@International_Pen
CHAPTER 470
@International_Pen
((( Shin POV's )))
Pagkatapos nga ako bitbitin ni Jeff sa harapan ng tauhan ng Elder, di ko na nakuhang makilala kung sino yung nakakulong nga sa library. Bumalik doon si Jeff, para balikan kasama niya na parang may hinahanap nga din.
"Shin." tawag sa akin ni Missamy.
Na kung di ako nagkakamali ang kasama ni Jeff noon ay ang kapatid ni Missamy na si Juan Carlos. While yung batang babae si Missamy.
"Pasensya ka na. parang di talaga makakausap si Jeff ngayon. Saka seryoso ka ba na dito ka muna matutulog? Wala kaming extra na higaan kundi sofa lang."
"It's okey for me."
"Okey. Maghahanda lang ako ng hapunan natin."
Pinagmamasdan ko siya habang may ginagawa sa may kitchen counter. Nang,
"Hoy! Wag mong pagpapantasyahan ang asawa ko." hampas ni Jeff ng cushion pillow sa akin. "Sinabi ko nang umuwi ka na."
"Jeff." saway ni Missamy dito.