下載應用程式
52.5% SOON TO BE DELETED 2 / Chapter 42: ♥ CHAPTER 89 ♥

章節 42: ♥ CHAPTER 89 ♥

✿ Syden's POV ✿

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko mula sa himbing ng pagkakatulog at napatingin sa kisame. Bigla na lang akong napangiti na ako mismo, hindi ko alam kung bakit ngunit unti-unti na ring pumasok sa isip ko kung anong dahilan ng ngiting 'to. Sa dinami-rami ng nangyari, hindi ko inaasahang makakabalik pa ako dito, na magiging maayos ulit ang lahat. Napatawad ko na sila at napatawad na nila ako. Noong isang araw lang ay inakala kong katapusan ko na, ngunit hindi pa rin pala.

Oo gustung-gusto kong mamatay nitong mga nakaraang araw, pero kahit gustuhin ko hindi nangyari. At ngayon binabawi ko na 'yon. Hindi pala maganda na idamay ang sariling buhay kapag nahihirapan o nasasaktan ka na. May mga oras na gusto ko ng mamatay para mawala na lahat ng sakit but here I am. Nasaktan man ako pero ngayon, masaya na ulit ako. Hindi man panghabang-buhay na kasiyahan pero alam kong may mga taong takot pa rin na mawala ako. May mga taong masaya sa tuwing nakikita ako, at  sila ang dahilan kung bakit pipiliin kong mabuhay ngayon.

Lahat ng kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan pero hindi 'yon dahilan para piliing mamatay na lang.

Tumayo na lang ako sa kama ng maramdaman kong nagugutom na ako. Nag-ayos muna ako bago tuluyang lumabas sa kwarto ko. Right, sa kwarto ko. Nakiusap kasi talaga ako kay Dean na kung pwede ay dito na muna ako matulog sa kwarto ko. Ayaw niya akong payagan kaya kinulit ko siya hanggang sa napapayag ko siya dahil hindi niya naman ako matitiis kaya ayun, dito ako natulog sa kwarto ko and good to know na kahit nilayasan ko sila dati, ni isang gamit walang nawala. Kung paano ko iniwan ang kwarto ko, ganon ko rin ito nadatnan kagabi.

Lumabas na ako ng kwarto at napakatahimik kaya nagtaka ako dahil sa dami nila, imposibleng magiging tahimik pa ang lugar na 'to.

Black Vipers has now more than 10 members. 5 members came from Caleb's group while the other 5 came from Stephen's group. Including the main members Dave, Dustin, Raven, Nash, Oliver and their leader Dean Carson. Kasama na rin siguro ako at hindi ko alam kung anong tawag sa akin, saling-pusa, leader or what?

Hindi ko in-expect na dadami sila ng ganito but on the other hand, I'm happy for them. At busy sila ngayon dahil tine-train pa rin nila ang new members sa Rebel's house.

Dumiretso ako sa kusina at nadatnan ko sina Stephen at Caleb na nililinis ang kusina dahil mukhang kakatapos lang mag-almusal ng iba kaya medyo marumi at magulo. Napatingin na lang silang pareho sa akin ng dumiretso ako sa may lamesa at umupo doon. Tinignan ko ang paligid bago silang dalawa, "Where are they?" tanong ko.

"Training our members" maikling sagot ni Stephen at nakita kong parang may inihahanda siyang pagkain kaya sinundan ko siya ng tingin habang siya naman, busy sa ginagawa niya, "How about you? Hindi ba kayo kasama sa training?" tanong ko pa.

Lumapit sa akin si Stephen at may inihapag na maraming pancakes sa harapan ko na punung-puno ng caramel syrup kaya't kuminang ang mga mata kong napatingin dito. Mas lalo pa akong natuwa ng ilagay rin ni Caleb sa harapan ko ang isang...medyo malaking tasa at base sa amoy nito, it's a hot chocolate. Whoaa!

Napatingin na lang ako sa kanila na parang isang batang tuwang-tuwa, "Sa akin ba lahat 'to?" tanong ko bago inilipat doon ang tingin ko.

