下載應用程式
71.02% WANTED PROTECTOR / Chapter 76: Chapter 76- The Deception

章節 76: Chapter 76- The Deception

Nilingon niya ang pintuan at nakitang wala na nga sina Ellah at don Jaime roon.

Wala na, hanggang doon lang ang pagkikita nila.

"Sabihin mo," atat na si Xander.

Lumapit siya at payukong bumulong.

"Tanggapin niyo ako bilang investor. Mauunahan natin ang kalaban sa ganoong paraan."

Umatras siya at humarap sa mga ito.

"Paano ka nakakasiguro? Mabigat na kalaban ang mga Lopez, " si Xander.

"Mabigat ba?"

Ngumisi ang isang Rage Acuesta.

"Ang pagkakaiba kasi natin, sa akin may tiwala si Jaime mukhang sa inyo wala.

May tiwala siya dahil kamag-anak ako ng Villareal na 'yon. Kaya madali akong makakapasok sa mundo nila dahil pinsan ko ang lalaking gusto ni Jaime sa apo niya."

Nagkatinginan ang mag-ama.

"Kaya ko nilalapitan si Jaime Lopez maging ang kanyang apo ay upang makakuha ng impormasyon kay Villareal. Sa oras na makakakuha ako ipapaalam ko agad sa inyo.

Saka natin pagplanuhan kung paano itumba ang kalaban."

"Sabihin mo anong dahilan ng poot mo kay Villareal?" si Xander 'yon na duda pa rin.

"Ang pamilya niya ang dahilan ng pagkasira ng pamilya ko.

Step-cousin ko ang hayop na 'yon, at siya ang ginawang tagapagmana ng lahat, " matalim ang mga matang paliwanag niya sa kausap.

"Pagtutulungan natin 'yan."

Umangat ang kamay ni senior Delavega na ikinangiti niya.

"Salamat."

Ngumiti siya at tinanggap ang kamay ng senior.

Mahigpit nitong pinisil ang kamay niya.

" Welcome to Delavega Shipping Line. "

" Thank you Mr. Delavega. "

Nakangiti na ang mga ito at siya naman ay nakangisi.

'Simula na ng laban!'

---

" Don Jaime, natutuwa akong kayo pa rin ang nangunguna.

Kahit na bumaba ako ay ayos lang basta kayo pa rin ang manguna. Kaya lang nagtataka ako bakit ang kinuha ninyo bilang pangalawa ay ang Acuesta na 'yon?

Isa pa parang kambal ni Villareal eh, " ang nagtatakang usisa ng judge na nasa pangwalong rango.

Kinabukasan bumisita si Judge Valdemor sa mansyon ng mga Lopez sa pakiusap ng don.

Sinadya niyang kausapin ngayon dahil wala ang apo niya.

Nagkakape ang mga ito sa hardin.

Humigop ng kape ang don bago sumagot.

"Sa palagay niyo ba nanalo talaga ako nang walang tumulong sa akin?"

"Anong ibig ninyong sabihin?"

"Hindi aabot sa oras ang dagdag isang bilyon ko kaya inisip ko ng talo na.

Si Delavega ang dapat mananalo at hindi ako."

"Ano? Si Delavega?" Umayos ito ng upo at bumalatay sa mukha ang inis.

"Hindi tayo papayag diyan. Hari na nga siya sa batas pati ba naman sa organisasyon?"

"Mabuti na lang may tumulong sa akin kaya ako pa rin."

"Sino?"

Muli siyang humigop ng kape bago tumugon.

"Si Acuesta, kaya nang manalo ako agad siya ang pinili kong pangalawa."

"Bakit ka naman niya tinulungan?"

Tumingin ng mataman ang don sa kausap na ngayon ay humihigop ng kape.

"Gaano mo ba kagustong mawala si Delavega sa lugar na ito judge?"

Tinatantiya ng don ang kausap bagama't alam niyang nais din nitong mawala si Delavega sa legal na paraan.

