下載應用程式
42.85% Lucky Me / Chapter 27: LUCKY TWENTY SEVEN

章節 27: LUCKY TWENTY SEVEN

CHAPTER 27

LUCKY'S POV

Si Marlon ang sumunod na nag serve ng bola. Pagpito ng referee malakas na service spike ang binitawan ni bakla. Nasalo agad ni Karen (isa sa Gasul Girls) ang bola at mabilis itong naipasa kay Vhong na setter nila at nai- toss ang bola papunta sa direksiyon ni Amber.

Mabilis na tumalon si Amber para i-spike ang bola at magkasabay kaming tumalon ni Andi paharap kay Amber para i-block ang tira niya.

Malakas ang binitawang spike ni Amber pero mas malakas angpinagsamang pwersa ng braso at kamay namin ni Andi kaya itinulak namin ang bola pabalik sa court nila ngunit mabilis naman nasalo ni Jhorica (isa pang Gasul Girls) ang bola sa ilalim ni Amber at naipasa patalikod ang bola, nasalo agad ni Karen at naitira papunta sa court namin.

Mabilis na nasalag ni Olive ang bola, ipinasa kay Andi at patalong itinoss ni Andi ang bola sa gilid ng net at mabilis akong bumuwelo at nag spike sa ere. Sabay ng pagpalo ko ang pag block ni Amber at Vhong ng bola ngunit lumihis lang ang bola sa kamay nila at bumulusok ito ng mabilis papunta sa back row nila at walang naka salag ng bola.

'Tsiken sa mga bakla yan!'

"LUUCCKKKKKKKKKKY YOUR THE BEST!"

"PUSH LANG MGA TEH!"

"WAAAAAAHHHHHHHHHHH ANG HUHUSAY NG MOCKINGJAY!'

"GO MOCKINGJAY!

GO FIGHT MOCKINGJAY!

GO MOCKINGJAY!"

Malakas na hiyawan ng mga classmates ko sa bench namin. Si Wesley ay walang tigil din ang pagpalakpak. Si Kenneth naman ay nakangiti at napapailing nalang sa kinauupuan niya.

"Daming fans ah, mukhang ginaganahan ka, dahil ba yun dun?" sabay nguso ni Andi sa direksiyon nila Kenneth at Wesley at natatawa.

"Bugak, wala dun. Sa harap mo." at inismiran ko siya. At napangiti siyang humarap sa court nila Amber.

Muling nag serve si Marlon at nagtuloy tuloy ang bola sa gitna at nasalag agad ni Russel ang bola at muling tinoss ni Vhong ang bola papunta kay Amber at malakas na pumalo sa ere sinubukang i-block ni Marlon at Andi ang bola ngunit lumusot ito pumasuk sa court namin derecho sa dibdib ni Corazon kaya napaatras siya at tumalsik ang bola papalabas ng court. Score nila.

May mangilan ngilang tumawa sa pagtama ng bola sa hinaharap ni Corazon pero deadma lang si bakla parang di apektado.

"Okay ka lang ses?" Si Marlon linapitan si Corazon at hinawakan sa balikat.

"Keri lang naka supporter ako teh." Nakangising sagot ni Cora.

'Gumaganti si Barbie. Push mo yan!'

Nakangiting nakatunghay sa court namin yung tatlong Pink Rangers.

"One down 5 to go." Mayabang na sabi ni Amber habang ngumunguya ng bubble gum at iniikot ilang hibla ng blonde hair niya.

"Tss. Kwits lang nauna naman yung team member mong napaluhod kanina diba?" Nginisihan ko lang sila ng nakakaloko at bumalik kame sa position ni Andi.

Sunod namang nag serve si Karen. Mabilis itong nasalo ni Olive at ipinasa kay Andi at muling tinoss sa ere papunta sa akin. Hinanap ko yung direksiyon ni Amber at mabilis kong pinalo yung bola sabay silang tumalon sa harap ko para i-block ang tira ko pero sa lakas ng spike ko tumagos lang ulit sa kamay nila yung bola papunta kay Karen na pinipilit sanang habulin ngunit sa lakas at bilis ng bola hindi niya ito naabutan. Score namin.

Si Andi ngayon ang server namin. Inikot ikot niya nag bola at hinimas himas.

"GO ANDI!"

"GO ANDRES!"

"WE LOVE ANDRES BOLIVAR JR!" Sigawan ng mga classmate kong lalake at natawa lang ako dahil parang gugulong pa siya sa sahig sa kilig.

Mabilis niyang ihinagis ang bola pataas at pinalo ng swabe ang bola derechong pumasok sa court ng kalaban ngunit mabilis itong nasalag ni Russel at ipinasa sa setter nila at tinoss ulet papunta kay Amber.

Mabilis siyang tumakbo papasuk galing sa freezone area sa side ng court at bumuwelong papalo sa ere ngunit mabilis kaming tumalon ni Wheng para iblock siya sa ere.

Saktong sakto ang pagkaka salo ng kanang palad ko at sa pag spike niya sa ere ngunit mabilis ko itong tinulak pabalik sa kanya. Pumasok ulit sa kanila ang bola at nasalo ng libero nila at muling nag assist ng bola pabalik sa setter nila. Perpektong tinoss sa ere at muli na namang nag spike si Amber sa ibabaw ng net.

Nasalo naman ni Andi ang malakas na spike ni Amber ng walang kahirap hirap papunta sa setter. Patalong ipinasa ni Corazon sa direksiyon ko sa pamamagitan ng overhead passing ang bola sa ere. Humanap ako ng magandang tiyempo at agaw pansin ang sarkastikong pagngiti sa akin ng isang gasul girl na parang pinagtatawanan ako sa isip niya.

Tumalon ako ng mataas at malakas kong binayo ang bola sa ere sa direksiyong gusto ko. At bago ko pa maiapak ang paa ko sa floor nakita kong saktong nasalo ng mukha ni Jhorica ang bola. Na out of balance siya at paupong natumba.

Score namin.

'One Gasul Girl down!'

