Kasalukuyan na kaming andito sa White house ng Royal Family. Napakadaming Bodyguards ang nagkalat, pero mukhang hindi pa talaga sila sapat dahil kinakailangan pa nila ang tulong namin.
Nakalinya lang ang team, labing dalawa kami kasama na si Ate Star at hinihintay na lang namin ang paglabas ni King Mason.
Makalipas ang ilang minuto ay nagpakita na siya sa'min nang nakangiti. "Maligayang pagdating sa aking tahanan, Secret Service Agents," binati niya kami agad. 53 years old na siya, pero hindi mo makikita sa panlabas na anyo ang katandaan. Tumitingkayad pa rin ang kagwapohang taglay ni King Mason.
Sabay kaming lahat na yumuko at binati siya pabalik. "Maraming Salamat, King Mason," sabay rin naming sabi.
"Ikinagagalak ko talaga ang inyong pagdating," saad niya na agad naman naming ikinatuwa. "Nawa'y maprotektahan niyo ang Royal Family at makilala niyo na agad-agad ang tao sa likod ng pagbabantang aming natatanggap," dagdag pa niya.
"Makakaasa ho kayo," sagot ko. Ito ang kauna-unahan kong misyon at wala akong bibiguin, ipinapangako ko 'yan.
Matapos ang ilang diskusyon ay isa-isa ko nang sinabi sa aking team kung sino sa Royal Family ang babantayan nila. Dalawa ang inilagay ko para kay Queen Serra, dalawa para kay Princess Venus, dalawa rin kay Princess Savanna, tatlo para kay Prince Nate dahil siya ang pinakamakulit sa lahat na nangangailangan talaga ng maraming tagabantay, at dalawa para kay Prince Hero, at syempre isa ang Ate ko sa magbabantay sa kaniya. Kaya pala gustong-gusto niyang sumama dahil isa pa lang Prinsipe ang kaniyang Hero.
Nang masigurong maayos na ang lahat ay pormal na kaming ipinakilala ng Hari sa kanila, pero wala si Hero dahil hindi pa siya nakakauwi mula sa kaniyang trabaho.
At ako lang ang magbabantay sa Hari, pero kasama ko naman ang napakarami niyang Bodyguard. Sa totoo lang, kaya ko naman siyang bantayan na ako lang mag-isa.
"Miss Fin De Real," agad akong lumapit sa kaniya nang tawagin niya ako. Oo, iba ang ginagamit kong pangalan at apelyido. To secure my safety, I really need to hide my real identity.
"Ano ho ang aking maipaglilingkod, King Mason?" tanong ko habang nananatiling nakayuko.
"Hindi ba't ikaw ang Head Agent?" tanong niya na agad kong tinanguan. "Gusto kong ikaw ang mag bantay kay Hero. Mas kinakailangan niya ang kagaya mo. Isa siyang sikat na actor sa bansa alam kong kaya mo siyang prortektahan," hindi ko alam kung ano 'yong dapat kong reaksyon. Hindi naman sa ayaw ko siyang bantayan, gusto ko lang talagang sa Hari ang atensyon ko dahil siya ang main target ng mga kriminal.
"Puro Senior Agent po ang inilagay ko kay Prince Hero, King Mason, mapagkakatiwalaan po sila. Wala po kayong dapat ipag-aalala," saad ko. Sana naman pumayag na!
"Pero, gusto kong ikaw ang magbantay sa kaniya, Miss Fin. Utos iyan ng hari kaya kinakailangan mong sundin," kung alam ko lang na mapilit pala 'to 'di na lang ako pumayag siya misyon na 'to. Tsk! Pero, hindi ko maaaring biguin ang Mama, kailangan ko 'tong harapin.
Tumango ako. Using the secret service earpiece ay nakausap ko ang Ate. "Magpapalit tayo ng pwesto," sabi ko. Idiniin ko ang pagkakahawak sa'king tenga dahil wala akong narinig na sagot o sadyang natahimik siya dahil sa narinig. Tsk.
"B-Bakit?" usal niya makalipas ang ilang segundong pananahimik. "It's settled, right? Ako ang magbabantay kay Prince Hero," alam kong gustong-gusto niya ang posisyon niya ngayon, pero anong magagawa ko, eh utos 'to ng Hari.
"It's King Mason's order, Ate, we need to follow it," sagot ko at narinig ko naman siyang napabuntong-hininga.
"Alright. May choice pa ba 'ko?" rinig na rinig ko talaga ang lungkot sa boses niya. Tsk, sorry, Ate Star.
Muli kong nilingon ang Hari na kasalukuyang nakaupo sa upuan niyang gawa sa salamin. "Parating na ho ang mga Senior Agents na papalit sa'kin," sabi ko.