Ibinaba nito ang tasa sa platito sa mesa.

"Gusto kong magbayad siya ng kasalanan pero lagi niya lang nalulusutan ang mga kasong isinasampa sa kanya.

Gusto ko siyang mawala sa sirkulasyon at humimas ng rehas."

"Pero hindi nangyayari at may plano pang tumakbo ng senador."

Umiling ang lalaki.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin sa kanya kung paano siya paalisin sa sirkulasyon."

"May gagawa na niyan para sa atin."

Napatingin ito sa kanya nang nakakunot ang noo.

"Sino?"

"Si Acuesta," walang gatol na tugon ng don.

"Acuesta? Ano namang kinalaman ng taong 'yon kay Delavega?"

"Si Acuesta at Villareal ay iisa."

Umawang ang bibig ng kausap at nanlaki ang mga mata.

"Ano? T-totoo ba 'yan don Jaime?" tila hindi makapaniwalang sambit ng lalaki.

"Totoo judge, nang ipa salvage siya ni Delavega ay nabuhay siya at may kumupkop sa kanya.

At ngayon nagbabalik si Gian sa katauhan ng isang Rage Acuesta.

Nagbabalik siya upang pabagsakin ang kalaban nang hindi nito nalalaman.

Legal na paraan sa pamamagitan ng paglinlang."

Umawang ang bibig ni judge Valdemor.

"May pabor akong hihilingin judge kaya kita kinausap."

"Ano? Ililihim ito?"

Tumango ang don nang mahulaan nito ang sasabihin niya.

"Walang problema don Jaime, tutulong ako sabihin mo lang kung anong magagawa ko.

Ang gaya ni Delavega ay hindi na dapat malaya. Sa dami ng patong-patong na kaso niya kasama ang murder ay dapat sa kulungan na ang bagsak niya."

Doon pa lang napangiti ang don.

" Maraming salamat judge, iyon din talaga ang hihilingin ko. Kailangan namin ang tulong mo. Ang nakakaalam nito ay iilang tao lang ni hindi ito alam ni Ellah. "

" Ha? Bakit ayaw mong ipaalam? "

"Sa oras na malaman ng apo ko ito, mawawalan ng kontrol sa sitwasyon si Gian.

Agad malalaman ng kalaban at imbes na tayo ang may hawak sa sitwasyon ay bigla na namang magbabalik sa dati.

Lahat ng nangyayari ngayon pumapabor sa atin judge kaya kung tutulong ka ay malaki ang pakinabang sa plano ni Gian. "

"Walang problema don Jaime, pero ano ba ang plano niya? "

"Papasukin niya ang mundo ni Delavega gamit ang bagong katauhan."

"Hindi kaya mahuhuli siya? Paano kung mangyari 'yon?"

"Hindi siya mahuhuli dahil tutulungan natin siya.

Lahat ng mga dokumento o impormasyong hahanapin ni Delavega ay dapat naaayon sa ibibigay ni Gian.

Maglalaho ang pangalan at katauhan ni Gian at ang papalit ay isang Rage Acuesta."

Ngumiti ang kausap bago seryosong nagsalita.

" Lahat ay gagawin ko upang maglaho ng tuluyan ang isang Gian Villareal at lilitaw ang isang Rage Acuesta. "

"Maraming salamat judge."

"Basta para sa ikakabuti ng bayan don Jaime."

"Pinagkakatiwalaan kita huwag mo sana akong bibiguin."

"Makakaasa ka don Jaime. Maraming salamat sa pagtitiwala.

Pero ano ba ang plano niya? Paano papasukin ni Gian ang mundo ni Delavega?"

"May tiwala ako sa'yo judge dahil sa naitulong mo noon kaya sasabihin ko kung paano niya ginawa.

Iyon ay sa pamamagitan ng pag-invest sa legal na negosyo ni Delavega.

