下載應用程式
16.82% WANTED PROTECTOR / Chapter 18: Chapter 17- The Invitation

章節 18: Chapter 17- The Invitation

MEDC SITE...

Suot ang head gear, mask at iba pang body protection ay mabagal na naglalakad sina Ellah at Gian sa loob ng tunnel.

Kapwa naka jeans, rubber shoes at t-shirt ang dalawa kaya komportable habang nasa ilalim ng tunnel.

Sumalubong ang halo-halong amoy ng chemical at mineral, ganoon pa man ay hindi iyon ininda ng tagapagmana.

Bilang General Manager ay tungkulin niya ang alamin ang nangyayari sa operation site.

Pinagmasdan naman ni Gian ang malawak na tunnel, ang mga makinarya sa loob maging ang mga tauhang nagtatrabaho roon sa may kalayuan.

Habang nag rereport naman ang opisyal sa dalaga.

"Kaya na ho nating makapag load hanggang twenty metric tons daily," tugon ng Operation Manager.

"Good," agad binasa ng dalaga ang papeles na hawak.

Napansin ni Ellah na tumingin ito sa likuran.

"Ah, Mr. Malvar, Gian Villareal, my bodyguard, " pagpapakilala ng dalaga.

Tanguan lang ang ginawa ng dalawang lalaki.

Inungkat ni Ellah ang tungkol sa baha at napag-alaman nilang nasira ang dike ng dam dahil nabitak ito kaya biglang nagka flash flood.

" Hindi naman bahain ang lugar pero nitong nakaraan lagi na lang naaapektuhan dahil sa kawalan ng aksyon sa pagpapaayos ng dam, kaya kapag umuulan ng malakas laging umaapaw ang dam," paliwanag ng opisyal.

Tumango-tango si Ellah.

Hanggang sa umabot sa operasyon ng tunnel ang usapan, doon na nagsimulang kinabahan ang opisyal.

"Kapag bumabaha naapektuhan ba lagi ang operation?"

"Ah, hindi naman lagi, kapag matindi lang. Minsan natitigil ang operasyon kapag hindi kaya."

"May naisip ka bang solusyon diyan Mr. Malvar?"

"Nasa plano na ho namin Ms."

"I want to see your plan," saad ng dalaga na dahilan ng paglunok ng Operation Manager.

Kabado ito habang tila nag-iisip ng idadahilan.

"Actually, wala pa kaming fix plan, suggestion pa lang po Ms. Iniisip din namin ang tungkol diyan pero may plano na kami..."

"Kung madalas matigil ang operasyon, nasasayang ang bawat oras na walang nakukuhang produkto, na di-delay ang ating supply, kaya nagkukulang tayo ng produktong sinusuplay sa planta," paliwanag na ni Ellah.

"Ginagawaan na ho namin ng paraan Ms. para hindi matigil ang operasyon."

"Kagaya kahapon, walang operasyon," giit ni Ellah. "It is a company lost."

Tumahimik ang opisyal.

"Anong klaseng plano ho ba ang pinaplano ninyo sir?" tirada ni Gian na muling nagpakaba na naman sa manager.

Nagawa niyang hindi sagutin ang tagapagmana ngunit pagdating sa gwardya ay bakit kailangan niyang sumagot?

"May plano na kayo hindi ho ba iyon ang sinabi niyo?" dagdag pa ng gwardya.

Napakamot na ito ng batok dahil tila nasa hot seat siya samantalang dalawa lang naman ang tumutuligsa sa kanya. Isang tagapagmana na walang alam at isang hamak na gwardya lang.

Tumikhim ang opisyal.

"Lalagyan namin ng mga drainage at ipapasemento lahat ng nakapalibot sa tunnel. Lalagyan din namin ng mahabang pader ang buong area para sa seguridad."

Matapos maglibot ay nagpasya na silang lumabas.

Sa pagkakataong ito tumahimik si Gian at nilibot ang tingin sa paligid.

Malawak ang kabuuan ng site iyon nga lang tinatamaan kapag may baha.

