下載應用程式
14.28% Lucky Me / Chapter 9: Lucky Nine

章節 9: Lucky Nine

CHAPTER 9

LUCKY'S POV

Sa wakas natapos din ang isang nakakapagod na araw ng mahabang discussion sa klase. Sa sobrang haggard namin ni Andres muntik ng humiwalay ang mga kaluluwa namin sa mga katawang lupa namin. Kung nahihirapan sila mas hirap ako dahil naghahabol ako sa mga lessons nila dahil transferee ako. Buti na lang halos pareho lang ang turo sa dati kong school at dito sa Carlisle Academy. Mas advance lang sila ng slight dahil sa mga high tech at advance na gamit nila.

"Seshie, pwede bang sumama muna ako sayo?" Nakasimangot na lapit ni Andi habang nag aayos ako ng gamit sa locker. Hindi na maipinta ang itsura ni bakla. Baka nag aagaw buhay, nangingitim na e. Chos!

"Bakit? Nasaan na yung sundo mo?" Nagtatakang sagot ko bago ko isara ang pinto ng locker ko.

"Nasiraan daw kasi si Mang Lando nasa talyer pa at baka matagalan pa daw siya sa pagpapaayos." nginusuan niya ako at napangiwi naman ako. Baklang 'to parang nagpapak ng lechon sa kapal ang lip gloss niya.

"Tara daan muna tayo ng Computer Shop namen ipagpapalam ko pa kasi si Muning 'e." Aya ko sa kanya at nagliwanag ang mukha niya.

"Yan may bonding moment ulet tayo!" napaakap pa siya sakin at kilig na kilig.

"Bonding? Eh halos di na nga tayo maghiwalay dito sa school kailangan pa ng bonding?!" hindi makapaniwalang bulalas ko. Di paba siya nakukuntento? Kung tutuusin mas mahaba nga ang oras na kasama ko siya kesa magkasama kami ni Kuya Jiggs. Tss!

"Oo naman para makilala kita lalo." Isinandal niya pa ang ulo sa balikat ko.

"Sa bahay kana kaya tumira Andres para may pakinabang ka!"

'Lupet nito may bonding pang nalalaman halos magkapalit na nga kami ng mukha sa sobrang closeness namin sa classroom.'

"Talaga okey lang sa inyo seshie?!"

"Oo, kailangan kasi namin ng labandera, tara ipapasok kita ako ang backer mo!" Naka ngiting pangungumbinsi ko na may kasamang thumbs up para palong palong.

"Pakyu ka bakla mukha ba kong labandera?" masungit na sagot niya.

"Tseh, sa laki mong yan baka mangayayat kami sa bahay!" komento ko. Mamaya agawan niya pa ng pagkaen si Muning ko.

"Hoy malaki lang ako tingnan pero Coca-Cola body 'to seshie!" umikot ikot pa siya sa kinatatayuan habang nasa ibabaw ang parehong mga kamay.

"Alin dun yung two Liters?" at sinabayan ko ng malakas na tawa.

"Impaktita ka!" at para siyang toro ng umusok ang ilong niya.

Dahil hindi naman ako kasing yaman ni Andi at wala naman akong kotse o service na magsusundo araw araw tinahak namin ang daan papuntang sakayan. Kung ako lang mag dyi-jeep sana ako kaso nahiya naman ako kay Andres kaya pumara ako ng FX. Mahirap na baka pagpawisan mapagkamalan pa kaong tindera ng nagmamantikang letchon de leche. Bumaba kame ng Banawe dahil dun malapit yung computer shop at yung bahay namen.

"Huwaw ang "TUTYAL" ng Computer Shop! Sa inyo yan teh?" manghang mangha ang bayot akala mo ngayon lang nakakita ng pa-piso net. Chos! At anong tutyal diyan? Malamang mas bongga pa ang mga business nila kesa sa pucho puchong computer shop namin.

"Hindi kela Mang Lando yan. Ayan na nga oh nakasulat "Gonzaga Computer Cafe." nakangusong turo ko sa shop.

"Malay ko ba kung kela Alex Gonzaga yan!" Naka ngiwing sagot niya. "Ang healthy healthy mo talaga kausap LUIS MANZANO!" Hinila ko siya sa kamay at magkasunod kaming pumasok sa shop.

Pagpasok nakita ko sa counter si Tita Jack. Unang akong pumasuk kasunod si Andi at lumapit agad ako sa counter.

"Hi Tita Jack!" sabay abot ng kamay niya at nagmano. "Si Andi pala klasmeyt ko po." Senyas ko sa likod.

"Oh ano? Mahiyain ba yung kaibigan mong hindi nakikita?" Birong tugon ni Tita Jack.