"Sabi niya ubusin mo daw lahat 'yan" saad ni Stephen kaya nagtaka akong napatingin sa kanya.

Huh? Seriously?

"Ang dami nito. Baka hindi ko maubos"

saad ko dito sabay tingin ulit sa harapan ko. Yes it's my favorite breakfast but this is too many. Nahihibang na ba ang lalaking 'yon at ipapaubos niya sa akin 'to? Kahit naman hindi nila sabihin, alam kong sa kanya galing ang ideyang 'to eh. Tsk!

"Ubusin mo Syden. Please lang" napatingin ako kay Caleb na tila nakikiusap na ubusin ko 'to. What the heck?! Bakit ko naman kailangang ubusin lahat 'to kung pwede naman akong magtira para mamaya?

"Ano bang problema niyo kung hindi ko maubos. Pwede pa din naman akong magtira para mamaya or maybe..." tinignan ko silang dalawa, "Samahan niyo na lang akong kumain" sabay ngiti ko sa kanila.

"No! We can't! Basta ubusin mo 'yan. Kabilin-bilinan ni Dean sa amin, dapat daw ubusin mo 'yan. Kapag hindi mo naubos 'yan kami ang malalagot sa kanya" sagot ni Caleb kaya muli akong nagtaka. The hell is he saying?

"Bakit naman kayo ang malalagot kung hindi ko maubos 'to?"

"Kasi niluto niya 'yan para sa'yo, kaya kahit isang hiwa galing diyan, hindi namin pwedeng kainin"

"Huwag kayong mag-alala, akong bahala sa kanya. Basta samahan niyo na lang akong kumain dito dahil alam kong nagugutom na din kayo" sambit ko sa kanila. Kinuha ko na ang tinidor at nag-umpisang kumain. Niluto niya talaga 'to para sa akin?

Napatingin na lang ako sa mga pancakes at natigilan sa pagkain. Sh*t! Bakit ang sarap?! Oo paborito ko yung pancakes na kinakain ko sa bahay pero iba ang lasa ng isang 'to. What the hell mas marunong pa ata siyang magluto kaysa sa akin?!

I mean, nung day na magkikita dapat kami sa rooftop, natikman ko na rin yung pancakes na kinain ko sa Rebels's house pero hindi ganito ang lasa.

Napatingin na lang ulit ako kay Caleb habang ngumunguya ako ng magsalita ito,  "Kapag ginawa namin 'yon parang itinulak na rin namin ang sarili namin sa kamatayan" pahayag nito na mas lalo kong ipinagtaka. Anong bang pinagsasabi nila?

"Ang weird niyong dalawa? Bakit nanaman? Anong konek ng kamatayan niyo sa kinakain ko?" tanong ko sa kanila.

.............

Flashback!

(Caleb's POV)

"Kayong dalawa siguraduhin niyong kakainin at mauubos niya 'to ah kung hindi kayo ang malilintikan sa akin" sabi ni Dean sa amin.

"Pero Dean paano yung training namin?" tanong ko dito dahil pupunta dapat kami sa Rebel's house.

"You'll just have your training kapag tapos na siyang mag-almusal. Sa ngayon, kayo muna ang magbantay sa kanya at siguraduhin niyong kagising niya, wala siyang ibang gagawin kundi  ang mag-almusal" sambit nito sa amin. Pero napatingin ako sa niluluto niya dahil ang dami.

"Pero Dean, sobrang dami niyan? Marami bang alagang dragon si Syden sa sikmura niya parang maubos lahat ng 'yan?" tanong ko dito habang inuumpisahan niyang punuin ng caramel syrup yung mga pancakes.

"Nagrereklamo kayo?" sabay tingin niya sa aming dalawa ni Stephen kaya napalunok na lang ako. Isinara niya ang bote ng syrup at inilapag sa tabi.

"H-hindi naman" sagot ko sa kanya.

