@International_Pen
((( LUIS )))
Bully…
Kamusta na kaya ang bully na yun. Nang lumapit sa akin si Josh. May ibinulong na siyang kanina lang na tanong ko.
"Di natuloy ang kasal nila?"
Napatango ito sa akin… na malinaw ko namang narinig kay Josh. Napabuntong hininga ako. Sigurado may kinalaman ito sa tradisyon na ginagawa ng pamilyang Madrid. Ang tanong ko sa sarili ko… Makikigulo pa ba ako sa kanila? Na tuluyan ko na ngang pinalaya ang sarili ko. Muli pa ba akong babalik? Tsk.
"Tungkol ba ito sa gustong mangyari ng Madrid?"
"Yes Sir."
"Anong balak ni Sean?"
Napakamot si Josh.
"Sir Luis, sabi kasi ni Jane… yung katulong ni Miss Sena."
Napatango ako… dahil kilala ko ito.
"Ano, nakipaghiwalay na si Master Sean sa kanya. Tanging magtutulay na lamang sa kanila… yung dinadalang bata sa sinapupunan niya."
Napaupo ako… napa-angat ang paningin sa kalangitan.