"Sauce! Maitim lang pero sa laki niyan imposibleng hindi yan makita Tita Jack." Natatawa kong sagot.

"Hoy, Lucky ako nga tantanan mo diyan sa mga imaginary friends mo." Inambaan niya ako ng kotong at umilag ako bigla.

"Anong imaginary---" lumingon ako at wala nga sa likod ko si Andi.

'Hala Rugby pa! Asan na yung baklang yun?'

Hinanap ko si Andi sa loob ng shop. Pakshet! Sa itim ni Andres mahihirapan akong hanapin siya. Kakampi niya ang dilim! Sa kabila ng laki ng mga monitor ng bawat booth hindi naman ako nahirapang hagilapin ang ang nawawalang UNDIN dahil may kalaparan ang katawan nito.

And there... Ang bakla nakayuko at naglalaway sa tabi ng cute na estudyante na nakaupo. Naaawa ako sa mabibiktima niya at ang ikinakatakot ko baka ipasara ng city hall ang computer shop namin kapag may nagreklamo.

"Hoy Andres, halika nga dito!" Malakas na sigaw ko kaya napalingon sa akin yung ibang nandoon sa shop. Lumapit siya at halos mapunit na ang bibig sa laki ng pagkakangiti. "Ikaw bakla nalingat lang ako nagwalwal kana agad!

"Seshie ang daming gwapo dito. Bukas tambay ulet tayo dito please. Baka dito ko mahanap ang poreber ko!" Kinikilig na request niya. Tss!

'Haliparot! Dun ka sa mga talyer sa along Banawe ka maghanap baka nandun kasama ng sasakyan mong sira!

"Dumilim lang naghasik kana mahihiya nag paniki sayo Andres!" kinurot ko siya sa pigi at kumaway kaway lang siya sa isang lalaking nakatingin sa amin pareho.

"Sa gabi lang ako maganda seshie, 'di kagaya mo na 24/7 walang hali-holiday!" halos umikot ng 360 degrees ang ulo niya kakapili ng mga lalake sa paligid. Sa bagay ako nga kapag nagpa part time tuwing summer dito noon nabubuhay ang dugo ko. Hahaha!

"Tara, ipapakilala kita kay Tita Jack sumama ka saken." Sinenyasan ko siyang sumunod.

At sabay kaming lumapit sa counter.

"Tita Jack, ito na yung imaginary friend ko. Andi si Tita Jack. Tita Jack si Andi." Pakilala ko sa dalawa.

"A-AY MALIGNO!" Gulat na sigaw ni Tita Jack at napatayo.

'OA din eh.'

"Tita Jack tao yan muka lang lang lamang lupa."

O___O si Andi.

"Hoy Andres magsalita ka para ma "CONFIRMED kung tao ka nga talaga!" nakangising tugon ko saka siya siniko.

"Tita mo yan ba't mukhang Tito?" Napapatulalang tanong niya at kinusot kusot ang magkabilang mata.

"Hi Andres, nice meeting you." Inabot ni Tita Jack ang kamay niya.

"Ses anyare bakit siya mukhang otoko?" titig na titig siya kay Tita Jack.

(Otoko means lalake.)

"Siyensiya teh, dahil sa SIYENSIYA!" Sabay hila ko kay Andi papalapit saken.

"Its a miracle!" para siyang nahipnitismo. Tss! Ganyan ganyan ang madalas na bibiktima ng mga budol budol e.

"Jusko Andi saang bundok kaba nakatira?" irap ko sa kanya.

"Emerged seshie ang wirdo ng pamilya mo." mahinang bulong niya paglingat ni Tita Jack. "Ikaw mukhang girl, Tita mo mukhang boy. Baka mamaya Kuya mo seshie doble kara!" Nanlaki bigla yung mata niya.

"Ewan ko sayo! Doon muna kame sa Hugot Tita meryenda lang." Paalam ko at natatawang tumango si Tita Jack.

"Sige, pakainin mo yang kaibigan mo baka mangayayat naglalaway na oh." Natatawang nguso niya sa direksiyon ni Andi na hindi magkanda umayaw sa dami ng lalakeng nakikita sa loob ng shop.

"What pala time uuwe si Nanay?'

"Dadaan daw siya dito mamaya." At sinipat ang relo.

"Oh siya mauuna na ang diyosa at ang aliping sa gigilid!" kindat ko kay Tita Jack. Hinila ko si Andi papalabas ng computer shop at nakaakbay pa siya sa akin habang papalabas ng shop. Huminto kami sa kabilang side ng computer shop. Sa cafe resto namin na kadikit mismo ng computer shop.