Bahagya siyang tumango habang nakangiti. "Nakarating na ang aking anak, maaari mo na siyang puntahan, Miss Fin. Maraming salamat," aniya.
"Walang anuman po," sagot ko. Sinamahan na rin ako ng isang katulong nila papunta sa kwarto ni Prince Hero. Habang papunta ako ro'n ay nararamdaman ko nang hindi ko magugustuhan ang mga mangyayari. Hindi ko kasi gusto ang ugali niyang masyadong hambog. Hindi ko pa man siya nakikita nang personal at kilala nang lubusan, pero base sa mga interviews niya sa telebisyon, hindi talaga maganda ang ugali niya, puro pakitang tao lamang.
"Ito na ho 'yong kwarto niya," sabi ng katulong. Nagpasalamat na ako sa kaniya saka ako pumasok. Grabe ang laki ng kwarto niya, mukhang kasya rito ang dalawampu ka tao. Ang laki rin ng kama niya. Ang gara ng kagamitan. Sabagay isa siyang Prinsipe hindi na dapat ako nagtataka pa.
"Who are you?" muntik na akong mapatalon nang may nagsalita sa likuran ko. Nilingon ko siya at nakatapis lang siya ng tuwalya. Nagtaka naman siya ng wala akong reaksyon nang makita siyang tuwalya lang ang suot. Tss, kinakailangan ko bang magulat? Eh, sa tuwing nasa bar ako halos lahat ng lalaki nakahubad na.
"Fin De Real," sagot ko at tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Why are you here in my room?" muling tanong niya. Ito talaga 'yong pinaka-ayaw ko sa lahat ang tanong nang tanong.
"Dahil kinakailangan," walang kagana-gana kong sagot. Napatitig siya sa'kin kaya nakataas ang kilay ko nang tiningnan ko siya pabalik. Ngayon na natingnan ko na ang buo niyang mukha masasabi ko talagang mas may itsura siya sa personal kaysa sa telebisyon. Ang ganda ng natural niyang kulot na buhok, pormado 'yong kilay niya, mahahaba ang kaniyang pilikmata, almond shape 'yong mga mata niya at kulay berde ang kulay nito kagaya ng kaniyang ama, matangos ang ilong, and he has this beautiful sharp lips. He has a more manly face at talagang pormado 'yong jawline niya. Alagang-alaga 'yong itsura! Matangkad din siya. Hanggang sa may balikat niya lang ako, palagay ko'y 6 footer siya.
Nagtaka ako nang bahagya siyang lumayo. "Magnanakaw ka ba?" muli na naman niyang tanong.
"Kapag hindi ka tumigil kakatanong nanakawin ko 'yang dila mo," pagbabanta ko. Gulat na gulat naman siya. Kapag talaga hindi siya titigil ay tototohanin ko na. Nang hindi na siya gumalaw ay iniwan ko na siya't nagpunta sa balkonahe. Kanina ko pa kasi napapansin na may mga taong nakatingin sa'min.
Agad akong napayuko nang lumapit sa'kin si Prince Hero at may kung anong bitbit na muntik niya nang maisaksak sa'kin. Mali siya ng kinalaban dahil lahat napapansin ko. Tss.
Nang nilingon ko siya ay may hawak nga siyang kutsilyo. Muli niya sana itong isasaksak sa'kin, pero sinalo ko 'yon agad. Mariin ko siyang tinitigan habang unti-unti nang tumutulo ang dugo sa kamay ko.
"YUKO!" sigaw ko at isang bala ang kumawala mula sa kung saan. Kung hindi niya ako sinunod malamang na head-shot na siya. Inagaw ko 'yong kutsilyo at agad itong itinapon na animo'y naglalaro lang ako ng archery. Narinig kong may bumagsak sa 'di kalayuan. Hindi ko alam kung saan ko siya natamaan ang importante ay natamaan ko siya. Hinugot ko rin ang dala kong baril at agad na pinaulanan ng bala ang isa pang taong nakasabit sa may puno. Ilang segundo lang din ay narinig ko na ang pagbagsak niya.
"Team, hanapin ang dalawang 'yon," sabi ko habang hawak-hawak ang aking tenga.
"Copy, Miss Flame," sagot nila at narinig ko na silang nagtakbuhan.
Nilingon kong muli si Prince Hero na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Napatingin siya sa kamay kong dumudugo. "Huwag na huwag mo nang gagawin 'yon. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag nasugatan mo ko ulit," sabi ko sa kaniya saka ko siya iniwan ro'n nang masiguradong wala nang taong nagmamasid sa'min.
— 新章節待更 — 寫檢討