CHAPTER 58
YTCHEE'S POV
Hindi ko alam kung anong tumatakbo ngayon sa utak ng payatot na 'to. Halos hindi na naman kasi mapaghiwalay ang kilay niya, konting konti na lang mukhang mag iisang linya na sila sa bandang noo niya.
Hinampas ko siya ng mahina sa braso. "Hoy, dahan dahan naman sa pag pedal baka makarating tayo ng South China Sea!"
"H-Huh?" Wala sa sariling sagot niya.
'Sinasabi ko na nga ba may sanib na naman siya.'
"Do you like him?" Prangkang tanong ko at lalo siyang nabalisa.
"D-Do i like who?"
"Si MJ Belmonte kako do you like her?" Sarkastikong sagot ko dahil sa pagbibingi bingihan niya.
"What? No! Are you insane?" Galit na sagot niya.
"Sagutin mo kasi ng maayos yung tanong ko. Obvious ka na nag de-deny ka pa!"
"I don't know." Napasabunot siya sa ulo. "Maybe im out of my mind. I mean he's really not my type. He's not even a girl for Pete's sake. Ugh, this is really frustrating."
'So you like him nga dami oang sinasabi eh.'
Gusto kong matawa sa mga reactions niya. Alam ko namang gulong gulo na siya. Naninibago sa nararamdaman niya, kahit naman siguro sinong tao na ko-confuse sa nararamdaman nila dadaan sa stage na mapa praning din sila kagaya nitong isa.
"I feel you my friend. Same thing happened to me when i fall in love with Bonnie."
"No, mine is different its really unexpected." Para siyang adik na hindi mapakali at maya't maya ang pagkukuyakoy ng legs niya.
"Diba nga may kasabihan—"
"Yan ka na naman sa mga kasbihan mo." Putol niya sa sinasabi ko.
"We often all in love with the most unexpected person at the most unexpected time and do
unexpected things."
"But why him of all people?"
"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Maybe you're too busy watching him that's why you never notice.."
"Kalokohan yan!"
"Kalokohan? Kaya pala nasisira na yang ulo mo kakaisip ngayon!?"
"I mean, c'mon dude this is crazy you know?!" padabog niyang sagot.
"Sabi nga nila—"
"Peste, yan ka na naman eh." napipikang tugon niya.
"Makinig ka muna kasi. Falling for someone is like the rain. You can't predict it, but you can always see signs of it before it completely falls."
"I hate it.."
"You hate who, Lucky? Bakit kasalanan ba niya na ma fall ka sa kagaya niya?"
"No! This." Madiing turo niya sa dibdib niya. "This feeling, its confusing me. Its unfair Ytchee. Its really unfair." Malungkot na sagot niya.
"All is fair in Love and War my friend." Iiling iling na sagot ko. Gusto kong matawa ng bigtime.
"But still its so unfair. Bakit ako lang ang nakakaramdam ng ganito? Bakit siya hindi niya ba ako gusto? Panget ba ako? Hindi ba ako masayang kasama kagaya ng pinsan ko? Hindi ko ba siya kayang pasayahin katulad mg ginagawa niya?" Hinampas niya ng malakas ang bangka namin at napayuko siya sa braso na nakasandal sa tuhod niya.
"When you like someone its only natural to express your emotions. Its okay to let your feelings out. Its healthy you know."
"Healthy?! Look at me. Do i look mentally healthy Ytchee?"
"I know you're having a hard time thingking about it. Trust me, its okay not to be okay my friend." Hinagod ko ang likuran niya.
'Kung nakikita lang ni Lucky si Kenneth ngayon malamang mag pa sex change na siya agad agad. Ganda mo friend!'
"I'm not okay. Naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako dahil hindi siya mukhang apektado sa sitwasiyon namin. Parang ako lang yung involved sa issue at siya nagpapakasaya."
'Lintek, kung pwede ko lang idaldal sa ungas na 'tong may gusto din sa kanya si Inday, nakuh baka mag dive to sa lagoon bigla!'
"So nagseselos ka nga sa kanilang dalawa?" tumuwid ako ng upo at humarap sa kanya.
"Ano ngayon kung nagseselos ako? Alam ko namang kanina pa niya sinasadyang pagselosin ako eh." Galit na sagot niya.
"A-Alam mo?" Nagtatakang tanong ko at bigla kong tinakpan ang bibig ko sa pagkabigla.
'Buset na bibig 'to walang preno! Lord please tatahimik na ako last na to.'
"A-Anong alam ko?" Sabay lingon niya at nagkunwari akong abala sa pag pe-pedal.
Napakanta na lang ako. "MAGBANGKA AY DI BIRO, MAGHAPONG NAKA UPO. DI MAN LANG MAKAYUKO, DI MANLANG MAKATAYO---" (To the tune of Magtanim Ay Di Biro)
"Ytchee!" Malakas na hampas niya sa bangka.
"Ayy, shokoy!" Gulat na sagot ko at bigla ko siyang hinampas sa braso. "Ano ba kumakanta ako istorbo ka!"
"Magsabi ka nga ng totoo. Anong alam mo?" Seryosong tanong niya at pinigilan niya akong mag pedal kaya huminto kami sa gilid ng lagoon.
'Kasalanan ko 'to, hindi ko alam na mahuhulaan niya ng ganung kadali ang plano namin. Sana mapatawad mo ako Lucky kaibigan ko rin 'tong payatot na to.'
"I'm waiting." Nilalaro laro niya ang daliri sa tuhod niya at sa itsura niya alam kong inip na inip na siya sa kaantay ng sagot ko.
After few minutes.
"Its actually my plan." Nakayukong sagot ko at hindi ako makatingin ng derecho sa kanya.
"What plan?" Nakakatakot ang pagiging seryoso ng boses niya. Iniisip ko kapag nagkamali ako ng sagot baka itulak niya na lang ako sa bangka. Sigh.
"Na pagselosin ka. Okay na pwede na tayong mamangka sa napakalinis at napaka gandang man made lake ng Burnham Park?"
"W-Wait, pagselosin ako? Why did he have to do that?" nag uuntugan na naman ang kilay niya habang derechong nakatingin sa akin.
'Pucha,nakakatakot pala ang isang 'to mag seryoso.'
"I don't know. Alam mo ba na ang man made lake na ito ay ginawa noong---"
"Ytchee, i'm serious!" At pwersahan niya akong ihinarap sa kanya.
'Lintek na lalakeng 'to hindi man lang ako pinatapos sa trivia ko! Kung hustler lang akong lumangoy kanina pa ako tumalon sa bangka at iniwan siya.'
"Dahil hindi ako naniniwala sa sinabi mong hindi mo siya gusto." Natahimik siya sa sinabi ko.
"A-Anong..."
"Alam mo bang halos mapraning na siya kakaisip ng solusiyon sa problema niyo? Sinisisi niya ang sarili niya dahil sa dinami dami ng taong pwede niyang mapag iwanan ng cellphone ikaw pa ang napili niya?!"
"Does it make any difference?" balewalang sagot niya.
"Yes!" sigaw ko. "Because in the first place wala naman siyang balak sabihin sayo ang totoo kung hindi mo pa pinakialamanan este nakita yung video!"