"Kakasabi mo lang dba? Sobrang dami niyan? So it means nagrereklamo kayo?" masamang sabi nito na parang napakasama ng loob niya sa sinabi ko pero hindi ko napigilan ang kadaldalan ko.

"Alam mo naman pala bakit mo pa tinanong?" sagot ko dito at natakot na lang ako sa sinabi niya dahil alam ko namang hindi siya mahilig magbiro. Siguro nga, pagrereklamo talaga ang ginawa ko.

"Manahimik ka kung ayaw mong iluto kita ng buhay" pahayag niya at napatingin na lang ako sa kalan na nasa harapan niya. Muli niyang kinuha ang bote ng syrup upang lagyan ulit yung mga pancake.

"Kung hindi niya mauubos, pwede bang kami na lang ang kakain?" tanong naman ni Stephen at nanatili lang siyang nakatingin sa ginagawa niya.

"Hindi niyo ba nakita na niluto ko 'to para sa kanya tapos kayo ang kakain? Bakit?" tinignan niya kami ng masama kaya nanigas na lang kami ni Stephen at hindi nakagalaw,  "Girlfriend ko ba kayo? Sa kanya lang 'to at siguraduhin niyo lang talaga na mauubos niya 'to dahil kung hindi, kayong dalawa ang iluluto ko" seryosong sabi nito.

The end

.....

"Seriously?! Sinabi niya 'yon?!" gulat kong tanong sa kanilang dalawa. So nahihibang na pala talaga ang lalaking 'yon?

"Oo. Alam mo namang hindi marunong magbiro 'yon dba? Kaya ubusin mo dahil ayaw ko talagang iluto niya ako ng buhay" saad ni Caleb habang nakatayo silang dalawa at nakatingin sa akin. Tinakot pa talaga ang members niya?

Hindi ko na lang sila sinagot at muli na akong bumalik sa pagkain dahil sadyang napakasarap. Umupo na lang silang dalawa sa harapan ko at tahimik lang silang nakayuko na parang may hinihintay habang nakasandal sa may upuan. Nang medyo nakarami na ako sa pagkain ay nakita kong nakalahati ko na ito. Ibinaba ko ang hawak kong tinidor at kinuha ang tasang may hot chocolate. Inamoy ko muna ito at hinipan bago ininom at kagaya ng kinakain ko, sobrang sarap. May hidden talent din pala ang lalaking 'yon.

Nang maibaba ko na ang tasa ay ang saktong pagbukas ng pintuan kaya napatingin ako doon. Nakita ko siya kaya napangiti ako at kasama niya si Dave na dumiretso naman sa kwarto nito. Siya naman, nakita kong papunta sa direksyon ko at ngumiti din siya ng makita niya ako. Napahawak na lang siya sa lamesa habang tinititigan ako at ang kinakain ko,

"Good Morning sweetie! Did you like it?Naubos mo ba?" tanong nito.

Napatingin na lang ako dahil may kalahati pa sa plato ko, "Hindi pa" at muli ko siyang tinignan, "Hindi mo nasabing magaling ka palang magluto" sabay ngiti ko sa kanya.

Inilapit na lang niya ang mukha niya sa akin kaya diretso akong napatingin sa kanya, "Kaya kong magluto araw-araw para sa'yo. At kaya kong magluto ng buhay na tao kung gugustuhin ko" nakita kong sinamaan niya ng tingin sina Stephen at Caleb at sinenyasan niya ang mga ito na parang sinasabing umalis na sila kaya't 'yon rin naman ang ginawa nila.

Nang makaalis na sila ay umupo siya sa tabi ko at muli akong tinitigan habang nakangiti. Muli kong kinuha yung tinidor para kumain ulit pero natigilan ako at napatingin sa kanya, "Paano naman ako makakakain ng maayos kung nakatitig ka sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Don't you like it? Sa dinami-rami ng babae sa mundo, ikaw lang ang gusto kong titigan?" sabay ngiti nito at dahil sa mga ngiting 'yon, hindi ko na rin napigilan na mapangiti. F*ck! I can't really lose this guy!