"HUGOT CAFE sa inyo rin yan?" mahinang basa ni Andi sa tabi ko at paglingon niya tumango ako.

Yeah yeah, nag franchise kame ng isa dahil in demand ngayon ang coffee shop with a twist.

Mas malaki ang cafe compare sa computer shop namin dahil mas marami kaming customer doon kaya kailangan ng mas malaking space. Dahil malapit lang kame sa simbahan, sa isang private school at mga car shop dito sa Banawe dinadayo ang cafe namin dahil nag iisang cafe lang siya sa area.

"OMGeeehh! Matagal ko ng gustong magpunta sa ganitong cafe seshie, pinag uusapan kasi 'to madalas sa Social Media lalo yung mga hugot lines." At sa sobrang excitement nauna siyang pumasuk at iniwan ako mag isa sa labas.

'Yan ang tunay na kaibigan iiwan ka sa ere'

"Hi Jenny! Musta ang business?" bati ko sa cashier on duty.

"Hi Boss, anong sa inyo!"

"KAPAYAPAAN meron kayo?" birong sagot ko paglapit.

"Ay, Oo naman kelan mo gusto? Magpapa reserve naku sa St. Peter Chapel?" patol niya sa biro ko.

'Yan ang empleyado malakas din mandarag! Hahahaha!'

"Andi anong gusto mo?" tanong ko kay Andi habang abalang nagbabasa ng mga Hugot Lines sa Hugot Wall.

"LALAKE TEH, PIRAMIDE NG MGA HUBONG LALAKE!" Sigaw niya sa akin. Pinagtinginan tuloy kami ng ilang customer.

'Bwesit na 'to saan ako huhugot ng isang piramid ng mg ahubong lalake?'

"Okay.. Dalawang WAFFLE COUPLE , Isang PAASA Shake at isang KAPENG MATAPANG NA KAYA KANG IPAGLABAN."

"RIGHT AWAY BOSS!" masayang kuha ni Jenny ng orders namen.

"Two WAFFLE COUPLE, one PAASA Shake and KAPENG MATAPANG NA KAYA KANG IPAGLABAN for Boss Lucky please!" ulit niya ng order ko sa microphone sa counter.

"Sa labas muna i-serve inaantay ko si Nanay 'e." Sumaludo lang sya at niyaya ko si Andi na lumabas. Pumili kami ng bakanteng upuan sa gild ng cafe. Atleast dito sa labas pwede akong makapag bisyo.

"Mag kwento ka naman seshie.." naka pangalumbabang request ni Andi pag upo namen. Mahihiya ang paro parong bukod sa pagkumpas ng mahahabang false eyelashes ni Andres ng kumurap kurap pa ito na para magpa cute. "Huwag kang madamot ilang araw na tayong magkasama wala ka pang naikukwento sa akin!" Umirap lang ako bago ako tuluyang umupo. Sigh. Ito pa naman ang pianka ayaw ko dahil tamad akong magkwento.

"Once upon a time.. there was a princess name---"

***TOINK!!!

Kung gaano kabilis ang pagkumpas ng pilik mata niya ganun din kabilis lumipad ang pamaypay niya sa noo ko. Kinaltukan niya ako sa noo!

N-NEGGRAAAAAHHHH!!!

"Ang sabi ko magkwento ka ng tungkol sa buhay mo hindi tungkol sa fairytales!" talak niya at tumirik pa ang mata habang nagpa paypay. Ang sarap kayurin ng namumuong ube sa kuyukot ni bakla. Siya pa talaga yung galit, siya na nga yung nagpapa kwento.

"Pwede naman palang sabihin ng derecho nagpapahula ka pa."

"Kahit kailan ang hina mo kasing pumick up!"

"Tseh!" Sinhal ko. "Itong lupang kinatatayuan ng shop at cafe nabili to ni Nanay at Tatay nung nasa abroad pa ang tatay ko."

"Wait..saan na pala parents mo?" nakapangalumbabang tanong niya.

"Mag se-seven years old ako nung mamatay ang tatay ko. Engineer siya sa isang construction site sa Qatar at sa kamalas malasan nadamay siya sa aksidente sa construction site while on duty." Maikling salaysay ko. Bata pa ako noon kaya hindi ko rin masiyadong ramdam ang pagkawala ni Tatay. Si Nanay at Kuya Jiggs ang emosiyonal kapag nabo-brought up si Tatay sa usapan.

"Sorry to hear that seshhie. Continue.."

"Kaya yun.. yung perang nakuha namin kasama ng lahat ng benefits ni Tatay sa matagal niyang pagta-trabaho abroad ang ipinambili namen dito at sa ibang properties namin." Napangiti ako habang tinititigan ko ang dalawang magkatbing establisiyemento.