Pumasok siya sa organisasyon upang makapasok sa mundo ng kalaban."

"Gano'n ba?

Napansin ko nga iisa ang kumpanyang pinag-interesan niya ni hindi siya nag invest sa'yo?"

Umiling ang don.

"Mali ka diyan judge, ang isang bilyon na dinagdag ko sa huli ay galing kay Gian, investment na niya 'yon nang hindi alam ng organisasyon."

"Ang galing!"

"Simula pa lang ito sa pinakamalaking laban."

"Ako ang natatakot para kay Villareal don Jaime, itinataya niya ang buhay niya.

Siguradong buhay niya ang kapalit kapag hindi siya nagtagumpay dito."

Huminga ng malalim ang don.

"Noon pa man, buhay na niya ang lagi niyang itinataya sa kahit anong laban.

Ako man ay nangangamba rin ngunit malaki ang tiwala at paniniwala ko kay Gian.

Alam kong magtatagumpay siya."

"Umaasa akong magtagumpay siya."

"Judge, hindi niya lang ito laban, laban nating lahat na gustong mapagbasak si Delavega, laban ng inapi at naging biktima niya.

Kaya umaasa ako na sa labang ito ay hindi ka bibitaw judge Valdemor."

"Makakaasa ka don Jaime."

"Maraming salamat nga pala sa pagpapaunlak sa akin.

Iyon ang dahilan kaya kita pinapunta rito judge."

Tumiim ang tingin nito sa kanya.

"Makakaasa kang hindi ko bibitiwan ang labang ito don Jaime.

Pero kung sakaling magtagumpay si Gian, paano ka na?"

Isa sa dahilan kaya naging malapit sa isat-isa ay dahil alam nito ang pinagdaanan nila ni Delavega.

Alam nito na sa oras na magbabayad ng kasalanan ang kalaban ay damay siya.

"Nakahanda akong magbayad ng kasalanan ko judge, basta kasama ko si Roman.

Kaso na hindi niya malulusutan dahil kung mangyari 'yon," tumalim ang tingin niya sa kausap.

"Ako na mismo ang papatay sa kanya."

Unti-unting ngumiti ang lalaki.

"Masyado kang nagtitiwala sa ibang tao don Jaime, baka mapahamak ka niyan?"

"Anong ibig mong sabihin?" kabadong tanong ng don.

"May mga bagay na hindi mo na dapat ipinaalam sa kahit kanino lalo na ang plano mo sa kalaban mo."

"Hindi ako natatakot judge, tatanggapin ko ang kaparusahan ko, may tiwala ako sa'yo na hindi mo ako ilalaglag. Alam kong hindi mo 'yon gagawin dahil kilala mo ako."

"Salamat sa tiwala don Jaime, ako naman ang may aaminin sa' yo dahil may tiwala ako at kilala kita. "

"Ano 'yon?"

"Alam mo ba kung bakit dinagdagan ang laro sa anibersaryo?"

Umiling ang don.

Ngumisi ang kausap.

"Iyon ay upang ilaglag si Delavega."

Umawang ng bahagya ang bibig ng don habang nakatingin sa kausap.

"Ikaw ba ang may pakana?"

Tumango ito.

"Pinagplanuhan namin ni Chairman Kim ang lahat, kung paano ka manguna upang mailaglag mo ang kalaban.

Nabanggit mo noong nagkita tayo na iyon ang gagawin mo kaya naghanap ako ng paraan upang matupad."

"Anong ginawa ninyo?" wala siyang alam sa nangyari.

"Sinadya namin ang mabagal na pagpasok ng mga entry ni Delavega hanggang sa pinakahuli. Kaya nagagalit na siya dahil sa bagal."

"Gano'n ba?"

"Ikaw lang ang mabilis kaya lang matagal ka namang magpasok ng entry kaya kinakabahan kami."

"Na delay ang transaksyon kaya nagtagal. Buti na lang tinulungan ako ni Gian."