"Okay fine. At saka pwede ba, huwag mo ng takutin ang mga members mo. You're teaching them how to be strong pero ikaw mismo tinatakot mo sila" bilin ko dito bago itinuloy ang pagkain.

"Fine. If that's what you want" saad niya habang nakatitig pa rin sa akin pero muli siyang nagsalita, "We'll go back to Rebel's house because we need to do a lot of trainings"

Nagtaka na lang ako habang kumakain, "Training for what? Magaling naman kayo dba?"

"For new members" maikling sagot nito.

Napatango na lang ako habang ngumunguya, "But if you want to stay here and rest, I can tell them to go on without me. Sasamahan na lang kita" napatingin na lang ako sa kanya at umiling.

"No need. I'll go with you" sambit ko dito at saktong naubos ko na ang kinakain ko na hindi ko rin naman namamalayan. Diretso kong ininom yung hot chocolate na hindi na ganon kainit at tumayo para ilagay yung pinagkainan ko sa alababo. Nakita kong tumayo na rin ito kaya tinignan ko siya, "I'll just dress up"

"Fine, I'll wait for you outside" sambit nito at umalis na kaya bumalik na rin ako sa kwarto ko para magbihis. Dumiretso ako sa may cabinet upang pumili ng damit na maisusuot at tinignan ko lahat ng damit ko isa-isa. Nang makapili na ako ay inilapag ko 'yon sa may kama at muling tumingin ng sapatos na maisusuot. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga sandals and I prefer shoes than sandals. Mayroon din naman akong sandals pero nag-iisa lang, in case na kailangan lang talagang gamitin. Nang makapili na ako ay inilagay ko 'yon sa lamesa sa tabi ng kama ko para makapagbihis na. Umupo muna ako sa may kama at muling tinignan ang damit na napili ko, natigilan na lang ako ng bigla akong may naalala. 

Hindi ko pa nasabi sa Vipers na bukod sa pinagtaksilan ako nina Blake at Max, pinlano talaga nilang magkagulo ang lahat, para matusukan ako nung injection at higit sa lahat, hindi lang iisang tao ang Venom, kundi grupo sila. Marami silang kumikilos ng patago at injection ang ginagamit upang pumatay. Pero mas lalo ko pang ikinatulala ang nangyari dahil kahit natusukan ako ng injection, buhay pa rin ako at walang nangyaring masama sa akin. Maayos ang pakiramdam ko na nagising sa isang madilim na classroom. How will I explain everything to them?

Lahat naman ng naiinjectionan ay namamatay, pero bakit ako buhay pa? Maniniwala ba sila sa akin? I don't even know kung paano ako napunta sa classroom na 'yon at higit sa lahat, hindi ko nakilala ang taong nakasalo sa akin bago pa man ako bumagsak kaya paano ko siya makakausap kung hindi ko naman ito kilala? Mas mabuti siguro kung hindi ko na lang sabihin...pero natatandaan ko pa ang sinabi ni Blake sa akin, balak ng Venom na ubusin at pabagsakin ang Vipers at pinlano nila ang lahat para magkagulo ang grupo and I am their first target. But I won't let anyone destroy this group, maybe I'll just tell them later sa Rebel's house para lahat sila marinig ang sasabihin ko. To give them a warning. Sasabihin ko ang lahat.

Tuluyan na akong nagbihis at pagkarating namin doon, I'll tell them everything. Ganitong klasing bagay na nga lang ang maitutulong ko sa kanila, kaysa naman sa itago ko pa. Sasabihin ko sa kanila hindi para mag-alala sila sa akin kundi para maging aware sa mga kalaban nila na hindi pa nila kilala. Nang natapos na akong makapag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto at dumiretso sa labas ng Black House. Nakita ko silang dalawa ni Dave at pareho na lang napangiti ng makita nila ako kaya ngumiti ulit ako. Pagkalabas ko sa Black house ay hinawakan niya ang pintuan at isinara ito, "Let's go?" sambit pa nito at hinawakan niya ang kamay ko kaya mas lalo pa akong napangiti kaya tumango na lang ako. 

