"...ito na nga siguro ang huli kong pamamaalam sa'yo. "
Zhio>>>
Napangisi ako sa mga salitang nakasulat doon.
Ngunit sa ngising yun di ko itatangi na biglang bumigat ang dibdib ko at halos triple ang bilis ng tibok ng puso ko.
Di ko rin maintindihan ang nararamdaman ko...
"Iwan niyo muna ako."
Deo>>>
Ako ang huling lumabas sa silid na yun.
Napailing ako ng masarahan ko ang pinto.
At ang kailangan ko gawin...manaliksik sa mga nangyayari.
Kumuha ako ng larawan ni Miss Claire.
Lumapit ako sa Service Crew na umabot ng sulat.
Inilahad ko sa kanya ang larawan.
At itinanong ko kung siya ba ang babaeng nag-iwan ng sulat.
Di niya daw sigurado.
Kaya nagtataka na talaga ako ng sobra.
Nasunog ang office area ng barko.
At higit sa lahat...
Nawawala o umalis si Miss Claire...
Nakakasigurado ba silang wala si Miss Claire sa barkong 'to?
May tinawag akong tauhan.
"Alamin ang pagkatao niya at mga koneksyon niya lalo na tungkol sa kompanya."
"Makakaasa ka Sir."
Hi Reader, isa pa, wag tayo selfish, kung di tayo mahal ng tao, wag gahaman... Masaya naman tayo na makitang Masaya sila diba? Bakit natin ipagkakait? Wag na natin pilitin ang sarili natin sa taong di naman kaya suklian ang love mo. Just love yourself. Aahahahaha. Yang romantic love kasi nakakasira yan ng pagkatao lalo na kung di naman talaga pwede. Ang importante lamg naman, marunong tayo magmahal.