Hindi matapos-tapos ang pagtangis ni Serene habang pinagmamasdan sa loob ng kabaong ang namayapang ina. Hindi na nito inabot ang diploma na ipinangako niyang ipapakita rito.
"Babe …" Hinimas ni Axel ang kanyang likod. She leaned her head on his shoulder. Doon siya kumukuha ng lakas. Kung wala si Axel sa tabi niya, malamang ay isa na rin siyang malamig na bangkay ngayon. "You should rest."
"Mag-isa na lang ako ngayon, Axel. Wala na si Mama."
Marahan siyang niyakap nito. "Sshh. Don't say that. I'm still here, Serene. Hindi kita iiwan."
At tinupad nga ni Axel ang pangako nito. Hindi siya nito iniwan mula sa libing ng kanyang ina hanggang sa unti-unti siyang maka-recover sa nangyari. Palagi itong nasa tabi niya. He was always there to encourage and console her. Unti-unti, bumalik ang dati niyang sigla pati na rin ang mga ngiti sa kanyang mga labi.
"Are you excited for the wedding?" Tanong ng gown designer niya habang nilalapat nito ang medida sa kanyang katawan.
"Yes." Walang kagatul-gatol niyang sagot rito habang nakangiti sa harap ng salamin.
"Siya nga pala, nasabi ni Axel na kamamatay lang daw ng Mommy mo noong nakaraang buwan. Hindi ko dapat sinasabi sa'yo 'to pero, may pamahiin kasi ang matatanda. Masama raw ang sukob sa patay."
Natigilan siya sa narinig.
"At naniniwala ka naman doon?"
Nataranta bigla ito nang marinig ang boses ni Axel mula sa likuran. "H-Hindi naman. Nasabi ko lang kay Serene."
Lumapit si Axel sa kanya saka siya hinalikan nito sa labi. Saglit lang iyon. "Akala ko ba mamaya ka pa matatapos sa office?" Tanong niya.
"You're not checking your phone, aren't you?"
"H-Ha?" Lumakad siya at kinuha ang pouch niya na nakapatong sa coffee table. Isa-isa niyang binasa ang mga message ni Axel. "Sorry, busy kasi ako. Hindi ko na nagawang basahin."
Ngumiti ito sa kanya. "I'll wait for you, let's have lunch together. Okay?"
She nodded.
Dinala siya ni Axel sa isang magarang restaurant. Hindi ito ang unang beses na dinala siya nito sa ganoong klaseng lugar. She was actually getting used to it. Natututo na siyang makihalubilo sa mga taong may mga gintong kutsara sa bibig.
"Bakit di mo sinabi na ngayon mo ako ipapakilala sa Mama mo?" Gulat na gulat niyang sabi ng sabihin ni Axel sa kanya na kasama nilang magla-lunch ang Mama nito.
"Surprise?"
"Axel, nakakahiya. Hindi man lang ako nakapag-ayos." Aniya.
"You're great Serene. Trust me, magugustuhan ka ni Mommy." Pagkumbinsi nito sa kanya.
"Hmmm, are you sure?"
"Hundred percent." Then he winked at her.
Huminto sila saglit bago pumasok sa loob "Babe ..." Bumuntung hininga ito bago humarap sa kanya. "I'm sorry if you have to go by a different name. I know, mahirap 'to para sa'yo pero alam mo naman kung bakit di ba?"
Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Muli itong huminga ng malalim bago muling nagsalita. "Mom knows that you're the reason of Jacob's death. But she hasn't seen your face. She has no idea who you are. Kilala ka lang niya sa pangalan mo."
She smiled. "Don't worry, I'm okay. Kahit naman anong pangalan ang gamitin ko sa harapan ng ibang tao, ang importante, ikaw, alam mong ako si Serene." Saglit niyang hinaplos ang pisngi nito. "Thank you for accepting and loving me, Axel."
Axel held her hand. "Let's go?"
She nodded.
Kapwa sila nakangiti ni Axel ng lumapit sila sa mesa kung saan nakaupo ang ina ng nobyo.
"Hi, Mom. So glad to see you." Yumuko si Axel para hagkan ang ina sa pisngi. "Mom, this is Katherine, my wife."
"Oh, silly. You were not even married yet." Nakangiti nitong sabi bago nito ibinaling ang tingin sa kanya. "My son was right. You are gorgeous." Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Thank you, Ma'am." She slightly bowed her head.
"You can call me Tita. Or better yet, call me Mama or Mommy. Whatever suits you, sweetie." Malambing nitong sabi.
Hinila ni Axel ang isang upuan para sa kanya.
"Finally, my son woke up from a nightmare. Akala ko talaga paninindigan mo yung babaeng --"
"Mom." Axel suddenly cut in. "We shouldn't talk about it. Tapos na yon."
"Right. Right." Tumango-tango ang ina nito habang nakatingin sa menu. "I just couldn't believe that you are getting married. Mas masaya sana kung nandito si Jacob. Mas masaya sana ako kung nandito ang kapatid mo."