Naunang naglakad si Dave sa amin at napansin kong pangiti-ngiti din siya kaya nakakapagtaka. Nagda-drugs ba siya para ngumiti ng walang dapat ngitian?

Naglakad na kami papunta sa Rebel's house na medyo malayo. Sadyang napakalaki lang talaga ng campus na 'to kaya hindi ganon kabilis magpalipat-lipat ng pupuntahan. Napansin ko na lang na sa paglalakad namin habang maghawak ang kamay, ay pinagtitinginan kami na parang hindi makapaniwala. Malas na lang nila dahil sa akin siya napunta.

"Pinagtitinginan tayo" bulong ko dito at nakita kong nakatingin siya sa ibang direksyon habang nakangiti, "Hayaan mo sila" sambit nito at napatingin na lang ako sa tinitignan niya habang nakangiti. Nakita ko na lang na nakatingin siya sa mga grupo ng babae na nakatingin din sa kanya, ang iba naman sa mga ito ay masama ang tingin sa akin. Halatang kinikilig sila sa kanya kaya muli ko siyang tinignan at sinamaan ko siya ng tingin, napansin naman niya 'yon kaya napatingin siya sa akin, "Baka gusto mo silang lapitan at samahan, para naman hindi ka mahirapan?" pagtataray ko dito at muli siyang napangiti ng masama, "You're jealous sweetie?" tanong nito na mas lalo ko pang ikinainis, "Don't call me sweetie! At saka bakit naman ako magseselos? Ako nga ang nagsabi na lapitan mo sila para hindi ka mahirapan dba?" pagsusungit ko dito. 

Bigla na lang niyang binitawan ang kamay ko at inakbayan ako kaya napatingin ako sa kanya. Mas lalo pa itong lumapit sa  akin para bumulong, "Well, don't be" nakita ko na lang na napangisi ito ng masama habang nakatingin sa mga babaeng 'yon, "Just by looking at them, alam kong may balak silang gawin sa'yo. So..." tinignan niya ako at seryoso siya. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin kaya mas lalo akong napalapit sa kanya, "Stay close with me, sweetie!" kinindatan ako nito at bumalik doon ang tingin niya. And again, I could see his devil eyes. 

"Just please stop looking at them kung ako naman ang nasa harapan mo dahil baka tanggalin ko ang mga mata nilang nagkakandarapa sa'yo" sambit ko dito in a serious tone. Well, I am the bitch queen of Heaven's Ward High at kaya ko ring gawin 'yon dito. Napatingin na lang siya sa akin at napangiti ng masama, "Looks like nahahawa ka na sa akin sweetie?" masayang tanong nito, "I can always be like you especially kung titingin ka sa iba!" 

"Fine, fine. Stop being jealous sweetie. Remember, nakatingin man ako sa iba pero ang puso ko nakapako lang sa'yo" mas lalo pang lumawak ang ngiti nito habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. Napadaan na lang kami sa direksyon ng mga babaeng tinitignan niya at tinitignan nila ako ng masama kaya tinignan ko sila mula ulo hanggang paa. Mamatay kayo sa inggit! Nang makadaan na kami sa kanila ay nakaakbay pa rin siya sa akin at nawala naman si Dave sa paningin ko kaya siguradong nauna na 'yon sa amin.

Napatingin na lang ako sa kabilang direksyon bago ulit tumingin sa nilalakaran namin habang patuloy pa rin ang iba sa pagtingin sa aming dalawa. Well what can I say kung perfect match kami?

Napatingin muli ako sa direksyon na tinignan ko kanina ng makita ko si Leigh na nagbabasa ng libro habang nakasandal sa pader. Medyo bumagal ang paglalakad ko dahil nakita ko siya at mukhang napansin ni Dean 'yon, "Go" sambit nito kaya napatingin ako sa kanya, "You want to talk to her?" tanong nito kaya tumango ako. Ibinaba niya ang kamay niya na nakaakbay sa akin at muling nagsalita, "I'll wait for you here" saad niya kaya agad ko ng nilapitan si Leigh. 