"Naalala ko ang sabi mo may kapatid ka pang lalake seshie, tama ba?"

"Si Kuya Jiggs.. sa Makati yun nagwo-work as Software Engineer. Baka dumaan yun dito mamaya." Wala sa sariling napangiti ako ng mabaling ang tingin ko sa computer shop kung saan kami madalas tumambay ni Kuya Jiggs.

"Wow ang gwapo siguro ng kuya mo seshie..ang ganda mo kasi 'e." Yan diyan siya magaling sa pang uuto niya. At siyempre dahil uto uto ako kaya yun ngumiti ako habang naka peace sign parang koreaning hilaw lang. Chos! "E ang momshie mo anong work?" sunod na tanong niya. Tamang tama naman dahil kabababa lang ni Nanay sa Taxi at makita ako sa labas ng Cafe bigla siyang naglakad papalapit sa kinauupuan namin ni Andi.

Tumayo ako kaagad at nagmano.

"Nay mano po." magalang na bati ko.

"God bless you anak." Nakangiting tugon niya at hinalaikan ako sa noo.

"Nay si Andres Bolivar Jr. Andi for short. Classmate ko." Pakilala ko at napangiwi ako ng makita kong nanlalaki ang mga mata niya at tila gulat na gulat.

"Juice colored!" napahawak pa siya sa matambok na pisngi niya. "Si Ma'am Gonzaga talaga ang mommy mo seshie?" hindi makapaniwalang bulalas niya.

'Kingenang yan OA neto akala naman niya first lady yung nanay ko ng bansang to!'

"Yeah, last time i check." Nagtatakang sagot ko sa kanya. Luh, bakit hindi niya alam? Sabagay hindi rin naman siya nagtatanong.

"Nice meeting you Andi." Nakipagkamay si Nanay pero imbes na makpag kamay nagmano si Andi.

"Likewise Tita, kung alam ko lang OH JUICE COLORED! Sa dami ng alipusta saken sa Carlisle sana matagal na po akong lumapit sa inyo MOMSHIE!" Madramang litanya ni Andi.

"Bakit iho may problema ba kayo ni Lucky sa school?" nag aalalang tanong ni Nanay. Pasimple kong inapakan ang paa ni Andi.

"Ahh---- wala naman po Tita ha ha ha!" biglang bawi niya at pinandilatan ako. Sa diin at sigurado akong napisat yung mala luya niyang kuko sa paa.

"Nay may inampon ako pusa galing sa school pwede ko bang iuwe sa bahay?" pagliko ko sa topic nila dahil ayokong magtanong pa si Nanay at maunggkat pa yung sagutan namin ni Amber sa parking lot.

"Sige ikaw ang bahala basta ikaw ang magpapakaen at maglilinis ng dumi ng alaga mo." Malambing na sagot ni Nanay. Alam niyang mahilig ako sa pusa mula pagkabata kaya palagi niya akong pinagbibigyansa tuwing may baging recruit ako.

"Yes Ma'am!" tumayo ako ng tuwod at sumaludo.

"Oh siya mauna na muna ako sa inyo at may iaabot lang ako sa Tita Jack mo." Nakangiting paalam ni nanay bago tumalikod.

"Ingat po Tita." kaway ni Andi habang papalayo si Nanay.

"OMGEEEEEEEHHH!" nagulat ako ng bigla siyang napatili. "Hindi nga si Queen Elizabeth ang mommy mo seshie pero ang Nanay mo naman ang guidance councilor naten. Now this is exciting!" Excited at parang nabunutan ng tinik ng balyena sa dibdib ang itsura ni Andres.

"E ano naman kinalam ni Nanay sa kasiyahan mo, bakit manghihinge ka rin ng baon?"

"Kahit kailan talaga ang hina niyang kukute mo!" sundot niya sa sindto ko. "Maganda ka lang talaga seshhie, maganda ka lang!"

"E ano nga?" hindi ko siya ma gets.

"Por dios por santo!" napa sign of teh cross pa siya sa sobrang ka'Oahan. "Alam mo naman yung eksena naten dun sa mga Mean Girls diba?"

"S-Sino yun?" nakangusong sagot ko.

"Maygad! Sila Amber sino pa ba?"

"Oh, yung tatlong kulafo na nakasagutan ko sa parking lot?"

"TINAMAAN MO BEH!"

'Mean Girls na ba yun? Ahhh akala ko mga Pink Rangers! Ha ha ha'

"So ano konek?"

