下載應用程式
9.52% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 24: Broken Principles

章節 24: Broken Principles

Laine's Point of View

MALAPIT na ang foundation day ng school, kasabay ito ng feast day ni Mama Mary.

Kailangan kong mag rehearse para sa talent ko, at ilang araw na lang ang natitira para mag practice kaya kailangan ma-perfect ko na.Medyo mahirap pa naman yung gagawin ko.

Ayos na yung gown na isusuot ko, pati yung para sa talent at casual attire naayos na lahat ni mommy.Halos araw- araw, medyo gabi na ako nakakauwi dahil nga sa practice.

Pero ngayung araw maaga kaming umuwi,pahinga naman daw, 3 days na lang kasi.

Dahil na miss ko na ang barkada, pinuntahan ko si Candy.

" Insan,punta tayo kila Rina, yayain natin sila, kain tayo ng inihaw sa bayan." bungad ko.

" Naku insan, nasa school pa yung tatlo mamaya pa yon.Gusto mo sunduin natin sila?" sabi nya.

" Okey, sige hindi ko pa nga nakikita yung school ninyo eh!" excited kong sabi.Magkakasama kasi sila sa school at ako lang ang nahiwalay.

" Sigurado ka ba dyan? Dun din nag-aaral yung bestfriend mo?" tanong nya.

Natigilan ako sa tanong nya.Oo nga pala pero siguro naman hindi namin makikita yon.

" Hindi naman siguro natin makikita yon, sakali man baka malayo pa lang tayo magtatago na yun para makaiwas".sagot ko na medyo alanganin pa.

" Oo nga ano? Sige lika na!" excited na nyang pagyaya sabay hila sa akin.

Habang naglalakad kami ni Candy, nag- uusap lang kami para hindi kami mainip medyo malayo pa kasi yung school.

" Musta na yung practice mo para sa pageant? Three days na lang insan, hindi ka ba kinakabahan?"

" Okey naman, konting practice na lang perfect ko na siguro yun.Punta kayo ng barkada ha? support lang ba para hindi naman ako kabahan."

" Sure, napag- usapan na namin yon ng barkada, friday night naman yun di ba? kaya free na kami lahat.At isa pa, hindi ka naman namin pwedeng pabayaan noh!Proud kaya kami sayo."

masayang sabi pa nya.

Nung parang napapagod na kami sa paglalakad nag suggest na si Candy.

" Laine sa short cut na lang tayo dumaan para mabilis,para nasa likod na ng school agad tayo." si Candy.

" Sige, ikaw naman nakakaalam nyan sunod lang ako sayo." ayon ko.

Nagmamadali na kaming lumakad ni Candy.

Pagdating namin malapit sa likod ng school, may nakita kaming dalawang tao na nakaupo dun sa concrete bench,yung girl medyo nakaharap sa amin,kaya nakita ko yung itsura nya.Maiksi yung hair nya,hindi naman sya kagandahan pero malakas ang sex appeal nya.Magkaharap silang nag-uusap nung lalaki kaya hindi ko makita ang itsura nung guy.Para silang nagliligawan dahil sobrang lapit ng face nila at hawak pa ni girl yung kamay ni guy.

Hindi ko alam kung bakit parang kinabahan ako sa eksenang nakita ko.

Siguro instinct nga,dahil nung dumaan na kami ni Candy automatic na napatingin sila pareho at laking gulat ko ng si Nhel yung nakita ko na kaharap nung girl.

Saglit na nagtama ang paningin namin at siya ang unang nagbawi ng tingin.Hindi ko alam kung napansin yun ni Candy, kasi dali-dali nya akong hinila palayo sa lugar na yon.

Panibagong sakit na naman yung naramdaman ko.Six months na ang lumipas nung makita ko syang nakipag halikan kay Lovie pero pinilit ko yung kalimutan, at ngayon heto na naman, isang pagbali na naman sa prinsipyo nya.

Hindi ako dapat nasasaktan dahil magkaibigan lang naman kami, oo crush ko sya pero bakit ganon ang nararamdaman ko? Bakit parang may kurot sa puso?

Sa wakas nakapasok na kami sa loob ng school.Habang hinihintay namin sila Rina, umupo muna kami ni Candy sa waiting area nung school.

" Insan, okey ka lang?" tanong nya.

" Bakit ganyan naman ang tanong mo? Mukha ba akong hindi okey?"

balik tanong ko sa kanya.

" Kasi alam ko, nagulat ka dun sa nakita mo dun sa likod." sabi nya.

" Hay insan, nagulat lang ako dahil hindi ko ine- expect na sya yun pero for sure okey lang ako." sabi ko.

" Hindi naman maganda yung girl ano? Hindi sila bagay.Mas maganda ka dun ng di hamak."

" Hoy! insan, san nanggaling yun ha?

tumatawa kong sabi.

" Mamaya may makarinig sayo dyan!"

dagdag ko pa.

" Ah basta para sa akin, walang ibang babaeng bagay kay Nielsen kundi ikaw lang.Taga mo yan sa bato insan!"

seryoso nyang sabi.

" Hoy! Hoy! Tigil-tigilan mo ako at di nakakatuwa yan insan.Wala pa sa isip ko yang ganyang bagay.Itaga mo yan sa tubig!

At nagtawanan na lang kaming dalawa.

Maya-maya dumating na rin yung tatlo at dumiretso na kami sa bayan para kumain ng inihaw.

Nung gabing yun habang nakahiga na ako para matulog, naisip ko na naman yung nangyari kanina.Yung saglit na pagtama ng paningin namin ni Nhel.May nabasa akong emotions dun sa tingin nya sa akin kanina pero nagbawi rin naman agad sya.Kasi alam nyang mababasa ko yon.He knew me very well at alam nyang may kakayahan akong ganon.

I saw sadness and pain in his eyes at yun din naman ang nararamdaman ko nung mga sandaling yon.

After six months of not being together, alam namin pareho na hindi pa rin kami nasasanay.

And maybe, we should do something about it!

And it's not too late.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C24
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