"Ako ang nasa video kaya may karapatan akong malaman ang totoo."
"Ikaw nga yung nasa video pero wala ka namang maalala kahit isa, kaya hinayaan ka na lang niya. Mahirap bang intindihin yun?"
"Bakit nakapag decide na naman siyang ayaw niya rin sa akin ah!" Galit na sigaw niya. Akala mo ang layo namin sa isa't isa kung makapag sigawan kaming dalawa.
"Gunggong! Bakit nag propose ka ba sa kanya para malaman mong ayaw niya? Sinabi mo lang yung nararamdaman mo sa video at sinabi lang din niya ang opinyon niya period. Tapos!"
'Kinangenang 'to akala mo kinanti ang buong pamilya niya!'
"Yun din ang intensiyon niya ang ipahiya ako kagaya ng ginawa niya sa pinsan ko."
"Bakit sa tingin mo ba magiging okay ang kalagayan niya sa Carlisle kapag pinatulan ka niya o ang pinsan mo? Mag isip ka nga Kenneth, puro ka pagpapogi palibahasa hindi ikaw ang kukuyugin ng mg admirer's niyo kapag nagkaalaman na."
"Ang sabihin mo mayabang siya. Insensitive siya. Sarili lang niya ang iniisip niya. Tss, eh di ngayon alam niya yung feeling ng na friendzone." sarkastikong ngiti niya.
"Eh di lumabas din sa bibig mo ang sagot ng katanungan naming dalawa." Napailing ako sa pagka dismaya. Gusto ko siyang kaltukan gamit ang dalawang kamay sa kagaguhan niya.
"And that's?"
"Na gumaganti ka lang kay Lucky sa nangyari sa kanila ni Wesley."
"Hindi yun ang intensiyon ko kahit parang ganun ang kinalabasan ng ginawa ko dahil sa naunang issue nila."
"Pakyu huling huli ka na nag de-deny ka pa!"
"Look ginawa ko yun para i-save ang sarili ko. Ayokong matulad kay Wesley kaya habang maaga iniiwasan ko na siya."
"Iniiwasan daw?! Kaya pala panay ang tingin mo sa kanya."
"Excuse me hindi ko siya tinitingnan ah!" inambaan niya ako ng hampas sa braso pero hinirang ko ang kamay ko sa ere.
"Ayan! Ayan mapanakit kang nilalang. Sisiraan kita kay Gonzaga sigurado yan!" duro ko sa mukha niya at umayos siya ng upo.
"Wala akong pakialam dahil siya mismo sirang sira na sa akin." Mayabang na sagot niya.
"Paano kung mali ang mga iniisip mo sa kanya at pareho pala kayo ng nararamdaman sa isa't isa?" Napalunok ako dahil hindi ko na naman napigilan ang bibig ko at dumadagdag na naman ang kasalanan ko.
"Psh, so what? Ngayon pang alam ko ng mag bagong boyfriend siya? Hell no.." Mariing tanggi niya.
'Talaga lang ahh!'
"Noted. What a waste, kung kailan naman naamin na niya sa akin na gusto ka niya things go south.." Pabulong na sagot ko pero sinadya kong lakasan para marinig din niya.
"W-WHAAT? H-H-HE LIKES ME?" Gulat na sagot niya at hinawakan niya ako sa balikat at inalog alog ako.
Biglang nag vibrate ang phone ko sa bulsa at tinapik ko ang kamay niya.
"Moshi moshi? Oh..Sige dadaong na naligaw kami sa Celebes Sea ang lakas kasi ng hangin dito. Sige nagugutom narin ako eh. I love you from the bottom of my heart Gonzaga, Mwahh!"
'Diyos ko sana mapatawad niya ako sa kadaldalan ko!'
"Tara na tayo nalang ang inaantay nila."
"Hey, anong sinasabi mong gusto niya--"
"Tara na ayoko ng magkwento diba tinuldukan muna?"
"Sige na please.."
"Wala ng bawian, period, no erase, pwera bawi inum ihi, kandado susi tapon sa dagat!"
"Oh c'mon friend!" pagpapaawa niya.
"Friend my foot!"
"Please just tell me. Gusto ko lang marinig yung huling sinabi mo kanina." Nakangiting pamimilit niya at namumula pa yung tenga.
'Kinikilig ampota!'
"Hell no!" panggagaya ko sa kanya.
'Tama na ang kadaldalan ko baka ibaon ako ni Lucky sa strawberry farm kapag nagkataon.'
"Okay fine." Nakataas ang dalawang kamay niya bilang pagsuko. "What happen to Celebes Sea stays in Celebes Sea." Taas noong sambit niya.
"AYE AYE SIR!" Saludo ko sa kanya at nagulat ako ng yakapin niya ako.
'Psh tuwang tuwa naman 'tong ungas na 'to! Ang ganda mo Inday wala ka namang kepay! BWAHAHAHA!'
"Lintek ka sweety pupulbusin ako ni Lucky Meeeh!"
"Hayaan mo siyang magselos malaki ang kasalanan niya sakin!" natatawang sagot niya.
"Sabihin mo sa kanya yan para ma apricut ka niya."
"Apricut? You mean upper cut?" seryosong tanong niya.
"Letseh naitindihan mo naman dami mong kuda!" at binilisan ko ang pag pedal hanggang makarating kami sa pinanggalingan namin kanina.
Pagbaba namin ng swan boat sinalubong agad kami ng lalaking nagbabantay ng mga bangka. Inalalayan ako ni Kenneth pagbaba pero napansin ko ang kakaibang ngiti niya ng nabaling ang paningin niya kay Lucky na kasalukuyang nakikipag harutan sa dalawang bakla.
'TSK! TSK! TSK!'
"Kunwari ay ayaw totoo'y gusto sala sa init sala sa lamig." Mahinang kanta ko at halos ma out of balance ako ng sikuhin niya ako sa tagiliran habang naglalakad.
"Tumigil ka Araullo ihahagis kita pabalik sa Lagoon!"
"Love is when you can't stop looking at him, even if he'll never look back." binelatan ko siya at pinandilatan niya ako kaya napatakbo ako papunta kela Andi.
KENNETH'S POV
Hindi ko mapigilang lihim na mapangiti ng tumama ang paningin ko kay Lucky pagbaba namin ng swan boat. Yun na naman kasi yung careless niyang pagtawa habang kausap ang mga kaibigan niya. Wala siyang kaarte arte kagaya nila Andi at Marlon. Minsan nagdududa ako sa pagkatao niya kung bakla ba talaga siya o tomboy, napaka boyish niya kasing kumilos at wala siyang pakialam sa bawat galaw niya.
"Kunwari ay ayaw totoo'y gusto sala sa init sala sa lamig." Mahinang kanta ni Ytchee sa tabi ko habang naglalakad kami papalapit sa kanila kaya bigla ko siyang siniko baka may makarinig pa sa kanya.
"Tumigil ka Araullo ihahagis kita pabalik sa Lagoon!" banta ko sa kanya.
"Love is when you can't stop looking at him, even if he'll never look back." Bigla ko siyang pinandilatan kaya parang batang nag belat pa siya bago tumakbo papalapit sa kanila.