Mahilo hilo siyang tumayo at inalalayan ni Karen at ni Vhong. Dahan dahang dumaloy ang dugo sa ilong niya habang tumatayo. Mabilis na tumawag ng time out ang team captain nila. Masamang tingin ang ipinukol ni Amber sa direksiyon ko habang patalikod na naglakad pabalik sa bench nila.

"Yown, ang tinatawag na NOSEBLEEDING kahit hindi ka nag e-english!" mahinang biro ni Andi paglapit namin sa bench.

"HA HA HA HA!" tawanan nila at ang iba nagkuhaan ng tubig.

"Grabe, Lucky nakaka excite ang game niyo!" masiglang lapit ni Wesley sa harap ko.

"Salamat. He he he!" mahinang sagot ko. Tumingin ako sa side ni Kenneth pero busy siya sa cellphone niya at mukhang may ka text.

'Di man lang tumingen. Walang kwenta.'

"Wait kukuha lang ako ng wate nauhaw ako kakapanuod ng game niyo e!" at agad siyang tumalikod.

Umupo aat nagpunas lang ako ng braso at batok dahil sa pawis. At may biglang may malamig at basang bagay na tumama sa kaliwang braso ko.

Paglingon ko si Kenneth habang hawak ang isang bottled water.

"Oh." Duldul niya ng bote sa braso ko. Kumunot ang noo ko at napangiwi sa ginawa niya.

'Kapag nakita na naman 'to nung isa may bago na namang away sigurado.'

"T-Thanks." Mahinang sagot ko at alangang inabot yung bote ng tubig.

"Inumin mo yan masiyado ka kasing hot sa court." pabirong tugon niya.

"Bakit 'di yung ex-girlfriend mo ang bigyan mo niyan, masiyadong mainitin ang ulo eh." Nakangiting biro ko rin habang binubuksan yung takip ng bote.

"Tss..Akin na nga yan!" Biglang agaw niya sa bote na hawak ko at mabilis kong itinaas ang bote papalayo.

'Luh, ibibigay tas babawiin, Adik lang?

"Aaal aal mo!" pang aasar na sagot ko habang magkadikit ang katawan namin at nakikipag agawan padin siya sa bote.

"Psh, isip bata ka!" Inis na sagot niya at bahagyang huminto at saka muling itinuloy ang pag agaw sa boteng binigay niya.

"Pikon!" inirapan ko siya.

"Oh tama na ang swit-sweetan may laro pa tayo." Pagrinig ni Andi at bigla kaming huminto ni Kenneth at sabay na umayos ng upo.

'Lintik na negra 'to.'

"Oh!" inabot ko pabalik ang bote. "Subukan mong ubusin yang tubig ko at dugo mo ang iinumin ko kapag nauhaw ako!" Banta ko kay Kenneth at napapa nganga nama niyang tinanggap ang bote.

"Go Lucky! Galingan mo!" Si Wesely habang minamasahe ang likod ko bago ako bumalik sa court.

Nagkaroon muna ng substitute players ang kabilang koponan at laking gulat ko sa bagong player nila. Si MJ Belmonte ang pumalit na player kay Jhorica. Yung cheering squad member na palagi humaharang sa amin ni Andi at Marlon.

'Wow, kumpleto na ang Pink Rangers Squad!'

"PRRRRIIIIIITTTTTTTTT!"

Pinaikot muna ni Andi sa kamay ang bola bago ihagis ng mataas at saka bahagyang tumalon at pumalo ng malakas sa ere. Mabilis na pumasok ang bola sa kabilang court at nasalo agad ni MJ na ngiting ngiti at ipinasa sa setter nila na mabilis itinoss ang bola ng pataas.

Mabilis tumalon si Russel upang i-spike ang bola pero mabilis at magkasabay kaming tumalon ni Wheng para i-block ito pabalik. Sakto ang ginawang blocking namin ni Wheng dahil naharang namin ito sa ibabaw ng net kaya pwersahang tinulak namin ito pabalik. Pasok ang bola sa court nila. Nag high five kami ni Wheng.

Sablay ang spike ni Russel. Score namin.

Muling nag serve si Andi ngunit napalakas ang palo ng bola. Service error kaya score ng kalaban namin.

"OKAY LANG ANDRES! BAWI KA NA LANG MAMAYA!"

"GO MOCKINGJAY!"

"MOCKINGJAY FIGHT!"

'Na excite si Negra!'

Si MJ ang sumunod na nag service at nandun parin yung nakaka inis na ngiti sa mukha niya. Hindi kalakasan ang palo niya kaya walang kahirap hirap na nasalo ni Olive yung bola at naipasa kay Wheng na mabilis nai-set ang bola sa center back.

Bumuwelta muna ako ng maayos at mataas na tumalon. Malakas kong pinalo ang bola sa ere. Kahit hirap na nasalag ng libero nila ang tira ko matagumpay niya parin itong naipasa kay Karen ngunit alanganin ang posisyon niya kaya niya ang bola ng derecho sa court namin.

"FREE BALL!" malakas sigaw ni Andi at muntik na akong matawa ng umuga ang mga taba niya sa mukha.

"MINE! MINE!" sigaw ni Olive at pagkasalo ipinasa sa kay Corazon.

Mabilis na tinoss ni Corazon ang bola paitaas sa direksiyon ni Marlon na kasalukuyang nag aabang sa attack zone area. Mataas na tumalon si Marlon at mabilis na tumalon ang dalawang blocker ng kabilang team bilang depensa. Sa posisyon ni Marlon mukhang mahihirapan siyang malusutan ang dalawang blocker dahil mas matangkad ito sa kanya ngunit bago pa lumapat ang bola sa kamay niya imbes na i-spike ay itinulak lang niya paitaas ang bola lampas sa kamay ng mga blocker.

Dink shot. Score namin!

"Tsiken!" pinagpag ang dalawang kamay sa harap ng kalaban at kumembot kembot papuntang serving area.

"MARLON ANG KINIS MO SA PART NA YUN!"

'I WANNA SEE YOUR PEACOCK, COCK, COCK!

YOUR PEACOCK, COCK!

YOUR PEACOCK, COCK, COCK!

