下載應用程式
60.31% Lucky Me / Chapter 38: LUCKY THIRTY EIGHT

章節 38: LUCKY THIRTY EIGHT

CHAPTER 38

KENNETH'S POV

"A-Ako? Mukha ba akong isinumpa?" Natatawang sagot ni Lucky. Pinidot ko sa screen yung pause button para marinig ko ng mabuti yung pinag uusapan nila.

"Oo, ang pinaka magandang taong isinumpa. Siguro nung past life mo isa kang napakagandang babae, tapos marami kang pinaiyak na lalake. At bilang isang mabigat na kaparusahan ngayon present life mo ikinulong ka ng tadhana sa katawan ng isang lalaki para maranasan mo kung paano masaktan at magmahal bilang isang lalake." napamaang ako sa salaysay ni Wesley habang nakikinig. Minsan napapalibilib din ako sa mga naiisip nitong si Wesley. Kahit minsan isip bata siya pero very creative ang takbo ng isip niya at nabibigyan niya ng sariling interpretasyon ang mga simpleng bagay kahit gawa gawa lang niya kagaya ngayon.

Hindi mawala sa isip ko yung paghanga sa mukha ni Lucky sa sinabi ni Wesley. Sa gigil niya nga nakurot niya pa sa pisngi ang pinsan ko. Sa tingin ko bagay silang dalawa. Lahat naman ng tao gusto siya mula pa noong mga bata pa kami dahil sa pagiging masayahin at pagiging bibo niya. Si Wesley ang nag iisang bestfriend ko at ang pinaka close ko sa lahat ng mga pinsan ko.

Sabagay lumaki kasi siya sa isang kumpletong pamilya. May mga magulang na palaging nandiyan para kwentuhan siya ng fairytales sa tuwing matutulog na siya. May maglalambing at sasalubong sa kanya sa tuwing uuwi siya galing sa school. Malayo sa nakalakhan ko, no offense to my grandparents mahal na mahal ko sila higit pa sa buhay ko. Sila at ang kapatid kong babae ang kasama ko hanggang sa paglaki. Minsan naiisip ko din kung anong pakiramdam na lumaki sa isang buong pamilya.

Nakaramdam tuloy ako ng pagkairita ng biglang pumasok sa isip si Daddy. Unti unti na namang bumabalik ang namumuong galit sa dibdib ko.

***F L A S H B A C K***

"Bakit ngayon ka lang Kenenth? Nag aalala ang Daddy mo dahil wala ka sa dinner kanina." Nagulat ako dahil akala ko ako lang ang tao sa kitchen.

"Grandma.." mahinang tawag ko at lumapit ako para magmano.

"Saan ka na naman nagsusuot bata ka, ang sabi ng pinsan mo hahabol ka."

"At na miss niyo naman ako agad Grandma?" inakap ko siya patagilid at humalik sa ulo niya. "May importante lang po akong nilakad kanina. I'm sorry." Malambing na paumanhin ko kay Grandma.

"Mas importante pa sa pamilya natin?" may himig ng pagtatampo ang boses ni Grandma.

"Nothings more important than you, Grandpa and Ate.." At ngumiti ako hanggang maningkit ang mata ko.

"Minsan lang umuwe ang Daddy mo apo, buogn akala ko naman makukumpleto na tayo kanina dahil nandito rin ang Tito At Tita Sylvia mo kasama si Wesley." Nakaramdam tuloy ako ng matinding guilt sa sinabi ni Grandma.

"I know Gran, I'm really sorry. Promise it will never happen again." At niyakap ko siya ng mahigpit.

"It's okay, no worries apo because from now on your father will stay with us for good." At para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Grandma.

"W-What do you mean he's staying with us Gran?" kunot noong tanong ko at bumitiw sa pagkakayakap sa kanya.

"Di ba yun naman ang gusto mo noon pa apo? Ang mag stay ang Daddy mo dumito para palagi natin siyang makasama." nakangiting sagot ni Grandma.

"Things changed Gran, I was a little kid back then." Napa buntunghiningang sagot ko.

"Kenneth, your father is very responsible man. Hindi man natin siya makasama ng madalas pero hindi naman siya nakalimot at nagkulang na ibigay ang lahat ng pangangailangan ninyong magkapatid." pagtatanggol niya kay daddy.

"Grandma, hindi naman mahalaga sa akin ang mga materyal na bagay. I've lost mom when i was born and while growing up i've lost my dad too.." mapaklang tawa ko at hinawakan ako ni Grandma sa kamay.

"He's never been lost apo, your father wanted the best future as possible for you and your sister that's why he's always not around with us. Just like your Grandpa and Tito Ric, they're really workaholic." umikot ang mata ni grandma sa kawalan. "All i'm trying to say is that your dad is really serious of taking care of our business here and abroad." tinitigan lang ako ni Grandma at pinisil ang kaliwang pisngi ko.

"I understand Grandma." mahinang sagot ko. Ayokong makipagtalo. "I need to rest grandma, magpahinga na din po kayo maaga pa po ako ang pasok ko bukas." At humalik ako ng mariin sa pisngi ni Grandma tulad ng palagi kong ginagawa.

Pag akyat ko sa room ko mabilis akong naligo at nagpalit ng bagong damit. Pag labas ko ng banyo nakita ko si Dad na nakupo sa gilid ng bed ko at hawak ang picture frame na nakapatong sa tabi ng lampshade. Picture naming tatlo, ako, si Dad at Ate Joi nung grade school ako.

"D-Dad?" nag aalangang tawag ko at medyo nagulat siya at napatayo.

"Son, your Grandma told me that you just arrived a while ago." Nakangiting bungad ni Daddy.

'Hanep parang wala lang nangyari kanina.'

"Yes dad, may pinuntahan pa kasi ako at naipit din ako sa traffic on my away back." alibi ko.

