下載應用程式
100% White rose / Chapter 1: The Prank
White rose White rose original

White rose

作者: bubbly1222

© WebNovel

章節 1: The Prank

Sa isang iglap ay napuno agad ng mga estudyante ang kanina lang ay tahimik na cafeteria. Nagkanya kanya agad ng pwesto ang mga ito. Gaya ng karaniwang senaryo tuwing breaktime, nagsama sama nanaman ang mga magkaka tropa.

Pagpasok palang ay unang mapapansin sa gitna ng cafeteria ang grupo ng mga pinaka kilalang estudyante sa buong campus. Occupied nila ang apat na magkakaharap na table for 8.

Head-turner ang mga kabataang ito. Bukod kasi sa nagsama sama ang mga pinaka maganda, pinaka gwapo, at pinaka mayaman, napaka ingay pa ng mga ito sa tuwing magkikita sila.

Sila ang mga tinatawag na Untouchables. The coolest 11th and 12th graders. Ang pinagsamang grupo ng mga kinaiingitang It-girl Cheerleaders, kinahuhumalingang Hearthrob Varsity Players, at mga Teachers pet na A-list Student Council Officers.

Walang sinuman ang naglalakas loob na lumapit sa kanila. Wala rin naman kasing ibang nakikita ang grupo na ito kundi ang kanilang mga sarili.

In short, deadma sila sa iba. Lalo sa mga itinuturing na pinakamababang uri ng nilalang sa buong campus ng International School of Manila. Ang mga binansagang Neirdos o pinagsamang salita na nerd at weirdos.

Sila ang grupo ng mga matatalinong introverts at geeks na para sa mga Untouchables ay baduy at jologs at laging nahuhuli when it comes to fashion trends at mga viral challenges. Basta anything na "in", out ang mga ito.

Bukod dito, according to the Untouchables, mga Neirdos din daw yung mga estudyante na walang ibang ginawa kundi sumali ng mga boring na spelling bees, math contest at science fairs. Mas bet nilang mabulok sa bahay at magbasa ng libro o maglaro ng sudoku imbes na lumabas, sumali sa mga common senior high school societal events o mag crash ng mga house parties.

Sa grupong ito kabilang si Marydale o mas kilala ng mga malapit sa kanya bilang Maymay. Isang literal na simpleng dalaga. Dalawa lang naman kasi ang laging ayos ng mahabang buhok nya. Tirintas o kaya naman ay pusod. Kasing kapal ng pwet ng baso ang salamin nya sa mata. Up and down ang kanyang kulay pink na braces sa ngipin. Madalas syang naka suot ng cardigan sa ibabaw ng bulaklakin na bestida. Trip nya na laging matching ang kulay ng suot nyang cardigan at doll shoes. Bagay na madalas pinagtatawanan sa kanya ng grupo ni Kara.

Si Kara naman ang Team Captain ng ISM Elites. Ang mga fashionista at life of the party cheerleaders. Si Kara ang so far, pinaka sikat sa lahat ng mga naging Captain ng cheerleading squad. Hindi lang dahil sa angkin nyang ganda at husay sa pag landing sa tuwing hinahagis sya sa ere kundi dahil galing sya sa maimpluwensya at mayamang pamilya.

Si Kara ang epitome ng dreamgirl ng lahat ng mga kalalakihan sa buong campus. Halos every month sya kung magpalit ng boy toy. Lahat na ata ng mga sikat na Varsity Players at A List Students ay nanligaw sa kanya. Talaga nga namang walang nakakaligtas sa mapang akit nyang ganda. At mukhang mapapabilang duon ang pinakabagong nadagdag sa basketball team na pinamumunuan ni Denver.

Si Edward John Barber.

Ang napaka gwapong, real life prince charming, half-Filipino half-British exchange student na galing pang Germany. Sya ang newest addition sa roster ng magagaling at talented varsity players ng school.

Maugong ang usap usapan ngayon sa buong campus na si Edward ang latest trophy ni Kara. Ito ay mula nang hingiin ni Edward ang cellphone number ni Kara right in the middle of the school cafeteria... 4 days ago.

Pero... may something sa pangyayaring yun na hindi alam ng lahat.

At kasama na doon ang bagong salta na si Edward.

***

"Oh my God Kara. For real?" gulat at di makapaniwalang tanong ni Hershey sa kaibigan habang naglalakad sila papalapit sa table ng mga cheerleaders.

Isang malaking ngiti ang isinagot ni Kara sa kanya. Taas noo ito habang patingin tingin sa paligid.