'Everytime he smile like that i can't stop myself from staring at him. Sigh.'
Linapitan ko si Wesley na abala na naman sa kausap sa cellphone niya.
"Mom, bukas ang uwe namin. I'm always with him. Kenneth is my roommate remember?" parang na aasar na sagot ni Wesley sa kausap. Alam kong si Tita Sylvia ang kausap niya dahil every hour ata siyang tinatawag nito simula ng dumating kami dito sa Baguio. Gusto kong matawa sa itsura niya dahil mukhang naiinis na siya kay Tita.
"Yes. Lagi naman kaming magkasama. Mom! I'm not a little boy anymore." At napa padyak pa sa lupa ang isang paa.
'Tss, not a little boy ano yang papadyak padyak mo? Ungas!'
"Kakain pa lang kami ngayon. I'll call you later. Bye, i love you!" at mabilis niyang ibinaba ang phone at napabuntong hininga.
"Hey, are you okay?"
"I'm fine. Its mom." Umikot ang mata niya pataas. "Grandma says hi. Kanina pa raw sila tumatawag sayo pero hindi mo raw sinasagot yung phone mo." Kunot noong sagot niya.
'Papagalitan lang naman ako nun hindi kasi ako nagpaalam kay Daddy.'
"Mamaya na ako tatawag pagbalik natin sa hotel."
"Kausapin mo na kasi si Tito. Alam mo bang ikaw ang pinag usapan namin last time nung hindi ka sumipot nung dinner?"
"Tsinismis mo na naman ako?"
"Of course not. Kinakamusta niya lang ang pag aaral natin sa Carlisle."
"Nagugutom na ako hindi paba tayo kakain?" pag iiba ko ng usapan dahil ayokong pag usapan pa ang Daddy ko. Nang matapos ilang mag picture nagka yayaan na kaming kumaen.
Sumakay ulit kami ng taxi pabalik ng Session Road dahil dun daw mas maraming kainan na masarap sa Baguio. Una naming nakita ang Barrio Fiesta pagdating namin ng Session Road kaya naisipan naming dun na lang pumunta. From the road makikita agad ang two storey na building at nasa ikalawang palapag nakasulat ang malaki at makulay na "Barrio Fiesta." Akala ko nung una marami ng tao pero ng makalapit kami mga life size na statue pala ng mga Igorots. Cool!
Paakyat ng hagdanan makikita ang iba't ibang mga estatwa ng mga Igorot's na nakaupo sa bawat baitang na parang nagkukutuhan. Sa kalagitnaan ng stairs may isang malalaking estatwa na lalaking Igorot na parang sumasayaw at sa kabilang side naman isang malaking lalaking Igorot din na may hawak na sibat.
Siyempre hindi na naman nag pa aawat sa pag selfie at groufie ang mga kasama ko. Panay ang pose ni Ytchee at Lucky na akala mo mga modelo sa bawat istatwang madaanan nila. May mangilan ngilang turista din kaming kasama sa lugar at ang iba mga foreigner pa.
Napansin ko ring panay din ang kuha ni Marlon ng mga candid shots kay Lucky. Pagbaba niya ng taxi, habang naglalakad o paakyat kami ng hagdanan papunta sa restaurant.
"Lucky strike a pose yung pang paparazzi shot. " Sigaw ni Marlon at mabilis namang sumunod yung isa.
Ginulo nya muna ang blonde niyang buhok, namulsa sa brown leather jacket niya at naglakad ng dahan dahan habang nakayuko ng bahagya nag ulo. Ngayon ko lang napansin ang cute niyang tingnan sa get up niya.
'Whoaa, slow down Kenneth!'
Panay naman ang hiyawan nila Wesley, Andi at Ytchee sa tabi ko habang nanunuod sa photo shoot nila. Lumapit si Marlon kasama si Lucky para ipakita yung mga shots niya.
Lucky was so stunning para nga siyang celebrity na kinunan ng mga paparazzi sa isang magazine. Napaka natural ng mga kilos at mga pose nya sa harap ng camera. Matapos kaming mag selfie nagpasiya na kaming umakyat sa taas para kumain.
"Excuse me." Halo sabay sabay kaming napalingon ng marinig namin ang may british accent na nagsalita habang paakyat na kami ng hagdanan. Isang matangkad at mukhang nasa late 30's na foreigner na may nakasabit na mamahaling DSLR camera sa leeg niya.
"Hi I'm Edward. I'm actually professional photographer. I was really stunned and mesmerized on how you pose while your friend takes some pictures of you back there." Nakangiting turo niya sa pinanggalingan namin kanina. At hindi na kami nagtaka na si Lucky ang tinutukoy niya dahil na kay Lucky ang buong atensiyon nya.
"I'm Lucky nice meeting you sir." Nahihiyang sagot ni Lucky sa kausap.
"I thought your Cara Delevingne when i first saw you there walking down the street." kwento niya sa makapal na british accent.
"Ganda mo Inday, isang professional photographer ang naloko mo." mahinang bulong ni Marlon sa tabi ko at napapakapit pa sa sleeves ng jacket ko.
"Thank you for the compliment sir, i'm actually a big fun of her." Napapakamot sa ulong sagot niya sa kausap.
'Tss nagpapa cute pa, sinabihan lang na kamukha niya si Cara Delevingne.'
" I don't want to bother you anymore but if you're interested on the near future of taking modelling as a career you can reach me here." Sabay abot ng light blue calling card niya kay Lucky.
"Sinasabi ko na nga ba may potential yang mag model si Inday eh." Bulong ni Andi kay Ytchee.
"Obkors nakita mo naman outfit pa lang Cara'ng Cara na."
"Hoy ako ang stylist niya kanina kaya i'm proud of my baby Inday." Kinikilig na kwento ni Andi.
"I'll think about it sir." Muling nabaling ang atensiyon ko sa kanya.
"Please, its a great opportunity specially for young and aspiring models like you."
"Thank you sir." At nakipag kamay siya sa kausap kumaway pa ito sa kanya bago ito umalis saka kami tumuloy na naglakad.
"Naks naman na lume-level up na ang beauty mo Inday!" biro ni Ytchee at inakbayan niya si Lucky.
"Psh, pagkaen ang kailangan ko hindi calling card!" singhal niya at lihim akong natawa sa sinabi niya.
"Dito ka nga sa tabi ko Lucky kung sino sino lumalapit sayo eh." Hila ni Wesley at nginusuan lang siya nito.
"Hoy, Ongpauco magsawa ka naman kanina pa kayo magkasama eh." Hilang pabalik ni Ytchee kay Lucky. Naghilaan silang dalawa paglapit namin sa harap ng pinto.
"Ano ba pagmakalas yung kamay ko kokotongan ko kayo!" sigaw niya sa dalawa. Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa braso at hinila papasok sa loob ng resto.
"Asus, si Kenneth lang pala ang gusto dami pang paandar nito!" pang aasar ni Andi.
"Lucky hintayin mo ko wag kang traydor sweety ko yang hinahawakan mo!" sigaw ni Ytchee sa labas.