Malamig sa loob ng restaurant pero unti-unting nanginit ang mukha ni Serene nang marinig iyon. She couldn't imagine what Axel's mom would do to her kapag nalaman nito na siya si Serene Lastimosa. Ang babaeng may kasalanan sa pagkamatay ng anak nito.
["Jacob, makinig ka sakin." Halos lumuha ng dugo si Serene habang nakaluhod at nakikiusap. "Wag mong gawin yan, nakikiusap ako sa'yo."
Nasa itaas sila ng isa sa mga pinakamataas na building ng unibersidad. Jacob was standing on the edge. Wala itong planong bumaba roon. Any moment, he would jump to his death.
"You lied to me, Serene. Bakit mo ginawa sakin 'to? Bakit mo ako niloko?" Bakas sa tono ng boses nito ang galit. Galit na ni minsan ay hindi niya nakita kay Jacob.
"Patawarin mo ako. Hindi ko ginustong saktan ka. Hindi ko ginustong gawin sa'yo 'to." Serene was pleading for his life. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang lahat.
"Pero ginawa mo."
"Jacob … mag-usap tayo. Please, mag-usap tayo."
"Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa'yo. Minahal lang kita, Serene. Sobrang minahal lang kita." Basag ang boses nitong sabi.
"Hindi ko masabi sa'yo ang totoo dahil natatakot akong masaktan ka. Naghihintay lang ako ng pagkakataon. Sasabihin ko rin naman sa'yo ang totoo."
"What's the difference between then and now? Kahit saan ko tignan, kahit anong isipin ko … sinaktan mo 'ko! Niloko mo 'ko!" He yelled.
"Maniwala ka naman sakin. Pakiusap, bigyan mo ako ng pagkakataon na itama ang lahat."
"Why would I? When you didn't even give yourself the chance to love me."
"H-Hindi totoo yan, Jacob."
Bahagya itong lumingon sa kanya. "Alright. Then, tell me, Serene. Kahit isa sa maraming beses na magkasama tayo at sa maraming beses na minahal kita. Kahit isa lang … minahal mo ba ako?"
She nodded. "O-oo. Oo, Jacob. Minahal kita."
Bigla itong tumawa.
"No doubt. You really are a fvcking liar."
"JACOB!"
Sa isang iglap, nawala ang lahat sa kanya.]
"Babe." Bahagyang nagulat si Serene ng hawakan ni Axel ang kamay niya. "Ang lalim na naman ng iniisip mo. Are you okay?"
"Y-Yes. May naalala lang ako."
"Do you want to go home?" Nag-aalang tanong nito sa kanya.
"No, I'm fine."
"I'm so happy for both of you." Nakangiting sabi ng ina ni Axel. "Take good care of him, Katherine. Hindi biro ang kasal, kaya hindi rin biro ang annulment. Huwag niyo kaming gayahin ni Gener."
"S-sino po si Gener?"
"Are you kidding me? He is Axel's father."
Hindi siya nakapagsalita.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na hiwalay na ang mga magulang mo, Axel?" Tanong niya sa nobyo ng maupo siya sa gilid ng kama.
"What for? Mahalaga pa ba yon?" Anito habang nakatayo sa harapan niya.
She took a deep breath. Gusto niyang intindihin si Axel pero hindi niya makuha ang gustong ipahiwatig nito. She is his fiancée. She has the right to know everything about him.
"Ang gusto ko lang naman, yung magsabi ka sakin ng totoo."
Axel looked at her, straight into her eyes. "You want the truth?"
"Ano pa ba ang dapat kong malaman?" Aniya habang nilalabanan ang mga titig nito.
"Oo. Hindi ko sinabi sa'yo lahat ng 'to. Hindi ko sinabi dahil ayokong madagdagan pa ang bigat na dinadala mo. What would you feel if I told you that my Mom blamed my Dad for Jacob's death every single day? If I told you that his death ruined my family? Makakatulong ba yun sa'yo? Makakatulong ba yon sa atin?" Walang preno nitong sabi.
She bit her lower lip to keep her tears from falling. Muli na naman niyang sinisi ang sarili sa nalaman niyang iyon. Hindi lang pala buhay niya ang nasira, pati ang pamilya ni Jacob ay sinira niya rin.
"I don't want to tell you this. Coz I know that you will keep on blaming yourself for what happened." Saglit na huminto ito sa pagsasalita. "Mahal kita, Serene. Kinalimutan ko ang lahat ng nangyari sa kapatid ko dahil mahal kita."
Serene stood up. She wrapped her arms around his waist and leaned her head on his chest. "I'm sorry. Alam kong hindi ako yung babaeng nararapat para sa'yo. Alam kong hindi ako yung babaeng dapat mong mahalin. But I am so grateful that you did."
Gumanti naman ng yakap si Axel. "I promise; I won't keep secrets from you anymore."
"Promise?"
"I promise." Itinaas ng nobyo ang kanang kamay nito.
Tumingala siya saka siya ngumiti rito. "I love you Axel Buenavidez."
Axel pinched the tip of her nose. "And I'm going to love you more Mrs. Serene Lastimosa-Buenavidez."