YOUR PEACOCK COCK!'

Malakas na nag cheer ang mga gwapong student IV-Peacock. Namumulang napalingon si Marlon sa mga gwapong cheerers niya. Kinawayan ako ni Dave ng makitang nakatingin ako sa bench nila at napailing lang ako sa hiya.

"PRRRRIIIIIITTTTTTTTT!"

Hawak ni Marlon ang bola at inilapit sa bibig niya at may kung anong ibinulong bago ihagis paitaas at saka malakas na pinalo ang bola. Mahusay ang libero player ng kabilang team dahil maagap nitong nasasalo ang bola kahit na alanganin. Walang alinlangan itong nag da-dive para habulin ang bola at maagap itong naipapasa sa mga kasama papunta kay Amber na kating kati ng pumalo kanina pa. A for effort.

Mabilis na tumalon si Corazon at Wheng sa harap ni Amber para i-block ang tira nito. Gigil na itinulak ni Corazon ang bola pabalik sa court nila ngunit bigla pumito ang referee.

"PRRRRIIIIIITTTTTTTTT!"

Violation. Corazon touch the net while trying to block the ball.

"Sorry guys! Hehehe." Natatawang sambit ni Corazon at nag peace sign pa siya.

Mayabang na naglakad si karen papunta sa serving area. Drinibol dribol ang bola.

"PRRRRIIIIIITTTTTTTTT!"

Hinagis niya paitaas ang bola at malakas na pinalo. Kagaya ng height niyang hindi umabot ang bola sa net. Service Error!

Umikot ang laro na palitan lang score. Parehong ayaw magpatalo ng bawat isang team at aaminin kong napapagod ako sa routine dahil sadyang may ibubuga talaga ang mga kalaban namin.

Dahil rotation na ako naman next nag serve ng bola. May naisip akong magandang idea para maagang matapos ang laro. Masaya 'to! Pinag aralan ko munang mabuti kong saan ko patatamain yung bola.

Sino kaya ang maswerteng sasalo ng init ng ulo ko?

Nakita ko agad ang nakakainis na ngiti sa mga labi ni MJ na parang nag aasar pa.

'Tingnan natin kung hanggang matapos ang game nakangiti kapa.'

"PPRRRRRIIIIIIITTTTTT"

Inikot ko muna yung bola sa kamay ko at hinagis palayo ang bola. Mabilis at patakbo akong tumalon sa ere saka ubod ng lakas kong pinalo ang bola sa direksiyon niya.

Parang kometa na bumulusok yung bola sa kabilang court. Nag slow motion sa paningin ko yung bola papunta sa mukha ni MJ. Bahagya siyang umilag kaya sa gilid lang siya ng tenga niya tinamaan. Naiwan siyang naka tulala at nakatayo dahil sa pag haging ng bola sa mukha niya.

"PRRRIIITTTTTTT!"

IN padin ang bola.

Malakas na naghiyawan ang mga classmates ko at sabay sabay pinupokpok ang mga bote ng mineral water sa mga upuan nila kaya lumikha ulet ito ng mas malakas pang ingay sa crowd.

Isang pagbati Miss Cheer Leader. Nginitian ko siya ng nakaloko.

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

'Mga abnoy mukha ba akong noodles!'

"Pamatay a ng Jump serve mo ses makukunan ang tataman ng bola!" natatawang wika ni Marlon.

"Tapusin muna ang laban sesshhie! idaan lahat sa service hahaha!" pang aasar ni Andi sa tabi ko.

"Baliw!" Natatawang sagot ko.

"PRRRRIIIIIITTTTTT"

Isang malakas na service spike ulit ang pinakawalan ko sa ere sa direksiyon ni MJ at sa pangalawang pagkakataon hindi parin niya ito nasalo kaya score pa din namin.

"HOY MJ ANO BA TATAYO KA NALANG BA DIYAN SA PWESTO MO?!" galit na sigaw ni Amber at parang dun lang din natauhan si MJ at umayos ito ng pagtayo saka sumeryoso.

'Isa ka pa Barbie antayin mo ang para sayo!'

Tamang lakas lang ang binigay ko sa pagpalo ko at nasalo naman nila saka pinasa sa setter at mabilis na i-set kay Amber na mukhang gigil na gigil na sa pagpalo. Hinarang ni Cora at Wheng ngunit dumulas lang sa kamay nila yung bola at mabilis namang nasalo ni Andi sa likod at ipinasa sa center.

Nasalo ulit ni Cora at tinoss sa ere at mabilis namang pumalo sa ere si Marlon na sinabayan ng mga blockers nila. Lumusot sa mga blockers nila ang tira niya. Pero mabilis itong nahabol ni Karen na halos mapaluhod sa pagsalo ng bola pero tagumpay na naipasa sa kakampi niya ang bola papunta sa setter at pabalik kay Vhong na biglang pumalo sa ere pero mabilis na naharang ulet nila Wheng at Corazon. Hulog yung bola. Pero sa court nila. Score ulit namin.

Kanino ko naman kaya patatamain ito. Tiningnan kong muli si MJ pero hindi na siya nakangiti sa akin at umiiwas na ng tingin. Si Amber ang nahuli ng mata ko dahil sa masamang tinging ipinupukol niya sa direksiyon ko.

Hinimas himas ko muna ang bola bago ko ihinagis pataas at isang malupet na jump serve ulet pinakawalan ko papunta sa direksiyon niya.

"KAAAPPPLLAAAGGG!"

Sumakto sa mukha niya ang bola. Buti nalang maagap niyang nasalag na parang boksingero ang dalawang braso laban sa tumamang bola. Ilang segundong nag mute ang paligid sa pagkabigla. Hindi siguro nila inaasahang may maglalakas loob na gawin yun kay Amber.

Tumalsik papunta sa harap ang bola at maswerteng nabuhay ng mga kasama niya at naibalik sa court amin.

Mabilis ang galaw ni Olive kaya naipasang muli kay Wheng ang bola na tinoss kay Marlon. Mataas ang naging talon ni Marlon at malakas niyang naipasok sa kabila ang bola ng walang kahirap hirap. Naiwang nakatayo sa gitna si Amber habang masamang nakatitig sa direksiyon ko.

