章節 530: Chapter 314 It's My Responsibility
Bakit ako? Teka lang?! Bakit ako! Kasi nilayasan na ako ni Jeff. "Jeff!" at di na ako hinarap na may ngiti na sa labi niya. Ako ba dapat talaga yung maguilty dito? Ang unfair mo Jeff, iniwan mo talaga ako sa ere na wala akong alam! Tapos bakit naman ako maguguilty?! Inaasar ka lang ni Jeff. Problema na niya ito.
Ngunit kinahapunan, habang naglilinis ang mga katulong dahil sa mga ginawa ni Ivy, biglang bumaba si Jeff na nagmamadali. "The Elder was on his way."
Na siyang nagkatitigan kaming dalawa dahil tumutulong ako sa paglilinis. At hinila na niya ako para hintayin na ang Elder. Si Jeff, di ba siya nagagalit sa ginawa sa kanya ng Daddy niya? Sabagay siya naman talaga yung nagkusang saluhin lahat ng pamamalo ng Elder. Ngunit sana wag na nila itong gawin sa harapan ko. Dumating na yung mga sasakyan. At naunang pinagbuksan si Mother In Law na lumapit sa akin at napabeso ako dito saka si Jeff na napamano na lang din dito.