"Son, i know you have all the reason to be mad at me." Hinawahan niya ako sa braso at inakay akong umupo sa bed ko. Hindi ako sumagot dahil ayokong lumabas na bastos sa harap niya. "Kenneth speak up.." tinapik niya ako sa balikat.

Ayoko siyang kausapin dahil kapag naalala ko yung mga nakita ko sa mall kanina at umiinit lanf ang ulo ko.

"What do you want dad? " walang ka gana ganang sagot ko.

"Ikaw anak, aren't you happy that i'm back?" malambing na sagot ni Daddy. Napilitan akong tumango bilang paggalang kay Dad.

"Akala ko ba uuwe ka na kanina to attend our family dinner? What happened, we've been waiting for you son." nagtatakang tanong ni Dad.

"May emergency lang ako kanina Dad." tumango lang siya sinabi ko at nag iwas ako ng tingin.

"Yeah emergency." agad na sang ayon niya. Napaka akward na ambience sa pagitan namin ni daddy. "About what happen at the Mall, i was actually meeting---"

"I need to sleep early tonight dad, maaga pa kasi ang basketball practice namin tomorrow." Putol ko sa sinasabi ni Dad. Hindi pa ako handang makipag usap sa kanya after that annoying incident.

"I came back for you Kenneth. I will never leave you again. Tha'ts a promise. Goodnight son." at ginulo lang niya ang natutuyo kong buhok at dahan dahan niyang isinara ang pinto ng kwarto ko.

'I know why you came back Dad..'

*** E N D O F F L A S H B A C K***

Hindi ako makatulog sa dami ng gumugulo sa utak ko. Dumagdag ang pag uusap namin ng pinsan kong si Wesley kanina. Naglalaro pa sa isip ko ang lahat ng sinabi niya kanina pagbalik niya sa sarili niyang deck para makapag pahinga.

Una, yung tungkol sa napapansin niyang pagiging malapit namin ni Lucky sa isa't isa.

Pangalawa, ang pakiusap niya na kung hangga't maaari huwag ako masiyadong maging close kay Lucky o sa grupo nila.

Bakit ngayon pa kung kelan naging malapit na ako sa kanila. Kung kailan naman may matatawag na akong mga kaibigan bukod kay Wesley o sa mga team mates ko sa basketball saka niya ako pagbabawalan. Nakakainis pero wala akong magawa.

Mahirap ang ipinapagawa niya tapos parang kakaiba pa ang dating sa akin ng mga sinasabi niya kanina. Yung tipong kailangan kong layuan si Lucky dahil off limits siya at para lang ito sa kanya. Pero hindi ko yun pwedeng isigaw yun sa mukha ni Wesley dahil unang una wala akong karapatang gawin yun. Ano ko ba sila? Si Lucky?

Una niyang nakilala at naging kaibigan yun kesa sa akin. Pangalawa baka isipin niyang may nararamdaman din ako sa taong espesyal para sa kanya at alam ko kung papaano tumakbo ang isip ni Wesley madalas magulo parang siya.

Naputol ako sa pagmumuni muni dahil biglang umurong si Lucky sa tabi ko at pilit isinisiksik ang sarili sa katawan ko. Hindi ako gumalaw dahil baka magising ko siya. Himbing na himbing ang tulog niya at bahagyang nakanganga. Parang talaga siyang bata mapatulog o gising.

'Hanggang pagtulog wala man lang kaayos ayos.'

Hindi ko na siya gigisingin. Hahayaan ko nalang siya sa gusto niya tutal ito na ang huling pagkakataon na makakasama ko siya at ang mga kaibigan niya. Ang nakakapagtaka hindi man lang ako nakaramdam kahit kaunting pagkailang sa pagkakalapit ng mga katawan naming dalawa. Nakaramdam ako ng kapayaan sa sarili ko habang nakikinig sa mahina niyang paghilik sa tabi ko. Wala akong nagawa kundi ang pumikit na lang at pakinggan ang mala musikang dala ng mahinang paghinga niya sa dibdib ko.

Naalimpungatan ako sa boses ni Andi habang ginigising niya si Lucky. Nginitian lang ako ni Andi ng mapansing nagising ako at paglingon ko bintana maliwanag na sa labas. Nakapatagilid parin akong nakahiga at hindi ako makagalaw dahil nakasubsub parin si Lucky sa dibdib ko at nakaakap sa katawan ko.

"Lucky, hoy gising na may bisita ka!" pukaw niya kay Lucky habang niyu-yugyug ang balikat nito. Umungol na parang bata at ayaw magpaabala "Gumising kana nakakahiya ka talaga." naiilang na alog niya rito at hindi makatingin sa akin ng derecho.

"Tita Jack ang aga pa paki sabi wala, umalis, tulog!" nabubugnot na sagot niya habang nakapikit.

'Wala, umalis, tulog? Ayos yun ah.'

At lalo siyang sumiksik sa harap ko at umakap sa bewang ko. Bigla akong nanigas sa kinahihigaan ko at napangiti si Andi.

'Hindi ako sanay ng may ibang yumakap sa akin bukod sa kapatid ko at grandparents ko. Badtrip nakakahiya.'

'Damn it Lucky!'

"Hoy Lucky, mahiya ka nga wala ka sa bahay niyo, si Papa Kenneth ginawa mo ng tandayan!" At dahan dahan dumilat si Lucky at nagtama ang paningin namin. Hindi ko alam kong ngingiti o maiinis ako sa kanya. Nakakatuwang pagmasdan ang itsura niya kapag bagong gising. Kahit magulo at sabog ang blonde hair niya at bagong gising maganda parin siya.

'Maganda siya? Kailan mo pa napansing maganda siya Kenneth?'

At mabilis siyang bumitaw sa katawan ko at umupo sa deck nag inat ng mga kamay at nagpunas ng mata.

"S-Sorry akala ko nasa bahay pa ako." Napakamot siya ng ulo at ngumiti.