"Mabuti na lang, kaya nang makapasok din si Acuesta ay pinagsabay-sabay ng ipasok ang panghuling entry ng lahat upang hindi maghinala si Delavega na siya lang ang minaniobra."

"Magaling ang ginawa mo judge, maraming salamat kung hindi sa ginawa mo ay baka siya nga ang nanalo."

"Hindi mangyayari 'yon don Jaime.

Ang masama ay hindi dapat malaya.

Kaya lang bakit sinadyang magpatalo ni Gian?"

"Iyon ay upang walang magagalit sa kanya. Hindi pa siya beterano kaya wala siyang karapatang manguna. Magagalit din si Delavega kapag nagkataon.

Kaya sinadya niyang magpatalo upang ako ang mananalo.

Parehas lang kayo ng plano ni Gian upang ipanalo ako magkaiba lang ang inyong ginawa. "

"Magaling si Villareal.

Siguradong sa pagkakataong ito wala ng kawala ang kalaban.

Magtutulungan tayo."

Umayos ng upo ang don.

"Salamat judge, maraming salamat."

"Hindi pa rin ako makapaniwala na buhay siya."

"Ako rin naman, noong tumawag siya hindi ako halos makapaniwala.

Parang naninikip ang dibdib ko sa tuwa kaya lang hindi dapat malaman ni Ellah."

"Hindi nga dapat don Jaime, hindi pa pwede kasi kapag nalaman ni Ellah 'yan bibitiwan ni Gian ang plano laban kay Delavega."

"Gano' n na nga kaya hanggat kaya ko hindi kikimkimin ko ito hanggang sa pwede na."

"Atleast alam mo ang totoo. Kaya lang kung si Gian ang gagawa ng plano, dapat malaman ko kung ano ang plano niyang gawin?

Ano ang susunod niyang hakbang?"

---

"Magaling pala ang ginawa mo pare!

Ngayon unti-unti mo ng napapasok ang mundo ng kalaban. Ingat pare masikip doon."

Habang nasa hotel si Gian ay kausap niya sa cellphone ang kaibigan.

Nangumusta ito sa party sinabi niyang ayos lang.

Hindi niya ipinaalam ang tungkol sa tangkang pagkapahamak ni Ellah.

Dahil kapag sinabi niya 'yon baka malalaman ni don Jaime magkakagulo na naman ang mga ito.

At sigurado namang hindi rin ipinaalam ni Ellah ang tungkol doon.

Kaya ang sinabi niya lang ay ang pagpasok niya bilang isa sa investor ng mga Delavega.

"Alam ko pare kaya kailangan ko ng tulong mo upang paluwagin 'yon."

"Walang problema pare, anong maitutulong ko?"

"May ipapagawa ako."

"Ano 'yon?"

"Sigurado akong hindi ko pa tuluyang nakuha ang loob ng mag-amang 'yon.

Tiyak maghahanap sila ng mga ebidensiya na makakapagpatunay na ako talaga si Gian."

"Anong plano mo?"

"Magsagawa kayo ng raid sa rest house nila, kapag nangyari' yon doon natin simulan ang plano."

"Raid?"

"Oo pare, doon sa rest house nila madalas si Delavega roon. Bukod sa paghahanap ng ebidensiya laban sa kanya ay gagawin natin ang plano."

"Pero pare, delikado 'yan kailangang pagplanuhang mabuti ang pagsagawa niyan baka mapahamak ang mga tauhan natin."

"Walang mapapahamak pare, dahil hindi gagawa nang anumang masamang pagkilos laban sa inyo ang kalaban."

"Talaga? Paano mo nasabi?"

"Dahil hawak ko sa leeg ang mag-ama na 'yon pare."

"Ano? Talaga? Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Dahil pinsan ako ni Villareal' yon ang pagkaalam nila, at galit ako sa pinsan ko, kapag nakumbinsi ko silang magpinsan nga kami ni Gian aasa sa akin ang mag-amang 'yon.

