下載應用程式
16.41% Her Gangster Attitude / Chapter 11: Chapter 10: Waiting For Her

章節 11: Chapter 10: Waiting For Her

JAIRE

Kanina pa ako hindi mapakali at panay ang tingin sa suot kong relo. Twenty minutes na ang matuling lumipas pero hindi pa rin sumisipot ang magaling na si Aj. Ano bang ginagawa ng mokong na 'yun?

Mainit na ang ulo ni Boss. Kaninang recess time, halos kalahating espasyo ng canteen ang ipinareserba n'ya para lang sa transfer student na 'yun. Pero ni anino nito hindi namin nakita. At ngayon ngang lunch break, mas minabuti na lang namin na ipasundo kay Aj ang magaling na babaeng at heto nga. Twenty minutes na ang nagdaan, wala pa ring Aj na sumisipot.

"What's taking him so long?"

Napapitlag ako nang magsalita si Iker. Nagdidilim na ang mukha n'ya kaya pati kapaligiran namin ay gloomy na rin ang dating. Hindi ako nagsalita. I just look at Duke para s'ya na lang ang sumagot. Tutal naman mas naiintindihan n'ya ang pasikot-sikot ng magulong utak ni Iker. Baka mapamali ako ng sagot, mabawasan pa ng sampung taon ang lifespan ko.

"You yourself know how stubborn that girl is,"

Natahimik si Iker dahil sa tinuran ni Duke. Supalpal kaagad. Hanga naman ako at talaga namang mukhang napakahaba ng pasensya n'ya para sa country bumpkin na 'yun. Personally, I don't like the girl. But still I can't hide the fact that I am so curious about her. S'ya lang ang kauna-unahang babaeng nagtangkang sumagot ng pabalang kay Boss.

Napabuntong-hininga na lang ako. I want to see kung ano pa ang kaya n'yang gawin. Kung karapat-dapat ba talaga s'ya sa atensyon ni Boss o isa lang din s'ya sa mga babaeng nahuhumaling kay Boss dahil na rin sa kayamanang meron ang pamilya nila. Ano bang malay namin kung nagpapakipot lang s'ya? Karamihan naman sa mga babae ganun ang ugali hindi ba? After forty-five minutes, wala pa ring Aj na sumusulpot.

Gutom na gutom na ako and heck! Where is he!?

"She's not coming,"

Sabay kaming napatingin ni Duke sa tumayong si Iker. He looked so gloomy and...sad? Does he really looked sad?

"I wonder how big is her courage. To let Iker wait for an hour, she's the first,"

Napatingin ako sa bagong dating. Ang hacker ng grupo namin na si Lancelot. Bukod sa pangha-hack ng iba't-ibang uri ng system at paggawa ng malulupit na virus, malupit din sa chicks ang kumag na 'to dahil kung malupit ako sa chicks, di hamak na mas ang isang ito.

Napakamulsa pa ito habang papalapit sa amin ni Duke. Itinanong ko na rin sa sarili ko ang bagay na itinanong n'ya kanina. I really admire her courage. Sa sobrang laki noon, hindi na magawang ma-reach ng naguguluhan naming isipan.

"Nang dahil sa kanya nagutom ako at nabasted ng isa sa mga nililigawan ko. Damn, I will make her pay for this!"

Gigil na dumampot ng tinidor si Lance saka tinuhog ang malamig nang burger steak. Hindi pa ito nakontento, kinuha nito ang nakitang kutsara at nagsimulang kumain. Hindi kami makakibo ni Duke habang nakatingin sa ginagawa n'ya.

Since when did he grow his courage like that? Iniidolo n'ya na ba ngayon ang babaeng hinihintay ni Iker?

Samantalang kahit gutom na gutom na kami ni Duke hindi man lang namin magawang tumikim ng pagkain dahil hindi kayang tanggapin ng isipan namin na magpapakabusog kami habang ang boss namin ay namumuti na ang mata sa paghihintay. Kailan pa naunang kumain ang alipores kesa sa boss?

Muli akong napatingin kay Lancelot ng sunod-sunod s'yang mapaubo. Serves him right. Paano n'ya nasisikmurang kumain gayong alam naman n'yang hindi pa kami kumakain?