Apat na araw na syang talk of the town dahil sa nangyari dito mismo sa pinaka gitna ng cafeteria. Enjoy na enjoy ni Kara ang atensyon na kasalukuyan nyang nakukuha.

Aware sya na maraming girls ang naiinggit nanaman sa kanya. And shes loving every bit of it.

"Girl, are you freaking serious? Why did you do that?" tanong uli ni Hershey.

"Come on Hersh, we're just having fun! Parang hindi mo kami kilala ni Denver. Dont worry, sasabihin din namin kay Edward ang totoo tomorrow night, sa party" natatawang sagot ni Kara.

Nanlaki naman ang mga mata ni Hershey sa narinig na sagot ng kaibigan.

"Oh my god, bukas pa? One more day pa bago nyo sabihin??! Grabe nyo naman syang pagtripan. He could be texting that number by now" sagot nya.

"I dont think so. Wala pa namang any violent reaction from him, diba? So hes probably taking his time. Kita mo naman ni hindi sya gaano makalapit pa sa akin. Im guessing hes a little shy pa. And I find that so cute" sagot ni Kara.

"You like him, dont you?" tanong ni Hershey sa kanya.

"Hahahaha! Of course! Who wouldnt? Hes the most sought after newest Basketball Court Hearthrob ng school. I do like him. A lllooottt... actually. Kaya ikaw, Im warning you, back off, okay? Edward is mine" natatawang sagot ni Kara sa hindi makapaniwalang kaibigan. Literal na napanganga ito sa nalaman.

"Okay fine, Ill admit. Even if Im aware that he was only asked to do it, I still got so kilig when Edward asked for my number that day" sagot ni Kara.

"Yun naman pala eh. Binigay mo nalang sana ang totoong number mo. First day palang ni Mr. Cutie nung araw na yun, napagkaisahan nyo na agad" sabat agad ni Hershey sa kaibigan.

"Ibibigay ko naman talaga. You know Denver, hindi nya palalampasin na pagtripan ang mga bago sa grupo. And besides, like I said, were just having fun. Aminin mo girl, this is going to be so hilarious. Imagine Edward's face kapag nalaman nya kung kaninong number ang binigay ko. Hahahaha!" natatawang sagot ni Kara.

"Kaninong number nga ba ang binigay mo?" curious na tanong ni Hershey sa kanya.

Bago pa makasagot si Kara ay namataan nito sa di kalayuan ang isang familiar face na madalas gawing laughing stock ng group nila dahil sa plain na itsura nito at conservative na pananamit.

"Hers" natatawang sagot ni Kara sabay turo dito.

Sinundan naman ni Hershey ng tingin ang inginuso ng kaibigan. Lalong nanlaki ang kanyang mga mata.

"What the F... Oh my gooood, seryoso???!" tanong nya sabay baling uli ng tingin kay Kara.

Natatawang tumango ito sa kanya. "How did you get her number?" tanong ni Hershey.

"From Chantel. She was once her group mate in Science. Binigay nya sa akin baka daw I can make good use of it sa mga pranks namin ni Denver" sagot ni Kara.

Napailing nalang si Hershey sa nalaman.

"Relax. Everybody had their own embarassing moments when they joined our group. Even you and I. Theres no exception. You know very well thats how it goes, diba? Thats how we welcome new members in the most epic way" natatawang paliwanag ni Kara sa kaibigan.

Muling napa iling si Hershey. Hindi kasi sya makapaniwala sa initiation na napili ni Denver at Kara sa bagong salta na si Edward.

Edward was challenged by Denver and the rest of the varsity players to ask for Kara's number and score a date with her at the school's Acquaintance Party happening tomorrow night.

Pero ang siste, ibang number pala ang ibinigay ni Kara sa kanya.

***

"Eeiiiii!!"

"OMG, here they come!"

Samut saring pigil na tilian ang maririnig sa paligid. Magkakasunod ba naman kasing pumasok sa pintuan ng school cafeteria ang katatapos lang mag practice na sampung pawis na pawis na mala boyband na grupo ng mga nagtatangkarang kalalakihan.

Like usual, panalo nanaman ang entrance ng mga ito. Lahat ay napapatingin sa kanila. Lalo na sa tisoy na lalaki na laging pinakahuling pumapasok.

Si Edward.

Naka suot sya ng plain white TShirt at kulay pulang basketball shorts. Basa ng pawis ang kanyang buhok. Namumula ang kanyang magkabilang pisngi at juskolord... mamula mula din ang kanyang mga labi.

Halos mahulog sa sahig ang panga ng mga babaeng nadaraanan nya. Nakasunod lang ang mga ito ng tingin sa kanya habang papalapit sya sa table ng mga Varsity Players na katabi ng mga Cheerleaders.

