@ International_Pen
((( Sena )))
Nangangati ang tiyan ko...
Nakaupo ako ...
Nasa harapan ko isang palaruan ng mga bata.
May naririnig akong hagikhik ng dalawang bata...
Walang ... napalingon ako sa aking likuran, mga dahon na nililipad ng hangin...
Nakakapagtaka... walang tao sa paligid...
Pero may naririnig akong takbuhan at tawanan ng mga bata.
Tumayo ako...
Gumalaw yung Swing na parang may nakaupo kanina...
Biglang umulan ...
Patakbo na sana ako sa may silong ng makita ko yung isang batang babae... na nababasa habang may ginagawa ito sa damuhan...
Basa na ako...
Ng lapitan ko...
Napaharap siya sa akin...
Inilahad niya ang kamay na...
Merong ibong basa...
Di makalipad...
Binigay ng batang babae sakin...
Saka ito tumakbo palayo...
Muli kong binalingan ang ibon...
Nanlaki ang mga mata ko...
Dahil... puno na ng dugo ang kamay ko...
Dumaloy sa braso ko...
May kamay na humawak sa braso ko...
At pag angat ko ng paningin...
" Sena!"
Napamulat ako.