"Its okay hindi ko din napansin nakatulog din ako eh." Mahinang sagot ko at tumingala sa kisame ng bus. Akward!

"Yan, para-paraan ang beklu makayakap lang." pang aasar ni Andi at pinandilatan niya ang kaibigan at bigla itong nanahimik.

"Baba na tayo may almost one hour tayong stop over dito para makapag breakfast sabi ni Sir Adam." Masayang singit ni Marlon at nunukso ang tingin kay Lucky.

"Tara nagugutom na ako eh." biglang yaya niya sa mga kaibigan niya. Lumapit muna siya sa deck ni Wesley at sinilip ang pinsan ko na kasalukuyang mahimbing na natutulog.

"Hayaan mo muna siya, mahirap gisingin yan dahil mantika yan kung matulog." Sagot ko at napangiti lang siya.

"Sama ka tara kaen tayo sa labas tas libre mo ko." nakangiting baling niya sa akin.

"Libre na naman?" Mahinang sagot ko sa kanya at natawa siya.

"Eh di huwag, madamot!!" At bigla akong tinalikuran at mabilis na sumunod ang mga kaibigan niya. Kinuha ko lang shades ko at wallet sa bag at sumunod na sa kanila sa labas.

'Sumusobra na 'tong batang to!'

Pagbaba ko nagulat ako dahil sa mga babaeng sumalubong sa akin at bumati. Tiningnan ko muna ang buong paligid kung saang lugar kami nag stop over. Nasa isang Gasoline Station kami sa Bulacan at iilang tour bus lang ang kasama namin doon para mag stop over. Nasaan na kaya yung iba?

May isang convenient store at mangilan ngilang tindahan sa paligid ng lugar. May ilang students na nakapila sa mga public toilet ang iba naman sa kanila ay nag gu-group picture kung saan saan. Hinanap ko agad ang grupo nila Andi at nakita kong nasa isang mesa sila katabi ng Gas Station. Nakaupo sila sa isang maliit na karinderya pero hindi nila kasama si Lucky. Nasaan naman kaya nagsusuot yun?

"Maygad, hindi pa ako nag aalmusal pero parang busog na ako!" bungad ni Andi paglapit ko sa table nila.

"Good Morning!" bati ko sa mga kasama niya. Buti nalang naka shades ako kaya hindi halatang hinahanap ko yung nawawalang isip batang kasama nila.

"Good Morning Kenneth!" sabay sabay na bati nila bago ako umupo.

"Manang! Kanin at sabaw nalang po ang order ko nandito na yung ulam eh." Sigaw ni Marlon sa matandang serbidora.

"Kung hinahanap mo si Luis Manzano ayun oh!" Turo ni Andi kung nasaan si Lucky at napalingon ako sa direksyong itinuro niya.

"Hindi ko naman siya hinahanap 'e, inaalam ko lang kung nasaan na tayo ngayon." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"Ahh hindi ba? Akala ko kasi namiss muna ka agad, kanina lang kasi magkayakap kayo sa deck tapos ngayon namiss niyo agad ang isa't isa." Birong sagot ni Ytchee at nagtawanan ang mga kaibigan niya.

"Hoy siya lang ang nakayakap sakin hindi ako." tanggi ko sa paratang niya. Bakit ko naman yayakapin yun, ano ako baliw? Umupo nalang ako ng maayos sa tabi ni Ytchee. Siya narin ang umorder ng food ko kahit wala akong ganang kumaen.

Muli kong inikot ng mata ko ang paligid at nakita ko si Lucky habang masayang kausap ang Mamang nagtitinda ng taho. Nakayuko dun sa paninda ng matanda at may sinisilip pa sa loob ng isang silver na container. Nginitian din siya ng matanda habang inaabot ang sukli sa kanya. Para talaga siyang bata kung kumilos parang si Wesley, no wonder kaya sila nagkakasundo.

Naglakad siya pabalik sa mesa namin at may hawak na dalawang cup ng taho sa magkabilang kamay. Nagpanggap akong hindi ko siya napansin ang paglapit niya sa tabi mesa.

"Oh.." inilapag niya ang isang transparent na cup ng taho sa harap ko.

"A-Ano naman yan?" walang emosiyong sagot ko.

"Taho, bakit ngayon ka lang ba naka kita ng taho?" nagtatakang tanong niya.

"I know what that is.. i'm not stupid." Masungit na sagot ko.

"Eh ba't nagtatanong ka pa kung ano yan, alam mo na naman pala?"

'Hayst, palagi nalang galit at saksakan ng pilosopo kapag kausap.'

"I know Lucky. What i'm asking is, if you're giving it to me or that Taho is for someone else." Mahinahong paliwanag ko kahit nag iinit na ang bumbunan ko.

"Ewan ko sayo, mas lamang ang bone marrow mo kesa sa brain cells mo!" bigla niyang dinampot ang nilapag niyang cup ng taho sa harap ko. Agad kong inawat ang kamay niya ng bigla niyang isasalin sa cup niya yung laman ng binigay niya sa akin.

"Hoy! Anong ginagawa mo akala ko ba para sa akin yan?" hinampas ko ang kamay niya para hindi malipat yung laman sa loob ng cup niya.

"Andami mo kasing kuda! Nilibre ka na nga eh." Hindi ko alam kung natatawa siya o naiinis dahil umikot pa yung mata niya.

"Hoy kayong dalawa hiyang hiya ang mga langgam at bubuyog sa ka sweetan niyo. Sarap ng breakfast away agad!" singit ni Ytchee at nakaturo sa aming dalawa. Maya maya dumating na yung mga orders nila.

"Ito kasing kaibigan niyo bipolar!" Turo ko kay Lucky at saka ko ininum ang binili niyang taho.

'Hmmm, na miss ko ang lasa nito. Its been a long time ng huling makatikim ako nito.'

"Hoy, ungas sinong bipolar sa atin, kaldag payatot you like?"

'Kaldag, ano yun?'

