下載應用程式
21.42% Dark Poems / Chapter 6: Sangkatauhan

章節 6: Sangkatauhan

Ako'y naglalakad sa dilim ng kinabukasan,

Ako'y minsa'y nangarap ng masaganang bayan,

Ano na nga ba ang dapat kong gawin,

Magpapasailalim pa rin ba sa dilim?

Bakit sinadyang ginawa ito?

Bakit niyo ginawa ito?

Bakit ang talino'y napunta sa mga kamay?

Mga kamay ng mapanghusgang sangkatauhan.

Sangkatauhan, kayo'y aking nilalabanan,

Ayokong mapasailalim sa inyong mapaglarong kaisipan,

Sangkatauhan, bakit kayo nagkaganyan?

Iyan ba dapat ang tamang tatahaking daan?

Sangkatauhan, magtulungan at wag maglaglagan,

Sangkatauhan, magkaisa't wag magsiraan,

Sangkatauhan, minahal kita pero hindi na ngayon,

Sangkatauhan, mas gusto ko pa ang nagdaang kahapon.

Ako'y nananalanging ibalik ang dati,

Ako'y naghahanap ng kasagutan sa dilim ng gabi,

Ako'y nawawalan ng pag-asang gumaling,

Maisasakatuparan pa ba ang aking hiling?

Bakit di magawang patayin,

Bakit kailangan palawakin,

Bakit kung sino pa ang dukha siya ang naghihirap,

Magkakaroon pa ba ng patas na hinaharap?

Sangkatauhan, kayo'y aking nilalabanan,

Ayokong mapasailalim sa inyong mapaglarong kaisipan,

Sangkatauhan, bakit kayo nagkaganyan?

Iyan ba dapat ang tamang tatahaking daan?

Sangkatauhan, magtulungan at wag maglaglagan,

Sangkatauhan, magkaisa't wag magsiraan,

Sangkatauhan, minahal kita pero hindi na ngayon,

Sangkatauhan, mas gusto ko pa ang nagdaang kahapon.

Ano pa ba ang kailangan gawin para masolusyunan,

Hinagpis ng mga nasa ibaba, di na pinapakinggan,

Matataas ay pinagkakatiwalaan kahit huli na sa akto,

Sila'y pinapaniwalaan sapagkat sila'y may kayamanang tago.

Sangkatauhan, makinig ka sa nakakarami,

Gamitin ang talino ng utak at di ng kamay at bibig,

Palawakin ang isipan sa nasasakupan,

Huwag ikubli ang katiting na kadiliman.

Sangkatauhan, magtulungan at wag maglaglagan,

Sangkatauhan, magkaisa't wag magsiraan,

Sangkatauhan, minahal kita pero hindi na ngayon,

Sangkatauhan, mas gusto ko pa ang nagdaang kahapon.


創作者的想法
Dark_Man Dark_Man

kakauwi ko lang galing Baguio kagabi may 29 mula sa isang JHS seminar.

this chapter... alam ng inyong pinakamamahal na author na di talaga sya gifted sa MUSIC pero pinipilit pa rin at eto ang isa sa mga resulta.

kinompose ko itong kanta (walang music dahil di ko alam itono).

Subukan ko lang makiusap kung pede isama nyo itong libro sa mga collection nyo? ang bumuto na rin? hahaha Kung ayaw ayos lang po, I understand... BYe po Good Eve.

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C6
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