Ito 'yong unang beses na nakasama ko s'ya sa paglalakad. Gusto ko s'yang kausapin at tanungin ng kung ano-ano pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako.
Gusto kong sulitin ang oras na 'to na magkasama kaming dalawa dahil hindi na 'to mauulit pa. Sa susunod na araw ay hindi ko na s'ya makakasama at makikita pa dahil wala naman na si Kim kaya wala nang ibang rason para makasama ko pa s'yang muli.
Nanatili pa rin kaming nakatayo at wala parin sa'min ang balak na magsalita kaya magsasalita na sana ako nang pinutol na n'ya agad iyon.
"Sasamahan na kita." Sabi n'ya na ikinagulat ko.
Sasamahan talaga n'ya ako? Pero nakakahiya iyon sa isang katulad ko.
May kalahati sa'kin na natutuwa pero may kalahati din na nahihiya.
"Pero-"
Hindi na n'ya ako pinatapos at hinawakan na n'ya ang kamay ko. Nanginginig iyon at pilit kong tinatanggal sa kamay ni John pero mas malakas s'ya. Nang magsimula s'yang humakbang ay nandoon parin ako sa kinatatayuan dahilan para mapahinto s'ya at mapatingin sa'kin.
Ilang segundo n'ya akong tinitigan bago n'ya ako binitawan. Walang sabi sabing iniwan n'ya ako at malalaking hakbang na umalis s'ya.
Nangangamba ako, baka hindi na n'ya ako pansinin. Ayokong may sama s'yang loob sa'kin nang dahil lang do'n, at mas lalong ayokong nagagalit s'ya sa'kin.
Yumuko nalang ako at nagsimula nang naglakad papunta sa classroom namin. Sobrang naiinis ako sa sarili ko, kung bakit ganun nalang ang iniasta ko sa kanya.
Bumuntong hininga nalang ako bago pumasok sa classroom. Marami nang mga estudyanting nasa kanya-kanyang mga silya kaya siguradong malapit nang pumasok ang propesor namin.
Agad akong umupo sa bandang gilid ng pinaka-huling silya at agad na naglabas ng columnar pad at lapis para suriin ang ginawa kong kompyutasyon para sa subject na accounting.
Sobrang huli na ako sa klase at hindi ko alam kung makakahabol pa ako nito. Kailangan kasi ako ng tita ko dahil isa s'yang doktor at walang bumabantay sa nag-iisa n'yang anak. May isang beses na kumuha s'ya ng katulong para bantayan ang anak n'ya pero hindi nabantayan nito ang anak dahil iba ang atensyon nito kaya naaksidente at hanggang ngayon ay wala parin s'yang tiwala sa mga katulong.
Ako lang ang pinagkakatiwalaan ni tita dahil pamangkin n'ya ako. Matagal nang patay si tito, isa s'yang abogado at namatay dahil sa isang aksidente din--hindi, may tumangkang pumutay sa kan'ya noon. Kaya hanggang ngayon ay hindi parin n'ya matanggap-tanggap ang pagkamatay ni tito.