"Ungas? Ang cute cute naman ng tawagan niyo ses Lucky!" kinikilig sagot ni Marlon.

"Ungas is another word for tanga (stupid) or gago (dumb ass) rude, crude as curse words. Used mainly to insult someone who makes blunders often." Mabilis na sabat ni Ytchee. Hindi ko mapigilang magpalabas ng hangin sa ilong dahil sa nalaman ko.

'Ungas pala ah!?'

"Tumagas na naman, yung timba Marlon paki kuha sasahurin ko ang mga matatapong kaalaman sa susunod na bibigyan niya ng kahulugan na salita." At sinimangutan lang sila ni Ytchee. Hindi parin talaga siya nagbabago.

"Hindi naman payat si Kenneth seshie ah. Tama lang naman ang height niya sa weight niya." Kontra ni Andi sa sinabi ni Lucky.

"Tss, hindi daw tingnan mo nga ang katawan niyan!" duro niya sa akin. "Piktyuran mo lang yan sa cellphone gamit ang Camera 360 beauty app kuha muna agad ang X-Ray result niya." Malakas na tumawa si Marlon at Ytchee.

'Grabe to manlait daig pa sila Andi!'

"Hala grabe siya ses. Alam mo bang pagpayat at matangkad malaki daw ang anek!" bigla singit ni Marlon at ngumiti ng makahulugan kay Lucky.

"A-Anong m-malaki?" sabat ko at walang sumagot sa kanila. Weird pero kinakabahan ako sa pinag uusapan nila.

"Malaki ang ano.. yung kembyular!" Natatawa at naiilang sagot ni Andi at umiling lang si Lucky na parang hindi sang ayon sa sinasabi nila.

'Anong kembyular ang pinagsasabi ng mga 'to?'

"May kasabihan kasi ang mga bakla Kenneth..." Bigla akong napalunok ng malalim ng magsalita si Marlon. "Na kapag malaki daw ang paa..." binitin niya ang sinasabi at natatawang nakitingin sa mga kaibigan niya.

"A-Ano nga!" naiinis na sagot ko kay Marlon na mabilis nagtakip ng mukha.

"....Malaki din daw ang sapatos.. Ito naman kinabahan agad." salo ni Ytchee at tumawa silang tatlo ng malakas. Napapailing lang si Lucky sa mga kaibigan niya.

"Hmmm, malaki naman talaga.." mahinang sagot ko at nanlaki bigla ang mata ni Andi at Marlon.

"R-Really?" mautal utal na sagot ni Andi. Now what? Akala siguro nila hindi ko mage-gets ang pinag uusapan nila.

"Of course." buong kompyansang sagot ko.

'Hirap kaya akong pumili ng sapatos.'

"KKKKYYYAAAAHHHHHHHHHHHHH!" tilian ni Andi at Marlon. Pinag aambaan naman ng suntok ni Ytchee ang dalawa sa inis.

"Manang kanin pa po!!" sigaw ni Marlon at Andi habang nakatayo.

"Ilan iho?" biglang sagot ng matandang babae sa loob ng karinderya.

"Isang kabang bigas yung luto po!" at natawa agad yung tindera pati kami dahil sa kalokohan nila.

"Tss!" mayabang na singhal ni Lucky sa akin.

"Bakit malaki naman talaga ah.." tumayo ako at ipinakita ang sapatos na suot ko.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ni Lucky at Ytchee.

"AMPOTA ANG LAKI NGA!" sigaw ni Ytchee kay Marlon at Andi.

"Isubo niyo tig isahan niyo pa!" gatong ni Lucky na napapahawak pa sa tiyan kakatawa.

Bigla akong napasapo sa noo ng makuha ko ang gustong sabihin ni Lucky. What the eff! Grabe man trip ang grupong 'to nakakapikon sobra! Buti nalang tulog si Wesley kundi isa pa yun sa magiging pinakamalakas tumawa kagaya nitong isa.

"Pero kahit pa-payat payat yan si Kenneth James Ang nuknukan yan ng kagwapuhan at hinahabol yan ng marami seshie!" may pagmamalaking wika ni Andi kay Lucky. Napatikhim ako sa sinabi niya.

"Malamang CRUSH mo eh, kaya ipagtatanggol mo!" pambubuko ni Lucky at tumawa silang lahat maliban kay Andi na masama ang tingin sa mga kaibigan.

"Bakit huwag mong sabihing hindi mo din siya naging crush?" Hamong bawi ni Andi at natigilan ako sa katanungan niya.

"Crush mo ba si Kenneth James Ang, Lucky?" Nakangiting tanong ni Ytchee. Tuwang tuwa ang loko dahil si Lucky ang iginigisa nila.

"Crush?" nangunot ang noo niya at parang nag iisip. "Oo, minsan.." balewalang sagot niya. KInabahan ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan dahan akong napalingon ako sa direksiyon niya. "...minsan gusto kong i-CRUSH yung mga buto niya sa palad ko saka ko ibu-budbud sa lugaw na kakainin ko." At tamang tamang inilapag ng serbidora ang isang bowl ng umuusok na lugaw sa harap niya. Bigla silang tumawa lahat sa sinabi niya.

'Siraulo ka Lucky Gonzaga!'

"Yung seryoso Luis Manzano wag kang tokshit!" Sigaw ni Andi habang tumatawa.

"Wala nga.. hindi ko siya naging crush mga baliw." Masungit na sagot niya. Wow ah! Nakakainis ang pagiging presko niya sumagot.

"Ang kill joy mo ses!" Dismayadong sagot ni Marlon.

"Eh sino? Si Harry Styles pa din ang ultimate crush mo ganern?" ani Andi at tumango tango si Lucky habang natatawa.

'Harry Styles ng One Direction? Tss, mas gwapo ako dun..'

"Imposible yan Lucky lahat ata ng babae at bakla sa Carlisle nagka gusto sa kumag na to, tas ikaw wala? TOKSHIT ka!" banat ni Ytchee habang dinuduro si Lucky.