Kailangan ko lang makuha ang tiwala nila."

"Magaling! Kailan mo planong i pa raid?"

"Mamayang gabi ng alas syete, sasabihin ko lahat ng gagawin ninyo sa oras na masusunod ang plano."

"Nakahanda kaming lahat laban kay Delavega. Nakahanda akong gawin ang lahat ng gusto mo magtagumpay ka lang. Heto na ang pinakahihintay natin pare."

"Umpisa pa lang ito pare, umpisa ng laban na hindi nila namamalayan."

"Magaling ka talaga pare! Kaya sa'yo ako eh!

Inaakala tuloy ni Anne mas mahal pa kita kaysa sa kanya."

"Gago!"

Humalakhak ang kaibigan.

At ang isang Rage Acuesta ay lihim na ngumisi.

Unti-unti ng bumabaliktad ang kapalaran!

---

"Dad, naniniwala ka bang pinsan ni Villareal ang Acuesta na 'yon?" tanong ng anak habang nakaharap sa computer ng impormasyon.

Lahat ng pwedeng makuha tungkol kay Acuesta ay kinuha na nila.

Humigpit ang pagkakahawak ng senior sa kopitang hawak.

"Rage Marasigan Acuesta.

Gian Marasigan Villareal."

"Pinsan sa ina dad. Ayon dito sa impormasyon."

"Pero wala tayong nakitang bangkay ng Villareal na 'yon. Hindi rin natin alam ang angkan niya. Itong Acuesta na' to na mukhang kambal niya ay biglang lumitaw bilang isang bilyonaryo at humalo sa mundo natin."

Nilingon na siya ng anak.

"Sa palagay mo ba dad si Villareal pa rin siya?"

"May isang paraan upang patunayan 'yon?"

Kumunot ang noo ni Xander sa narinig.

"Ano?"

"Kailangang mapagtugma natin kung talaga bang kamag-anak sila o iisa lang siya."

"Ibig mong sabihin dad?"

Tumango ang senior dahil nakuha ng anak ang iniisip niya.

"Utusan mo ang mga tao natin ipahaluhoghog mo ang bahay ng Villareal na 'yon. Maghanap kayo ng kahit anong ebidensiyang magpapatunay ng kutob natin."

"Pero paano makukuhanan ng ebidensiya ang Acuesta na 'yon?"

"Gagawa ako ng paraan."

"Ano 'yon dad?"

"Makikipagkita tayo sa kanya ngayon.

Kapag tumanggi siya isa na 'yan sa dahilan na iisa lang sila."

"Paano kapag nalaman niyang hinalughog natin ang bahay ni Villareal?"

"Wala siyang magagawa dahil kung talagang magpinsan sila at galit siya kay Villareal mas gugustuhin pa niyang gibain o sunugin ang bahay nito."

Ngumisi ang anak na ikinapagtaka niya.

"May naisip ako dad."

"Saka na 'yan."

"Hindi dad, kung makikipagkita ka, doon tayo sa bahay niya. Pagkatapos nating ipahalughog saka tayo pumunta."

Siya naman ang ngumisi.

Makikita sa reaksyon ng tao ang tunay nitong pagkatao.

"Anong oras na?"

"Alas sais dad."

"Oras na para utusan mo ang mga tao natin at alas syete mamaya papupuntahin natin ang Acuesta na 'yon sa bahay ni Villareal."

"Bahay niya dad," giit ni Xander.

Tumunog ang cellphone ni senior Roman na agad tiningnan nito kung sino ang tumatawag.

"Speaking of the devil, the devil is calling."

"Pagkakataon na natin dad."

"Malalaman natin ang buong pagkatao niya."

"Alright dad, it's yours."

Kampanteng sinagot ng senior ang tawag at ini loud speak upang marinig ng anak.

"Yes Mr. Acuesta?"

"Where are you now Mr. Delavega?"

