Nakakairita lang dahil parang may tumabing negative sa akin, at pagmulat ko nga ng mga mata ko si Jeff na ginawa nang official room ang silid ko. Babatukan ko sana, kaya lang nakonsensya ako dahil halata namang wala pang pahinga si Jeff. Bumangon na lamang ako, at gaya ng dati ginawa ang everyday routine ko na batiin ang boung paligid ng napakagandang umaga.
Unat kamay at kaway-kaway sa mga ibon na nagliliparan, ilang araw na lang lalayasan ko na ang napakagandang View dito sa pamamahay ni Jeff.
Hi Mr. Sun… it's Saturday, alam ko at iwas stress mode muna! Sa mga tao dito sa pamamahay ni Jeff nakakabad mood. Minsan sarap nilang tirisin, but no need, dahil alam ko naman na maganda ako. Talbog ng kagandahan ng puso ko ang kanega nila.