'Oo tokshit talaga yan kapag kausap mo!'

"Kingena niyo kapag magka-crush ako diyan, baka ma-comatose bigla ang ex gelpren niyan!" singhal niya. "Lapitan ko nga lang nag aalburoto na sa galit si Amber, 'e paano kapag minahal ko pa yan?!" ang sarap pitikin ng bibig niya ng ngumiwi paitaas ang labi niya.

"Eh paano kapag minahal ko pa yan!"

"Eh paano kapag minahal ko pa yan!"

"Eh paano kapag minahal ko pa yan!"

'WTF! Mahal agad? Crush muna oi!'

Paulit ulit na nag e-echo sa utak ko ang huling sinabi niya.

"AHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

"BWAHAHAHA AHAHAHAHAHA"

"SIRAULO KA TALAGA LUCKY!"

"TAMA TAMA BAKA ATAKIHIN SA PUSO YUN BIGLA!!"

Malakas na tawanan nilang apat at napapangiti lang ako sa tawa nila pero tumatak talaga sa isip ko yung huling sinabi niya.

"Pero kung hindi ganun ang sitwasyon niyo Lucky, may chance naman ba ses?" nahinto sila sa pagtawa sa tanong ni Marlon.

"May chance na alin?" Natawawang tanong niya ulit.

"Na magustuhan mo rin siya kagaya ni Jasper?" agaw na tanong ni Andi at natigilan si Lucky sa pagtawa. Grabe ang pagiging prangka nila. Alam kaya nila yung pinagdaan niya sa ex boyfriend niya? Mukhang wala silang idea?

"Oo naman, bakit hindi." Seryosong sagot niya at nginitian niya ako ng nakakaloko. Napakagat akong mariin sa pang ibabang labi ko para huwag akong mapangiti sa sinabi niya. "Sayang naman..." umiiling na sagot niya habang nakatingin ng derecho sa mata ko. Buti nalang naka shades ako kaya kaya kong makapipagtitigan sa kanya ng hindi ako naiilang "...Laman tiyan din yan eh." at walang katapusang tawanan na naman silang magkakaibigan.

'Sinasabi ko na nga ba eh! Lakas mang trip ng mga 'toh eh!

"Manang pwede po bang manigarilyo dito?" malakas na sigaw ni Lucky sa tindera pagakatpos nitong kumaen. Tumango lang ang tindera sa kanya at saka siya bumunot ng isang stick sa kaha. Tumayo siya at walang paalam na naglakad papalayo sa amin.

"Hindi ko alam na naninigarilyo yun." Nakangusong turo ni Ytchee sa direksiyon ni Lucky.

"Oo, mga 8 months ago na ata." sagot ni Andi habang kumakaen. Nakikinig lang ako sa kwentuhan nila habang kumakaen at panakaw kong pinag mamasdan si Lucky sa malayo. Nagulat ako ng makita kong nilanapitan siya ng class advisor nila na si Sir Adam Villanueva.

Nagkangitian pa sila at nakikita ko sa kanila ay mukhang close silang dalawa. Kilala si Sir Adam Villanueva dahil ito ang pinaka batang Instructor sa Carlisle bukod dito halos lahat ata ng babaeng students sa campus may gusto sa kanya.

'Psh! Kamukha lang yung Vampire na si Edward Cullen kinilig na sila. Kadiri!'

"Oi si Sir Adam yun ah, ang gwapo gwapo niya lalo tingnan ses. Order pa tayo ng rice." kinikilig na sambit ni Marlon habang pinapanuod sila.

"Eh bakit ang pula pula padin ng lips ni ser kahit na naninigarilyo siya?" nagtatakang tanong ni Andi. Bakit kapag manigarilyo ba iitim ang lips?

"Smoking has many drastic effects on the body and one of the most noticeable ones is darkening of lips and skin around the mouth. This usually happens due to a number of reasons. The tobacco and tar: Abundantly present in cigarettes, tar tends to stain your lips, teeth and gums, in turn giving them a blackish-blue hue." Parang robot computer na paliwang ni Ytchee ng makarinig ito ng isang katanungan.

"AHHHH---" mahinang sagot ng dalawang bakla habang nakatingin padin sa dalawang naninigarilyo.

"Smoking causes constriction of blood vessels and inhibits circulation. The discoloration could be from a reduced blood supply in your lips. Also the tar in the tobacco may cause discoloration on your lips the same way that it can turn your fingertips or your lungs black." Hanep may karugtong pa pala. Tibay din talaga ng memorya nito. Tch!

LUCKY'S POV

Pagkapatos kong maubos ang masarap na lugaw nagpaalam ako sa may ari kong pwedeng mag bisyo malapit sa tindahan nila. Lumayo ako sa mga kaibigan kobitbit ang tahong binili ko kanina. Ayokong makarinig ng kung ano anong kuda nila tungkol sa paninigarilyo ko. Lifestyle ko 'to, wala silang karapatang manghusga at mangialam sa bisyo ko. Kanya kanya tayong trip sa buhay. May kanya kanya rin tayong paraan para maka cope up sa stress na pinagdadaaanan naten at ang paninigarilyo ang naging passes ko. Mag foodtrip o stress eating kayo , mag shopping galore, mag inuman to the max, o kahit papakin niyo yung make up niyo mapagaan lang ang buhay niyo.. Go lang mga ses at seshie!!

Yun nga.. Nanigarilyo ako malapit sa isang puno sa bandang likod ng tindahan pero tanaw ko parin ang pwesto namin.

"L-Lucky pwede ba kitang samahan sa pag mumuni-muni mo." Biglang sulpot ni Sir Adam sa pwesto ko.

"Oh kabisyo!" natatawang bati ko kay Ser Adam paglapit niya.

