下載應用程式
6.74% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 17: Pagbalik Tanaw sa Nakaraan 16 Start of friendship

章節 17: Pagbalik Tanaw sa Nakaraan 16 Start of friendship

Laine's Point of View

NATATAKOT na talaga ako nung nasa itaas na yung ferris wheel kaya nung kunin ni Nhel yung kamay ko and intertwined our fingers hindi na ako tumutol.Tama sya, it made me feel better,parang kapag hawak nya ako, no harm done.

Ewan ko ba, yun ang naramdaman ko that moment.I feel safe with him.Siguro nga dahil crush ko naman talaga sya kahit palagi kaming nagbabangayan.

Nung bumilis na yung ikot nung ferris wheel, wala na, inalis ko na yung mga kamay ko sa pagkakahawak nya.

Naramdaman ko na parang gusto nyang tumutol pero nagulat sya sa sunod na sinabi ko.

" Nhel, I'm scared! Can you hug me please?" sabi ko.Ewan ko kung bakit ko nasabi yon,dala na rin siguro ng sobrang takot ko.

Nabigla sya sa sinabi ko pero saglit lang at niyakap nya na ako ng mahigpit habang hinihimas nya yung likod ko to comfort me.

Nasa ganung posisyon lang kami habang umiikot yung ferris wheel.Naririnig ko ang malakas na tibok ng puso nya na kakatwang pareho nung sa akin.Bakit ganun?

At nung humina na yung ikot ng ferris wheel at malapit na kaming bumaba, binitawan na nya ako.

" Thank you!"  nahihiyang sabi ko.

He just smiled and nodded.At pinuntahan na namin yung mga kasama namin na nauna na sa Bingohan.

Nang magsawa na kami kakalaro at kakaikot sa perya at marahil pagod na rin pare-pareho,napagpasyahan namin na umuwi na.

Sumakay na si Nhel at Lovie sa ibang tricycle dahil hindi na sila kasya dun sa amin.

Hinatid na nila ako sa bahay at si Tita Baby na lang ang nagbukas ng gate para sa akin dahil tulog na raw sila mommy.

Naglinis na ako ng katawan at nagbihis na ng pantulog ko.Habang nakahiga ako sa kama naisip ko yung mga nangyari kanina sa ferris wheel.Naisip ko si Nhel.Napaka gentleman naman pala nung mokong na yun, mas okey pala kung hindi kami nagbabangayan.At yung ngiti nya, my gosh! puyat na naman ako nyan kaiisip sa ngiting yun.

Haaay! Alyanna Maine, bata ka pa diba? Bakit ganyan na ang nararamdaman mo? Sige, crush lang ha? hindi pwede ang mas deeper pa dun.

Tok tok tok...may kumakatok sa door ko.

" Laine, gising ka pa ba?" si tita yun ah.

Bumangon ako at pinagbuksan sya.

" Tita bakit po?"

" Nasa terrace si Nhel,hinahanap ka."

sagot sa akin ni tita.

" Po? Si Nhel po? Bakit daw?"

sunod-sunod na tanong ko kay tita.

" Hindi ko alam ikaw na magtanong, inaantok na ako,ikaw na magsara ng mga pinto pagkaalis nya ha?"bilin ni tita sa akin.

" O sige po,good night po."

Tinignan ko ang oras magte- ten pm na. Ano kaya ginagawa dito ng mokong na yun?

Lumabas na rin ako baka lamukin pa yun sa labas.

" Bakit? Gabi na ah." bungad ko.

" Matutulog kana ba?" tanong nya.

" Hindi pa naman, actually hindi pa nga ako makatulog eh." sagot ko.

" Ayos!" pabulong nyang sabi pero narinig ko naman.

" Anong ayos?" tanong ko.

" Ah kasi hindi rin ako makatulog kaya naisipan kong pumunta dito baka sakaling gising ka pa." paliwanag nya.

" Bakit ako ang pinuntahan mo? Bakit hindi si Lovie?" tanong ko uli sa kanya.

" Ikaw kasi yung naisip kong puntahan." sagot uli nya.

" Eh bakit nga?" kulit ko uli sa kanya.

" Kailangan ba may dahilan pag gusto mong puntahan ang isang tao?" tila naaasar na sya.

" Oo naman, there's always a reason for everything.Tsaka isa pa hindi natural sa ating dalawa to di ba?" sagot ko pero nakangiti na.

