Nagulat ako nang biglang nagsitayuan ang mga kaklase ko kaya tumayo na rin ako. Pumasok ang prof namin at bumati kami sa kan'ya. Hindi ko man lang napansin na paparating na ang propesor namin.
Seryoso ang mukha nito at agad kaming pinaupo. Nagsimula na ang klase kaya panay ang pakikinig namin sa kan'ya. Habang nagtuturo s'ya ay biglang natuon ang atensyon n'ya sa akin. Biglang nangilabot ang balahibo ko sa paraan ng pagkakatitig n'ya.
S'ya ang pinaka-kinakatakotan sa lahat ng propesor namin dahil sa sobrang seryoso n'ya.
"Miss Dela Peña." Biglang tawag n'ya sa akin.
Napamulagat ako. "P-po?"
"It's been a long time. Where have you been?" Aniya.
"I-I was in Nueva Ecija." Nahihirapang sabi ko.
"Oh? What have you learned from my last discussion you were in?" Tanong n'ya na ikinagulat ko.
"Ahm I--"
"Discuss here in front. Amaze me, Dela Peña." Aniya at inabot sa'kin ang chalk.
Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang columnar at dahan-dahang tumayo at pumunta sa harapan at kinuha ang chalk na iniabot sa'kin.
Humarap ako sa mga kaklase ko na tahimik at matiim na nakatitig sa'kin. Mas lalo akong nanginig dahil baka mali ang maituro ko.
Nagsimula na akong magpaliwanag at nakikinig naman ang mga kaklase ko at si Mr. Fortaliza na nakaupo sa upuan sa gilid sa harapan.
"And of course, we have to add here the expensis--" biglang naputol ang pagpapaliwanag ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang seryosong si Kim.
"Sorry, I'm late." Seryosong sabi ni Kim.
Tumaas ang isang kilay ni Mr. Fortaliza. "Why are you here?"