章節 301: Chapter 84 Just Eat Missamy
Ngunit di ako makatulog dahil nanadya talaga si Jeff. Tipong alam mo na hindi ka lang ang naririto sa silid. Haist.
Matamlay akong bumangon… at pumasok ng banyo… dito na lang ako matulog, may lock pa.
Napatitig ako sa salamin.
Pasaway pa more Missamy. Ayaw mo naman ata mabahala si Carlos na hinahanap na nga ang sarili sa ibang bansa.
"Jeff… kain na tayo. Baka sakaling… iwan mo na ako diba dito mag-isa?"
Inalis ni Jeff ang paningin niya sa binabasa saka ako tinapunan ng paningin.
"Good." Tumayo at kinuha yung mga gamit niya.
Napakamot na lamang ako sa ulo ko…
Concern lang si Jeff sa mukha niya na baka sirain ni Kuya Carlos.
Hahaha… amazing, takot kay Kuya talaga.
Pababa na kami ni Jeff sa hagdan ng lumingon siya sa akin.
"Wala na bang ikakabilis ang lakad mo MIssamy?"
"… Anong problema sa paglalakad ko Jeff? Mauna ka na… nanamlay lang talaga ako."
Ngunit lumapit siya sa akin… at di na ako nakapagsalita ng binuhat niya ako.