"W-what hap-ppend t-to y-you?!" Sa pagitan ng pag-ubo at pagtalsik ng mga nginuyang pagkain mula sa bibig n'ya ay pinilit n'ya pa ring magtanong. Nagtatakang napalingon ako sa tinatanong n'ya.

Napatulala ako ng makita ko ang itsura ni Aj. Literal na umiiyak ang loko habang nakasalampak sa sahig.

"W-what h-happened to you?" Kulang ang salitang 'gulat' nang makita ko ang itsura ng kumag.

Punong-puno ng kiss mark ang puting polo n'ya. May punit pa iyon sa laylayan. Ang slacks na pantalon n'ya naman ay namumuti na ang kulay. Sabog-sabog ang buhok n'yang alaga n'ya pa naman sa gatsby wax. At parang tinakasan na rin s'ya ng sarili n'yang kaluluwa.

Gusto ko sanang humagalpak ng tawa pero mas lamang ang pagka-curious na nararamdaman ko.

"I...I...I d-don't want to go there anymore! They're killing me! That girl...,"

Napakunot-noo ako ng bigla na lang pumalahaw si Aj. Nakakahiya talaga ang isang 'to. Mabuti na lang at wala ng mga estudyante sa canteen.

" I don't know where she is! Nang dumating ako sa classroom nila, wala na s'ya dun. I tried. I did my best para mahanap s'ya pero mga babaeng manyakis lang ang nakita ko. Look! They've took away my innocence!"

Asar na sinapak ko ang may saltik naming kaibigan. Kunyari pa 'to na nagdadalamhati, kitang-kita naman sa mga mata n'ya na gustong-gusto n'ya ang pinaggagagawa sa kanya.

"So, kaya hindi ka nakabalik agad kase nakipaglandian ka pa?" Nagsasalubong na ang mga kilay kong tanong. What the heck is wrong with his brain?! nagpapakagutom kami dito sa kahihintay, tapos pakikipaglandian lang pala ang uunahin n'ya dun?! This bastard!

"Hoy! Huwag kang nambibintang! Kahit bumalik ka pa sa section na 'yun ni anino ng babaeng 'yun di mo makikita. Ipinagkanulo ko na nga ang kamachohan ko para lang tulungan akong maghanap ng mga kaklase n'ya, malay ko bang papatusin nila at sasamantalahin ang pagkalalaki ko?!"

Sisipain ko na sana ng malakas-lakas sa mukha ang baliw na 'to kung hindi lang tumikhim si Duke.

"Duke, mainit ba ulo ni Boss?"

"Hanapin mo si Mang Seryo," sa halip ay sagot ni Duke na seryosong nakatingin sa cellphone n'ya.

"Ako na naman?" maktol ni Aj habang itinuturo pa ang sarili.

"Wasak na wasak ang pintuan sa classroom natin. Limang upuan ang namaalam na sa kani-kanilang armchair. Tell me Aj, dahil hindi mo nahanap ang babaeng 'yun ano sa palagay mo ang kahihinatnan ng mga buto mo sa katawan?"

Duke is so serious na pati ang balahibo ko sa kili-kili bukod pa sa batok ay nagsitayuan. I can vividly imagine the devastating effect of Iker's dissatisfaction.

"Teka, tinanong ko lang naman kung ako ba ang maghahanap eh. Hahanapin ko na nga diba? Hindi ba pwedeng magpahinga man lang kahit saglit? Nakakapagod kayang mag-akyat baba mula third floor hanggang first floor. Bakit kase hindi man lang nila lagyan ng escalator o elevator ang lugar na 'yun. Heto na, hahanapin ko na. Didiretcho na ako sa infirmary pagkatapos. Nabalian kaya ako ng balakang,"

Napailing na lang ako at napa-face palm habang sinusundan ng tingin ang papalabas sa canteen na si Aj. Paika-ika pa kung maglakad. Sarap tuluyan.

IYA

Napatingin ako sa limang natirang shrimp tempura. Busog na ako kaya wala na akong ganang kumain. Nang tumunog ang buzzer para sa lunch break, nagtungo kami kaagad sa Kitchen Dungeon nila Josefa, Yana, Ces at Sue. Nilinis namin ang buong lugar at mula sa freezer ay may nakuha pa kaming isang kilong hipon. May nakalagay na expiration date doon. Isang linggo na lang at mai-expire na iyon.

