Meyoooow. .meyooow!"
Muntik ng bumulanghit ng tawa si Zach pero binatukan siya ng dalaga.
"Pusa lang pala!" anito sa mga kasamahan.
Hinila ng dalaga si Zach papalayo, nang bumalik sa normal ang paligid.
Nang makalayo layo na sila she stop at sinipat ang sarili, she was wearing a white blouse, while Zach was wearing a dark polo shirt.
Walang pag alinlangan hinubad niya ang damit sa harap ng lalaki.
"What are you doing?"
Ani Zach na biglang napalunok ng laway.
"Remove your shirt—!"
"Why?"
naguguluhang tanong ni Zach, there's no way Sophie would have such thought in the middle of this jungle?
Sophie read what was running in his mind.
"Save your stupid idea, Mr. Accuesta!"
anyang inangilan ito.
"Makikita nila tayo sa malayo with this blouse, you get it?"
Madilim dilim pa pala just incase matunugan ng mga yon ang pagtakas nila, madali silang matunton.
White colored dress will light in the dark lalo na pag nasinagan ng flashlight.
"What—are you just going to stand?mamaya kana magmuni muni, I'm dying in cold here!"
aniya sabay bahing tila natauhan naman si Zach, hinubad niya ang pang itaas na damit, naalala niyang kulay itim din pala ang suot niyang sando.
Napakunot noo siya, how did Sophia knew—?
"You hate everything that has white on it!"
aniya ng mabasa ang nilalaman ng utak ng lalaki.
Again he was shocked, how on earth did she knew about it?
"Stop dawdling—we have to move our ass before they realized we're gone!"
Anyang hinila ang kamay ng lalaki. They were running like an eternity when Zach could no longer move, he was so tired.
"Stop—we have to stop, atleast five minutes!"
Hinihingal nitong sabi, Sophia look around and found out na malayo layo na sila.
"Ok fine, but still we have to stay alert!"
"Yes, boss!"
They both sat on the grass. It was already a break of the dawn as the sun starts to rise from the east.
Sophia noted that they were in the northern side of the country base on the sun.
Meanwhile. .
"Anong kabobohan itong pinaggagawa ninyo?"
Nagulantang ang lahat mula sa mahimbing na pagkatulog ng makarinig sila ng malakas na sigaw.
"Boss napaaga ata kayo?"
Anang isa sa mga kidnapper na antok na antok pa.
"Tanga!"
anitong binatukan ang lalaki.
"Buti nalang pala napaaga ako rito, mga gonggong kayo!"
Inis na inis na bulyaw ng kanilang leader ng madatnan nitong nakahilata pa ang mga damuhong niyang tauhan.
"Eh boss—"
"Saan na yong babae? Anong ginawa ninyo sa kanya?"
"Wala ho boss!"
napakamot sa ulong depensa ng isa sa mga tauhan niya.
"kidnappers lang tayo hindi tayo rapist,umiwas kayo sa mga babae kung ayaw niyong magkadaletse letse yang mga buhay ninyo!"
"Yan na nga po boss eh, gabi na kasi kami nakarating dito, tapos wala palang pantali, kaya—"
"Kaya ano?" nakakunot noong tanong ng kanilang amo.
"Nirolyo namin sila sa—"
"Ang laki ninyong tanga paano kung nakatakas yong mga yon?"
"Malabo ho, boss!" nakangising sambit ng lalaki. "Mahigpit po ang pagkarolyo namin sa kanilang dalawa!"
"Dalawa?—Anong dalawa?"
napamulagat na tanong ng kanilang amo.
"Diba't babae lang ang target natin?"
"Nakita kasi kami nitong lalaki, sinama nalang namin!"
"Anak ng putang ina!"
he gritted his teeth at akmang susuntukin ang lalaki.
"Itali niyo mga yon, mga wala kayong kwenta. Pag nakatakas yong mga yon malilintikan kayo sa akin"
anitong nasabunutan ang sariling buhok sa sobrang inis.
"Boss. . Boss bad news ho!"
Anang namutlang lalaki.
"Ano?" anito at patakbong sinugod ang kinaroroonan ng mga bihag.
"Anak ng! Wala talaga kayong kwenta mga inutil!" anitong pinag tatadyakan ang kanyang mga alipuris.
"Ano pang ginagawa niyo mga gago kayo? Bilisan ninyo ang pagkilos ng di pa nakakalayo mga iyon, mga inutil"
Inis na inis na naghuhurumintadong leader.
"Ma'am bad new ho, nakatakas po yong dalawa!"
Bungad ng lalaki ng tawagan niya ang master mind sa pagkidnap kina Sophia.
"Ang la'laki ninyong tanga! Anong dalawa pinagsasabi mo?"
"Maam may kasama hong lalaki yong babae?"
"What?"
napabulalas na tanong ni Moira. Bigla niyang nahilot ang sentido.
Kung may kasama ang bruha isa lang ang ibig sabihin non, si Zach!
She intended to keep them apart, but what the hell is this? Anyang di makapaniwala.