'Ngayon namiss mo ko? Tch!'
Wala pa masiyadong customer ng pumasok kami sa loob ng restaurant. Pagpasok agad kaming binati ng mga staff. Bigla niya kong binitawan ng mapansin niyang nakatingin sa amin ang mga tao sa loob.
"Table for six please." Nakangiting bati ko sa babaeng staff na sumalubong sa amin.
"This way sir." Turo niya sa daan. Dinala niya kami sa isang mahabang mesa dulong bahagi ng resto na malapit sa bintana. Dumating pa ang isang staff dala dala ang mga menu.
"Anong preferred niyong food?" excited na tanong ni Andi ng buksan niya ang menu.
"Anything basta heavy!" Natatawang sagot ni Ytchee habang hinihimas ang tiyan niya.
"Ako rin kahit ano kakainin ko kanina pa ako nagugutom eh." Nakangiting sabat ni Lucky.
"Tss, kahit ano raw eh allergic ka nga sa seafoods." Mahinang bulong ko at sabay sabay silang napalingon sa akin kaya itinaas ko ang menu hanggang matakpan ang mukha ko.
"Aherrm." At siniko ako ni Ytchee sa tagiliran.
'Damn it!'
"Ako na ang taya. Minsan lang tayo magkakasabay mag dinner kaya umorder na kayo ng kahit ano." masayang balita ni Marlon at nagpalakpakan si Ytchee, Andi at Lucky.
"YEHEY!" masayang sagot ni Ytchee, Andi at Lucky.
"Yun manlilibre si Marlon!" Masayang sagot ni Wesley habang binubuklat ang menu sa harap niya.
Dahil si Marlon naman ang taya siya na rin ang halos umorder ng pagkaen namin dahil halos abala sila sa kaka selfie sa mesa. Uminit na naman ang ulo ko ng makita kong ilapag ni Lucky yung cellphone niya sa mesa. Naalala ko na naman kasi yung video at yung text message sa kaniya.
Isa isa ng ihinahain sa mesa ang mga orders namin. Napalunok ako sa dami ng food sa harap ko seafood paella, lechon kawali, pansit canton, crispy pata, adobo binalot rice, roasted chicken at sinigang na hipon.
Maya maya nag vibrate yung niya phone sa mesa. May tumatawag pero hindi niya pinansin hanggang sa mawala. After a few seconds nag vibrate ulet. Dahil sa brightness ng phone niya at magkatapat lang kami ng upuan nakita ko agad kung sino ang tumatawag sa kanya. Jiggs.
'Tsk tsk tsk. Hindi makatiis nakaramdam sigurong may lalake ang siyota niya.'
Mabilis niyang dinampot ang cellphone sa mesa. "Excuse me guys, sagutin ko lang." Nag aalangang paalam niya.
"Bakit hindi mo ba pwedeng sagutin dito yung call?" Sagot ko pagtayo niya. Bahagya siyang napapikit ng makita niyang nakatingin kaming lahat sa kanya.
"Manners Kenneth manners nasa harap tayo ng pagkaen." Masungit na sagot niya at sabay umalis.
"Leave him bro." Mahinang sagot ni Wesley.
Tumayo ako sa inis. "Excuse me."
"Saan ka pupunta?" si Ytchee.
"Sa CR."
"Anong gagawin mo sa CR?" nakangiting pangungulit niya at hinawakan ako sa braso.
"TO OPEN THE CHAMBER OF SECRETS. Ano sa tingin mo?" Hinila ko ang braso ko at umikot ang mata ko sa inis.
"Wingardium Leviosa!" natatawang sagot ni Ytchee at pinagtawanan na naman nila ako.
'Mga baliw!'
Sa loob ng CR ako naglabas ng inis. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba masiyado akong apektado sa bawat kilos niya? Iritabling bulong ko habang naghuhugas ako ng kamay. Ano bang pakialam ko kung may lalake siyang iba? Naiinis ako, ngayon pa na alam kong may gusto rin pala siya sa akin, tch! Feeling ko niloloko niya na ako ng harap harapan.
Bumalik akong masama parin ang loob. Kumpleto na yung food namin sa mesa. Nandun na rin si Lucky at nakaupo sa tabi ni Wesley. Makahulugang nakatingin si Wesley sa akin na parang nagtatanong kung anong nangyayari sa akin kanina. Umiling lang ako bilang sagot.
"Magkakamay ako!" Nakataas ang dalawang kamay na anunsiyo ni Ytchee.
"Ako rin!" panggagaya ni Lucky.
"Ano bago Inday lagi ka namang nagkakamay." natatawang sabat ni Andi.
"Oo nga yung Lucky Me noodles nga lang ata yung ginamitan mo ng kutsara at tinidor eh." Si Marlon.
"Bakit ba mas nabubusog ako kapag nagkakamay eh!" Nakangusong sagot niya.
Nagsimula na kaming kumaen at tulad ng inaasahan ko wala pa rin siyang ipinagbago. Mala construction worker parin siya kumaen. Lahat ata ng putahe nasa plato niya except yung may seafoods.
"Dahan dahan sa pagnguya Inday, mahaba pa ang oras naten para gumala." Saway ni Andi kay Lucky.
Dismayadong napalingon din ako sa tabi ko. Magkaibigan nga sila ni Lucky dahil pati si Ytchee nakikipag pagparamihan din ng kinakaen. Para silang mga lalake walang ka finesse finesse at maya't mayang tumatawa kahit punong puno ng pagkaen ang mga bibig.
"Here use this." Abot ni Wesley mg tissue kay Lucky paglapag niya ng baso ng juice sa mesa.
"Thanks." Nakangitng sagot niya at parang hindi man lang nahiya sa katabi niya. Samantalang si Andi at Marlon parang mga babae kung ngumuya at sumubo ng pagkaen. .
'Parang gusto ko ng pagsisihan kung bakit nagustuhan ko siya.'
"Anong gusto mong dessert?" rinig kong tanong ni Ytchee kay Lucky.
"Yung Banana na may Ice Cream gusto ko yun. Anong pamagat nun?"
'Pamagat? Ano yun pamagat ng libro?'
"Hindi mo alam taytel nun?" Parang galit na tanong ni Ytchee at may tumalsik pang pagkaen sa bibig niya.
'Isa pa to title ano yun movie? Lalakas kumaen pero pangalan ng pagkaen hindi pa alam. Tch!'
"Excuse me sir." Tawag ni Wesley sa isang staff na dumaan.
"Yes sir." Magiliw na bati ng lalaking staff.
"Can we have the menu for desserts please?"
"Of course sir, i'll be back in a minute." At umalis ito.
"What do you want Lucky." Malambing na tanong ni Wesley.
"Hindi ko alam yung pamagat nung may saging eh." Nahihiyang sagot niya dito.
'WTF? Kailangan talagang titig na titig sila sa isa't isa kapag nag uusap?'
"Ang cute cute mo talaga kahit kailan!" At pinisil niya ang magkabilang pisngi nito. Bigla akong nabilaukan at naubo sa ka sweetan ng pinsan ko. Naagaw ko ang atensiyon ng lahat kaya napatingin sila sa side ko.