"Teka lang, kung meron nito dito ibig sabihin may iba pang nakakaalam ng lugar na ito? " hindi ko mapigilang itanong kay Yana.

"Ang pagkakatanda ko nakita ko pa doon sa tambakan ng mga walis iyong babaeng niligtas ko eh. Baka s'ya ang nagdala nito dito. "

Nagkibit-balikat na lang ako sa isinagot ni Yana. Kahit naman itanong ko kung saan ang tambakan na 'yun, hindi ko naman malalaman kung nasaan 'yun.

"Hindi kaya magulat sila kapag nakita nila tayo dito?" curious na tanong ni Ces.

"Nah. Magugulat lang sila pero wala na silang karapatan sa lugar na 'to. May kinuha lang s'ya or niluto that time tas natira 'tong mga 'to," turo ni Yana sa mga hipon. "Graduate na sila dito kaya wala na silang karapatan na gamitin ang lugar na 'to. It's our territory now," dagdag pa ni Yana.

Okay. Sabi mo eh.

Tahimik lang ako habang sinisimulang gawin ang shrimp tempura. Luckily there's still a lot of condiments inside the dungeon. May ilang tray pa ng egg. May kanya-kanyang glass jar ang rice flour, cake flour, all purpose flour, cornstarch, baking powder, at may ilan pa na hindi ko na tiningnan. Dalawang kilo siguro ang laman ng bawat isang glass jar.

Saglit lang namin ginawa ang shrimp tempura since magkakatulong kami lahat.

Nagdala na si Josefa ng sandamakmak na shrimp tempura sa classroom kaya naman ang natira ay pinagsalu-saluhan na naming lima. Dahil malalaki ang hipon, sa dalawang piraso pa lang ay busog na ako.

"Ito pa oh. Bakit ayaw n'yo ng kumain?" Maang na tanong ko sa apat.

"Busog na ako 'no. Lima na kaya ang nakain ko," ani Yana habang hinihimas pa ang flat naman n'yang tiyan.

"Full," tipid na sagot ni Sue. Hindi pa rin s'ya makatingin ng diretcho pero atleast, hindi na binabayaran ang bawat salitang lumalabas mula sa bibig n'ya dahil lumalabas na iyon ng kusa.

"Busog na rin ako beshy. Baka masira ang figure ko kapag dinagdagan ko pa ang kinain ko," anaman ni Josefa na kasalukuyang naghuhugas ng mga ginamit namin.

"Whoa! I eat a lot. Andami ko ng natikman na tempura pero kakaiba ang sa'yo girl," papuri naman ni Ces sa akin.

Napansin ko nga s'ya yata ang may pinakamaraming nakain.

"Wala ka bang ibang pagbibigyan o pagdadalhan?" Curious na tanong ni Yana.

Pagbibigyan?

Lihim akong napalunok dahil may isang tao na kaagad pumasok sa isipan ko. At sa pagkakatanda ko lahat ng mga niluluto kong pagkain noon, kinakain n'ya naman. Magtatanong muna s'ya kung ano bang pangalan nang pagkain na 'yun at kung edible ba ang kung anumang nakahain saka s'ya titikim. Kapag nagustuhan n'ya ang lasa, halos hindi na tumigil ang kamay n'ya sa sunod-sunod na pagsubo.

Pareho silang dalawa ni Trii, palagi nga silang nag-aagawan sa matitirang piraso ng kung anumang lutuin ko.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko ng maalala ko ang kapatid ko. Hindi ko mapigilan ang biglaang pag-iinit nang sulok ng mga mata ko.

"Yana, may kalahating oras pa naman tayo diba? Pwede bang dalhin natin sa kabilang campus 'to?" Itinaas ko pa ang Tupperware na may lamang shrimp tempura.

Nagkatingin ang apat. Pinagtaasan ko sila ng kilay dahil sabay-sabay pa silang ngumisi ng nakakaloko.

"May alam akong daan, pero teka lang. Ten minutes na lang at magsisimula na ang klase nila. Ipautos na lang natin kila Peter. Mas makakatakbo sila,"

Saglit akong napaisip. Tanggapin kaya ng lalaking 'yun ang pagkaing 'to? Huminga ako ng malalim saka iniabot kay Yana ang tupperware. Bakit ba ako kinakabahan? Dalawang buwan ko rin s'yang nakasama sa bukid at lahat naman ng pagkain namin doon ay kinakain n'ya naman ng walang reklamo. Ni hindi ko nga s'ya naipagluto ng shrimp tempura noon dahil maliliit lang na hipon ang kaya naming bilhin. Ipinansasahog lang namin 'yun sa mga gulay-gulay. O kaya pang-sinigang.

