Continuation...
"Hindi ba ang sabi niya babawi siya sa'yo. Then take the opportunity para bumawi siya sa'yo" -D
"H-ha?! Baket? For what?" pagtataka ko. Kinakabahan na talaga ako sa pwedeng mangyari.
"Noong day na nagising ka, kinaya niya ngang magbago eh. Yung sinamahan ka para lang makakain ka, he stabbed one of Clyde's members because they were trying to reach you. Pagkasaksak niya sa kamay ng lalaking 'yon he smiled before he brought you out of the cafeteria. He saved you against Phantoms sinners. After that nakita namin ang matipid niyang ngiti habang nakikita niya ang pagtakbo ng mga Phantom sinners members. Naisip ko lang, you could take that opportunity to lessen his pain and to make him happy once more. Just a simple smile could lessen the pain ng paunti-unti"
Right now, lag yung utak ko sa mga sinasabi ni Dave. Ito ba yung patutunguhan ng usapan kaya sobrang seryoso siya kanina. Kulang nalang magkasagutan at mag-away na kami kanina tapos ngayon naman eto ang pupuntahan ng usapan.
"So what do you want to do?" tanong ko ng may pag-aalinlangan. Parang mali ata na nagtanong ako. If I could just escape from this place, kanina ko pa ginawa.
"I want you to do it pero na sa'yo pa rin naman ang desisyon" -D
HA?! WHY ME?! Ano namang ipapagawa nito sa akin.
"Teka! Bakit ako? Sabihin mo muna kung ano bang dapat gawin. That way, malalaman natin kung kaya bang gawin o hindi" pahayag ko sa kanya.
"Huwag mo siyang paalisin kung gusto ka niyang samahan. Hindi magandang lagi siyang nag-iisa, kapag mag-isa lang si Carson, iyon ang oras na gumagana ang isipan niya kung paano gumanti o kung anuman ang hakbang na gagawin niya para sa mga kalaban niya, kaya dapat may nagdidistract sa kanya para hindi umiral yung katalinuhan niya sa pag-iisip ng mga plano" So kailangan kong i-distract ang lalaking 'yon? How the hell will I do that? Hindi nga ngumingiti eh. But the objective is to make him happy. A very hard task. Tsk!
"Don't let him see Roxanne and Clyde together, magwawala ang utak niya at pwede ka niyang mapatay kahit katabi mo lang siya kaya dapat mabilis ka rin gumalaw" makupad ako. So alam ko na ang ending, mapapatay ako ng devil na 'yon.
Pagkatapos sabihin ni Dave 'yon, tinignan niya si Nash.
At si Nash naman ang nagsalita, "Things na makapagpapasaya sa kanya, favorite place niya ang club, doon mo siya madalas na makitang ngumisi dahil sa lugar na 'yon, doon niya nakakalimutan ang mga sama ng loob at problema niya. Higit sa lahat, si Roxanne ang lubusang nakapagpapasaya sa kanya"
Sandaling tumigil ang mundo ko sa pangalang 'yon, hindi dahil sa kung anong rason. Pero paano ko naman gagawin ang pinapagawa nila kung si Roxanne ang nakapagpapasaya sa kanya. I'm not Roxanne to do that at hindi ako lalapit kay Roxanne para gawin yon. Hell no!
"But, I'm not Roxanne" tipid kong sagot.
"You don't need to be Roxanne. I'm just saying that you should take Roxanne's place"
Sa oras na yon, napatingin ako ng diretso kay Nash dahil na rin sa pagkabigla. Take her place? That's a big NO.
"You should take her place not as Dean's girlfriend or what. I mean be the reason to make him happy, to lessen his pain"
Ang hirap. Mahihirapan ako dito. Let's just assume na I'm just on the way para pasayahin ang lalaking yon for sure bago ko pa man siya napasaya, napatay na niya ako.
"Can you do it?" seryosong tanong ni Dave.
Napatingin ako kay Raven kasi kanina pa siya hindi nagsasalita at sa magandang pagkakataon, tanging ang pagngisi niya lang ang natanggap ko. Kahit kailan talaga, taksil ang lalaking 'to. Imbis na pigilan niya ang mga kaibigan niya dahil sa pinapagawa nila sa akin, wala siyang ginawa at nginisian lang ako. Hmm I hate him!
Okay lang sa kanya na mapahamak ako para lang sa devil na yon? Ganon na rin ba siya ka-loyal sa leader nila? TSK!
"Can I do it?" balik kong tanong sa kanila.
"Kung gusto mo, there are many ways. Pero kung ayaw mo, we won't insist you to do something that you don't want" sambit ni Dustin.
"Is this just the first and last thing na hihilingin niyo sa akin? Kase kung may pangalawang hiling kayo sa akin pwedeng iyon na lang ba?" pagmamakaawa ko.
Ayaw ko pero at the same time okay lang na gawin ko. Dunno what to do. Once I make a promise, I shouldn't go back. Making decision is hard.
"Kung kaya namin, we won't be needing your help. We can do all things na gusto namin except sa bagay na ito, that's why we're asking you for your help"dagdag ni Dave.
"This is dangerous right? Kung gagawin ko ba, kaya ko?" hindi ko alam kung bakit sila yung tinatanong ko sa bagay na'to when I should be asking myself.
The goal is to lessen the pain to avoid more blood. How the hell will I do that?
Siguro oo. Siguro hindi. I'll just the take the opportunity na bumawi siya sa akin, to lessen his pain. To avoid more blood is to lessen the Devil King's pain. To lessen the pain is to make him happy. To lessen the pain is to be with him.
"He's dangerous. But we know that he can't kill you. Trust me Syden. He. Can't. Kill. You. Isa pa, we won't push you in this matter kung alam naming hindi mo kaya. We are the members of the Viper king after all, remember we predict futures"
Kung kaya kong gawin, kahit na nakakatakot siya, I will do it. I must have the guts to do it kahit pa sungitan niya ako. Minsan lang naman humiling ang mga lalaking 'to, hindi ko pa ba pagbibigyan.
Isa pa, kaibigan din naman nila si Carson and just like a friend, gusto nilang tulungan ang kaibigan nila. Gusto nila siyang sumaya at ayaw nilang lumalala pa ang sitwasyon. Sino ba ako para tanggihan ang hiling ng mga taong pinaka-kinakatakutan sa buong campus dba?
Isa lang ang pumasok sa isip ko noon, I will do it for the Black Vipers' devil king, to avoid his wrath, to avoid more blood... knowing that this is some sort of suicide.
To be continued...