"Please listen very carefully." Tumikhim pa siya at nag cross arm. "Hindi mo na itatanong sesshie napangasawa kasi ng mommy ni Amber ang may ari ng Carlisle Academy. Si Sir Carlisle Rodriguez III. 1 year old pa lang si Amber noon ng mag asawang muli ang Mommy niya." Ganadong kwento ni Andi.

"Oh?"

"My point is.. Lahat ng makakating babae at vaklush na sumubok lumapit kay Kenneth james Ang o kahit ng mga nakaka bangga ni Amber ay na kick out or nag ki-quit sa school in no particular reasons." At sabay supsup sa PAASA SHAKE niya.

"Oh anong kinalaman ni Nanay sa kanila?" nagtatakang tanong ko pero sinenyasan ko muna siyang manahimik dahil dumating na yung order namin after three years. Ang tagal naman ata nilang lutuin hindi naman Kare-Kare at nilangang baka ang inorder ko ah?

"Kamote ka talaga LUIS MANZANO!" inambaan niya na naman ako ng hampas ng pamaypay niya. "Di ba nga pinagbabantaan nga tayo ni Amber napapatalsikin niya tayo kapag hindi natin tinantanan si Kenneth James Ang?" Sabay subo ng malake sa WAFFLE COUPLE niya.

"Ahh. Yun ba?" Walang kaganang sagot ko. "Problema nga yan." Dumapot ako ng waffle at ginaya ang malaki niyang pagsubo. Humanda talaga sakin ang magpinsang yan kapag napatalsik ako sa academy.

"HALLELUYA! Nakuha mo din ang pinupunto ko."

"Ganda ka lang talaga sesshie pero mahina ka sa Arithmetic!"

'Teka may subject ba kameng Arithmetic?'

"Sana lang talaga kausapin ni Kenneth si Amber." At nagbitaw ng malalim na buntong hininga. "Malalagot ako sa parents ko kapag ma kick out ako sa school." Malungkot na kwento niya pa. I feel him mas malalagot ako kay Nanay at Kuya Jiggs kung malalaman nila ang kababawan ng pagka kick out ko. Hindi biro ang tuition fee ko kahit malaki ang discount ni Nanay. Sa dati kong school scholar ako kaya walang problema.

"Subukan lang ng mga Pink Rangers na yun kantiin tayo sa school at pagpapalit palitin ko ang mga ulo nilang tatlo." Seryosong sagot ko kay Andi.

"P-Pink Rangers?" Nagtatakang tanong ni Andi.

"Oo Pink Rangers." Dinukot ko ang kaha ng sigarilyo sa bulsa ng bag ko. "Diba lagi silang naka all pink? Yung Amber na mukhang praying mantis sa kapayatan." hindi ko mapigalang manlait kapag naaalala ko kung gaano kasakit ang boses niya sa tenga. "Tss! tatlong guhit lang ata yung babaeng yun sa timbangan sobre e." natatawang paliwanag ko.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA!!!" malakas na tawa ni Andi.

"Juice ko, ano nung ipinanganak siya hindi pa uso ang bigas? Bagay na bagay sila ng boypren niyang payatot magkiskisan sila na parang bamboo stick sa harap ko WAPAKELS!!" at paitaas kong ibinuga ang usok.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" tuloy parin ang malakas na taw ani Andres n amaluha luha na.

"Tapos yung Jhorica at Karen na alalay niya?" hinampas ko ng mahina ang dulo ng mesa. "Yung mga pandak at matatabang yun? Psh! Anong peg nila mga GASUL!?"

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" napayuko na si Andres sa mesa kakatawa halos lahat ng dumadaan nakatingin saming dalawa.

"Huwag ako Andtrd! Huwag ako!!!" Mayabang kung sagot saka ko tinungga ang KAPENG MATAPANG NA KAYANG KANG IPAGLABAN! Hehehe!

ANDI'S POV

Hindi lang tinik kundi parang itak ang nabunot sa dibdib ko ng matuklasan kung mommy ni Lucky si Ma'am Gonzaga na Guidance Councilor namin. Bakit ngayon lang niya sinabi? Wala man lang nagsabi sa akin tungkol dun? Hindi ko rin naman siya masisisi dahil bukod sa hindi talaga siya pala kwento, nasabi din pala niya yun sa harap ng marami nung time na nadapa siya sa flag ceremony.

Quiet lang mga seshie.. Diba nga sumakit ang tiyan ko at nasa CR ako nun kaya na late ako sa klase ni Sir Adam. Hehehe! Pero laughtrip talaga tong si Lucky pagkasama ko. Minsan tahimik lang pero kapag bumanat pucha daig pa panlalaet ng mga bakla sa comedy bar. Ha ha ha!

