Hindi natuloy ang pagbabantay ko kay John. Nagalit ang prof namin, si Miss Monte. Nagalit s'ya sa kaklase ko dahil pinahiya s'ya nito kaya nadamay kaming magkaklase. Mabuti nalang at hindi kami inereport sa opesina ng Dean pero pinaglinis kami ng buong opesina ni Miss at ng Comfort Room ng building namin kaya gabi na ako makakauwi ngayon.
Kasalukuyan akong naglalakad pauwi sa amin at mag-isa lamang. Wala na akong pera para magcommute pa. At saka hindi naman ako takot sa mga aso na gumagala sa kalye.
Bigla akong napatingin sa likuran ko nang biglang may umilaw at may nakita akong isang kotseng itim na umiilaw. Agad akong nangamba, pinagpapawisan ang mga kamay ng malamig. Dinalian ko ang paglalakad baka kung ako talaga ang pakay no'n.
Lumiko ako sa isang kalye para malaman talaga na sinusundan ako nito. Kanina pa ako naglalakad at mukhang walang balak na bilisan at lampasan ako ng sasakyan kaya sinubukan kong limiko.
Pero ganoon nalang ang gulat ko nang lumiko din ito at nang humarap ako para sana tumakbo nang mapahinto ako at malalaki ang matang tumitig sa asong mukhang gusto akong kainin dahil sa mga laway na lumalabas sa bibig nito.
Hindi naman dapat ako matakot pero malaki talaga ito, nakakapagpahina. Nag simulang manginig ang mga paa ko at sinubukang umatras pero umaabante din naman ang malaking aso.
Isinuray ko ang mga kamay para paalisin ang aso pero panay din naman ang abante nito. Nang humakbang ako paatras ay may natapakan akong malaking bato dahilan para matumba ako.
Tumingin ako sa aso at ganun nalang ang gulat ko ng bigla na itong tumakbo at parang nasasaktan. May napansin akong anino sa likuran ko at mas lalong lumaki ang mata ko ng makita si John.
"Ikaw ba talaga 'yan, John?" Kinusot-kusot ko ang mga mata ko kung nagkakamali lang ba ako ng paningin. Nang mapagtantong s'ya nga talaga iyon ay nagsisimula na namang tumibok ang puso ko.