Habang naglalakad si Edward sa likuran ng mga teammates nya ay patingin tingin ito sa paligid. Halos mamatay sa kilig at sumama na sa liwanag ang sino mang mahagip ng kanyang nakakatunaw na tingin.

For the past four days simula ng dumating sya sa school na ito ay laging ganun.

At gaya ng mga nagdaang araw na yun, muli ay nakasalubungan ni Edward ng tingin ang babaeng laging nag iisang nakapwesto sa sulok, sa pinaka dulo ng kaliwang side ng cafeteria, napapagitnaan ng C.R at ng tatlong magkakatabing stainless steel trash bins, malapit sa table ng mga kapwa nito tinaguriang Neirdos.

Si Maymay.

Pero, gaya din ng mga nagdaang araw, sa tuwing magsasalubong ang mga mata nila, ang dalaga ang laging nauunang umiwas ng tingin na para bang wala itong paki alam kung sino sya.

***

"Oh my god, ayan na sya. Juskooo ang gwapo talaga nyaaaa girrlll" narinig ni Maymay na bulungan ng mga babae na dumaan sa table na inuupuan nya.

Mula sa pagkakayuko dahil sa binabasang libro, nag angat ng mukha si Maymay at sinundan ng tingin kung saan nakatitig ang mga babaeng ito.

Agad natunton ng mga mata nya ang kapapasok lang na bagong salta na si Edward. Sinundan nya ito ng tingin habang naglalakad papalapit sa table ng mga ka grupo nya.

Patingin tingin ang binata sa kanyang paligid. Hanggang sa napatingin na ito sa gawi ni Maymay at nagsalubong ang kanilang mga mata.

Hindi ito first time. Apat na araw nang ganito. Pero, everytime na magtatagpo ang mata ng dalawa, agad ibinabaling ni Maymay ang kanyang tingin sa iba.

Gaya ngayon, ibinalik agad ni Maymay ang kanyang mga mata sa librong kanina nya pa binabasa.

Ayaw nya kasing isipin ni Edward na pare pareho lang ng reaction ang lahat ng mga babae sa tuwing makikita sya. Gusto ni Maymay ipakita na meron ding nag iisang iisnab o mang dedeadma sa kanya kahit anong gwapo at charming nya. At ang girl na yun ay walang iba kundi sya, si Marydale Entrata!

Kaya lang...

Kahit kasi ganun ang peg na gusto sanang ipakita ng dalaga, laging may makulit na kumukontra sa kanya when it comes to Edward.

Gaya ngayon.

"Uyyyy... dumating na si crush" biglang may bumulong na isang babae kay Maymay out of nowhere.

Pero kahit hindi nya ito lingunin, alam na nya agad kung sino ito. Hindi naman kasi mahirap mahulaan dahil tatlo lang ang kaibigan nya sa school at isa na doon si Tricia. Ang pinaka makulit sa tatlo at laging nang aasar sa kanya ng bongga.

Hindi pinansin ni Maymay ang bulong na iyon ng kaibigan. Itinuloy nya ang pagbabasa na parang wala syang narinig.

Pero hindi ito umubra sa kaibigan nyang consistent talaga sa kakulitan. Kahit dinedma na nya ito, muling lumapit si Tricia sa tenga ng nanahimik na si Maymay.

"Sabi na darating sya eh. Na-late lang ng konti. Palalagpasin ba naman nya ang breaktime? Ito lang ang oras ng pagkikita nyo" tukso nito.

This time ay nilingon na ni Maymay ang kaibigan.

"Tigilan mo nga ako. Ni hindi nya nga alam ang pangalan ko" sagot nya.

Hindi sumagot si Tricia pero ang facial expression nito ay nanunukso pa rin.

"Bakit ba nandito ka? May klase ka diba? Magka-cutting ka nanaman no? Isusumbong kita kay Tita" banta ni Maymay sabay irap. Pagkatapos nun ay muli nanaman nitong ibinalik ang atensyon sa kanyang binabasa.

"Ito naman, di mabiro. Pinapangiti lang kita. Dumaan lang ako para i-check kung nandito ka nanaman. At hindi nga ako nagkamali. Naku May, huwag ka na mag-deny. Four days straight ka na nandito. Obvious na talaga. Di mo nga maubos ubos yang kinakain mo kakatunganga sa pinto. If I know, kunwari ka lang nagbabasa" sagot ni Tricia sa kanya.

"Excuse me, nagbabasa po ako" sagot ni Maymay.

"Excuse me din po, kitang kita kaya ng dalawang mata ko. Pinagmamasdan kita kanina pa. Kulang nalang tumayo ka sa entrance at mag ala security guard. Antay na antay mo sya eh" pambabara ni Tricia sa kaibigan.