'Buwesit!'
"Tubig! Tubig!" Natatarantang abot ni Ytchee sa akin ng isang basong malamig na tubig.
"T-Thanks." At nahimasmasan ng sumayad ang tubig sa lalamunan ko.
"Are you okay bro?" Nagaalalang tanong ni Wesley.
"May naka alala sayo Kenneth. Magbigay ka ng number bilis!" Madaling utos ni Andi.
"H-Huh?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Number!"
'Ano na namang trip 'to?'
"T-Twelve." At mabilis na nagbilang sa daliri si Andi.
"Letter L?" si Andi ulit.
"L-LAMBER?" nakangiting sagot ni Lucky.
"Shunga, A ang first letter ng name ni Amber hindi L." Sagot ni Marlon at nagtawanan sila.
"Ay binago na? Akala ko letter L yun dati." parang tangang sagot niya pero lihim akong natawa sa biro niya.
'Tss, pwede namang sabihing siya. Lucky. At bigla akong kinabahan sa naisip ko. Iniisip niya rin kaya ako habang kumakaen kame?' Sigh.
"Nguyain mo kasi yung kinakaen mo huwag mo silang panuorin." Mahina at pa simpleng bulong ni Ytchee habang nagtatawanan ang mga kasama namin.
"Tigilan mo ko." Nakangiting sagot ko sa kanya hinampas ko siya sa hita.
"Sweety, try mo masarap 'to." Pinandilatan niya ako habang inilalapit ang tinidor niya na may hipon.
"I'm fine sweety." Nakangiting tanggi ko.
"Diba favorite mo 'to? Kanina halos paglanguyin mo nga ako sa lagoon para ihuli ka ng hipon eh." At narinig kong nagtawanan ang mga kasama namin.
"Ang sweet niyo, para kayong mag lola." Sagot ni Andi.
"Inggetera!" Singhal ni Ytchee sa kanya.
Wala akong nagawa kundi isubo yung hipon sa tinidor niya. Nakangiting nanunuod naman si Lucky sa kalokohan n Ytchee. Hiyang hiya ako sa ginagawa niya lalo't kaharap ko siya. Napapailing naman ang pinsan ko sa nangyayari.
"Guys guys. Ang sabi ng mga ka blog ko may magandang Club daw along Session Road puntahan natin mamaya." Si Marlon.
"Ay betcha golly wow ko yan!" Kinikilig na sagot ni Andi.
"Oo sayang naman puntahan natin last night na natin dito sa Baguio eh!" Sagot ni Ytchee.
"Sama tayo gusto kong ma experience ang mag party dito sa Baguio." Paalam ni Lucky kay Wesley.
"Sure pero huwag na tayong uminum ng marami." Ngiting sagot niya dito at tumango naman si Lucky.
"Bro, what do you think?" Alam kong kailangan niya ng permission ko dahil hindi siya pwedeng gumala ng hindi ako kasama. Nag promise kami sa grand parents namin at sa parents niya na hindi kami pwedeng maghiwalay habang nandito.
"Keri lang." Seryosong sagot ko. At bumungisngis si Lucky sa sinabi ko.
"What's wrong?" Naiilang na tanong ko sa kanya.
"Nothing." Balewalang sagot niya.
"Ano nga yun." Pangungulit ko at inirapan niya ako.
"Keri lang? You're so gay Kenneth Ang." Natatawang sagot niya at pinagtawanan na naman ako ng mga kaibigan niya.
'Trip na trip talaga niya ako eh. Alam na! Tch!'
"Bakit tama naman yun keri lang diba Andi?"
"Truth!" Mabilis na pagsang ayon niya sa sinabi ko.
"Wala naman akong sinabing mali ah. Ytchee tara magbisyo muna tayo pampakalma ng sistema." Aya niya kay Ytchee.
"Join ako diyan!" Mabilis siyang tumayo at inakbayan si Lucky.
"Samahan ko kayo?" Tatayo sana si Wesley ng pigilan siya ni Lucky.
"Huwag na muusukan ka. Kumaen ka pa nangangayayat ka na."
"Yes Boss!" Parang alipin sunod niya.
'Psh, hindi mo pwedeng gawin sakin yan Gonzaga. You can't boss me around.'
"See you in a few sweety." Paalam ni Ytchee at hinawakan ako sa baba. Bigla akong kinilabutan ako sa ginawa niya.
"Yan ang sweetness! Ha ha ha!" malakas na tawa ni Lucky at sinamaan ko lang ng tingin at nanahimik siya agad.
"Sabi ko nga ang sweet ko." Turo niya sa mukha niya sabay hila niya kay Ytchee.
ANDI'S POV
Pagkatapos ng maagang dinner treat ni Marlon bumalik muna kami sa hotel para makapag pahinga.
Kailangan kong mag deposit para may lakas akong mag party mamayang gabi. Naunang naligo si Ytchee at naiwan kaming dalawa ni Marlon habang nagkakape at si Lucky naman nasa terrace dahil may kausap sa phone. Sinundan namin siya ni Marlon sa terrace.
Binuksan ko ng bahagya nag pintuan ng terrace. "May kausap ka pa seshie?"
"Wala na binaba ko na ang kulit ni Kuya Jiggs andaeng binibilin daig pa si Nanay." Naka simangot na sagot niya habang dumudukot ng sigarilyo sa kaha. Binuksan ko na ng malaki yung pinto at sinamahan na namin siya.
"Inday umamin ka nga anong anong meron sa inyo ni Ongpauco?" bungad agad ni Marlon kay Lucky at bigla itong naubo sa tanong niya.
"Oh, akala ko ba nasagot ko na yung tanong na yan kanina? May continuation?"
"Oo nga pero may something kayo Ongapauco eh." Si Andi.
"Ano ba talagang meron Lucky umamin ka nga samin!"
"F-Friendship?" ignoranteng sagot niya.
"Holding hands, hug and super sweetness friendship lang yun?" hindi makapaniwalang tanong ni Marlon.
"Bakit may iba pa ba? Diba sinabi ko naman sa inyong ni-reject ko yung offer niya?"
"Oo nga pero ang weird parang kasi kayong mag on na hindi." Napapa padyak na sagot ko.
"Kung magiging kami nun kayo ang unang makaka alam, intiendes?!" at binugahan niya kami ng usok sa mukha.
"Si Kenneth?" daig pa ni Marlon ang isang showbiz reporter kung makasagap ng chika.
"Oh? Anong meron kay Kenneth?" pa inosenteng sagot niya. Diyan siya magaling ang magtago ng sekreto kahit halatang halata na.
"Bakit ang awkward niyo tingnan kapag magkasama kayo?" Ako.
"Bakit hindi kayo nag uusap simula kaninang umaga?" Si Marlon.
"Bakit palagi ka niyang kinokontra?" Ako ulit.
"May gusto ka ba sa kaniya?" Si Marlon.
"May gusto ba siya sayo kagaya ng pinsan niya?" Ako.
"Teka teka teka! Ano ba yang kabalbalan yang pinagsasasabi niyo?" asar na sagot niya sa aming dalawa.