Are they really destined with each other kayat pati panahon nakikisama sa kanila?
Is there really a thing like that? No way! It's impossible, Zach would never be smitten by that witch so easily. He just probably wants something new!
Pakunswelo niya sa sarili, she had known Zach long ago to know what kind of man he is.
"By any means don't hurt the man, wala akong pakialam ano man gawin niyo sa babae, kill her, shoot her, I don't care but never lay a hands sa lalaking kasama niya naiintindihan mo ba?"
"O. .opo maam!"
natatarantang sagot ng lalaki.
Nagulantang si Sophia nang makarinig siya ng nagsisigawan sa may di kalayuan.
She realized they both fell asleep, her head was on Zach shoulder and they're sitting side by side. Mataas na nuon ang sikat ng araw at medyo masakit na sa balat.
Marahil ata sa puyat at pagod kaya't di nila namalayan ang uras.
"Ouch!"
Reklamo ni Zach ng bigla niyang inangat ang ulo mula sa balikat nito.
"I'm sorry!"
she said apologetically at pinaraanan ng kanyang hinlalaki ang nasaktang labi ng lalaki.
Zach blink his eyes to many times namumungay pa ang mga mata nito na tila ba teenager na nagpapantasya.
"This. .
Bigla namang binawi ni Sophia ang kanyang kamay at patay malisyang tumayo.
"We have to get moving, Zach. They already found out!"
"Huh?"
Sophia was about to move ng paglingon niya nag unat pa ang lalaki ng kanyang katawan.
"Zach, for pete's sake! Hurry up!"
"I'm coming!"
Anito na nilampasan pa siya, they both run. Medyo may kasukalan na ang kagubatan kanilang pinasukan.
"Don't tell me may ahas dito?"
"Kung may ahas sa libro, anong tingin mo sa lugar na ganito?"
She answered sourly, mamatay na sila't lahat lahat kung ano ano parin pumapasok sa kukuti nito.
They suddenly stop ng makarinig ng malakas na pagbagsak ng tubig.
"Talon!"
They both said in chorus.
"This is not a good sign Zach!"
Ani Sophia sa lalaki. She recalled, the rules of the jungle. Pag may talon ibig sabihin there's no way out except to jump on it, the water itself goes into the open water.
"Don't tell me. .we don't have another way except—"
"Exactly!"
ani Sophia na kinumperma ang kutob ng lalaki,
Zach groan. "Sophie, I had acrophobia—!"
"And so Am I!"
Ani Sophia, the truth is she's not pero she had to lie to calm him down.
"Kahit ikutin man natin itong lugar na ito, we still have to jump, either way!"
They reach on the cliff.
Sophia looked down, tinantya niya kung gaano kalayo ang distansya ng tubig mula sa kinaroroonan nila.
"Whoaa!" di niya mapigilang sambit.
Ang lugar kung saan sila naroroon ang pinakamataas sa lahat, they don't know how deep the water is but they still have chance to survive pag sa mataas sila ng galing.
"Zach!" untag niya sa lalaki. "This is exactly the best place for us to jump!"
"Just leave me Sophie!"
Napatitig siya sa mga mata nito, No way! she thought stubbornly and dragg him.
"Try to looked, don't worry aalalayan kita!"
"Itutulak mo lang ako wag nalang!"
Namamaktol na sabi ng lalaki, he was determined not to fall in Sophie's scheme for the second time.
But Sophie was also determined to make Zach followed her.
"Zachary!"
She yelled at him.
Zach jerked, napalingon lingon siya na tila ba narinig niya ang boses ng kanyang lola.
"I never thought you're such a coward!" anya habang hinihila parin ang lalaki.
"Are you going to jump or I'm going to kill you?"
They were like playing tag of war, Zach maintain his foot on the ground with all his weight while Sophia was dragging him with all her strenght.
"Come here!" she grit her teeth.
She glared at him imperiously, she was already tired of dragging him. Zach was like a bull as he's body was in perfect shape while she's petite.
It was like a goat dragging a bull.
"You're stubborn as a mule!"
inis na inis niyang sabi sa lalaki.
"Forget the wedding, I won't marry you anymore!"
"Are you serious? just because—"
"What's the use? I don't want to marry a ghost. Gusto mong mamatay dito eh di bahala ka sa sarili mo!"
Anya na inilang hakbang ang naturang talampas, wala naman sa sariling napasunod si Zach sa kanya.
"This isn't fair!"
"Ayon sila, bilisan na ninyo!"
Narinig na nila ang mga boses ng mga taong naghahabul sa kanila bago paman makasagot si Sophia.
"Fine, you're not going to jump!"
"Good!" ani Zach
Then, Sophia smiled wickedly sabay hawak sa pulso ng lalaki.
"We're going to jump— together!"
"What?"
Anya at walang pasabing hinila ang lalaki, by impulse Zach followed her and they both jumped, together.
Their screams echoed, sa lahat ng sulok ng kagubatan. Pero mas malakas pa yata ang tili ni Zach kaysa kay Sophia.