Nandito na 'ko sa mansyon kasama si lola. Napakasaya n'ya nang makita ako kaya nagulat ako nang bigla n'ya akong yakapin sa bewang habang nakaupo sa wheelchair at umiiyak, kasama ang nurse n'ya na nasa likod.
Nakakapagid ang huling interview ko. Napakapersonal ng mga tanong ni Acheaveur, kaya ayokong iniinterview ako. Naiinis parin ako hanggang ngayon sa mga tanong n'ya. Pero nang makita ko si lola ay agad na nag iba ang mood ko.
"Kamusta ang trabaho, apo ko?" Agad na tanong ni lola.
Bago ko sinagot ang tanong n'ya ay sinabihan ko muna ang nurse na ako nalang muna ang hahatid kay lola papunta sa kwarto n'ya kaya nang umalis na s'ya ay ako na ang nagtulak sa wheelchair ni lola papunta sa elevator. "Okay lang naman, medyo napagod din ako."
"Ganun ba? Oh hala sige, magpahinga ka ng maayos para hindi masyadong nae-stress sa trabaho." Ani lola.
"Opo."
Nang makarating na kami sa third floor ni lola ay agad ko namang tinulak ang wheelchair sa daan papunta sa kwarto n'ya.
Habang dahan-dahan kong tinutulak ang likod ng wheelchair ni lola ay bigla s'yang nagsalita. "Masaya ako dahil nagbago ka na."
Doon ako nagulat at muntik nang napahinto pero agad naman akong umayos.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil sa sinabi n'ya. I don't wanna talk about it but everytime lola would open it up, I'd be out of my senses.
Oo, may boyfriend ako, si Louis Marc. Famous din s'ya sa LA at isang Hollywood actor.
Sinubukan kong magmahal at natagpuan ko si Louis. Akala ko ay nakakatulong iyon sa paglimot sa nakaraan ko pero mali pala ako, hindi pala gumagana.
I found myself here on the bed with lola in her room. She's hugging and snoring. I smiled when I saw her peaceful face. 'Awee. So cute.'
Matutulog na sana ako nang tumunog bigla ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sinong nag text. It was from Kim. Inayos ko muna si lola na mahiga bago dahan dahang umupo.
Ngayon lang s'ya nagparamdam.
From: Kim
'Hi, Em. It's been 6 years, I missed you.
By the way, please come back home, I'm inviting you to my wedding. Sorry, I didn't inform you in advance but it's 1 week before my wedding. I'm getting married, Em!'
Sa nabasa ko sa huling salita na binasa ko ay hindi ko alam pero nawalan ako bigla ng buhay at bigla ko nalang nabitawan ang cellphone na hawak ko. May naramdaman akong parang pinipiga ang puso ko at bumigat na naman ang paghinga ko.
Ikakasal na s'ya—sila. Congratulations you two.
John... Kim...