"Sige, ipasuyo mo na lang sa kanila,"

Mabilis na umalis si Yana ng maibigay ko sa kanya ang tempura. Tapos na rin naman kaming mag-ayos sa Kitchen Dungeon kaya paalis na rin kami. Ibinigay ko na kay Josefa ang listahan ng mga bibilhin n'ya para bukas.

"Oo nga pala, pwede n'yo ba akong samahang mamili mamaya?"

Sabay-sabay na napahinto sa kani-kanilang ginagawa ang tatlo.

"Anong bibilhin mo?" Si Ces ang unang nagtanong.

"Kailangan ko kaseng mamili ng mga damit. Pambahay saka pang-alis. 'Yung magaganda pero mura lang," medyo nahihiya kong sabi. Sa totoo lang, gusto ko sanang umalis at mamili mag-isa. Kaso lang wala naman akong alam na lugar. Hindi ko rin naman alam ang mga pasikot-sikot dito sa City X. Hindi naman siguro masamang humingi ng kaunting tulong sa kanila.

"Ay! Ako ang isama mo d'yan Beshy! Marami akong alam na pamilihan na mura lang pero sosyal ang datingan. Pero dahil si Celeste ang may sasakyan. Syempre, kasama din s'ya," mabilis pa sa alas-kwatrong pagv-volunteer ni Josefa.

"No problem. Isama na rin natin si Sue at Yana tutal naman business partners tayo. Kailangan pa nating mag-bonding para makilala ang isa't-isa," kagaya kanina, mabilis ding sumang-ayon si Ces sa gusto ni baklita.

Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko na poproblemahin kung saan hahanap ng mabibilhang damit na hindi mukhang basahan sa paningin ng magaling kong nanay.

Lumabas na kaming apat sa dungeon. Kagaya ng pagpasok namin kanina, wala ring nakapansin sa paglabas namin. O sadyang wala lang talagang pumapansin dahil kinausap na silang lahat ni Yana? Hanga na talaga ako sa kayang gawin ng babaeng 'yun. Lahat na lang ilag sa kanya eh. Isang salita n'ya lang, nagkukumahog na susunod kaagad sa kanya ang kausap.

Pagdating namin sa loob ng classroom ay naabutan naming nagkakagulo sila Peter at ang grupo n'ya.

"Anong nangyari?" Nagtataka naming tanong. Palagi namin silang nakikitang nag-aasaran pero ngayon lang namin nakitang nagtatalo sila ng ganito.

"Itinapon nga pabalik sa amin!" Napapakamot sa ulong bulalas ni Emman.

"Sinong pinagbigyan n'yo?" Tanong naman ni Peter.

"Di kaklase din nila. Nakita namin sa loob ng classroom si de Ayala eh. 'Yung kaklase n'yang nasa tabi ng pintuan ang tinawag ko. Sabi ko sa kanya, ibigay n'ya kay de Ayala. Kaso nang makalabas na kami sa building, may kung sinong bumato sa amin. Hindi namin nakita kung sino. Basta nakita na lang namin na 'yung binato ay iyong tupperware. Ito nga, tumilapon palabas ng tupperware itong tempura ni Boss Iya, hindi na 'to pwedeng kainin," mahabang pangangatwiran naman ni Philip.

Napatingin ako sa hawak n'ya. Iba na nga ang kulay ng tempura sa loob dahil sa dumi. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko hindi ko kayang pigilan ang biglang pagkulo ng nag-iinit kong dugo.

Ganun pala huh? So ganyan pala ang ugali n'ya sa tunay n'yang mundo? Hindi kaya pagkakatapos n'yang kumain ng mga pagkaing niluluto ko noon ay naduduwal s'ya na kulang na lang ay ilabas n'ya pati mga lamang loob n'ya?!

Ilang beses akong huminga ng malalim at mariing pumikit. I count from 1 to 20 bago humupa ang sari-saring damdaming pumapaloob sa pagkatao ko.

Galit. Inis. Lungkot. At higit sa lahat, disappointment.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C11
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