@International_Pen
((( SENA )))
Bago kami umuwi nila Sean, nangyaya muna si Aling Marta na kumain muna ng pananghalian kaya wala nang nagawa si Sean ng matakam ako sa ulam. Wow… Inihaw na Tilapia saka yung toyo na may kalamansi at sili… parang yung sa Mang Inasal lang. Sobrang napalaway ako lalo na sa amoy. Muli ko na namang nakita si Sean na napailing sa akin.
"Thank you po sa pagkain."
Saka kumain.
"Dahan dahan lang." Marahan na sabi sa akin ni Sean. Ngiti na lang ang isinagot ko sa kanya. Syempre naman kailangan magdahan dahan lalo na sa tinik pa naman ng Tilapia. Pero yung dahan dahan na yun, ayan pinaghimay niya ako ng isda at sa wala nang tinik ang binibigay sa akin.
"Thank you…" mahina ko na lang na sabi. Sana palagi na lang ako buntis, para may instant alalay na ako.
"Seryoso ka ba talaga na gusto mong maging sekretarya ko?"
Tanong ulit ni Sean tungkol sa bagay na yan.