"Sesshhie may itatanong ako sayo sagutin mo ako ng seryoso ah." inilapit ko yung upuan ko sa tabi niya. "Anong sabon ang gamit mo?" pabulong na tanong ko.

"Tipaklong ka akala ko ba seryoso?!" pinukpok niya ako ng menu list sa ulo. Seryoso naman ako ah?

"Di nga ang ganda ganda mo kasi seshhie, Kenneth James Ang at Wesley Ongpauco? Maygad!" pinangigilan ko ang pisngi niya. Ang lambot mga seshie parang ng kutis ng baby. Alagang alaga siguro ang seshie ko sa kanila.

"E kung sungal ngalin kita nitong straw ko!?" inilapit niya ang straw sa mukha ko. "Isa pa yang magpinsan na yan.. Mga gwapong gwapo din sa mga sarili eh." Naka ngiwing sagot niya at muling itinusok ang straw sa drink ko.

"Bakit 'di ba sila gwapo sa paningin mo? At seshhie pacheck kana ng mata advance level na yang kataratamo!" Maasim kong sagot.

"Gwapo naman kaso hindi lang talaga maganda yung paraan ng unang pagkakakilala ko sa kanila kaya hindi rin sila kaaya aya sa paningin ko." Seryosong sagot niya. At muli niyang isinalaysay kung paano niya nakilala ang dalawa dahil narin sa pangungulit ko.

"Talaga sinabihan kang stupid? Ha ha ha ganun talaga yun si Kenneth may pagka masungit minsan pero mabait yun sa mga fans niya." Napahawak pa ako sa dibdib dahil naalala ko kung gaano siya kagwapo.

"At kelan ako naging fans niya?!" singhal niya. "Payatot na yun.. wala bang kanin sa kanila at ang ampayat payat niya?" Sarkastikong sagot niya na ikinangiti ko.

"Hindi naman ganun kapayat, OA mo seshie. Bakit ayaw mo dun ang cute cute nga eh." Dinunggol ko siya ng braso sa balikat.

"Ayoko! Kamukha niya yung ex crush ko." Nakangusong sagot niya bago umirap.

'Wow ang seshie kong saksakan ng wirdo alam ang salitang crush! Thank you Lord!'

"S-Sino seshie? Dali sabihin mo gusto kong malaman kung sino!" inalog alog ko ang balikat niya. Maygad minsan lang sapian ng malanding ispiritu ang seshie ko sasamantalahin ko na!

"Si J-Jack Reid." Nahihiyang sagot niya at biglang pinuno ng pagkaen ang bibig.

'OMG pareho kami ng crush? Sa bagay hindi magkalayo ang ganda namin ni Lucky kaya hindi malabong iisa rin ang gusto namin pagdating sa lalake.'

"KKKKKKKYYYAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" malakas na tili ko dahil crush na crush ko din talaga si Jack Reid. Pina follow ko yun sa Instagram, sa Twitter at kahit yung mga fan page niya sa Facebook. Ka gwapong nilalang manang mana sa Kuya! "So ibig sabihin nun crush mo rin si Kenneth?" paglilinaw ko.

Umiling iling siya bilang tugon.

"Talkshit ka! Naging crush mo si Jack Reid pero hindi mo bet si Kenneth? Para kayang pinagbiyak na bunga yung dalawa e!"

"Ayoko sa mga lalaking masiyadong nagpapapogi." Casual na sagot niya habang ngumunguya. "Hindi ako mahilig sa gwapo."

"Pero sa cute Oo?" at saka siya tumango. "Cute kaya ni Kenneth 'di ibifg sabihin crush mo!" giit ko pa. Imposibleng hindi niya bet si Kenneth. Sayang may chemistry pa naman sila, sabagay weird nga pala 'tong kaibigan ko. Sigh.

"Si Harry Styles ang ultimate crush ko." At bigla siyang kinilig sa sinabi.

"Bakit kapa nagpapakalayo layo 'e ang dami naman dito sa atin. E si Wesley bet mo ba sesshhie?" na e-excite ako bigla bagay na bagay kasi sila.

"Isa pa yang ulupong na yan ginawang goal post ng soccer ang ulo ko!" halo sumabot sa ilong ang nguso niya.

"Hahahahahaha ang cute cute kaya niya sesshhie."

"Oo naman aminado naman akong gwapo yung kulugong yun." Biglang pag amin niya at dinaig ko pa ang nakakita ng isangtumpok ng kayaman sa panlalaki ng mata ko.