" Okey, gusto kong makipag kwentuhan sayo para magkakilala na tayo ng lubusan.Mas maganda pala kung magiging friends tayo kesa lagi tayong nagbabangayan." paliwanag nya.

" At this hour of the night? You must be kidding!" sabi ko.

" Bakit hindi eh pareho naman tayong hindi makatulog." sagot nya.

" Alright, ano naman pag-uusapan natin?" pagsuko ko tutal hindi rin naman ako makatulog.

" Kahit ano! Favorites, interest or kahit mga personal." siya.

" Okey! Call ako dyan." pag ayon ko.

" Sige ako muna magtatanong, ano favorite food mo at color?" pangunguna ko sa kanya.

" Color? black, white and blue...sa food naman, kare-kare,beef steak at spaghetti." sagot nya.

" Ikaw naman,same question na lang."

sabi nya naman.

" Sa food, pareho tayo, sa color naman, I like white and light blue."

" So, halos pareho lang pala tayo ng favorites.

" Oo nga ano!" sabi ko.

" Ano naman mga interests mo?" siya naman unang nagtanong.

" Reading books and cooking." sagot ko sa kanya.

" Cooking? Ibig sabihin marunong ka ng magluto?" namamanghang tanong nya.

" Yap! Passion ko yun.At specialty ko yung kare- kare." proud na sabi ko.

" Talaga? At your age,kaya mo na yun? tanong nya uli.

" Oo naman kasi ini- enrolled nila ako sa cooking school last summer,pati baking pinag-aralan ko na rin.Meron nga na mas bata pa sa akin sa cooking class." kwento ko sa kanya.

" Great! Ang galing mo pala." sabi nya.

" Hindi naman.Ikaw, ano mga interests mo?"tanong ko.

" Volleyball  and Cars." sagot nya.

" Bakit hindi basketball? Usually pag boys hilig nila basketball di ba?" hirit ko pa.

" Maiba lang.Varsity kasi ako ng volleyball sa school.Although mahilig din akong manood at maglaro ng basketball sometimes." sagot naman nya.

" Uhm, ganon? Eh personal questions naman..Ano ang definition ng love sayo? tanong ko.

" Sa age mong yan, iyan pa talaga ang tanong mo ha? nangingiti nyang balik tanong sa akin.

" Eh ikaw naman ang sasagot, hindi naman ako di ba? And FYI 13 years old na ako at tinatanong na yan sa slumbook." turan ko.

" Okey sige..Love?Uhm... strange feeling yan na hindi kayang i- explain.Sinasabi yan dun sa taong seseryosohin mo.Pag nag I love you na ako sa isang tao, forever ko na yun at siya lang talaga.Gets mo? mahabang paliwanag nya.

" You mean, sa dami ng naging girlfriends mo,kahit isa wala ka pang sinabihan ng 3 -words na yun? takang tanong ko.

" Oo, at wala akong niligawan sa kanila kahit isa.Para sa akin sagrado ang love, pag niligawan ko ibig sabihin seryoso na ako at sya na rin yung forever ko.Wala pa akong nai- date, naipakilala sa magulang ko at nahalikan.Ibibigay ko lang ang lahat ng first time ko sa taong seseryosahin ko!" mahabang sabi nya.

Pwede pala yun na kahit hindi mo niligawan eh magiging girlfriend mo na? May ganun? ngayon ko lang nalaman yun at dito kay Nhel pa.Pero parang ang pangit naman sa side ng babae yun.Pag ako gusto ko liligawan ako at syempre yung sasabihan ako ng i love you.Sabi kasi ni mommy yun ang basis para malaman mo kung sincere sayo yung guy.

Meaning hindi talaga naging girlfriend ni Nhel yung mga babaeng na involved sa kanya kahit pati si Lovie?Fling lang ba yung tawag dun? yung walang commitment.

Ay ang gulo nya.Pero bakit ko ba poproblemahin yun eh hindi naman ako interesadong mapabilang sa mga fling fling na yun.

Crush ko sya,oo pero hindi ko  hahayaang malaman nya yun.

Mamatay na umamin!


創作者的想法
AIGENMARIE AIGENMARIE

O ano guys, magkasundo na ang ating mga bida.Abangan nyo kung ano ang susunod na mangyayari..

Comments please.Thanks!

God bless...?

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C17
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