'Nasaan na yung sinasabi mong swerte Barbie?'

Natapos ang GAME 1 na malaki ang lamang namin sa kanila.

SCORE: 25-12. Change court na.

KENNETH'S POV

Kapansin pansin ang husay at lakas ng grupo nila Lucky laban sa koponan nila Amber. Malakas ang depensa at opensa nila. May team work at nakaka aliw silang panuorin isa isa. Lalo na kung si Lucky ang tumitira ng bola. Kakaiba ang galing at lakas niya sa sport na ito. Kahanga hanga.

Ewan ko ba kung bakit di maalis ang paningin ko sa kanya mula pa kanina. Kakaibang husay at galing kasi ang pinapakita niya kaya ang buong gymnasium palaging isinisigaw ang pangalan niya.

'LUCKY ME? Tss, bagay sa kanya mainitin kasi siya masiyado.'

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

'Tsk tsk tsk. Number ko yang gamit mo kaya maswerte ka talaga.'

"Bro, grabe ang mga tira ni Lucky nakakatakot, tumatama lahat sa direksiyong gusto niya." namamanghang komento ni Wesley.

'Tss napansin din pala niya. May pakiramdam kasi ako na parang ginagantihan niya pa isa isa ang grupo ni Amber.

"Ganun ba?" Pa inosenteng sagot ko kunwari.

"Wala lang napansin ko lang masiyado lang mahusay ang pag kontrol niya sa bola."

"Napansin ko nga din sa kalagitnaan ng game naging kakaiba yung mga tira niya. Walang kalaban laban sa kaniya ang kabilang team kung itutuloy tuloy niya." Seryosong sagot ko at napalingon siya sa akin.

"Whoaa-- don't tell me nag aalala ka kay Amber?" Di makapaniwalang tanong niya at nakatakip pa ang isang kamay sa bibig niya.

'Tss, OA neto.'

"Its not what i meant Wesley. Nakita mo naman na masiyado siyang asintado si Lucky sa lahat ng tira niya diba?" Paliwanag ko sa kanya.

"Sabagay, nakita mo ba yung reaction ni Amber nung sa kanya pinatama ni Lucky yung bola. Grabe, kung hindi niya natakpan ng dalawang braso niya yung mukha niya siguradong tutumba siya." Natatawang kwento ni Wesley.

'Tama nga talaga ang kutob ko. Nauna na si Jhorica, sumunod si Mj tapos si Amber naman.'

"YEEESSSS! Grabe ang galing!" Biglang napatayo pa si Wesley dahil kahit tatlong blockers ba ang kaharap ni Lucky nanaig padin ang lakas ng palo niya kaya nakakalusot parati ang bola sa kabilang court.

'Nag try out na kaya siya sa Volleyball Team ng school? Malabo magkalapit lang ang gym ng volleyball player sa gym namin at never ko siyang nakita dun.'

"Nababanggit niya bang sayo kung varsity player siya sa dating school niya?" Tanong ko kay Wesley pagkaupo niya.

"Wala siyang nakukwento." Sagot niya pero sa court padin ang tingin niya. Tss! Kainis hindi man lang makausap ng matino.

Natapos din ang first set at sila ang panalo.

"Nakks! Lalakas talaga ng Mockingjay!" unang sumalubong si Wesley sa team nila paglapit nila sa player's bench kung saan kami naka upong magpinsan.

"Siyempre samahan niyo ba naman kami dito sa bench sinong hindi gaganahang maglaro?!" sabi ng Team Captain nila si Marlon.

"Itong si Lucky parang may lakad at minamadali ang laro. Ano seshie may taxi bang nag aabang sayo sa labas at kung makatira ka sa kalaban eh parang mababaldado sila?" Natatawang tanong ni Andi at sabay sabay silang nagtawanan.

Nalala ko na naman kagabi yung mabahong utot niya sa pool area nila Wesley. Grabe ang tawa namin at magkanda suka suka na kami ni Lucky sa kakatawa.

"Kailangan yun para ligtas na tayong lahat sa finals kay kalbo." sagot ni Lucky at bigla akong natawa dahil nakita ko ang makintab ng ulo ng instructor nila court na referee din ng game.

"Oo kaya next set galingan ulit natin." Singit ng isang ka team nilang babae.

"Susmeh kahit ata si Lucky nalang ang kumilos sa court solb na solb na." Banat ni Andi.

"Bugak, eh kung ikaw ipang salag ko sa mga palo nila kung di ka mamuti agad." Sarkastikong biro niya pero natawa sila dahil may kaitiman ang kulay ni Andi.

"Hoy, por yor inpormeysyon, tumatalab na ang gluta ko. Tingnan niyo mamula mula na ang balat ko!" Habang pinapakita ang braso sa lahat.

"Bakla TIGDAS yan wag kang ambisyosa!" Sagot nung team captain nila st nagtawanan na naman silang lahat.

'Kahit kelan walang makaka usap ng matino sa grupong to.'

Nakita kong tuwang tuwa ang pinsan kong si Wesley habang nakikinig at nakikitawa sa kanila. Binuksan ko nalang ang takip ng boteng hawak ko. Nauhaw ako. Grabe kahit malamig sa loob ng gym pinagpapawisan ako sa panunuod sa kanila.

Sunod sunod ang paglagok ko ng tubig hanggang sa muntik ko ng maubos Muntik ko ng maibuga yung iniinum ko ng makita kong nasa harap ko na si Lucky at nakataas ang isang kilay.

'PAKSSSHHEEETTTT!"

"SUBUKAN MONG UBUSIN YANG TUBIG KO AT DUGO MO ANG IINUMIN KO KAPAG NAUHAW AKO!

"DUGO MO ANG IINUMIN KO KAPAG NAUHAW AKO!"

"DUGO MO ANG IINUMIN KO KAPAG NAUHAW AKO!"

Nag paulit ulit sa pandinig ko yung huling sinabi niya at natulala ako.

