@ International_Pen
((( SENA )))
Kaya di ko na napigilan sarili ko… napasigaw na ako ng ubod lakas!
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH…."
Masama pa bigla akong pinatahimik gamit yung kamay niya na tinakip sa bibig ko. Kaya sa huli kong lakas… at nakapag recharge din ako ng energy kahit paano… malakas kong kinuha kamay at kinagat yun. Paano na nga lang kung si Valak nga… diba agnas na katawan niya. Sadyang panlaban niya yung mukha niyang nakakatakot at ang power na pasulpot sulpot na lang! Edi may chance ako na I double kill siya, ayaw pa lumayas sa mundong to! Hoy di ka na dito welcome!
" Awwwwwwwww… Misss Sena!"
Huh? Tinawag niya akong Miss Sena… sa puti ng kamay niya… At yung boses niya kilala ko… si … umangat paningin ko… at lumuwag na yung kagat ko sa kamay niya… Si Cecile na agad kong binitawan kamay niya.