Hindi niya ako napansin dahil abala pa rin siya sa pagbabasa kaya nagsalita ako, "L-leigh?" napatingin siya sa akin at halatang nabigla siya ng makita niya ako, "Pwede ba tayong magusap?" tanong ko sa kanya.  

Nakatingin lang siya sa akin ng ilang segundo bago nagsalita, "Sure" mahinang sabi nito kaya't mas lalo pa akong lumapit sa kanya at isinara niya ang binabasa niyang libro. Alam kong hindi rin naman siya mapakali dahil sa ginawa ko sa kanya noon. 

"I just want to apologize...I-im sorry dahil sa nagawa ko sa'yo noong isang araw" sambit ko dito at napayuko ako dahil hindi ko magawang tignan siya ng diretso. 

"I understand, ang mahalaga okay ka na ngayon. Actually, gusto rin sana kitang makausap" sambit niya kaya diretso akong napatingin sa kanya, "Bakit?" napansin ko na lang na hindi mapakaling lumapit si Leigh sa akin habang tinitignan niya ang paligid. Mabilis niyang iniabot ang isang sulat sa akin. Patago niyang iniabot 'yon kaya nagtaka ako, "There was a girl who wants me to give you this secretly na walang nakakaalam ni isa sa mga Vipers" saad niya na  mas lalo ko pang ipinagtaka at napansin kong tinitignan niya rin si Dean. 

"S-sinong babae?" tanong ko sa kanya. 

"I-i don't know but to avoid danger, I think it's better kung basahin mo muna ang laman ng sulat at doon mo alamin kung dapat ba o hindi dapat sabihin sa Vipers" dagdag pa nito na hindi pa rin mapakali. 

"S-sige. I'll go now. M-may gagawin pa kasi ako" sambit nito na parang nagmamadali kaya tumango na lang ako at mabilis siyang umalis. Madali kong itinago sa bulsa ko yung sulat na ibinigay niya at nagmadali na rin akong lapitan si Dean na naghihintay.  

"What did she say?" tanong nito ng makalapit na ako sa kanya. 

"Naiintindihan naman daw niya. But I did not expect to do that" malungkot kong sabi at napayuko ako. 

Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay kaya napatingala ako at napatingin sa ka, "Well, what's important is, wala nangyaring masama sa kanya" sambit nito na seryosong nakatingin sa akin.  

"But I would never let myself lose control again. I...killed one of the Phantoms. Marami akong nasaktan noong araw na 'yon, at hindi ko alam kung sino pa sa kanila ang napatay ko" I suddenly feel so guilty habang nag-aalala na nakatingin sa kanya.

"Remember the rule in this school. It's either you will kill or get killed. But even of you kill, pagdating sa ekswelang 'to ang pagpatay ay isang gawain na hindi krimen. You just did that to save yourself. Understand?" tanong nito kaya tumango na lang ako. 

"If you want to talk to your friends just tell me. I'll let you talk to them" sambit nito kaya napangiti na lang ako at ibinaba na niya ang kamay niya. 

"Masyado mo na akong sinasanay na pagbigyan lahat ng gusto ko" saad ko dito.

Inilapit na lang nito ang mukha niya kaya diretso kaming nagkatinginan, "Masanay ka na. Dahil hanggat buhay ako, hindi ako titigil na ibigay at sundin lahat ng gusto mo" 

This time, ako naman ang lumapit sa kanya kaya sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa, "But don't give everything that you have, ikaw lang sapat na" I said in a good tone habang nakangiti. 

Mas lalo pang lumawak ang pagngiti nito  bago nagsalita, "How will I give everything that I have when you are my everything?" pagkasabi niya noon ay mas lalo na lang lumawak ang pagngiti ko, masamang pagngiti. And he's right, unti-unti na akong nahahawa sa kanya. 