*TUGDUG*

'Teka..'

*TUGDUG*

'Bakit..

*TUGDUG*

'Bakit ako kinakabahan...'

*TUGDUG*

'BRO HELP!'

Nag flashback ang lahat ng nangyari sa amin Carlisle Hall. Yung niyakap niya ako ng dalawang beses. Nung unang beses na narinig ko siyang kumanta habang nagpa piano. Yung amoy straberry niyang. Ang malambot niyang balat habang nakadikit sa balat ko. Ilang gabi din akong hindi makatulog kakaiisip sa mga yun at kahit anong gawin ko hindi siya mabura sa isip ko.

Ilang araw kong nilabanan ang sarili ko na huwag isipin ang lahat ng yun. Iniwasan ko ring hindi siya makita sa campus tapos ito ngayon kusang bumabalik na parang kahapon lang nangyari ang lahat.

"Hoy, anong nangyare sayo bakit namumutla ka?" Bigla niyang akong hinawakan sa noo at para akong napaso dumikit ang kamay niya sa balat ko. Mabilis na dumaloy ang dugo sa mga ugat ko. Naririnig ko yung malakas ng pintig ng puso ko. Bigla ring lumamig ang pawis na unti unting dumaloy sa noo ko.

"PLLLOOOOKKKK!"

Pinitik niya ng malakas yung noo ko.

"ARAAYYY!" daing ko habang sapo ang masakit kong noo.

"Ahh kaya naman pala inubos mo yung tubig ko eh." Nakapamewang na sambit niya sa harap ko at inagaw sakin ang bote.

"N-Natapon yan k-kanina pag alis mo. Oo natapon kanina natapon! Ha ha ha!" Malakas at biglang tawa ko kaya napalingon lahat ng kagrupo niya sa direksiyon naming dalawa.

'Sana bumuka yung lupa at kainin ako ngayon nah!'

"Bro are you okay? Gusto mo ikuha din kita ng water?" alok ni Wesley at bago pa ako sumagot na wala siya agad sa paningin ko.

"Ang weird mo." At saka tumabi sa akin habang sinisimot ang natirang tubig sa bote.

'Jesus, nakipag share ako ng bote ng tubig sa kanya. Ininuman niya at ininuman ko. In other words para na rin kaming nag....'

'WAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH'

*TUGDUG* *TUGDUG* *TUGDUG*

'THERE'S NO FUCKING WAY!'

'THIS IS NOT HAPPENING!'

'WALA 'TO, SIGURO NATUTUWA LANG AKO SA PERSONALITY NIYA.'

'TAMA MAGALING KASI SIYA MAG VOLLEYBALL AT MAGALING DIN SIYA KUMANTA.'

'OO, MAGANDA SIYA PERO LALAKE PADIN SIYA KENNETH.'

'PERO ANG LAMBOT LAMBOT NG BALAT NIYA AT ANG BANGO BANGO NIYA.'

'INFATUATION ANG TAWAG DIYAN, NORMAL AT NANGYAYARI YAN KAHIT KANINO.'

'HINDI AKO KAGAYA NG PINSAN KONG SI WESLEY.'

'HINDING HINDI PWEDE! KILALA KO ANG SARILI KO.'

'TAMA. TAMA. WALA LANG 'TO.'

"Hoy, Kenneth sigurado bang okay ka lang?" nag aalalang tanong ni Lucky sa tabi ko at hahawakan pa sana niya ulit ang noo ko pero mabilis akong umiwas sa takot.

"H-Ha? Of course why wouldn't i be okay?" Mabilis na sagot ko.

"Ahh. Binibiro lang kita sa tubig kinabahan ka na agad. Tss, mahina ka pala eh." Natatawang sagot niya. "Sige panuorin mo nalang laban ko para bumalik ang katinuan mo." Mayabang na dugtong niya.

"Psh, Mayabang ka dumami lang fans mo." seryosong sagot ko.

'Pero mas marami akong fans.'

"Di yun kayabangan payatot, TALENT YUN, TALENT!" at ngumiwi paitaas ang nguso niya. Nanuyo ang lalamunan ko habang nakapatitig sa mapulang labi niya.

'FUCK, I NEED TO GET FAR AWAY FROM THIS PLACE, RIGHT AWAY!' Malakas na sigaw ko isip ko.

"Hoy s-sinong p-payatot eh mas malaman nga ako k-kumpara sayo." Nauutal na sagot ko.

"Tss, pareho kayo ng ex mo mga patpat. Ano hobby niyo magparamihan ng bone marrow?"

"Huh-- yabang mo akala mo kung sino kang mataba!" Malakas na sigaw ko at nagtinginan ulet ang mga kasama niya sa direksiyon namin.

"Hindi talaga ako mataba. Dahil ganun ang mataba!" sigaw niya habang nakaturo sa direksiyon ni Andi.

Gusto kong matawa dahil nakita ko biglang nanlaki ang mata ni Andi sa sinabi ni Lucky.

"Hoy sinong mataba? Healthy lang ako. Palibasa pareho kayong walang makain!"

"PAKI KO!" Sabay na sagot namin ni Lucky. Agad kaming nagkailangan ng magtama ang mata namin.

"Ay taray dapat talaga sabay? Hindi pa nga kayo pero may LQ na kayo. Kung makapag bangayan sa harap namin parang nakatatlong monthsary na kayo.." nang aasar na sagot ni Andi.

"Manahimik ka Andres tatahiin ko yang bibig mo!" banta ni Lucky at napatakip si Andi ng bibig. "Akala ko utot mo lang mabaho pati pala yang hininga mo may chance na humabol sa utot mo." Mahinang dugtong niya pa.

"Bakit hindi ba LQ ang tawag sa ginagawa niyo?" Naka pamewang na humarap siya sa aming dalawa.

"LQ, anong LQ? Magkaibigan nga kayo pareho kayong mga abnoy!" at tinalikuran ko sila at nag lakad palayo.

"Bro, where are you going? Hindi pa tapos yung game! Paano 'tong water mo?!" Habol sa akin ni Wesley. Kinawayan ko lang siya ng patalikod at nagtuloy tuloy ako palabas ng gym.

