章節 368: Chapter 151 Why I will do that?
Nang matapos yung buong araw na event, agad akong bumalik ng tinutuluyan kong unit. Nadatnan kong tulog si Missamy, at alam kong pinakalma ito ng mga doctor. Nagsi-alisan na ito nang bumalik ako, at wala daw akong dapat na ipag-aalala.
Lumapit ako kay Missamy. Sana naman nadala na siya at natuto. Wag niya akong hinahamon. Wala kang kakayanan Missamy na makipagtigasan sa akin.
Nang magising ako, si Jeff parang naulit na naman yung scenario na mamumulatan kong nagbabasa ng document at kunot noong iniintindi ang laman ng papel. Namalayan niyang napaupo bangon ako. Napatwingkle-twinkle ako ng kamay ko. Humanda ka sa akin Jeff. Binali-bali ko.
At humarap na ako sa kanya.
"I have no time to deal a fight with you Missamy." Sabi na lang niya sa akin para matigilan ako sa binabalak ko. "Ginawa ko lang ang nararapat. Sana may natutunan ka." Tumayo na siya at lumayas na ng tuluyan sa paningin ko. Sumunod ako sa kanya.