下載應用程式
11.11% Looking Over You (Tagalog) / Chapter 2: CHAPTER 2: Help

章節 2: CHAPTER 2: Help

MAAGANG nagising si Ehna para mag handa.Ngayong umaga kasi siya aalis para magbaka sakali na makahanap ng trabaho sa bayan, Buo na ang loob niya na tutulong siya para makaahon sa pagkakautang ang kaniyang Inay.

"Ate, ba't naka bihis ka? saan ka pupunta?" tanong ng kaniyang bunsong kapatid na si Lindsey pitong taong gulang.

Yumuko siya dito para maharap niya ito ng maayos "Sa bayan lang pupunta si Ate, maghahanap ako ng trabaho don" nakangiti niyang sambit sa kapatid,

Bigla namang nagliwanag ang mukha nito ng sabihin niya ang bayan "Wow, talaga Ate! Pasalubungan mo ako ng laruan ah" nakingiting sabi sa kanya ng kapatid niya, bigla siyang naka ramdam ng lungkot, dati rati kasi ay sa Kanilang Itay nito sinasabi ang mga ito,Tuwing pupunta ang kanilang Itay sa bayan ay walang palya nitong pinapasalubungan ang kanilang bunso.

"Oo, papasalubungan kita ng laruan Lindsey" nakangiti niyang sabi dito.Tumango naman ito at saka lumabas na ng bahay nila para maglaro sa harapan. Ang totoo niyan ay wala talaga siyang madadalang pasalubong sa kapatid dahil sapat lang ang ipon niyang pera para sa pamasahe sa bayan, Hindi na siya nanghingi pa ng pera sa kanyang Inay dahil ayaw niyang magpabigat pa dito.

Alas sais palang ng umaga ngunit umalis na ang kaniyang Inay para magsaka, Kaya naman siya na ang naghanda ng almusalan ng kaniyang mga kapatid. Ang lola Remedios niya naman ay nasa karapit bahay lang dahil kailangan pa nitong alagaan ang kanyang Lolo Alfonso na nakaratay na lamang sa kama kaya minsan lang ito makadalaw sa kanila.

Noong matapos niyang ipagluto ang mga kapatid niya ay kinuha na niya ang kaniyang shoulder bag na regalo pa sa kaniya ng kanilang Itay noong Ika labing walong taong kaarawan niya. Naalala niya ilang araw lang pagkatapos ng kaarawan niya ay nangyari ang aksidente na ikinamatay ng kaniyang Itay tatlong taon na ang nakakalipas, Ngayon ay mag bebente uno na siya sa Mayo.

"Mag iingat ka sa bayan Ate" napahinto siya ng makita ang kaniyang pangalawang Kapatid na si Luis, gising na pala ito mag lalabing lima na ito sa isang buwan.

"Oo naman, mag iingat din kayo dito habang wala pa ako o kaya si Inay, bantayan mo si Lindsey" bilin ko sa kaniya, tanging tango lang ang itinugon nito sa kaniya.

HINDI iniinda ni Ehna ang katirikan ng araw at patuloy pa din ang kaniyang pag hahanap ng tabaho, Kaninang umaga pa siya dito sa bayan nguit hanggang ngayon ay hindi pa din siya nakakahanap ng magandang papasukan at sapat na sahod.

"Hindi ka pwede dito iha, full timer ang kailangan dito" sambit ng Manang na pinagtanungan niya, papasok sana siya sa munting karinderya nito ngunit hindi naman pala pwede dahil magpapatuloy pa siya ng pag aaral.

"Ganoon po ba? Sige po mauna na po ako Salamat" sabi niya at saka umalis na.

Sa paglakad lakad niya ay parang may naramdaman niyang may sumusunod sa kaniya, kaya naman biglang binalot ng takot ang puso niya sa kaba, iniisip niya na baka holdaper ang sumusunod sa kaniya, Diyos ko po, tanging pamasahe lang ang pera ko dito .

Sa gulat niya ay bigla siya nitong hinila "Whaa! Tulong tulungan ninyo ako!" sigaw niya

"Miss, tumahimik ka! Gusto mo ba ng trabaho?" tanong sa kaniya ng Lalaking may bigote sa mukha sa suri niya ay hindi ito katiwa tiwala.

"O—Opo, naghahanap po ako ng trabaho" Aniya dito bigla naman itong ngumisi na kinatatayo ng balahibo niya.

"Kung ganon ay sumama ka sakin gagawin kitang bayarang babae, mukhang kikita ako sa ganda mong iyan" ngisi nito habang hinihila siya paalis.

Lakas loob naman siyang nagpumiglas at sumigaw ng tulong "Tulong! Pakiusap tulungan ninyo ako" sigaw niya.

"Ang akala mo ba ay may makakarinig sayo dito hahaha!" tawa ng lalaki.

"Kuya, parang awa ninyo na, marangal na trabaho ang kailangan ko, pakawalan ninyo na ako" pilit siyang nagpumiglas sa pagkakahawak nito.

Ilang sigundo pa ay naka isip siya ng paraan upang makatakas. Malakas niyang sinipa ang lalaki sa maselang bahagi nito at saka nagmadaling tumakbo palayo.

"Arayyyy! Arg! Humanda ka saking Babae ka pag naabutan kita!" sigaw ng lalaki kaya mas binilisan niya ang pag takbo.

Ngunit sa pagmamadali ay hindi niya napansin ang paparating na kotse kaya naman huli na at nabanga na siya nito.

Gustuhin niya man na bumangon ngunit hindi niya magawa, malakas ang pagkakabanga sa kaniya ng kotse kaya nawalan siya ng lakas. Maging ang kaniyang paningin din ay nanglabo na pero rinig niya ang hiyawan at bulong bulongan ng mga taong nakasaksi. Diyos ko, tulungan ninyo ako. Dasal niya sa kaniyang isip.

"Miss? Are you ok? Hey? Can you hear me?"

Rinig niyang sabi ng lalaki ngunit masiyadong malabo ang mata niya upang makita ang mukha nito.

"T—Tulungan—niyo, ako—" halos bulong niyang sabi sa lalaki, hindi niya alam kung narinig ba siya nito dahil sa ingay na nakapalibot dito.

Hindi na niya kaya pa ang sakit ng katawan at gutom na nararamdaman niya kaya hinayaan niya nalang na unti unting pagtiklop ng kaniyang mga mata at tuluyan ng mawalan ng malay.

"Hey? Miss?"

----------------


創作者的想法
iamjewelrie iamjewelrie

Sino kaya yung lalaki? Guess who? Tutulungan niya kaya si Ehna?

Let's find out!

Stay tuned

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C2
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