"Uy bata.... tahan na."
"... paano ako tatahan... tayong dalawa lang ang andito sa masukal na lugar na'to!"
"...hindi ah. Andami kayang paru-paro oh."
"Ano naman magagawa ng paru-paro."
"...eh, ano pa ba ang magagawa rin ng iyak mo?"
"... natatakot ako..."
" mahahanap din nila tayo. Kaya wag ka ng umiyak."
Patuloy sa pag-iyak ang batang babae ng...
"...sumasakit tuloy ang ulo ko sa'yo."
Natigilan ang batang babae...
Tinignan niya ito...
"...namumutla ka."
Saka niya sinapo ang noo ng batang lalaki...
"May lagnat ka..."
Tumango yung batang lalaki.
"Dapat ako ang umiiyak di'ba?"
"Masama ang pakiramdam mo?"
"Oo...kaya wag ka ng umiyak..."
"Sigurado ka bang mahahanap nila tayo."
"Oo. "
"Uulan..."
"Kasi umiyak ka kasi."
Tumayo yung batang lalaki...
"Hanap tayo ng masisilungan habang di pa umuulan."
Inilahad ng batang lalaki ang kamay niya sa batang babae.
Inabot naman ito ng batang babae.
Nang tumulo na ang ulan...
Agad silang nakasilong sa malapad na dahon.
Aby! Yung Promise ko sayo... here na, though matagal na pala ginagamit ko yung name mo. Ahahahaha. Naisali na kita sa Kwento, pero hangang dito na lang!
Readers! Hangang dito na lang!
Joke lang... hahaha, alam ko hihingi kayo ng Special Episode...slash Chapters... I love you so much Readers! Mahal kayo ng baliw na Author na ito. Wag lang kayo gumamit ng Calculator sa exam! Titirisin ko kayo!