"Ayiieeeee si Lucky lumalantong na!" panunukso ko sa kanya at ngumiti naman siya. Itulak ko kaya 'to sa gitna ng kalsada. Jusme ang swerte swerte ng bayot na 'to dahil una siayng nilapitan ng isang Wesley Ongpauco.

"Titigalan mo nga ko mamaya may makarinig sayo siraulo ka!"

"Aminin mo parang mas pina gwapong James Teng si Wesley Ongpauco diba?" at tumango siya bilang pagsang ayon.

"KKKYYYYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!" Sabay kaming nagtilian sa mesa ni Lucky.

Weird pero simula nung makilala ko si Lucky never pa siyang nagkwento about sa type niya sa isang lalake o kung nagka dyowa na siya. Sa school maraming gwapo pero parang walang dating sa kanya. Kahit ang magpisnang Kenneth at Wesley parang wa epek ang presensiya sa kanya. Si Sir Adam Villanueva lang yung namumukod tanging naaalala kong nagwapuhan siya at alam kong kagaya naming lahat pinagpapatansiyahan din niya si Sir Adam. Huwag ako Inday!

May tinatago tong baklang to eh. Malalaman ko din yan. Sa tamang panahon. 

**Evil Smile

'Hala! Anong sabon nga daw ba ulet yung gamit niya?!'

LUCKY'S POV

Sa tuwing nagagawi ako sa parking lot nagpa flashback parati ang napag usapan namin ni Kenneth sa nung isang araw. Grabe, ngayon ko lang napatunayan na hindi lang pala talaga siya kamukhang kamukha ni Jack Reid kundi kasing lamig din siya ng ugali ni Jack Frost.

Lintek na payatot yun, ang aga aga sinisira ang araw ko. Bagay na bagay sila ng dyowa niyang si Barbie, parehas may tagas mga utak nila.

Una, Inuutusan niya akong layuan ang abnoy niyang pinsan. Para ano? Masamang impluwensiya ba ako sa pinsan niya? Ako ba ang unang lumapit sa kanya? Tinanong niya ba ang opinyon ko kung gusto ko silang kasama? Nakaka insulto yun sa pagkatao ko.

Bakit mukha ba kaming nag du-droga ni Andi? Oo si Andi mukhang pusher kaya nga kailangan niya ako para mag blend in kami at hindi siya mahalata. Ching!

Siya nga itong dapat ang lumayo sa pinsan niya dahil sa kapayatan at taas ng mga balikat niya mamaya ma OPLAN TOKHANG pa sila at madamay pa ang pinsan niya. Maygad! Don't me!

Ilang araw na akong parang tulisan at praning kakatago baka makita o makasalubong si Wesley Ongapuco. Ginawa ko na yung ipinag uutos ng dyowa ni Barbie si Ken.. si Kenneth mahirap na baka may masabi pa siya sisikuhin ko talaga ang adams apple niya. Kung pwede nga lang gumawa ng tunnel papuntang canteen nagpagawa na ako para kakaiwas 'e. Kapagod Ate Charo!

"Oh, kakaen na tayo huwag ka ng bumusangot nalulukot yang magandang mukha mo." Sabay lapag ni Andres ng mga inorder niyang pagkaen sa table namin.

"Salamat Andi." Ngiting sagot ko at mabilis akong dumampot ng french fries sunod sunod ang pagsubo ko. Kailangan magmadali baka magpang abot pa kami ng mga kulugong yun dito.

"Hoy, dahan dahan one hour break natin hindi 10 minutes. Kaloka ka!" saway ni Andres.

"One hour ba? He he he!" pagak na tawa ko.

"Baka iniisip mo hindi ko napapansin ang kawirduhan mo? Sinong tinataguan mo? Si Wesley? Si Kenneth? o si Amber?" casual na tanong ni Andi habang ngumunguya.

"OLOBDEMABAB!" singhal ko.

"Si Barbie este Amber, Oo pero si Wesley bakit?" Dahil ayoko din namang itago sa kanya at para makatulong na rin siya problema ko kinuwento ko yung naging engkentro namin ni Kenneth nung isang araw. Except yung dahilan ni Kenneth na bad influence ako sa pinsan niya kaya niya kami pinaglalayo.

Ang totoo tinamaan ako dun sa sinabi niya. May punto naman siya hindi rin magandang sumasama si Wesley sa patapong bakla na kagaya. Si Kenneth nga na hindi ako lubusang kilala hinusgahan ako ng ganun lang, what more kung malalaman pa nila ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito sa eskwelahang 'to.

"W-WHAAATT? SINABI NIYA TALAGA YUN?" nabitawan niya ang kinakaen at mabilis na tinungga ang 500ml na softdrink at nagbukas pang isa. "S-Seryoso seshie?" hindi parin siya makapaniwala.