Nagtaka siya nang tila nag-aalala ang boses ng kausap.

"Nasa bahay bakit?"

"Kailangan mong umalis ngayon diyan, may nakapagbigay ng impormasyon sa akin na may isasagawang raid ngayon sa rest house mo!"

"ANO?"

"Fuck!" mura ni Xander.

Nahampas nito ang laptop at nahulog.

"Roman alam ko ang ginagawa ninyo ang totoong ginagawa ninyo at may impormante ako sa loob.

Mamayang alas syete mangyayari ang raid."

Nagkatinginan ang mag-ama at iisa ang iniisip.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa tunay kong negosyo Acuesta?" mapanganib na ang tono ng pananalita ng senior.

"Delavega, iisa ang likaw ng bituka natin. Sa palagay niyo ba nilapitan ko kayo nang hindi alam ang tungkol sa inyo? Kaya ko kayo nilapitan ay dahil diyan, kasosyo niyo ako sa legal kasangga niyo ako sa ilegal, nasagot ko ba ang tanong mo?

Ngayon kailangang umalis kayong lahat diyan pati mga tauhan mo para walang makuhang ebidensiya.

"Subukan nila at hindi na sila makakauwi ng buhay!"

"Roman, hindi pa ito ang tamang oras para diyan.

Masyado pang mababa ang posisyon niyo ngayon, dehado kayo sa plano niyong 'yan.

Hayaan niyo munang lumamig ang sitwasyon saka tayo bibira.

Sa ngayon wala silang dapat makuhang ebidensiya diyan.

At dapat wala silang maabutang tao diyan kahit isa, dahil kapag nagkataon dagdag sa problema 'yan."

Nanginginig sa galit ang senior sa narinig.

"Sino ang may pakana nito!"

"Hindi kaya ang kalaban?"

"HAYOP KA LOPEZ!"

Sa galit ng senior ay naibato niya ang hawak na cellphone.

Wasak ito.

"Paano ngayon dad?" ang napopoot na tanong ng anak.

"Atras tayo, saka na 'yang pakikipagkita kay Acuesta."

"Ang paghalughog sa bahay?"

"Saka na rin! "

"Dad ngayon nga ang pinakamaganda dahil kung si Villareal at Acuesta ay iisa posibleng siya lang ang may pakana ng raid na 'yan."

"Xander iisa man o hindi ang mga ugok na 'yon pulis ang aatake sa atin. Atras tayo sa lahat ng plano maghanda ka na!"

Walang nagawa si Xander kundi ang sumunod sa gusto ng ama.

"May iba akong planong gagawin Xander. Mas madali at mas mabilis."

"Ano 'yon dad?"

Ngumisi si senior Roman.

"Bakit ba hindi ko naisip agad.

Alam naman natin kung saan siya nkatira.

May papupuntahin tayong iba sa kanya."

---

"Isabel may ipapabili ako kailangan ikaw lang dahil hindi pwedeng ako."

"Ano? Bakit ako lang?" sumimangot agad ito nang magsabay sila ng hapunan at binanggit niya ang plano.

"Hindi ako pwede dahil maraming tao sa pupuntahan mo. May ipapabili ako nakalista na 'yon."

"Ano ba 'yon?"

"Malalaman mo kapag bibilhin mo na."

Hindi ito kumibo.

Kanina lang kinumpirma na ni Vince ang ikakasang raid sa rest house ng mga Delavega kaya inutusan na niya ito sa plano niya.

"Pagkatapos mong mabili dederetso tayo sa bahay ko sa Pagadian."

Napalingon ito sa kanya.

"Anong gagawin natin doon?"

Siya naman ang napatingin sa babae.

Namumungay ang mga mata nito na para bang iba ang pagkaintindi.

"Isabel, kung ano man ang iniisip mo tungkol sa gagawin sa bahay ko siguradong hindi 'yon mangyayari. At hindi iyon ang iniisip ko. "

"Wala akong ibang naiisip!" depensa nito.