Ang mismong tunnel hindi naapektuhan ng baha, ang kabuuan lang ng site gano'n pa man kailangan ngang palibutan ng pader.

Napailing naman si Ellah, nang dahil sa iisang tanong ng gwardya ay nalaman niya ang pinaplano ng manager.

"Mr. Malvar, kapag buo na ang plano, ipaalam niyo agad sa akin, I want that fix plan next week okay?" tinapik-tapik ng dalaga ang opisyal na halatang kinakabahan at tila nininerbyos.

"Yes Ms. Pasensiya na po kahapon Ms. Hindi na ako nakapagpaalam."

"It's okay. Hindi na kami magtatagal Mr. Malvar. "

Inilibot niya ang tingin. "Wala namang malaking problema dito hindi ba? "

"Wala naman ho, thank you Ms. Ellah."

"Pagbutihan niyo dito, inaasahan kita Mr. Malvar alam mo 'yan."

"Sige po, ingat sa byahe."

Ilang sandali pa, nakalabas na sila at nagbyahe pabalik.

Hindi naman naging masama ang pagpunta nila kahit pa na delay ng isang araw.

Huminga ng malalim ang dalaga at nag-iisip.

Nakakapagduda ang kanyang gwardya, may nalalaman talaga ito sa kahit saang aspeto ng kanilang negosyo, gano'n pa man ay tatahimik muna siya, hindi rin naman ito basta magsasalita kahit kulitin pa niya.

"Gian, gusto ko munang magpahangin."

"May alam akong magandang lugar," nakangiti nitong tugon.

Pumikit siya.

Lalo na nang ngumisi ito na ikinainis niya at naalala ang nangyari kagabi.

Patulog na siya nang biglang nagsalita ang gwardya.

"May bakanteng kwarto sa dulo, pwede na ako roon," gagad nito habang nakaupo sa gilid ng kama.

"Hindi pwede! I said no!" singhal niya.

Nagtiim ang bagang ni Gian.

"Kapag hindi ka pumayag hahalikan kita o ano?" panghahamon na nito.

Talaga namang nagpakabog ng kanyang dibdib ang sinabi nito.

Sa inis ay sinipa niya ang gwardya na ikinatawa lang naman.

"Layas!"

Takot siyang mag-isang matulog sa lugar na hindi kinasanayan ngunit hindi rin naman sila nagkasama ng bodyguard sa iisang kwarto.

Kaya buong biyahe tulog ang dalaga.

---

MT. GAMPO...

Dinala siya ni Gian sa bundok.

Sunod-sunuran lang siya dito.

"Gian anong gagawin dito?"

"Relax lang I'm sure magugustuhan mo."

Inilibot ni Ellah ang tingin sa malawak na kabundukang nasa ilalim, maging ang dagat ay tanaw din.

Tantiya niya ay nasa limampung talampakan ang lalim.

Napangiti ang dalaga, tila ba nakaramdam ng kaginhawaan dahil sa nakikita.

Gano'n pa man animo nangangatog ang kanyang mga tuhod kapag dumudungaw sa ilalim.

Hanggang sa nakarating sila sa maraming taong lugar.

"Anong meron?"

"Basta," hila ng gwardya ang pulso niya habang papalapit sa mga tao.

Ilang sandali pa, nanlaki ang mga mata ni Ellah na nakatitig sa paparating na isang bagay na nakasabit sa mga kable na tila kahon na gawa sa bakal.

Doon pa lang niya napansin na may kable sa itaas ng bundok.

"Let's go?" aya ni Gian.

"Gian ano 'yan?"

"Parang cable car? O ano? Tara na? exciting 'yan."

Umatras ang dalaga nang mangatog ang mga tuhod.

Alam niya ang tungkol doon, ngunit kahit minsan ay hindi pa niya naranasan! Lalo na sa ganitong lugar na tila delikadong mahulog sa gubat ang kahon.

"May, may meeting pa pala ako," aniyang papatalikod na.

Natawa ang binata.

Kinausap ang operator saglit lang bumalik na ito.

"Come on, huwag kang matakot, nasa likuran mo ako."