"Sira may makarinig sayo sabihin kinukonsinte kita sa pagbibisyo mo." At hinawi niya yung magulong buhok pataas. Parang mauubo ako sa kagwapuhan ni ser.

"Joke lang po!" at nag peace sign ako.

"Bakit ang layo mo naman sa mga kaibigan mo?" habang nakatingin sa direksyon nila Andi.

"Ako lang kasi ang naninigarilyo sa grupo namen kaya ako na po ang lumayo." Nahihiyang paliwanag ko. Umiling lang siya habang nakikinig.

"Sige samahan na lang kita. Okay lang ba?" nakangiting baling niya pagharap.

"Ayos lang po ser the more the merrier!" Lumingon ako sa paligid kung may nakatingin sa direksyon namin. Wala naman kaya safe.

"Ang balita ko hindi ka daw makakasama sa fieldtrip?" napakunot ang noo ko sa tanong ni ser.

"Ayoko nga po sana kaso sila Andi pinilit ako kaya wala na akong magawa." maikling paliwanag ko. Napalingon ako kela Andi at tamang taman namang nakatingin silang lahat sa direksiyon namin ni ser Adam. Kumaway si Ser at kumaway din sila pabalik sa amin.

"I see, hindi ko alam na close ka din pala kayo ni Kenneth James Ang?" Humarap siya sa direksiyon nila saka nagbuga ng usok. "Una si Wesley ngayon naman si Kenneth James Ang. You always surprise me Lucky." Nakangiting kwento niya pero hindi ko makuha yung pinupunto niya.

"Ano ibig niyong sabihin Sir Adam?" pataas kong ibinuga ang usok ng sigarilyo. Nasa kanila padin ang paningin niya ako naman nasa kanya.

"Wala naman, parang kakaiba ka lang sa kanila." Lumingon siya sa akin at nginitian ako.

"Narinig ko na yan ser, ano naman ang pagkakaiba ko sa kanila?" napapangiwing sagot ko sa kanya. "Eh pare pareho lang naman kaming kumakain, tumatae at natutulog.." nakangusong sagot ko pa at saka siya tumawa ng malakas kaya napalingon sila Andi sa amin ni ser.

"Seriously, kakaiba ka talaga Lucky, i don't know how to describe it.."

"Is it good or bad ser?"

"Inbetween.." nag puff siya sa nangangalahating sigarilyo niya.

"Lucky Me!" sabay kaming tumawa ng malakas ni ser.

'Lord, ilayo niyo po ako sa tukso masiyado pong gwapo si ser Adam at hindi ko na po kaya!'

Nakita kong biglang tumayo si Kenneth sa mesa at iniwan sila Andi at nagpaunang umakyat sa bus.

"Mabuti na lang sumama ka din Lucky because i want you to represent our group sa singing competition pagdating natin sa Baguio." wala pa man pero mukhang panalo na yung itsura ni Sir Adam nung sinabi niya yun.

"S-Singing competition akala ko po ba fieldtrip to bakit may ganung competition?" ignoranteng tanong ko.

"May mga activities kasi tayong gagawin, maglalaban laban ang walong sections at isa dun ang singing competition. Malakas ang kutob ko na kaya mo silang pataubin sa talento mo sa pagkanta Gonzaga."

"Ha? Ano po.. He he he Thank You ser." Naka ngiwing sagot ko. Kahit kelan laging may pasabog din to si ser eh.

"Everyone is very excited. Don't worry kapag manalo ka fourty thousand cash naman ang mauuwe mo." Sabay tapik sa balikat ko.

"Fourty T-Thousand pesos?" Nauutal na tanong ko at napalunok ako ng dalawang beses. Nanuyo ang lalamunan ko sa balita.

'Tumataginting na fourty kwit yun! Ay join ako diyan!'

"Indeed. Ikaw na ang pumili ng song na kakantahin mo. Kailangan relevant at medyo inspirational dahil ang mga judges natin puro matatanda. Alam muna?" At biglang tumawa si ser ng malakas.

'Hindi na ako makakapag desert, tawa pa lang ni ser solb na solb na ako.'

"Matatanda po? Sino sino po?"

"Ilang stock holders ng Carlisle Academy at darating din ang big boss." pabulong na balita niya.

"Parang kinakabahan naman po ako diyan ser Adam." Napakamot ako ng ulo.

"Confident ako sa kakayahan mo at alam kong hindi ka basta basta magpapatalo." nakahawak ang isang kamay niya sa balikat ko. "Pero sasabihin ko sayong hindi din magiging madali ang mga makakalaban mo Lucky. Carlisle Academy is full of talented students like you." Bigla siyang nagseryoso.

'Kainis naman 'to kanina maka PUSH wagas ngayon naman kung takutin ako parang wala na akong chance manalo!'

Yun lang at pinatay niya na ang sigarilyo. Kagaya ng dati ginulo niya ulet ang magulo kong buhok at kumindat bago umalis.

'Lord, I Thank You. Bow!'

Sabay sabay na kaming bumalik sa bus nila Andi, Ytchee at Marlon. Pag akyat namin ng bus nakita ko si Wesley na nakaupo na sa deck niya habang tulala at mukhang bagong gising dahil magulo pa ang buhok at naghikab pa siya pag lapit ko. Si Kenneth naman nakasuot na ng kulay blue na headphone na binili namin si Mall.

"Goodmorning Wesley." Masayang bati ko sa harap niya. Nakaupo siya habang kumarap kurap ang singkit na mata.

"Good Morning Lucky!" at bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

'Aray! Ang higpit naman. Ano to 8 years kaming hindi nagkita?'

"Tss, na miss mo agad 30 minutes lang nawala." Natatawang sabi ni Kenneth.

"Whoa! Selos ka naman?! 5 minutes pa lang kayong nagkakahiwalay ah." pang aalaska ni Ytchee at tumawa naman sila Andi at Marlon. Tss! Tingnan naten kung makakatagal kapa sa tagas ng utak ng mga kaibigan ko. Infairness to him naman kahit kanina pa namin siya pinagti-tripan kanina hindi man lang niya makuhang mapikon.

