<<<< Deo>>>>>>
Inalalayan ko si Miss Claire sumakay ng taxi... Dahil kailangan ako ni Sir Zhio kaagad.
" Miss Claire... I'm sorry. "
Umiling siya.
" Mas mabuti ngang nangyari 'to sa akin Deo..."
Napabuntong hininga ako.
Kung may magagawa lang ako.
"... Mag-iingat na lang siguro kayo."
Saka ko kinausap yung Driver...
Na ihatid si Claire sa bahay nito ng maayos.
Nang makaalis...
Haist. Pasaway talag ang dalawang yun.
Sarap pag-umpugin ang ulo...
Pabalik na ako nga... Makasalubong ko si Sir Zhio kasama ang mga tauhan niya.
Di siya matutuloy umalis.
" Make sure tomorrow puno ang schedule ko." Napatango na lang ako.
Sumunod na rin ako...
Nang makaharap niya ang sasakyan...
" Susi."
" Pero Master Zhio.. "
" Ibigay mo na sa akin!"... Galit niyang utos sa isa niyang tauhan. Kaya agad nitong ibinigay kay Zhio.
Sumakay siya sa isang sasakyan at binantaan ang mga tauhan niyang huwag siyang susundan.
Pinatakbo ang sasakyan ....
Takbong hinahabol si kamatayan.
Wala kaming nagawa...
Alam ko... Mainit ang ulo ng dalawang yun... Dahil nagkasagutan na naman na di inaamin ang totoo sa isat-isa at higit sa lahat di nila kayang aminin sa sarili nila na may nararamdaman sila sa isat-isa.
Ang magagawa ko lang...
Ang tawagan ang mayordoma ng Zel Cantheliz upang ipaalam ang nangyari kay Zhio.
<<<< Atty. Wenziel>>>>>
" ... Hindi natuloy ang pag-alis ni Zhio. Buti naman." Tugon ko ng marinig ko ang sinabi ni Sya.
" ...ngunit kanina ko pang hinihintay ang pag-uwi niya... Natatakot ako sa sinabi ni Deo... Na umalis si Zhio sakay ng isang sasakyan ng mga tauhan niya... Matulin ang pagmamaneho niya... At ang dahilan... Nagkasagutan si Miss Claire at Master Zhio...Hindi ako mapakali baka napanu na siya."
" Sinabi yun ni Deo. Sa tingin ko nagkaroon ng mainit na pag-uusap ang dalawang yun. Haist... Sige na ako ako na ang bahala. Papahanapin ko siya sa mga tauhan ko."
" Sige."
Umakyat na si Sya.
May tinawagan ako na agad namang nagsikilos.
Dumating Si Dr. Eriez...
Yun ng malaman niya na di natuloy ang pag-alis ni Zhio... Parang nawalan ng tinik...Ngunit ng malaman niya kung ano ang nangyayari parang tinutubuan na namn ng panibagong tinik .
Dumating ang mga tauhan ko... Akay si Zhio. Lasing na lasing...
Halos lantang gulay ang hitsura.
" Lasing na naman ang duwag."
"...I-akyat niyo na siya sa silid niya."
Ngumiti ako at napailing kay Dr. Eriez.
Naupo ako...
" ... Relax's Eriez... Parang gumaganda na kwento...Nasasaktan yan kaya nagkakaganyan...at higit sa lahat marunong na rin mag-selos... At sa tingin ko kailangan na niya ng tulong....
At kumilos na rin tayo para sa kanya."
Napabuntong-hininga si Dr. Eriez...
" Ano pa nga ba."
<<<< Zhio>>>>>
Tsk. Ang sakit ng ulo ko!...
" Aray...."
Napabangon ako...
Nasa loob ako ng sarili kong silid.
Pssh.. Sino na naman kaya ang sumundo sa akin. Tss... Ang sakit...
Naglakad ako.... Pumunta ng banyo...
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
F*ck.
Tinignan ko ang relo ko...
Eleven Forty-two AM.
Tss..tanghali na...
Nang pumikit ako... Pagmulat ko bigla kong inumpog ang ulo ko sa salamin...
Kaasar.
Mas mabuting mahalin! Tss ...ako yung tumutulong sa kanya hindi ang antipatikong lalaking yun!
F*ck, Sh*t!!
Panira ng araw!
Bitak ang salamin.
At lalong nabasag ng sinuntok ko yun bago lumabas ng banyo.
Pagbukas ko ng pinto sa silid ko.
" Magandang umaga Master Zhio."
" Bulsh*t."
Anong maganda sa umaga?!
"... Nasa lanai po Sina Atty. Wenziel at Dr. Eriez... Gusto nila kayong makausap."
" Hindi sila pumasok."
" Hindi po."
Bumaba ako.
Nang makarating ako sa Lanai.
Nag-iinuman ang dalawa...
" Ayan na pala ang Virgin na anak ni James." Bati sa akin ni Dr. Eriez.
May tama na sila.
" Uy, magandang umaga Zhio. Wanna join to us."
Anong nangyayari sa dalawang 'to.
" Hindi ka pa yata nag-aagahan."
Tss.. Naupo ako. Ang gusto ko lang gawin ngayong umaga ang uminom.
" Lasengero na rin pala ang anak ni James. Tsk!tsk! Kapag sumunod na ako sa ama mo Zhio... Bahala ka isusumbong kita sa mga pinag-gagawa mo. "
Uminom ako...
Ngunit...
" Anong klaseng alak ba'to?"
Di ko gusto ang lasa...
Parang tsaa lang...
Pero hindi naman alak.
" Hindi yan bagay sa'yo. Heto..."
Saka inilapag ni Dr. Eriez ang sang boteng alak...
Ewan kung anong klase.
Basta ng mainom ko...
Matapang masyado...kaya nagustuhan ko ito inumin. Pero ang bilis naman yatang mag-init ng katawan ko.
Will this plan make them success?