"Akala ko ba wala ng lihiman?" sinadya kong haluan ng pagtatampo yung boses ko baka makonsensiya siya.
"Wala nga. Look guys kung magkaka dyowa ako kayong tatlo ang unang makaka alam okay?"
"Talaga? Promise, cross your heart, hope to die?" si Marlon.
"Opo, promise, cross my heart, hope to die." Senserong sagot niya. Pero hindi parin ako kumbinsido sa sagot niya. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang kutob ko.
"Anong promise, cross my heart, hope to die na yan?" biglang sulpot ni Ytchee na may towel pa sa ulo.
"Itong mga kaibigan mo pinaglilihiman ko daw sila." Maikling kwento niya kay Ytchee.
"Sauce sa talas ng pakiramdam at pandinig ng mga mata yan malabong makakapag lihim ka sa kanila."
"Truth Ytchee!" sang ayon ni Marlon. Tama ka seshie walang makakalusot sa talas ng pagiging tsismosa nating pareho. Bwahaha!
"Ang sinumang maglihim sa ating apat ay ituturing na traydor sa grupo, nagkakaintindihan ba tayo?" duro ko sa kanilang tatlo at sabay sabay silang tumango.
"At ang sinumang mahuhuli ay manlilibre ng lunch sa loob ng isa o dalawang linggo depende sa degree ng kasalanan!" hirit ni Marlon.
"L-Lunch? Jusmisyo sa lakas niyong lumamon maghihirap ang kahit sino." Napapalunok na sagot ni Lucky sabay kamot ng ulo.
"Kaya huwag na huwag mong susubukang maglihim sa amin Inday." Banta ni Marlon kay Lucky.
"Hala! Bakit ako? Andaya niyo naman." Nakasimangot na siya.
"Dahil ikaw ang madalas dapuan ng swerte at kamalasan." Natatawang sagot ko at tinapik tapik siya sa balikat.
"At ikaw Ytchee huwag na huwag mong pagtatakpan si Lucky malalagot sa amin ni Andi!" banta ni Marlon kay Ytchee at nagkatinginan pa sila ni Lucky.
'Alam kong may nililihim tong dalawa sa amin eh. Malalaman ko rin yan at lagot kayo sa akin kapag nalaman ko.'
"Hala magsiligo na kayo at maypa party party pa tayo!" masayang sambit ni Ytchee habang iniikot ikot ang towel sa ibabaw ng ulo.
Naunang naligo si Lucky at napagkasunduan namin ni Marlon na sabay na lang kaming maliligo pagkatapos kong tumae.
KENNETH'S POV
Nauna akong maligo pagdating namin sa suite namin ni Wesley. Paglabas ko ng CR narinig ko ang malakas ng boses ni Wesley habang nakahiga sa kama ko at tumatawa habang may ka video chat. Agad kong namukhaan si Ytchee dahil panay wacky ang itsura sa harap ng camera. Si Lucky naman may towel pa sa ulo habang nakaupo sa terrace at ginagaya din si Ytchee na paiba iba ang facial expressions sa camera. Tuwang tuwa naman ang pinsan kong sinto sinto.
"Maligo ka na." Hinampas ko siya ng towel sa likod sa sobrang ingay niya.
"Bibilisan ko maligo tapos pupunta na kami diyan namimiss na kita agad eh."
"Huwag kang magmadali maaga pa naman, maligo ka ng maayos at maghilod ka!" natatawang sagot ni Lucky sa kanya.
"Opo! Sige na i miss you." At hinalikan niya ang screen ng cellphone niya. Hinampas ko siya sa pwet habang nakadapa.
"Aray! Ano ba?!"
"Dun ka sa kama mo." Masungit na sagot ko.
"And damot mo!" at hinampas ako ng unan pero nakahiga parin sa kama ko.
"Maligo ka na ang bagal bagal mo pa namang kumilos!" umupo ako sa tabi niya.
"Oo na ang sungit mo! Palibasa walang lovelife kaya ang sungit sungit." pabulong na sagot niya.
"A-Anong walang lovelife? Bakit ikaw meron ka ba?"
"Wala! Maliligo na po." padabog siyang tumayo at tinulak ako sa kama bago tumakbo sa CR.
"Kahit kailan kailan isip bata. Walang lovelife akala mo naman siya meron." Bulong ko sa sarili ko habang nagpapatuyo ng buhok. Malakas na tumumog yung cellphone ko na nakapatong sa table katabi ng lampshade.
"Hello Gran?"
"Ikaw talagang bata ka, ilang beses akong tumatawag ngayon araw pero hindi mo man lang ako naisip tawagan." Nagtatampong bungad sa akin ni Gran.
"Sorry Grandma, naging busy kami kanina sa mga activities kaya nawala na sa isip kong tawagan kayo."
"Siguro may kinalolokohan ka ng babae diyan kaya nakalimutan mo na ako?" may bahid ng pagtatampo na sagot niya.
'Sana nga Gran naging babae na lang siya para hindi na ako nahihirapan ngayon."
"Hello, Kenneth? Are you still there?"
"Yes, Grandma sorry i was picking up my shirt. Kakatapos ko lang po maligo ngayon eh."
"Ang sabi ko baka may kinalolokohan ka ng babae diyan kaya hindi mo man lang ako matawagan o ma text kanina."
"W-Wala po Grandma, wala po promise. Kung meron naman po magsasabi naman ako sa inyo diba? Like i promise?" malambing na sagot ko.
"Okay. Mag ingat kayo and don't drink too much kilala ko kayo ng pinsan mo."
"Gran!" hindi makapaniwalang sagot ko. One time nahuli niya na kasi kami ni Wesley na umiinum sa room ko.
"I know, i know! Sige na enjoy your stay. I'll see you tomorrow."
"I love you Gran. See you tomorrow."
"I love you apo." At nawala na siya sa line.
Kakatapos ko lang magpalit ng pants ng lumabas si Wesley sa CR.
"Grandma called." mahinang sambit ko pag upo ni Wesley sa kama habang nagpapatuyo ng buhok.
"And what's your alibi this time?"
"The usual, i was busy." Malamig na tugon ko habang umayos ng upo sa kama.
"She believed you i guess?" Kakaiba at pamilyar ang tono ng boses niya. May halong selos dahil alam niyang paborito ako ng grandparents namin kesa sa kanya o sa ibang mga pinsan namin.
Simula nung mga bata pa kami ni Wesley nakikipag kompetensiya na siya sa atention nila. Aminado naman siyang nagseselos siya sa bagay na yun dahil mahal na mahal niya ang grandparents namin.
"I think so. Its funny coz Grandma thought i was busy with some girls." Pagak na tawa ko.
"But the truth is you're busy watching someone else." Derechong sagot niya.
Dahan dahan akong napalingon sa kanya. Hindi ako makapagsalita dahil seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Why? You think i didn't saw you staring at him whenever you had a chance?" Pormal na sagot niya.
Hindi ko alam kung papano ko sasagutin ang tanong niya. Gusto kong lumubog sa kama at maglaho ngayon sa harap niya.
"Bro, its not what you think it is okay." Mahinahong paliwanag ko at humarap ako ng upo sa kanya. Halos magkatapat kami ng upo dahil magkatabi lang kami ng kama.