Hindi na siya kumibo lalo pa at iniwan na siya.

Pagkatapos kumain ay papatayo na siya nang may lumapit na waitress.

Maganda ito at ngumiti.

"Sir James, may free taste po kami ng food ngayon baka gusto niyo i try?"

"Sige ba saan?"

"Heto po."

Napakatamis ng ngiti ng babae habang ibinibigay ang isang kutsara at box ng mango float.

Hinawakan niya ang box ng mango float maging ang kutsara.

Nilagyan niya ng pagkaing desert ang kutsara habang tinitigan siya ng babae.

Nasulyapan niya itong nakatitig sa bawat galaw niya.

Naiilang ang binata kaya ibinaba niya ang kutsarang may lamang pagkain.

"May problema ba?" marahang tanong niya sa babae.

Tila naman natauhan ito.

"Ay wala po sir? Tuloy niyo lang po."

"Okay," muli niyang dinampot ang kutsara at nang isusubo na sa bibig ay tumunog ang cellphone niya.

Binitiwan niya ulit.

Nang makita kung sino ang tumatawag ay tumayo na siya.

"Miss sorry importante lang," aniya at humakbang palayo.

"Ha? Pero sir isang tikim lang po sige na sir."

Nakasunod ang babae na ikinagulat ni Gian.

"Miss pwede ba? May kausap ako. Balikan ko na lang 'yan," iritado niyang wika.

"O-okay po sir, balikan niyo po ha dito lang ako."

Tumango na siya at umalis.

Kinausap si Vince.

" Pare, kumusta?"

"Maayos na pare. Pagdating namin doon walang katao-tao ang tindi!" humalakhak si Vince.

"Nagawa niyo ba ang pinagagawa ko?"

"Oo naman, walang problema. Naka connect na lahat, spy cam, voice recorder at tracking device."

Napangiti ang binata. Iyon ang plano niya sa isinagawang raid.

"Wala ba kayong nakitang ebidensiya?"

"Wala pare eh."

Huminga siya ng malalim.

"Ayos lang pare ang mahalaga nagawa mo ang pinakamahalagang utos ko."

"Oo naman pare. Walang alam ang mga tauhan ko na may ginagawa akong kakaiba."

"Salamat pare."

"Anong plano mo, sunod?"

"Ngayong ma momonitor na natin ang mga transaksyon niya uunahan natin bawat galaw nila.

Lahat pare!"

"Magaling pare."

"Salamat pare."

"Ngayong may lead na tayo anuman ang gagawin nila malalaman natin."

"Tama ka, malaking tulong 'yon."

Sumang-ayon siya sa sinabi ng kaibigan.

Madali na lang ang lahat sa kanila ngayon dahil may impormasyon ng makukuha.

"Sige pare, salamat ulit."

"Ikaw din pare."

Nang matapos ang usapan ah muli siyang bumalik sa mesa ngunit wala na roon ang babae.

Hindi sa hayok siya sa pagkain, ayaw niya lang hindi natutupad ang pangako.

Nilapitan na niya ang counter.

"Yes sir?" masayang ngiti ng babae.

"Ah, itatanong ko lang kung nasaan na ang free taste ng inyong mango float."

"Ha?" kumunot ang noo ng babae.

"Mango float kanina free taste daw sabi nang kaharap ko ang babae."

Umawang ang bibig nito saka umiling na ikinabog ng dibdib niya.

"Wala po kami niyan sir."

Siya naman ang umawag ang bibig!


創作者的想法
Phinexxx Phinexxx

Hello po,

Sorry kung laging mabagal ang update marami lang po talaga trabaho. Nauubos po ang energy ko pagdating ng gabi.

Halos wala na po akong maisip idagdag kaya nagtatagal.

Thank you pa rin, sa, patuloy na pagsubaybay ng kwento kahit laging matagal.

Hope this is worth waiting for.

Thank you po.

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C76
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