"Dun sa malayo. Sa malayong lugar kung saan makakapag isip ako ng maayos." Mahinang bulong ko sa sarili ko at huminga ako ng malalim. Lumabas ako ng gym at saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Nakayukong tinahak ko ang daan papalayo.

*CLAP

*CLAP

*CLAP

"Finally, its confirmed.." huminto ako sa paglalakad ng may narinig akong nagsalita. Nakita ko si Amber na nakasandal sa isang poste."That..You..Are..Really... Into that faggot." Dahan dahan siyang lumapit sa akin.

"What do you want Amber." Walang kagana ganang tanong ko. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Wala ako sa mood makipag lokohan sa kanya ngayon sa dami ng bagay na gumugulo sa isip ko.

"Nothing really. Inalam ko lang kung totoo yung nakikita ng dalawang mata ko."

'Nothing daw pero ang bittern ng tono pananalita niya. Tss! Who care's.'

"Hindi ako interesado sa nakikita ng mga mata mo." Tumuloy ako sa paglakad ngunit mabilis niyang nakawakan ang braso ko. Kapag na aalala ko yung ginawa niyang pananampal nung isang araw umiinit ang ulo ko.

"Hindi pa tayo tapos Kenneth. Hindi pa ako nakaka ganti sayo." Madiing sagot niya kasabay ng pagbaon ng kuko niya sa kaliwang braso ko.

"Tss, enough with your silly games Amber. Its no longer funny." tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko kahit masakit.

"Who says my game will end up funny?" Mataray at taas noong sagot niya.

"The what do yo want? Another slap on the other side of my face? Or do you need another bottle of water to throw on my face para mabuo ang palabas mo?!" bahagya siyang napaatras ng pagtaasan ko siya ng boses. Tao lang ako at sumasabog kapag napupuno na ng galit.

"See? How that the faggot did to you? To us? I can't believe this, this is not happening." Nasapo niya ang sariling noo na parang nababaliw.

"To me? To us? Are you actually that DUMB AMBER?"

"W-WHAT?" sagot niya na tila ibang lenggwahe ang ginamit ko. Hinawakan niya ako sa magkabialng balikat at tinitigan ako na parang pinagaaralan ang buong mukha ko.

"There's never been an us." Dinahan dahan at binaybay ko ang bawat salita pra tumatak sa kukute niya. "You made that story on your own and please i don't want to get involved again on any of your childish drama Amber." Saka ko inalis ang mga kamay niya sa balikat ko.

"F-FUCK YOU!" Malakas na sigaw niya sa mukha ko.

Buti nalang walang tao sa labas ng gym kung hindi may bago na naman akong iskandalo.

"AND I'M FUCKING TIRED OF YOU TOO!" mas malakas na sigaw ko saka ko siya iniwang mag isa. Hindi na ako muling lumingon kahit ilang beses niya ng isinisigaw ang pangalan ko at nagtiti-tili na parang nasisiraan ng ulo.

ANDI'S POV

Ito na ata ang pinakamasayang araw ng buhay ko sa Carlisle. Dahil ito yung moment na ramdam ko ang normal na buhay estudyante at nai-enjoy ang pagiging teenager ko. Salamat at nakilala ko ang isang Lucky Shane Torres Gonzaga.

Ang kauna unahang estudyante na walang takot na sumagot sagot sa grupo nila Amber. Madalas man siyang pag initan ng mga insekyorang mga schoolmates ko hindi niya yun pinapansin. Masampal man siya hindi siya gumaganti. At ang dahilan niya babae yun at lalake siya.

Tungunu!

Majority ng mga students dito sa Carlisle Academy ilag sa grupo nila Amber at MJ. Hindi ito ang unang beses na may binu-bully sila pero sa pagkakaalam ko ito ang kauna unahang may lumaban sa kanila.

Nakakatuwa lang si Lucky dahil idinadaan niya lang sa pang aasar at pabalang na pagsagot ang mga nakakaengkwentro niya . Hindi siya kagaya nilang na nanakit ng kapwa students. Malakas lang siyang mang urat o mang darag ng estudyante saka ka pagtatawanan ng mga makakarinig.

At ngayon kasalukuyan kaming lumalaban sa last set ng game. Pinagbigyan lang namin sila sa Game 2 kaya umabot pa kami ng Game 3.

"SCORE: 22-23"

Lamang sila ngayon ng isa.

Si Lucky ulit ang server ng bola. Pinasa pasa niya muna sa magkabilang kamay ang bola. Paikot ang bolang hinagis sa ere at nag spike ng malakas na pumektus ang bola na parang shooting star sa kabilang court.

Mabilis na nag dive at hinabol ni Karen ang bola ngunit hindi nasalo ng kamay niya. Kundi nasalo ng mukha niya. Kundi pa siya tinulungan ng mga kasama hindi siya makakatayo ng derecho dala ng pagkahilo.

'Siraulo talaga 'to iniisa isa ang mga Pink Rangers.'

"SAPUUULLLLL!"

"HAHAHAHAHAHAHA"

"BULLS EYE! DA BEST KA LUCKY!"

"LUPEEET MO LUCKY AYLABYU!

Malakas na sigawang ng crowd sa makasaysayang pektus ni Lucky.

"SCORE: 23-23"

"PRRRIIIIIIIIITTTTTTTT"

Muling nag spike si Lucky sa ere para sa isang malupit na service. Hirap na nasalag yun ng libero nila pero nasagip naman ang bola kaya kahit hirap naipasa parin sa setter ang bola at isang mabilis na spike ang iginanti ni Amber.

Halos mag split na si Marlon para mahabol ang bola. Pero mabilis naman itong nahabol ni Olive at tinoss sa gitna at mabilis akong tumalon para i-spike ang bola. Ubod ng lakas na bumulusok ang kawawang bola sa kabila.

Ngunit mabilis na nasalo ni Vhong ang bola ngunit nawalan siya ng control sa lakas ng atake ko kaya na out of balance siya patagilid sa gitna ng court at tumilapon ang bola papalabas.