"You're being rude to him Kenneth. Akala mo hindi ko napapansin yun kanina? What's wrong with you?" Nag uumpisa ng tumaas ang boses niya. Ayokong makipagtalo ngayon dahil napapagod ako sa naging activities namin kanina.
"I'm tired Wesley. Can we just talk about this some other time?"
"No." Matigas na tanggi niya. "When do you start liking him?" Prangkang tanong niya at napanganga ako ng bahagya sa tanong niya.
'Now I'm dead. I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry.'
"I don't know." Nakayukong sagot ko paulit ulit kong kinakagat ang lapis ko hanggang mamanhid.
"Huh! Ha. Ha. Hahahahaha!" Parang baliw at paputol putol na tawa niya.
"I'm sorry. Its was a mistake and i know i made a promised." Nahihiyang sagot ko sa harap niya.
"Why him Kenneth. You knew before how much Lucky means to me." Inilapag niya ang basang towel sa lap niya at bakas sa mga kamay niya ang mga ugat dahil sa mahigpit na pagkaka hawak niya sa towel.
"I told you i don't know!" Napipikang sagot ko.
"That's bull shit Kenneth!"
"I know, i know that's why I feel sorry okay?! Please understand you've been on my position before."
"I told you not to mess with him."
"I can't control my feelings anymore bro." Nakayukong sambit ko. "I was surprised when i realized how much i like him everytime he's with you." Hindi ko na napigilan sabihin ang totoo at hiyang hiya ako.
"Tss, you know how territorial i'am when it comes to my properties." Galit na sumbat niya.
"My properties? He belongs to no one dear cousin."
"He's mine from the start and you know that."
"Yeah, we all know he's yours but he likes me better than you." Mariing sagot ko na ikinagulat niya.
'I can't believe na nagtatalo na naman kami dahil sa kanya. Ironic, before i was too mad because my cousin like him and now i'm too mad because we both like him.'
"You knew how he feels about you?!" Nasurpresang sagot niya at dahil doon nagkaroon ako lalo ng lakas ng loob na ipaglaban ang sinasabi niyang property niya. Tumango ako sa kanya.
'Kung alam mo lang na may iba siyang lalake bukod sa ating dalawa baka walang tayong ganitong usapan ngayon.'
"Why didn't you tell me about Lucky?"
"Ano namang sasabihin ko sayo?" Tumayo siya papunta sa mini bar at kumuha ng isang basong tubig.
Sinundan ko siya. "Na gusto niya ako."
"You're insane and stupid at the same time!" Duro niya sa dibdib ko at bumalik sa bedroom area.
"But why didn't you tell me?" Naiinis na sagot ko habang nakabuntot sa kanya.
'Alam ko namang may karapatan siyang itago sa akin yun, pero Wesley and I are like brothers we never keep secret to each other. This is the first time that he lied to me, pakiramdam pinagmukha nila akong tanga.'
"You didn't know? Ugh, you're really stupid bro."
"I didn't know until this morning."
"That's explain why you're behaving badly today." Sarkastikong tawa niya.
"Stupid mistake."
"You know how much i like him. A lot." Nakangiting sagot niya habang nakatingin sa cellphone niya na ngayon ko lang napansin na si Lucky pala ang nasa wallpaper niya. Yung paparazzi shot niya kanina.
'That's mine stupid moron!'
"I'm sorry. I never meant this to happened. Please understand." Na gi-guilty ako ng sobra. Alam ko namang ako ang may mali this time.
"Why now? Dahil ba bakla siya kaya nagdalawang isip ka pa?" Halos pumiyok ang boses niya.
"No, I was blinded by how i felt about him that's why i didn't know."
"Lame reasons. Masiyado kasing mataas ang tingin mo sa sarili mo kaya ganyan ang mga dahilan mo."
"My feelings are real. Oo na confused ako nung una. I was scared, i thought it was one sided. At yun ang hindi ko matanggap nung una." Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko ngayon dahil nakikita kong nasasaktan siya sa rebelasiyon ko.
"Kay Ytchee mo nalaman?" Tumango ako. "Unbelievable,Lucky will freak out if he found out about this."
'Freak out? Eh balewala nga lang sa kanya!'
"Please don't tell him. I'm not really sure about this either." Pakiusap ko pero nginisihan lang ako.
"Tsk, natatakot ka lang kamo baka ma friendzone ka." Natatawang sagot niya. Gusto ko sanang makitawa kaso natatakot ako baka magbago bigla ang mood niya.
"Sort of." Mahinang sagot ko. Hindi ko alam kung ikukwento ko ba yung nangyari kagabe, yung tungkol sa video at ang pag uusap namin ni Lucky kanina. I know its a bad idea baka lalo lang akong hindi mapapatawad ni Wesley kapag malaman niya.
"How does it feels to be liked by someone you like?" Wala sa sariling usal niya habang nagsusuot ng t-shirt. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o gusto lang niyang maging casual ang usapan naming dalawa.
"Hindi ko alam. There's no word to describe it. It was magic. Like seeing him for the first time and i don't want to let go of my eyes on him. Like i was waiting for him to do something stupid or unusual, that's what i like most about him." Para akong nabunutuan ng maraming tinik sa dibdib ng masabi ko ang tunay na nararamdaman ko.
'Ganito pala ang pakiramdam kapag nasasabi mo yung gusto mo kahit hindi mismo dun sa taong gusto mo.'
"He liked you long before you like him. I think he like you more than you could ever imagined." Maaliwalas ang mukhang sagot niya sa akin.
Gusto ko siyang yakapin dahil sa sinabi niya, pero natatakot akong ipakitang masaya ako sa harap niya. Its unfair on his part. I'm being insensitive and selfish if i'll show how i feel right now.
"Bro hindi ka ba galit? Hindi mo ba ako sasapakin o sisipain?"
"Bakit naman ako magagalit?"
"C'mon Wesley tatanggapin ko ang lahat ng sasabihin at galit mo. I know its unacceptable."
"I knew this might gonna happen someday. Hindi ko lang ine-expect na ganito kaaga."
"I'm really sorry. Hindi ko naman intention na agawin siya sayo." Bukal sa loob na paumanhin ko.
"I'm fine with it." Nakangiting sagot niya. Kinakabahan ako sa pagiging kampante niya kilala ko si Wesley at hindi siya madaling bumitaw sa isang bagay na hawak na niya.
"W-Why?"
"Coz i said so. And besides i only allow him to like me or you or no one else. Its part of our agreement." Kompiyansang sagot niya.
"I really don't get it." Naiinis na sagot ko. Hindi ko matanggap na ganun niya kadaling isusuko yung taong gusto niya dahil sa akin.
"I'm tired Kenneth. Since we we're kids lagi akong nakikipag kompetensiya sayo. Pero kahit minsan hindi mo ko itinuring bilang isa. Binibigay mo ang lahat ng gusto ko at tinuring mo akong kapatid. Kasalanan mo kung bakit naging spoiled brat ako." Nakangusong kwento niya. Gusto kong matawa pero nagulat din ako sa mga rebelasiyon niya. Hindi ko lubos maisip na kinaiinggitan ako ni Wesley dahil lumaki akong kinaiinggitan siya dahil sa perpektong pamilya niya. Napayuko ako sa hiyang nararamdaman ko.