"Hindi kaya" sabat agad ni Maymay.

"Oo kaya. Hoy Marydale, ako pa ba? Halos tumulo na nga ang laway mo habang nakatulala sa kanya. Ako ang tigilan mo. Wala kang malilihim sakin. Pati amoy ng utot mo kabisado ko na" nang iinis na sagot ni Tricia.

Nakakunot ang dalawang kilay ni Maymay nang muli syang lumingon sa gawi ng makulit na kaibigan.

"Ako nanaman ang nakita mo" inis na sagot nya sabay irap uli dito.

Hindi sinasadyang napatingin nanaman sya sa gawi ng grupo ng mga bagong dating na Varsity Players. Mabilis na nahanap ng mga mata nya si Edward na nuoy nakaupo na at kausap ang ilan sa kanyang mga team mates.

Muling umiwas ng tingin si Maymay at agad nanamang ibinaling ang kanyang mga mata sa librong hawak nya.

"Eh kasi ho ilang years na tayong magkasama, di ka naman tumatambay dito sa cafeteria. Sa library ang lungga mo. Hanggang sa may tisoy na exchange student na dumating four days ago. Diba nga muntik ka pa madapa kakatakbo para lang sundan sya. Dont deny, nakita kita. Tapos mula nun, halos lagyan mo na ng pangalan mo tong pwesto na to tuwing breaktime para lang makita sya. Take note ha, ikaw lang ang pumupwesto dito. Pati mga Neirdos hindi umuupo dito. Paano ba naman left side mo CR tapos right side basurahan. Ikaw lang talaga nandito. Anong peg mo, for the love?" litanya ni Tricia sa kaibigan.

Tumingin uli si Maymay sa kanya.

"Tumigil ka nga jan. Baka may makarinig sayo. Pwede ba, pumasok ka nalang. Araw araw mo nalang ako inaasar tungkol sa lalaking yan. Sinabi ko naman sayo, kahit maglupasay ako sa harapan nya, hindi pa rin ako mapapansin nyan. Kaya pwede ba, itigil mo na yang ilusyon mo. Umalis ka na kasi baka ma-late ka na sa next class mo" sagot ni Maymay kay Tricia at pagkatapos ay ibinaling nito uli ang mga mata sa librong hawak nya.

Muling nagsalita si Tricia pero hindi na ito inintindi pa ng dalaga. Dahil naubusan na sya ng isasagot sa mapilit na kaibigan, nagfocus nalang sya sa librong nasa harapan nya, pilit nyang binabalewala ang pagdaldal ni Tricia.

But the truth is...

Hindi talaga sya nagbabasa.

Yes, you read it right... props nya lang yung book.

Sa loob loob ni Maymay habang nakatitig sa libro, tama ang kanyang kabigan. Maging sya ay hindi nakaiwas humanga sa gwapong bagong salta.

Pero hindi inaamin ni Maymay sa kaibigan ang totoo. Na gaya ng iba pang mga kababaihan sa buong campus, na love at first sight din sya ng bongga kay Edward. First time kasi ito nangyari sa dalaga. Dati ay wala syang interes sa mga sikat at gwapong varsity players. O kahit sino pang pagkaguluhan sa buong campus. Kahit celebrity pa yan, deadma lang sa kanya.

Inimpose na kasi ni Maymay sa sarili nya na ang mga gaya nila ay never mapapansin ang isang katulad nya. Ni tumingin kasi sa gawi nya ay hindi pa nangyari. Pakiramdam ni Maymay ay para syang hangin na hindi nakikita ng mga ito.

Hanggang sa isang araw. Isang hindi inaasahang pangyayari ang nagbago ng pananaw nyang yun. Pero hindi nya pa ito nashe-share sa mga kaibigan nya lalo na kay Tricia kasi alam nya na pang aasar at panunukso nanaman ang matatanggap nya mula sa kanila.

Kaya hanggat kaya nyang mag deny, magdedeny sya.

"Lakas talaga magpabebe at magpa cute ng Kara na to kay Prince Charming mo. May klase din yan diba? Talagang dumaan pa dito" bulong uli ni Tricia sa kaibigan.

Nadestruct nanaman si Maymay. Agad itong nag angat ng tingin. Saktong nahagip agad ng mga mata nya ang senaryong tinutukoy ni Tricia.

This time ay nakaupo na si Kara sa table ng mga Varsity Players. Sya lang ang babaeng nandun. Kunwari ay nakikipag chikahan ito kila Denver pero halata namang panay ang sulyap nito kay Edward na nuoy abala pa rin sa kausap nyang team mate.

