下載應用程式
98.52% Kiss of Death and Shadows / Chapter 335: I surrender everything to Him

章節 335: I surrender everything to Him

NAKALAPAG na ang lahat sa lupa. Binaba ni Cael si Lexine. Nakatingala si Lexine sa langit habang pinagmamasdan na bumaba ang higanteng chinese dragon. Lumiwanag ang buong katawan nito at ilang sandali pa nang magbalik sa taong anyo si Night.

Agad niya itong tinakbo at tinalon ng yakap, "Night!"

Bumagsak ang katawan ni Night sa balikat niya. Sabay silang napaupo.

"Night… Night…."

Duguan at maraming tama sa katawan ito na gawa ni Lucifer. Wala ng kulay ang mukha nito at nanghihina na. Sinandal ni Lexine ang ulo ng asawa sa kanyang balikat. Tila bagyo na bumubuhos ang kanyang luha habang yakap ito.

"Night, nagtagumpay tayo, wala na si Lucifer, patay na ang hari ng kadiliman," marahan niyang hinahaplos ang mukha nito.

Bahagya lang ang pagdilat ng mata ni Night at maliit na ngumiti.

"Le… xine..."

Tinaas nito ang nanginginig na palad at buong pagmamahal na hinaplos ang kanyang pisngi. Pumikit siya at pinatong ang mukha sa kamay nito habang ninanamnam ang init na dulot niyon.

Dahan-dahang lumapit si Miyu sa dalawa at inabot si Ayesha. Binuhat ni Lexine sa bisig ang anak at pinakita sa asawa.

Nakadilat ang inosente nitong mga mata, "Our little Angel, Night. Baby, you're daddy is here," pinatong ni Lexine ang anak sa dibdib ng asawa.

Walang kapantay ang ngiti ni Night nang sa wakas at nahawakan niya ang kanilang anak, hinalikan niya ito sa noo at pinagmasdan ang maganda nitong mukha.

"You're beautiful just like your mother, my love. Thank you for coming in our life. Daddy loves you so much little angel. Please promise daddy that you will make mommy happy."

Mas lumakas ang hagulgol ni Lexine at mabilis na umiling, "Night, please, please don't leave us."

Malungkot na ngumiti si Night at tinignan ang asawa, sa huling sandali ng buhay niya, siya na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo na makapiling ang mag-ina. Ang dalawang babaeng pinagkaloob sa kanya ng Ama na habangbuhay niyang dadalhin sa kanyang puso saan man siya magpunta.

Kinuha niya ang kamay ni Lexine at hinalikan iyon ng madiin, saka tumingin sa mga mata nitong hilam sa luha, "Live a bright and happy future with our daughter, I'll always love you… forever…"

Ngumiti si Night sa huling pagkakataon at tumingala sa kalangitan, handa na siyang tangapin ang kanyang kapalaran.

"I am genuinely grateful to Him for giving you and Ayesha in my life. I was able to feel the love and happiness that I believed I don't deserve. But He affirmed to me that despite all the wrong things that I have done, He never had forsaken me. Through you and Ayesha, I was able to behold the light again. Now, I surrender everything to Him. If this was his plan, then I'll accept it."

Unti-unting pinikit ni Night ang mga mata. Ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa kamay ni Lexine ay dahan-dahang nahulog.

Tahimik na umiyak at yumuko si Lexine habang yakap ang mag-ama. Sa paligid niya nagdadalamhati ang bawat isa.

Tuluyang humupa ang pinakamalaking delubyong tumama sa buong mundo ngunit kapalit niyon ay isang mahalagang buhay. Ang sakripisyo ni binigay ni Night upang iligtas ang buong mundo ay mananatili sa kanilang puso, magpakailanman.


創作者的想法
AnjGee AnjGee

May next chapter pa bess, kalma :)

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C335
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