'Sa court bola lang ang inaagaw ko. Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na pati sa tao makikipag agawan ako.'
"Lahat ng bagay na meron ka noon meron din ako. At sa kauna unahang pagkakataon nagkaroon ako ng isang bagay na wala ka. Yung bagay na gusto ko pero hindi ko ginaya sayo." Nag angat ako ng tingin at nakita kong titig na titig siya sa wallpaper ng cellphone niya.
"Kamalas malasan lang yung bagay na gustong gusto ko, ikaw naman ang gusto." Naramdaman ko ang lungkot niya kaya lalo akong nakukonsensiya.
"I'm sorry if i put you in that situation. I didn't mean to hurt your feelings bro."
"I'm fine Kenneth. As i've said its better to be you than anyone else." Pormal na sagot niya.
"I still don't get it Wesley, what's the catch?" Hindi lang talaga mag sink in sa utak ko na madali siyang magpapatalo. Personal affair ang pinag uusapan namin dito, hindi 'to sports na kapag may natalo dapat sports lang at marunong tumanggap ng pagkatalo. Nalilito ako.
"No catch." Tumayo at nag unat unat habang inilalapag ang cellphone sa tabi ng lampshade.
"Impossible yun. Bakit nga?" pangungulit ko sa kanya.
"Dahil alam kong hindi pa siya handang pumasok sa kahit anong relationship ngayon." Nakangiting harap niya sa akin.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pumipintig pintig ang ugat ko sa sintido at parang sasabog ang ulo ko anytime dahil sa sinabi niya.
'Lintek na 'to kung ano anong drama na ang napag usapan namin kanina, may nalalaman pa siyang its either me or him? Tapos ngayon may alas pa la siyang tinatago! WTF?'
I know hindi rin naman ako handang makipag relasiyon ngayon sa kanya o sa kahit kanino pero yung thought na wala talaga akong pag asa sa kanya ang nakaka dismaya.
'Baliw ka talaga Gonzaga! Kahit kelan wala kang kwenta! Hindi ako papayag na gawin niyang biro ang nararamdaman ko. Ngayon pa na unti unti kong natatanggap sa sarili ko ang nararamdam ko para sayo at hindi pa tutol si Wesley?'
"Fine." Humugot ako ng malalim na buntong hininga. "Pero tigil tigilan mo na rin ang kakapulupot sa kanya sa tuwing magkasama kayo!" Singhal ko sa kanya.
"Sorry bro, hindi ko yun maipapangako sayo. Lucky and I had an agreement na ituturing parin namin ang isa't isa kung paano kami unang nagkakilala." At nilabas niya pa ang dila niya mang asar. Tinalikuran niyaako at naglakad pabalik sa kama.
"Manwhore!" sigaw ko.
Dahan dahan siyang lumingon. "I-I'm a what Needle Dick?! " nang iinsultong sagot niya. He used to insult me with that word since we we're kids, after we both had circumcision.
"You sonofobit--"
Sumugod ako at itinulak siya sa kama, nag wrestling kaming dalawa habang panay ang tawa. Hindi siya masiyadong makalaban dahil alam ko ang kiliti niya at yun ang pinaka ayaw niya. Wala siyang kalaban laban sa wrestling match namin.
Parang ako pagdating sa relasiyon nilang dalawa wala akong kalaban laban.
"You're enjoying this aren't you?" Hinihingal na sabi ko habang nakahiga at magkatabi kami sa kama.
"Yes definitely. Nothing is free in this world dear cousin."
"Pakyu ka!" Hinampas ko siya ng unan sa braso.
"Not because he likes you and you like him, it doesn't mean you guys can be together. Lucky and I belong together." Natatawang sagot niya at kahit hinang hina ako pinilit kong umupo sa kama.
"I'm serious Wesley, huwag mo naman masiyadong abusuhin nasasaktan din ako." Bahagya akong nalungkot sa sinabi ko. Torture yun para sakin.
"Then tell him and i'll stop." Pormal na sagot niya.
"You know i can't do that."
"Then forget it." Tumayo siya at humiga sa sariling kama.
"Oh c'mon bawasan mo lang yung pagiging sweet mo yun lang naman ang hinihiling ko sayo eh."
Humarap siya ng higa sa akin. "Its so scary you know."
"What?" naiinis na sagot ko sa kanya.
"Falling for someone, but it's also the most wonderful thing anyone can ever
experience. You just have to close your eyes, and embrace the rush."
"The hardest thing is to pretend that i don't have feelings for him." Gustong gusto ko i-open sa kanya yung nangyari kanina hindi sa wala akong tiwala sa kanya kundi wala akong tiwala sa sarili ko. Dahil hangang nagyon naguguluhan parin ako sa nararamdaman ko.
"Did he knows about how you feel?"
"I think so.." Atleast sa bagay na yun nagsabi ako ng totoo. Hindi ko pwedeng ilatag lahat ng baraha ko sa harap niya dahil pagtatawanan niya lang ako kapag malaman niya ang totoo.
"That's bad." Bigla siyang napaupo.
"B-Bad, like how bad?"
"You know how stubborn he is. He's very strange sometimes to the point na minsan hindi ko na siya halos kilala."
"What do you mean?" usisa ko sa sinasabi niya. Kinakabahan ako. Ano na naman kaya ang nasa isip nito?
"Kanina, i know something weird is going on before we went to the park."
"Like what?"
"He became so sweet. He even kiss me twice on my cheeks today. And--" hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya dahil binato ko siya ng unan sa mukha.
'Kailangan pa talagang ipaalala niya yun sa harap ko alam na niyang nagseselos ako. Buwesit!'
"Ouch! Why did you do that?" Galit na tugon niya ibinato pabalik sa akin yung unan.
"What? Do you expect me be happy that he kissed you twice today?" Sarkastikong sagot ko. Nakuha niya ang ibig kung sabihin at bigla siyang natawa.
"Psh seloso!" Sigaw niya. "What i'm trying to say is ang weird niya lang kanina. Pakiramdam ko ginawa niya lang yun para pagselosin ka." Saka siya nagbitaw ng malalim na bumuntong hininga.
"That's also my theory."
"Well i guess successfull ang naging experiment niya." Natatawang sambit niya at tinaasan niya akjo ng kilay. "Bakit, kung hindi niya ginawa yun hindi ka aamin sa akin ngayon." Ngiwing sagot niya.
"Oo at tuwang tuwa ka sa naging part mo sa expirement niya?" Binato ko ulit siya ng unan pero nakailag siya.
"Of course gusto kong nasa akin lagi ang atention niya, not until dumating yung foreigner na yun kanina.." umigting ang panga siya sa inis.
"That's scumbag!" inis na tugon ko.
"Do you think he's real? I mean a real photographer?" Interesadong tanong niya.
"The hell i care." At tumayo ako para magbihis ng makita ko sa wrist watch ko kung anong oras na.
'Subukan niya lang sumama dun pagbubuhulin ko sila!'
To be continued...