanila.
Napatingin ako sa relo ko. 2 hours nalang at aalis na ako ng bansa, kahit nag anon ay naging masaya naman ang araw ko dahil nakausap ko muli si Euwielie kahit sa huling pag kakataon.