"MOCKINGJAY! MOCKINGJAY!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"MOCKINGJAY! MOCKINGJAY!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"MOCKINGJAY! MOCKINGJAY!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"MOCKINGJAY! MOCKINGJAY!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"MOCKINGJAY! MOCKINGJAY!"

'Nyetah! Ako ang tumira tapos si Lucky parin ang isinisigaw niyo!'

Malakas na sigawan sa loob ng gymnasium. Halos mabingi ako sa lakas ng mga nag chi-cheer sa amin. Tila wala kaming kapaguran at paulet ulet lang ang eksena. Nalusutan lang sila ni Lucky sa tuwing tinatarget niya ang mga Gasul Girls.

"Ano patayan na seshie?" Natatawang biro ko kay Lucky.

"Hindi pa, hindi pa tinatamaan yung target ko kaya wag ka muna magsaya." Singhal niya sa akin.

'Si Amber ang tinutukoy niya alam ko. At ito lang ang paraan naming makaganti ng legal na hindi mahahalata ng iba.'

"Isagad mo, yung parang matatae ako kakatawa." Napa bungisngis ako sa kanya at nag thumbs up siya.

'Aasahan ko yan bakla!'

"Tss. Huwag na baka magalit yung ex boypren niya." Pasimple akong napalingon sa bench namin at wala naman dun ang taong tinutukoy niya. "Siguro yung slight lang. Yung isang linggo siyang naka benda." Seryosong sagot niya.

'Slight ba yung one week na naka benda? Hard mo sesshiiee! Bwahahaha!'

Nag serve ulit siya ng bola pero napansin kong hindi na ito kasing lakas kagaya ng mga nauna niyang tira. Mukhang pinagbibigyan niya ang kalaban.

'Kapag tayo matalo igigisa kita sa luya at ampalaya!'

Nasalo ni Amber ang bola at ipinasa sa setter sa gitna. Tumalon ang setter ng mataas habang tinotoss ang bola. Mabilis na tumalon si Amber para umatake pero mabilis din sina Wheng at Corazon para i-block siya pero lumusot padin ang bola.

Nag dive si Olive sa likod para ma save ang bola at halos madulas ako para mahabol yung tira niya. Mabuti nalang at mabilis din ang reflexes ni Marlon kaya naitira niya ng walang hirap ang bola pabalik sa kabilang court.

Nasalo ito ni Karen at naipasa kay MJ na tinoss ang bola kay Amber. Sing bilis ng kidlat na tumalon si Amber sa gilid ng court at agad ini-spike ang bola na agad namang na block yung bola ngunit nahulog ito sa loob ng court namin. Score nila.

"SCORE: 23-24"

Nag serve ng bola si Amber. At kita kong masayang masaya siya tagumpay na makakamit nila kapag sumablay kami sa tira. Hinagis niya ng mataas ang bola at tumalon para mag spike sa ere. Hindi rin siya nagpahuli dahil ginawa din niya ang jump serve na ginagaw ni Lucky kanina.

Nasalo ni Olive ang bola at mabilis pinasa sa akin at mabilis kong pinasa kay Wheng para itoss sa gitna para kay Lucky. Mabilis ang ginawang head toss ni Wheng at nakita ko nalang na nasa erena si Lucky at parang nakalutang at perpektong posisyong binayo ang bola sa direksiyon ni MJ.

Walang nagawa si MJ sa lakas ng atake ni Lucky sa bola. Napa dive siya para pasalubong sa bola sa gitna ng court ngunit sumakto sa mukha niya tumama ang bola. Mabilis lumuhis at gumulong papalabas ang bola sa court.

"BOOM SAKIT SA PESLAK NUN!"

"GRABE NAKAKALOKA ANG LABANAN!!

"HINDI PA INTRAMURALS PERO SAME LEVEL NA!"

"THIS IS EXCITIIIIINGGG!!"

"LUPET MO LUCKY ME!"

'Masakit yun teh, sana nag cheer ka nalang sa kanila. Ha ha ha!'

"SCORE: 24-24"

"LUCKY WILL YOU MARRY ME?" Malakas na sigawan ng mga taga IV-PEACOCK na pinangungunahan ng gwapong gwapong si Dave Tan. Napangiti lang si Lucky sa kanila habang natatawa. Paglingon ko sa player's bench salubong naman ang kilay ni Wesley habang nakatingin kay Lucky.

'Asus, selos naman 'tong si Ongpauco!'

Si Marlon na ang sumunod na nag serve ng bola.

"Bakla umayos ka ipapa gang rape kita sa labas kapag yan sumablay!" Malakas na sigaw ko sa kanya.

"PUSH!" at nag sign of the cross pa siya bago tuluyang ihagis ang bola ng sobrang taas na at mabilis na tumalon at binayo ang bola ng malakas.

Pasok sa banga ang bola at mabilis na nahabol ng Russel ang bola saka pinasa kay Vhong ma tinoss kay Amber na mabilis na tumalon. Mabilis ang naging pag block ko at ni Corazon ngunit naisahan kami ni Amber.

Sa pag talon niya itinulak lang niya ang bola ng bahagya na parang nag lay up sa basketball. Dumaplis lang sa kamay namin ni Corazon ang bola. Sa kabutihang palad ay mabilis pa kay Tazmanian Devil itong si Olive bilang libero namin at nagawa niya mahabol at mabuhay muli ang bola.

May kataasang nai-set ni Marlon ang bola sa gitna na mabilis at walang alinlangang namang tinalon ni Lucky na parang nagda dunk ang posisyon sa ere at pinalo ito ng malakas.

Hirap pero nasalo parin ni MJ at ipinasa sa setter na nag toss ng bola galing sa gilid papunta ulit kay Amber na mukhang gigil na gigil na binayo ang bola papunta kay Lucky. At mapait na ngumisi ng nakakaloko.

Malakas na nagsigawan ang crowd dahil tumama ito sa ulo ni Lucky pero tumalbog ito ng maayos pataas. Magkasabay naming hinabol ni Olive ang bola. Nagkabanggaan kami at siyempre sa laki ko tumalsik siya at dumausdos sa sahig.