Maya maya ay nagpaalam na si Kara. Mayroong kumalabit kay Edward. Nang lingunin nito si Kara ay muling napuno ng malakas na hiyawan mula sa table nila ang buong cafeteria.

Iiwas nanaman sana ng tingin si Maymay pero natigilan sya ng mahagip ng mga mata nya ang isang bagay na hawak ni Edward sa kanyang kanang kamay.

Ang cellphone nito.

Hanggang sa mawala ang kanchawan sa gawi nila Edward ay nanatiling nakatitig si Maymay sa bagay na hawak ng binata.

Sumingit nanaman si Tricia.

"Di mo nga crush, no? Halos tunawin mo na sa kakatig mo. Inoorasyunan mo ba para lingunin ka nya?" naputol tuloy ang pagkatulala ni Maymay dahil nanaman sa pabulong na tukso ng kaibigan.

Nakasimangot na sya nang lingunin ito.

"Ewan ko sayo. Umalis ka na kaya baka mahuli ka pa sa next class mo" inis na sagot ni Maymay at pagkatapos nun ay muli nyang ibinaling ang mga mata sa librong nasa harapan nya.

Hindi na ata talaga nya maikakaila sa kaibigan ang lihim na paghanga nya sa lalaking apat na araw na nyang pinagchachagaang tanawin sa malayo.

Pero kahit obvious na kay Tricia, desidido pa rin si Maymay na huwag umamin. Ayaw nya kasing mapahiya.

Nag cross my heart & hope to die kasi sya dito na hinding hindi sya tutulad sa mga schoolmate nila na umaasang mapapansin at magugustuhan ng mga Untouchables.

"Ang pikon naman nito. Red flag ka ba ngayon?" patuloy na pang aasar ni Tricia.

"Hinde! Ewan ko sayo. Late ka na o!" inis na sagot ni Maymay sabay turo sa wrist watch na suot nya.

"Oo na" matipid na sagot ni Tricia. Less than 8 minutes na lang kasi bago mag start ang susunod nyang klase.

"Sige na nga, alis na ko. Goodluck sa binabasa mo. Ang ingay ingay dito pero dito mo pa rin talaga napili magbasa. Nakakafocus ka pa ba o front mo lang yan kasi sa iba ka naman talaga naka focus" bulong uli ni Tricia sabay tayo.

Muling napatingin si Maymay sa kaibigan pero bago pa sya makasagot ay naglakad na agad ito papalayo. Kumindat nalang si Tricia sa kanya habang naka smile at naka finger heart sign.

Wala nang ibang nagawa si Maymay kundi ang umiling habang nakatingin sa papalayong kaibigan.

After nun ay ibinaling na uli ni Maymay ang kanyang mga mata sa librong ang totoo, gaya ng kanchaw ni Tricia, ay kunwari nya lang talaga binabasa.

Totoong front nya lang ito. Kunwari ay isinasabay nya sa pagkain.

Ilang minuto pa ng pagpepretend ni Maymay ang lumipas. Makailang beses napapatingin ang dalaga sa kanyang relo na para bang may hinihintay.

Hanggang sa...

Bzzzzt! Bzzzt! Bzzzzt!

Nag vibrate ang naka silent mode na cellphone nya na nasa ilalim ng librong kanina nya pa kunwaring binabasa.

At muli... gaya ng nagdaang apat na araw... pasimple nyang chineck ang kanyang phone na sinadya nya talagang takpan ng librong hawak nya.

--Hi, Good morning!

Palihim na napangiti ang dalaga sa message na bumungad sa kanya. Sandali syang napatitig dito at pagkatapos, mula sa pagkakayuko, pasimpleng inangat ni Maymay ang kanyang mukha at sumulyap ng palihim sa taong nag send ng text message na yun.

Si Edward.

Natanaw nya na nakayuko ito at abala sa cellphone na hawak nya nang lapitan ng isa sa kanyang mga team mates para ayain na umorder na ng pagkain.

Sumenyas lang si Edward sa kasama na susunod na sya pero ang mga mata nito ay nakapako pa rin sa cellphone na parang may hinihintay.

Mula sa pagkakatitig kay Edward ay iginala ni Maymay ang kanyang paningin. Mayroong mga babaeng nakatitig pa rin at nagnanakaw din ng tingin sa gwapong binata.

Muling ibinalik ng dalaga ang mga mata sa gawi ni Edward.

Sa loob loob ni Maymay, sinong mag aakala na ang tinetext ng lalaking ito... ay sya.

***


Load failed, please RETRY

新章節待更 寫檢討

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C1
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