Sh*t I can't lose this man for the rest of my life.

Bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at itinuloy na namin ang paglalakad. Ngunit kagaya ng kanina, patuloy pa rin kaming pinagtitinginan ng mga estudyante babae man o lalaki pero buti naman hindi rin nagtagal ay narating namin kaagad ang Rebel's house. Binuksan niya ang pinto kaya napatingin sila sa amin pero bumalik rin sila sa pagtretraining. Nakita ko si Raven at si Nash. Silang dalawa ni Nash ang magkakampi at apat na bagong members naman ang kalaban nila habang yung iba nakaupo sa may pinakasulok at nanonood. Habang hawak niya pa rin ang kamay ko, naglakad kami papalapit sa kanila pero agad rin akong umupo kaya napatingin siya sa akin, "Dito na lang ako" sabi ko sa kanya habang nakatayo siya sa harapan ko, "Are you sure? Wala kang kasama diyan"

"Okay lang. I'll just watch here" sabay ngiti ko dito. Binitawan niya ang kamay ko at seryosong tumingin sa kin, "Fine, if you need something just tell me" saad nito kaya tumango na lang ako at pinuntahan na niya sina Dave na nakaupo sa pinakasulok. 

Pinanood ko sina Raven at Nash na tine-train yung apat na members at dahil sa kakaulit-ulit ng galaw nila, namememorize ko na rin, lalo na't sumabak na rin  naman ako sa training na 'yan noon. Pero ayaw ko kasi talagang lumapit sa kanila dahil sa isang rason kaya dito ako umupo kung saan medyo malayo sa kanila, I need to read the letter. Sinigurado ko munang abala lahat silang nag-uusap at walang makakapansin sa gagawin ko kaya kinuha ko ito at madaling binasa dahil baka makita pa nila ako, 

"Kung hindi dahil sa akin, patay ka na ngayon dahil sa injection na 'yon. At tatanawin mong utang na loob 'yon sa akin. Kung ayaw mong bawiin ko ang buhay mo at ng mga taong mahalaga sa'yo, itikom mo ang bibig mo at wala kang pagsasabihan tungkol sa nangyari, Bliss Syden!"

                                                                                                                                           

             

Kinabahan na lang ako ng mabasa ko 'yon at hindi nag-alinlangan na itago agad ang sulat lalo na't napansin kong papalapit si Dustin sa akin, "May problema ba?" tanong niya sa akin at nakita kong nagtataka siya. 

"Wala naman" maikling sagot ko at pinilit kong ngumiti habang nakatingin sa kanya dahil kung hindi, siguradong mapapansin niya na may problema nga ako. Plano kong sabihin sa kanila ang nangyari sa akin, pero paano ko gagawin 'yon kung may kapalit na buhay nanaman ang mawawala? Ayaw ng taong nagpadala ng sulat sa akin na sabihin ko yung nangyari sa akin. May kinalaman siya kung bakit buhay pa ako at posibleng siya ang nakasalo sa akin noong araw na 'yon.

Ayaw kong magtago, pero mas ayaw kong may mapahamak kung magsasalita ako. Hindi ito ang tamang oras.

"Are you sure?" tanong nito dahil natulala na rin naman ako habang nakatingin sa kanya. 

"Yah. I'm just really thankful na kayo ang naging kaibigan at kasama ko dito" sagot ko sa kanya. Nagsinungaling ako dahil sa sinabi kong walang problema but on the other side tama naman ang sinabi ko that I'm thankful. 

"Vipers will always be here for you" sambit nito kaya tumango at mas lalong napangiti. Ngumiti rin naman siya bago tuluyang naglakad papalabas at sinundan ko lang siya gamit ang mata ko. 

For now, hindi ako magsasalita. But I won't stop finding the one who really gave me this letter. Kailangan kong malaman kung paano ako nakaligtas at kailangan ko rin malaman kung bakit ayaw niyang magsalita ako tungkol sa nangyari. 

To be continued...


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C42
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