"Good Morning Wesley!" pa cute na bati ni Andi kay Wesley.

"Good Morning Andi, Marlon!" kumaway at ngumiti siya sa dalawa.

"Walang hug kagaya nung kay Lucky?" Naka hirit ni Andi. Bigla namang itinaas ni Wesley ang dalawang kamay na parang handang magpayakap at bigla sumugod si Andi kaso bigla siyang hinila ni Marlon sa likod ng damit pabalik kaya napa atras siya.

"Ano ang lagay ikaw lang ang yayakap ses? Kapag isa sa atin ang wala, dapat pareho na tayong wala!" Sigaw ni Marlon at natawa si Wesley sa pagtatalo ng dalawa.

"Inggetera ka bakla! Free hug na naging bato pa!" Reklamo ni Andi.

"MAGSITIGIL KA!! Baka maging palaka pa yan bago pa tayo makarating ng Baguio!" hirit ni Marlon. Tss! Ang bakla ayaw palamang sa ultimate crush niya.

"Magsitigil ka? Isa lang ako tagalog na nga wrong grammar ka pa." At inirapan siya ni Andi.

"Yaan muna sa laki mong yan pang dalawang tao na kaya counted na yun!" sabat ko at inulan ulet siya ng tawa.

"CLASS LISTEN UP! I HAVE AN ANNOUNCEMENT." Nagsalita si Sir Adam sa microphone kaya lahat kami nagkanya kanyang balik sa deck ang mga classmates namin habang nakikinig. Naiwan ako sa deck ni Wesley habang nakaakbay siya sa akin. Nakasandala naman si Kenneth sa deck namin habang nakatayo. May mangilan ngilang kaklase kong babae ang nakatingin sa aming dalawa sa likod.

Ewan ko kung bakit hindi na ako naiilang kapag si Wesley ang umaakbay o umaakap sa akin ngayon. Wala akong maramdamang malisya. Ang weird ng feeling ko pero dapat nga diba mahiya ako o mailang dahil baka ano ang isipin nila? Deadma na!

"WE WILL BE STAYING AT THE MANOR AT CAMP JOHN HAY WHEN WE ARRIVE IN BAGUIO SOON. I HAVE THE LIST OF NAMES OF STUDENTS, WHO WILL BE YOUR ROOM MATES FOR FOUR DAYS. KEYS WILL BE GIVEN WHEN WE ARRIVED AT THE HOTEL PREMISES." Malakas ang naging sigawan at palakpakan ng mga classmates ko ng marinig kung saang hotel kami mag tse-check in. Saan daw yun? Pumalakpak nalang ako kahit hindi ko kilala ang hotel na tutuluyan namin. "STRICTLY NO SWAPPING OF ROOM MATES! UNDERSTOOD?" at kahit na hindi sang ayon ang iba sabay sabay parin kaming sumagot sa policy nI Sir Adam.

Isa isang tinawag ni ser ang mga pangalan ng mga classmates ko na magkakasama sa kwarto at bawat pangalang nababanggit nag wawala ang mga classmate kong mga timawa. Lakas ng mga sapak ng mga to!

"ANDRES, MARLON, LUCKY AND YTCHEE!" Pagkabanggit ni ser nag sigawan sina Andi at Marlon na parang mga baliw. Nag apir lang kaming apat dahil yun ang gusto namin sa school pa lang.

"Hala, Sir Adam. bakit ang grupo nila Andi may halo? Samantalang kami all girls lang?" protesta ng isang classmate naming si Jessica.

"Oo nga ser unfair naman. Pwede po bang isama niyo nalang kahit isa kela Kenneth or Wesley sa room namin?" ungot ng malanding classmate namin na si Isabelle.

"Yun oh, Kenneth gusto kang makasama sa suite. Ha ha ha!" pang aasar ni Wesley sa pinsan.

"Psh! Di samahan mo ikaw naman naka isip." masungit na sagot niya kay Wesley at may pa bonus pang irap.

"Hoy, mga inggetera mga bakla yung kasama ko at tomboy ako! Dun kayo sa Baranggay magreklamo o kaya mas mabuting umuwi na kayo ng Quezon City at mag aral kayo ng mabuti!" malakas na sigaw ni Ytchee kaya pinagtawanan ng lahat yung dalawang classmates namin.

"Sorry guys, Kenneth and Wesley will be staying in one room. Wala na kasing available na room for four kaya nahiwalay sila." Paliwanag ni ser at nakita kong parang nakahinga ng maluwag si Kenneth.

"At last may magandang balita rin akong narinig ngayong araw." napalingon kami ni Wesley sa pinsan niya.

"AND ONE THING CLASS.. LUCKY SHANE GONZAGA WILL REPRESENT OUR SECTION TO COMPETE ON THE INCOMING SINGING COMPETITION. ATLEAST SIGURADONG MAY ISA NA TAYONG PANALO." Very proud na announce ni ser at nagpalakpakan ang mga clasamates ko sa sinabi ni ser.

"YUN LUCKY IDOL!"

"YES MAY CHANCE NA TAYO UNLIKE LAST YEAR TALO ULIT TAYO."

"PARANG VOLLEYBALL LANG YAN, PATUTUMBAHIN YAN NI LUCKY!"

"BWAHAHAHAHAHA AHAHAHAHAHAH"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!

" LUCKY ME! LUCKY ME!"

"Kaya mo yan Lucky! Napanaginipan ko na to nasa atin ang championship this year!" excited na kwento ni Marlon.

"Tama at kapag manalo ka ilibre mo kami "PORTI TAWSAN" ang premyo dun!" eksaheradang singit ni Ytchee.

"Oo seshie, tutulungan ka naming mag practice mamaya!"

"That's right live band yun gusto mo kami ang tutugtog para sayo?" Alok ni Wesley bago ako hilahin papalapit sa katawan niya.