"Your heard it right darling. Hindi ko alam kung bakit pero wala naman sigurong mawawala kung susundin ko siya."

"Pero bakit seshie? Kung kailan naman unti unti ko ng naaabot ko na yung mga pangarap ko." Madramang tugon ni Andi at napayuko.

"Maabot mo rin yun papayat ka lang para lumiit at humaba yang mga biyas mo!" natatawang biro ko.

"Litsi ka!"

"Mas maganda na yun atleast magiging payapa ang buhay natin. Walang Pink Rangers, walang mga nakaka bad vibes na mga tao!" nakangiting kumbinsi ko.

"No no no no.." parang pinagsakluban ng langit at lupa si Andres sa kaartehan.

I feel you Andi. Kahit ako nagtataka sa biglaang desisyon ni Kenneth. Akala ko naman kahit papaano magiging okay na ang lahat matapos ang masayang ganap namin sa canteen nung isang araw. Wala nga silang ginawang magpinsan kundi ang tumawa. Ginawa nilang katatawanan ang mga kamalasan ko nung first day ko dito sa Carlisle. Pero tulad ng gelpren niya pareho silang nagbabalat kayo sa likod ng mga itsura nila.

Gusto rin kaya akong iwasan ni Wesley? Galit din kaya siya sakin? Natatakot kaya siyang mahawa sa kabaklaan namin ni Andres? Kasi kung mali ang lahat ng hinala ko bakit ilang araw na siyang hindi nagpapakita. Bakit na miss mo? May umepal na naman sa crowded na utak ko.

"Akala ko okay na ang lahat dahil masaya pa tayong apat noong isang araw. Last na pala yun. Sana pala nagpa picture at hinalikan ko na sila kung alam kong last na yun." Mangiyak ngiyak na kwento ni Andi.

"Sauce, daming arte akala ko ba maraming gwapo dito sa campus? Umayos ka awra ka na lang sa iba sasamahan kita huwag ka ng malungkot Andres!" cheer ko baka sakaling bumalik ang sigla niya.

"Oo maraming nga pero sila yung nasa top list ng mga pinapangrap kong boylet!"

"Forget about them. I'm sure makakahanap ka ng mas gwapo at mas mabait kesa sa mga yun."

Malungkot na tinapos namin ni Andi ang lunch break. Ngayon dalawa na kaming praning na umiiwas maghapon dinaig pa namin ang mga bampira na ingat na ingat na huwag tamaan ng sikat ng araw.

Atleast hindi na ako nag iisa. Tatlo na kami.

Ako, si Andi at si Andi ulet. Ang laki niya 'e so parang dalawang tao narin.

"Seshie, dahil malungkot ako samahan mo namang akong mag shopping sa weekends para mawala yung sakit ng nararamdaman ko." Matamlay na sabi niya habang naglalakad kami palabas ng school.

'Luh, OA nito akala mo naman nakipag break sa kanya yung magpinsa kung maka inarte.'

"Geh, geh gusto ko rin lumabas wala naman akong gagawin sa bahay this weekend eh." Mabilis na sang ayon ko. Nakakatawa at nakakaawa yung itsura ni Andi dahil halatang na depress siya sa sinabi ko.

"Thank you seshie you're the best." Niyakap niya ako ng patagilid.

"Look, Andi hindi mo naman kailangang iwasan si Kenneth o Wesley. Ako ang may problema dito ayaw ni Kenneth na dumidikit ako sa pinsan niya. Kaya free ka paring gawin ang gusto mo." Seryosong paliwanag ko. Ayoko siyang idamay sa gusot ko dahil ako lang naman ang pinagbawalan ng payatot na yun hindi siya kasama.

"Ayos lang naiintindihan ko. Siyempre package deal tayo kung nasaan ka nandun din ako. Kung makikita ko sila makakasalamuha mo rin sila. Gets mo?" malungkot na paliwanag niya pero mukhang na plantsa na yung pagkakagusot ng noo niya kumpara kanina.

"Alam ko pero hindi mo kailangang magpa lungkot ng ganyan. Di lapitan mo sila tapos lalayo ako." Nagsalubong ang kilay niya.

"Seriously, I'm fine seshie." Tinapik niya ako sa braso. "In the first place hindi rin naman siguro lalapit ang mga yun kundi rin kita kasama. Remember ikaw ang lucky charm ko?" at saka siya ngumiti yung ngiti ng Andres na kilala ko.

"I'm sorry." Wala sa sariling usal ko. Hanggang dito ba naman nakakahawa parin ang mga kamalasan ko.

To be continued...


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C9
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