DERICK >>>
Wala parin si Claire.
Gabi na.
Nakatulog na rin ang anak ko.
Asaan na siya...
ZHIO >>>
"Maganda ba yung byahe mo sa panaginip mo?"
"Ang daya nga po. Di niyo po ako ginising."
"Kasi naman pati pagiging antukin ng Mommy mo minana mo."
"First place pa lang yun di'ba?...babawi na lang po ako sa second place."
"Gabi na eh. Sige, matulog ka na."
"Hindi pa po ako puyat."
"Hmmm.."
"Isama niyo na po ako...please."
"No. Gabi na. Next time na lang, okey."
"...sige po. Ikamusta niyo po ako kay Mommy kapag nagkita po kayo."
"Sure...sweet dreams."
Iniwan ko na si Kevin.
Dahil sa ngayon, gusto kong balikan ang lugar kung saan kami unang nagkita ni Claire...
May kakaiba kasing tumutulak sa akin...
Para pumunta roon.
"Sa-saan ka pupunta?"
Si Ivy.
"Uuwi din ako."
CLAIRE >>>
"Hangang dito na lang po siguro Manong...
Salamat po."
Saka ko nilingon ang dating lumang kapilya na ngayon...bagong-bago na.
Pangarap kong ikasal dito...
Please naman Author, pwede mag usap na sila? Pagpa usapin mo na... Usap lang ang kailangan nilang dalawa