"Ayan oh, wala pang competition parang winner na ang peg mo!" Panunukso ni Andi samin ni Wesley.

"MAGSITIGIL KA!" duro ko sa mukha niya.

"SUMUSOBRA KA NA LUIS MANZANO!!" sigaw niya at nakita ko siyang susugod papunta sa deck ni Wesley pero mabilis akong tumayo at nagtago sa tabi ni Kenneth na nakatayo malapit sa pinto ng CR.

"What?" Biglang tanong ni Kenneth ng huminto si Andi sa tapat niya.

"N-Nothing.." namumutlang sagot ni Andi. Oh, nagulat kayo no? Namumutla si Andres. Hahaha!

"Sus, porket CRUSH niya hindi na makalapit." Pang aasar ko pagtalikod ni Andi.

"Pasalamat ka ang ga-gwapo ng ermingard mo!"

"Anong emengard?" umayos ng tayo si Kenneth habang nakatitig kay Andres.

"Georgia, gardini, guard, security guard, gwardiya name it.. its Ermingard!" parang umentro sa Miss Gay na paliwang ni Andi sa harap ni Kenneth.

"That's correct!" sang ayon ko.

"Bumalik ka na nga sa deck ang harot harot mo." Saway ni Kenneth hinawakan ako sa magkabilang balikat at itinulak pabalik sa deck namin. Padabog akong sumampa sa deck.

"Naay si Lucky takot kay Kenneth!" pang aasar ni Ytchee habang naka upo sa deck niya at nakaturo sa amin.

"Baliw!" Mahinang bulong ni Kenneth at napangiti kay Ytchee.

Para hindi masiyadong ma bored ang mga kasama namin nag saksak sila ng USB sa Flat Screen TV at nanuod ng movie. Dala na din siguro ng pagod at puyat kaya halos lahat ng kasama ko ay nakatulog. Maliban sa akin at ngkatabi ko na panay ang ikot sa pwesto niya. Mabuti na lang suot ko ang paborito kong Doraemon sleeping eye mask kundi itataktak ko ang mata niya sa portable toilet sa kalikutan niya.

"Tulog ka na ba?" narinig kong nagsalita si Kenneth sa tabi ko. Hindi ko tinanggal ang eye mask ko.

'Sabi ko na nga ba 'e hindi rin siya makatulog kagaya ko.'

"Oo tulog ako. Naka auto answer lang ang bibig ko.. kausapin mo lang ako, kung may tanong ka may sasagot sayo tiyaga lang." Pinipigilang kong huwag tumawa kaso narinig ko si Kenneth na naunang tumawa kaya napilitan akong i-angat ang eye mask ko.

Ginawa niyang unan ang isang braso sa ulo habang patagilid siyang nakahiga at nakaharap sa akin. Umayos ako ng pwesto at ginaya ko ang posisyon niya. Napailing lang siya bago ako inirapan.

"Wala ka talagang ipinagbago puro ka kalokohan." Nakangising sagot niya.

"Marami ng nagbago sakin. Sa ngayon sinusubukan kong ibalik yung dating Lucky pero parang nahihirapan na ako." Ewan kung bakit pero napaka emo ng dating ng naging sagot ko.

"Napakalaki pala talaga ng naging epekto sayo ng break up niyo 'no?"

"Oo binago ako ng kabanatang yun ng buhay ko." Kampanteng sagot ko. Simula ng maikwento ko ang part ng past ko na yun sa kanya naging komportable na akong kausap siya sa bagay na yun. Malamang magtatampo sakin si Andi at Marlon kasi kahit sila walang alam sa bagay na yun.

"Hmm, i'm curious kung ano ang dating Lucky Gonzaga."

"Mas malala yung dating ako sa kilala mo ngayong Lucky Gonzaga."

"Really? Gaano kalala?"

"Yung tipong mas gugutushin mo pang kausapin yung aso at pusa kesa akin. That's the real ME." Turo ko sa mukha ko at bigla akong tumawa.

"Pwede ko din ba siyang makilala?"

"Don't worry ipapakilala kita kapag magkita kami sa Baguio."

"I'm looking forward to meet the real Lucky Shane Gonzaga."

"Mmm. Interesting wala pa siya pero may gusto ng magpakilala sa kanya." tumango tango ako habang nakikipag titigan sa kanya.

"Malaki ba ang pagkakaiba nila noon at ngayon?"

"Oo malaki, dahil ang Lucky Gonzaga noon hindi kasing malas ng Lucky Gonzaga ngayon."

"Mainitin at matigas ang ulo?"

"Oo."

"Mahilig sa siopao at Lucky Me?" natatawang tanong niya.

"Oo."

"Magaling kumanta at mag Volleyball?"

"Oo."

"Mukhang babae pero barako kumilos?"

"Oo." natatawang sagot ko. So mukha pala akong babae sa pangingin niya. Yun lang barako kumilos. Tch!

"Maraming umaaway at lapitin ng malas?

"Oo. Oo. Oo."

"Eh di hindi din siya nagbago?" tinampal niya ng palad ang noo ko.

"Aray ko!" pinitik ko siya sa braso at tinawanan lang ako. "Hindi nga." walang emosyong sagot ko.

"Anong pagkakaibang sinasabi mo?"

"Takot na siyang magmahal ngayon kesa noon." Napanganga siya ng bahagya kaya hinawakan ko pataas ang baba niya para isara yung nakangangang bibig niya.

"Do you think magkaka CRUSH na siya sa isang Kenneth James Ang?" At bigla siyang tumawa at pinitik ko yung noo niya.

'OGAG to!'

"Oo naman." Tumango ako.

"R-Really?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Laman tiyan din daw yun eh." At sabay kaming tumawa pero nakatakip kami ng palad sa bibig para hindi maka abala sa ibang mga nagpapahinga.

To be continued..


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C38
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