Zen's POV
Napatayo ako ng tumalsik si Storm sa may Gilid at tumama ang katawan nito sa Wall ng Cage.
Napatingin naman sakin si Vernon na may pagaalala sa mga mata nito.
Dali dali rin naman na bumangon si Storm na halata na iniinda ang sakit ng katawan nito. Saka lang ako nakahinga ng maluwag dahil lagot talaga ako sa pinsan neto pag napahamak to, di bale di ko naman hahayaan yun na mangyare.
Tumakbo ito ng mabilis papunta sa pwesto ni Hellcurt, at sinalubong naman sya nito habang naka porma na hawak ang spada nito.
Nang akma ng aatakihin sya nito ay madali lamang itong naiwasan ni Storm at saka umikot papunta sa likod nito at sinipa ang likod ng tuhod nito na dahilan ng pagluhod ni Hellkurt, tss. Lampa
Hahampasin na sana ni Storm ang batok nito ay nakaiwas ito sa pamamagitan ng pagyuko at saka ito mabilis na bumangon.
At sa hindi inaasahan ay biglang umatake sa likuran ni Storm si Wolf pero naiwasan rin naman ito ni storm.
Saka naman nakakuha ng tyansa si HellKurt na masugatan si storm sa kaliwang braso nito, agad na tumulo ang masaganang dugo ni storm sa braso nito.
Fvck!
Napaatras si storm at saka hinawakan ang braso nito na nagdurugo.
Pumikit ito na halatang iniinda ang sakit. Should I pull him out now!?
Storm's POV
Arghh!
Ipinikit ko ang mata ko para pakiramdaman ang paligid para indahin na rin ang hapdi ng braso ko.
Naramdaman ko ang mga mabibigat na yabag ng paa patakbo sa direksyon ko galing sa bandang kaliwa.
Si Hellkurt.
Iwinasiwas nya ito sa ulo ko kaya agad akong yumuko para maiwasan ito.
Saka banayad na umikot pakanan at sinipa ang kamay nito na may hawak ng spada.
Nang Nabitawan nito ang spada, at saka ko sinipa ang mukha nito na hindi ko alam kung nararapat ba na mag exist sa mundo.
Sisipain sana ni wolf ang tiyan ko ngunit nahawakan ko ang paa nito at saka iniikot saka inipon ang pwersa upang maitapon ito sa kabilang banda.
I form my two fingers at pinagdikit ito, titirahin ko na sana ito sa tiyan ngunit na counter nito ang aking galaw. Ginamit ko ang kanan kong kamay saka pinisil ang gilid ni nape nito.
Hindi ito tuluyan na nawalan ng malay pero alam ko na nahihilo na ito.
Tss.. Kaasar!
Rust's POV
Naandito lang ako sa sulok ng cage habang pinapanuod silang magpatayan. Hindi ako duwag hindi lang muna ako umaatake dahil ayaw kong magsayang ng lakas sa mahihina.
Habang nakapwesto ako dito bigla namang may umatake sa akin sa gilid at sinipa ang aking tagiliran, kung sino yun? Edi si Wolf.
Malamya ito gumalaw kung titignan mo pero may pwersa ang bawat bira.
Saka ko binigyan ng straight attack ang dib-dib nito saka sinundan sa tiyan, pero na harang nito ang huli kong tira, kaya naman sinundan ko ito ng sipa.
Agad rin naman itong nakabangon pero bago pa ito makatayo unti unti ng humiyaw ito sa sakit na nararamdaman nya.
Napangisi nalang ako dahil sa naririnig ko.
Shouting from pain is my music.
"A-ano-anong gi.. Ginawa mo... " at tuluyan na itong tumumba at nawalan ng malay.
Saka unti unting pumula ang balat nito na parang sinusunog ng apoy.
Kung anong nangyari? Sinunog sya ng asido mula sa loob, paano? Dahil sa lason.
Sa Lason na nakalagay sa Needle ko na natusok ko sa kanya ng atakihin ko sya sa dibdib.
Storm's POV.
May narinig kaming sigaw ng babae, ngayon ko lang naalala may isa pa nga palang lalaki.
Pinagpatuloy ko lang ang laban ko kay Hellkurt, ng mapansin ko na malapit lang pala ako sa espada na gamit nya kanina.
Umikot ako ng nakayuko para makuha ang espada hindi naman ito inaasahan ni Hellkurt at saktaong pagharap ko ay nalas-las ang leeg nito, kung laslas man na matatawag ito dahil halos humiwalay na ang ulo nito sa leeg.
*Clap clap clap*
Nakita ko ang isang lalaki na naglalakad papalapit sa akin habang pumapalakpak at nakangiti.
"ang galing mo naman bata!" sabi nito sa nakakaasar na tono.
"wag ka nang madaldal tanda! Tapusin na natin to! " at saka ako tumakbo sa direksyon nya.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang sunog na bangkay ni Wolf, gumagamit ba sya ng apoy?, pero wala naman akong nakita o naamoy na usok kanina.
Palapit pa lang ako ng may maramdaman akong tumusok sa balikat ko, karayom.
Then he is a needle user, ano kayang lason ang gamit nya?.
Napangiti ako sa Naisip ko.
Sinipa ko sya sa kanyang gilid at hindi naman ito nakaiwas, as expected mahina sya sa melee combat.
Sinuntok ko ito sa tiyan, may naramdaman na naman akong karayom sa tiyan ko.
"Yan lang ba ang kaya mo? " tanong ko rito na may halong pangaasar.
"I-ikaw... Anong klase ka"naguguluhang sagot nito.
Nagtataka siguro sya dahil hindi tumatalab sakin ang mga lason nya.
Zen's POV
Napangisi ako habang pinapanuod ang laban sa loob ng cage.
Halata sa mukha na may inaasahan syang reaksyon sa katawan ni Storm.
Hinataw ni Storm ang likuran ni Rust.
Napadapa ito sa sahig at saka pumatong si Storm sa likuran nito. At may pinisil na kung ano sa likuran nito hanggang sa nalagutan ito ng hininga.
Sa totoo lang Delikado ang needle user na yon dahil ang lason na gamit nya ay bihira lang ang kayang gumawa.
Pero wala syang laban kay Storm, bakit?
Dahil naging Lab Rat sya dati. At dahil don. Kahit anong lason ay hindi na tumatalab sa kanya, wala ng reaksyon ang katawan nya.
"And now! Let me Announce Our Death Giver. Storm! " at lumabas na si Storm sa cage.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ito ng mahigpit.
"Nice Job! " at saka ako nakipag apir rito...
So? any comments?
— 新章節待更 — 寫檢討