Ngunit maayos kong na i-save ang bola papunta kay Corazon at tinoss niya ng patalon ang bola sa ere papunta sa gitna. Mabilis na kumilos si Lucky na nasa likod at nag aabang ng pagtira.

Parang nag slow motion ang lahat.

Naging mabagal ang kilos ng lahat sa paningin ko. Kitang kit ako kung papaano nagtatatalon ang mg aaudience . May ibang nakatakip pa ang mga kamay sa bibig nila. Si Olive na nakahiga parin sa sahig ay dahan dahang tumatayo at nakitingin sa bolang dahan dahan paring umiikot sa ere.

'DIYOS KO LORD. MAG DA-DIET NA PO AKO NEXTWEEK AT IHIHINTO KO PO MUNA ANG PAG GU-GLUTATHIONE MANALO LANG KAMI PLEASE!!'

Dahan dahang tumatakbo si Lucky at bahagyang nakatingala sa ere. Seryosong nakatingin sa bola na kasalukuyang umiikot at kumikinang na disco ball sa ere.

Kitang kita ko ang bawat kilos at galaw ni Lucky. Kung papaano siya tumakbo at gumalaw ang iba't ibang bahagi ng katawan niya bago siya huminto sa gitna ng ilang segundo bago ibuka na parang pakpak ang mga braso.

Tila nawalan ng gravity ang lupang inaapakan niya ng bigla siyang tumalon ng mataas sa ere. Nagmukha siyang Agila sa paningin ko. Para siyang nakaluhod sa ere habang nakaliyad ang katawan. Ang kaliwang kamay ay nakaturo sa harapan. Ang kanang kamay naman niya ay naka pilantik ang mga daliri habang humahanap ng magandang tiyempo bago paluin ang bola.

Sa isang iglap nakita kong parehong tumakbo sina Vhong at Russel at magkasabay ding tumalon para salubungin ang paparating na atake ni Lucky. Mabilis akong pumuwesto sa ilalim net kung sakaling maba-block nila ang bola. Perpekto ang naging timing at position ni Lucky sa ere para paluin ang bola. Magkakapantay na halos sa net ang mukha nilang tatlo.

At muling bumalik sa normal ang lahat.

Malinamnan sa pandinig ang nilikhang tunog ng malakas at swabeng paghataw ni Lucky ng bola sa ere.

Bumulusok ang bola sa kabilang net sa pagitan ng matatayog na mga blockers nila. Tila napaso ang balat ng mga ito ng madikit ang bola at walang kahirap hirap itong nakalusot bago magtuloy tuloy sa gitnang parte ng court kung saan naka tayo si Amber habang nakatulala.

Perpekto sana ang position niya para masalo ang bola ngunit sa kasamaang palad mahusay sa target ang kaibigan ko. Muling nag slow mo ang buong paligid. Dahan dahan at detalyado kong nakita kung pa paanong tumama sa kanang pisngi ni Amber ang bola at halos matigalgal ang labi at mukha niya sa lakas ng impact ng nagliliyab na bola. Napaatras siya at napatumba ngunit mabilis niyang nai-angkla ang isang kamay sa sahig kaya napaluhod lang siya habang naka tagilid ang mukha.

'Para sa mga nasampal mo. Isang spike ng bola sa pisngi ang para sayo!'

"PRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIITTTTTTTTT"

"SCORE: 25-24"

Nabingi na ako sa lakas ng tili at sigawan ng mga students sa loob ng gym.

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

Patakbong niyakap ng mga team mates namin si Lucky sa gitna ng court. Nakitalon at nakisigaw na din ako sa pangalan niya sa sobrang saya ng pagkapanalo namin. Walang paglagyan ang saya sa dibdib ko at mnagiyak ngiyak ako sa kaligayahan dahil sa pagkapanalo namin.

Sinenyasan kami ng instructor namin na lumapit sa gitna ng court para kamayan ang kabilang team.

Lumapit naman kami sa gitna ngunit ang tatlong lalaking team mates lang nila ang nakipag kamay sa amin. Masamang masama ang tingin ni Amber at ng mga alagad niya sa direksiyon ni Lucky.

'Now this is war. Napahiya sila kaya walang katapusang away na naman 'to nextweek.'

"CONGRATS MOCKINGJAY!" pagbalik namin sa player's bench.

"MABUHAY ANG MGA BAKLA!" malakas na sigaw ni Marlon at lahat kami tumawa ng malakas.

"Congrats Lucky! You're pretty amazing!" At mabilis siyang niyakap ni Wesley. Lahat kami natulala sa naging eksena nila.

"Ano ba nakakahiya." Naiilang na sambit ni Inday ng mapansing lahat kami nakatingin sa kanila.

"Anong nakakahiya yakap lang naman yun hindi naman kita hinalikan." namumulang sagot ni Wesley.

'Ay may ganung eksena!'

"Basang basa ako ng pawis huwag ka munang dumikit sa akin." Naiilang na sagot ni Lucky at hindi makatingin ng derecho kay Wesley. Ang landi ng seshie ko!

"Ginalingan mo kasi masiyado Lucky! Alam mo kasing nanunuod si Ongpauco." Sigaw ni Corazon bago hinagisan ng puting towel si Lucky.

"Ang lagay siya lang ang yayakapin mo Wesley Ongpauco?" dinaan ko na sa pagtataray baka makalusot gaya kahapon.

At sa gulat niya mabilis siya ng nagtago sa likod ni Lucky.

"AHAHAHAHAHA HAHAHAHA!" Malakas na tawanan ng lahat ng ka team ko sa kanya.

"Oh siya GROUP HUG!" Sigaw ni Lucky.

At bago siya pagkaguluhan ng lahat nakita ko kung paano siya mabilis na pinihit ni Wesley saka niyakap ng mahigpit. Yung iba blurred na wala na akong nakita dahil kinuyog na siya ng mga taga hanga niya kasama na ako.

"MABUHAY MOCKING GAYS ESTE FOUR - MOCKINGJAY!"

To be continued...


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C27
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