Napapailing si Ellah.

"Tara na, uunahin ko na lang ang meetings ko, tama para hindi na ma i-cancel."

"Ms. Ellah ano ka ba? Minsan lang 'to. Halika na."

Hinawakan ni Gian ang isang kamay niya at hinila siya papasok.

Silang dalawa lang ang naroon bagay na kahit paano ikinatuwa niya.

"H-hindi ko kaya, natatakot ako."

"Wala 'yan."

Ilang sandali pa, nagsimulang gumalaw ang naturang sasakyan.

"Holy shit!"

Kapit na kapit siya sa braso ni Gian habang mariing ipinikit ang mga mata.

Kabadong-kabado siya sa isiping wala man lang silang tali o ano pa man sa loob ng sasakyan.

Paano kung masira? Magiba? Mahulog?

Pawis na pawis sa takot ang dalaga sa mga naiisip.

Habang si Gian ay masayang-masaya sa nakikita hanggang sa mapansin niyang nakapikit ang amo at tila tuko na kapit na kapit sa kanya.

"Open your eyes, sayang ang view, " gagad ng binata sa amo.

"Hindi ko kaya."

"Magtiwala ka, nagawa mo ngang lagpasan ang mga bala ito pa kaya?"

Matagal, bago dahan-dahang ibinuka ni Ellah ang isang mata, pero dinalawa na niya nang makita ang dinadaanan nila.

"Wow!" manghang-mangha ang dalaga.

"I told you."

"Ang ganda naman! Mag picture ka dali!"

Natatawang sinunod nito ang sinabi niya.

Dumungaw si Ellah sa ilalim at nalula siya, muli siyang napakapit sa braso ni Gian.

"Shit!"

"Why?"

"Nakakatakot pala ang ibaba."

"Huwag kang tumingin doon."

Huminga siya ng malalim at sinulit ng mga mata niya ang magandang tanawing magkahalong dagat at kagubatan!

Napansin niyang malapit na silang makabalik.

"Isa pa please."

"What?"

"Sige na, hindi ko masyadong na enjoy ang view kasi half na lang ang nakita ko," ungot niya.

Natatawa ang binata habang bumababa sila.

Pero pagtingin sa kabila napakahaba ng linya.

"Next time na lang."

Pero mapilit ang amo.

"No! hindi na ako muling makakabalik pa dito, alam mo ang trabaho ko, minsan lang 'to eh."

Napabuga ng hangin ang binata.

"Paano 'yan pipila tayo?"

"No"

Kinabahan si Gian, alam niya ang kalibre ng babaeng ito.

"Ms. Ellah, hindi ka pwedeng makisingit diyan, bawal 'yan magagalit sila. "

"Who told you makikisingit ako?"

Tinungo ni Ellah ang operator at nilingon ang mga nakapila.

"Kayong lahat diyan makinig!" malakas na sigaw ni Ellah na ikinalingon ng lahat.

Nanlaki ang mga mata ni Gian nang marinig ang sigaw ng amo.

Tinangkang hawakan ng binata sa braso ang amo subalit iwinaksi nito.

"Ililibre ko kayo basta paunahin niyo ako!"

Nagbulungan ang lahat na halatang nasiyahan ang mga ito sa narinig.

Unti-unting napapangiti ang dalaga dahil magtatagumpay na siya!

Kumalma na lamang si Gian habang nag-oobserba sa nangyayari.

Mabuti na lang hindi nito naisipang bilhin ang cable car gaya ng mangyayari sana sa arcade noon.

Napansin niyang tila nagtatalo ang isang babaeng intsik at lalake na mukhang amerikano sa pinakadulo ng pila.

"No! I won't let that fucking girl won!"

Dinig ni Gian na sigaw ng naturang babae.

Mataman niyang tinitigan ang dalawa nang may matanggap na text message agad niya itong binasa ng mapag-alamang galing sa hepe.

Ngunit nanlaki ang kanyang mga mata sa nabasang mensahe.

NASAAN KA? MAY NAGMAMANMAN SAYO!


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C18
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